You are on page 1of 7

PROYEKTO SA FILIPINO 1

“Pinagmulan ng Wika at Pagkatuto ng


isang bata sa Wika”

IPINASA NI :
JORIELYN E. APOSTOL
BEED 1-A

“PINAGMULAN NG WIKA”
LAYUNIN:
NATUTUKOY ANG IBA'T-IBANG TEORYA SA
PINAGMULAN NG WIKA.

TEORYA:
ANG SIYENTIPIKONG PAG-AARAL SA IBA'T IBANG
PANINIWALA NG MGA BAGAY-BAGAY NA MAY MGA
BATAYIN SUBALIT HINDI LUBUSANG
NAPAPATUNAYAN.

TEORYANG BIBLIKAL “TORE NG BALEL”


GENESIS 11, 1:19
- Sa teoryang biblikal, pinaniniwalaang nagkaroon ng iba’t-ibang
wika ang mga tao, BILANG KAPARUSAHAN sakanila ng diyos
dahil naghangad sila na higitan ito. At nagkahiwa-hiwalay ang tao
ayon sa wikang sinasalita.

EBOLUSYON NG WIKA/IBANG URI NG TEORYA

TEORYANG DING DONG


Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga dahilan ng mga sinaunang tao sa
mga tunog ng kalikasan. Sinasabing ang mga paggaya sa mga tunog ng kalikasan
ay bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita ng mga saunang tao. Ipinapakita
sa teoryang ito na ang lahat na bagay ay may sariling tunog na maaring gamitin
upang pangalanan ang isang bagay na iyon.

Halimbawa:
 Boom- tunog ng pagsabog
 Splash- paghampas ng tubig sa isang bagay
 Whoosh- sa pag- ihip ng hangin
 Tik-tak- ng orasan

TEORYANG BOW- WOW


Ang wika raw ay nagmula sa paggaya ng sinaunang tao sa mga tunog na
nililikha ng mga hayop. Pinaniniwalaang nabuo ng mga primitibong tao
ang knilang mg unang salita sa panggagaya sa mga ito. Sinasabi pang
kaggaya ng mga sanggol na nag- uumpisang magsalita, ginagaya ng mga
ito ang mga tunog ng kanilang naririnig.

Halimbawa:
 Bow- wow para sa aso
 Ngiyaw para sa pusa
 Kwak- kwak para sa pato
 Moo- para sa baka
 Tukkoo- sa tuko

TEORYANG POOH- POOH


Ang wika ay nagmula raw sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng
sinaunang tao nang nakarandaman sila ng masidhing damdamin tulad ng
tuwa, kilig, galit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla.

Halimbawa:
Ang patalim ay tinatawag na ai- ai sa Basque sa kadahilanang ai- ai ang
winika kapag nasaktan. (Ai- ai- “aray”)

TEORYANG TA-TA
Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay
ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng
taong lumilikha ng tunog at matutong magsalita.

Halimbawa:
Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad
ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-
ta.

 Paalam
 Ok
 Sang-ayon
 Hindi sang-ayon
 Laban!

TEORYANG YO- HE- HO


 Batay sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsama- sama,
lalo na kapag nagtatrabaho nang magkakasama. Ang mga tunog o
himig na namumutawi sa bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho
nang sama- sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.
 Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003)
na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog
kapag tayo’y nag- eeksert ng pwersa.

Halimbawa:
Ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat
na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina
ay nanganganak?

 Hayyaaa- Nangangarate
 Ahhhhyyy- Nanganganak

TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
 Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga
ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma,
pagtatanim, pag- aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa
nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.
 Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at
incantation o mga bulong.
 Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga
tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y
nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Halimbawa:
 Pagsayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong na ginagawa
tuwing makikidigma, pagtatanim at iba pa.

TEORYANG YUM-YUM
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng
aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig
ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag
ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

Halimbawa:
 Nagsimula sa kumpas ng maestro ng musika.
TEORYANG MAMA
Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay.  Pansinin nga naman ang mga bata. Sa
una’ y hindi niya masasabi ang salitang motherngunit dahil ang unang
pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang
nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
HALIMBAWA:
 MA-MA
 PA-PA
 DA-DA

“PAGKATUTO NG ISANG BATA”


AYON KAY BOULBY (1919)
Mga dapat gawin:
- Palagiang pagyakap, pagkarga,pakikipag – usap.
- Nakikipagtalastasan ang sanggol sa pamamagitan ng kanyang
pagngiti, pagtitig, pag – ingit, pag – iyak, pagbuo ng tunog.

“PAGKATUTO NG ISANG BATA”


AYON KAY WERMER (1987)
Ayon sa kanya:
Nakikipag – ugnayan ang sanggol sa kanyang kapaligiran sa
pamamagitan ng paggalaw ng katawan at pagsipsip ng pagkain na
ginagamit ang dila.
Mga dapat tandaan upang mabilis na matuto ang bata ng wika:
- I – baby – talk
- Gumamit ng musika, tunog, kulay. (Baby rhymes)
- Paulit – ulit na magtanong na ginagamitan ng senyas, pag – iling at
pagtango.
Maikling Pagsusulit at Sagot

1. Ang tao'y nakalilikha ng tunog kapag siya ay nag-eeksert ng pwersa.


Sagot: Teoryang Yo ye ho

2. Ang wika ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.


Sagot: Teoryang Ding-dong

3. Ito ay haka-haka o paniniwala ng isang tao.


Sagot: Teorya

4. Ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha sa mga ritwal.


Sagot: Teoryang Tarara-boom de ay

5. Tunog na nalilikha ng aso, tuko at iba pang hayop.


Sagot: Teoryang Bow-wow

6. Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na
higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong
maabot ang langit, at nagtayo ng _______.
Sagot: Tore ng Balel

7. Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa


pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng
aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon
sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang _______.
Sagot: Yum-yum

8. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na


kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at
naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
Sagot: Ta-ta

9. Ayon sakanya epektibo ang pakikipag-ugnayan ng sanggol sa pamamagitan


ng galaw ng katawan, pakikinig ng musika at pag-baby talk.
Sagot: WERMER (1987)

10.Ito ay epektibong paraan ng pakikipag-ugnayan sa isang sanggol sa


pamamagitan ng palagiang pakikipag-usap at pagkarga.
Sagot: Boulby 1919

You might also like