You are on page 1of 8

WORKSHEET SA

‘[

FILIPINO
9
https://www.google.com/search?

q=mga+nagaaral+kartun&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiI-
fC57ODrAhUPq5QKHdYjADAQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1280&bih=578
WEEK
2 Pagbibigay-Kahulugan at Paghahambing
sa mga Pangyayari
Aralin

Pangalan:_________________________________________________________________________

Baitang at Pangkat:__________________LagdangMagulang:______________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Ibigay ang denotasyon at konotasyon ng salitang may salungguhit sa


loob ng pangungusap.

1. Ang mg anak-pawis ay marunong matiis ng gutom.

Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________

2. Isang gabi, umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla.


Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________

3. Sinorpresa sila ng ama ng kaluwang palad nito.


Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________

4. Ang kanyang amo ay kilala na may matigas na loob pero mabait na tao.

Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________
5. Bumulwak ang wagas na pagmamahal ng ama sa kanyang namatay na anak.

Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________

6. Ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipunong balikat


ng ama ay nakatatakot tingnan.

Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________

7. Bunga ng ugali ng ama kaya takot na takot ang kanyang mga anak.

Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________
8. Maging ang ilaw ng tahanan ay walang magawa sa inaasal ng asawa.

Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________

9. Walang puso ang kanilang ama sa pagkakataong iyon ng kanilang


buhay.

Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________

10. Pusong bato ang umiral sa pag-uugali ng kanilang ama.

Denotasyon=_____________________________
Konotasyon=_____________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Pumili ng isang telenobela sa taong 2020 na iyong naibigan. Kumpletuhin


ang nasa talahanayan.

____________________________________________

Pamagat ng Telenobela

3 4 5

2 6
Pagsunod-sunod ng mga

1
Pangyayari 7

Tauhan at Tagpuan Kahalagahang Pangkatauhan


Pagsusuri ng Maikling Kuwento WEEK

Aralin 3
I
Pangalan:_____________________________________________________________

Baitang at Pangkat:______________________Lagda ng magulang:______________

NANG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN


(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr.
Romulo N.Peralta.
Sa kaniyang muling pagsasalaysay, ang pangalan at ilang mga
pangyayari ay pawang mga kathang-isip lamang.)
Bunsong anak si Adrian sa tatlong
magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang
propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang
nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay
ang pamilya, natupad ang pangarap niyang
maging isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng
pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at
mga kapatid na nakapag-asawa rin nang
makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip
kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana
na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor,
pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang
pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin
man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang
mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa
kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili
sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng
kaniyang buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang
lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay.
Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na
operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na
sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa
kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na
pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang
kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang
pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon
ng panahon para sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa
katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag kayo’y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na
makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang
kotse. Walang imik na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang
lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang
daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan
ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang
ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang
luha ng anak.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.
“Wala po, Dad.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy
rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban
ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga
at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin
ito ni Adrian.
“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y
nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.
Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,
palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw.”
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik,
muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa
lugar kung saan sila nanggaling.
Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Ibuod ang napakinggang kuwento sa pamamagitan ng Story


Frame. (Nang Minsang Naligaw si Adrian)

Pamagat

Tagpuan Tauhan Kaisipan

Pangyayari

Una Ikalawa Ikatlo Ika-apat Ikalima

Wakas
Mga Tanong:

1. Sino si Adrian?

2. Masasabi mo bang isa siyang ulirang anak? Bakit?

3. Sang-ayon ka ba sa binalak niyang pag-iwan sa kanyang ama


sa gubat? Ipaliwanag ang sagot.

4. Ano ang masasabi mo sa ugali ng ama ni Adrian?

5. Bakit ito pinamagatang “Nang Minsang Maligaw si Adrian”?

6. Anong kulturang Asyano ang naipakita sa teksto?

7. Makatotohanan ba ang nangyari sa kuwento? Patunayan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Ipakilala ang iyong ama at ibigay ang kanilang katangian.


Idikit ang larawan ng iyong ama sa loob ng kahon at aibigay ang
(kahinaan at kalakasan ng iyong ama)

Panuto: Ibahagi ang sariling karanasan ukol sa kung paano ka


tratuhin ng iyong ama bilang anak. Isulat ito sa loob ng hugis puso.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Panuto: Punan ng pangatnig o transitional device ang patlang upang


mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon.

Sa aking palagay Una tulad ni

Kaya Sa madaling sabi dahil

Pagkatapos sapagkat subalit tulad ng

1. Dagdagan mo ang iyong pagsasakripisyo____________dahil


darating ang araw na ikaw ay magtatagumpay.

2. Nais niyang maging aktibo sa bakasyon niya ____________


sinaliksik niya ang magagandang lugar na pwede niyang
puntahan kasama ang kanyang mga kaibigan.

3. Hindi lahat ng tao ay walang pakialam. Marami pa rin ang


mababait sa mga nangangailanangan lalo na kapag may
nasalanta ng bagyo._______________ mas nananaig pa rin sa atin
ang pagiging mapagbigay.

4. _____________mong labhan ang mga damit, isampay mo kaagad


upang madaling matuyo.

5. Maraming magagaling na babaeng artista sa


ngayon._____________Yam Concepcion sa teleseryeng Halik,
naging epektibo siyang kontrabida.

6. ______________kung ano man ang nangyayari ngayon sa iyong


buhay, ginusto mo yan, at ikaw amismo ang gumawa ng iyong
kapalaran.

7. Matuto kang sumunod sa iyong magulang__________sila ang


mas nakakaalam ng ikabubuti mo.

8. Nakatutuwang pagmasdan ang mga batang walang kamuwang-


muwang sa nangyayari sa kanyang paligid___________
napakabilis ng panahon at makikita mo silang
nakikipagsapalaran na rin sa kanilang buhay.

9. _____________sa pila ang mga maliliit na bata na susundan ng


kanilang magulang upang maging maayos ang pagpasok sa loob
ng sinehan.

10. Darating din ang araw na matutupad ko ang lahat ng aking


pangarap___________pagkakaroon ng sariling bahay at
sasakyan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Panuto: Piliin ang wastong pang-ukol para sa diwa ng pangungusap.

Tandaan: Ang pang-ukol ay salita/mga salita na nag-uugnay sa


pangngalan, panghalip, at iba pang mga salitang pinag-uukulan ng
kilos, gawa at layon.

1. Ang paksa ng pag-aaral ay (tungkol sa, para sa) sakit na


COVID-19.

2. (Kay, Kina) Shiela inabot ang mga pagkain.

3. Ang mga pagkain at prutas ay(para sa, para kina) mga batang
palaboy sa kalsada.

4. Pumasok (ka, ng) iyong silid at maglaro tayo.

5. Kailangan laging maghugas ng mga kamay (ayon sa, ayon kay)


Dr. Ethan.

6. Nagdala si Elisah (ng, sa)sari-saring gulay mula sa palengke.

7. (Para kay, Para kina) Luis at Lea ang mga laruan sa kahon.

8. Ang usapan ng mga Frontliners ay (tungkol sa, tungkol kay)


Covid-19.

9. (Ayon kay, Ayon kina) Dayne ay lagi tayong magsuot ng mask at


faceshield.
10. Ang lahat ng tulong ay iniaabot (kina, kay) Tatay Berting at
Nanay Ema.

You might also like