You are on page 1of 54

Saliksik E-Journal

Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Artikulo

MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WALA TAYONG


MALALAKING GUSALI O TEMPLO NOONG DATING PANAHON
Lorenz Lasco
Bahay Saliksikan ng Kasaysayan - Quezon City, Philippines

Abstrak

Ang Angkor Wat sa Siem Reap, Cambodia at Borobudur at Prambanan sa Java, Indonesia
ang ilan lamang sa mga hinahangaang malalaking gusali o templo sa Timog Silangang Asya.
Maging sa mga karatig-bansa ng Pilipinas na gaya ng mga sibilisasyon ng Tsina at India,
makikita rin ang malalaking gusaling kahawig ng mga nasa Timog Silangang Asya. Sa
panimulang papel na ito na tatalakay sa isang malawak na paksain, aalamin ang mga
kadahilanan kung bakit hindi makakakita ng mga ganitong templo sa ating kapuluan noong
“Dating Panahon” (kapanahunan bago dumating ang mga kolonisador sa ating bansa).
Maglalatag ng siyam na kadahilanan kung bakit walang malalaking gusali sa ating kapuluan
noon. Pagtutuunan ng pansin bilang pangunahing konsiderasyon—ang papel ng
Austronesyanong kosmolohiya at relihiyon ng ating mga ninuno—na tila hindi
masyado, kung hindi man, watak-watak na nababanggit ng mga naunang nagsaliksik at
nagsulat ukol sa paksa. Iuugnay ito sa ilan pang mahahalagang konsiderasyon sa konteksto
ng Pilipinas at mga karating-bansa noong Dating Panahon. Sa pamamagitan ng
pagtatampok sa mga katangian ng sinaunang kabihasnang Pilipino, na nakaugat sa
Austronesyanong simulain, ipapakita rin sa panimulang papel na ito kung bakit hindi
kahinaan o kasiraan ng ating lahi ang hindi natin pagtatayo noon ng malalaking gusali.

May ilan nang nagsulat sa paksang tatalakayin—kung ano ang mga kadahilanan kung
bakit wala tayong malalaking gusali o templo noong “Dating Panahon” (kapanahunan bago
dumating ang mga kolonisador sa ating bansa). Ngunit sa lahat ng mga ito, tila wala pang
nagbigkis at naghilera ng lahat na maaaring kadahilanan sa loob ng isang akda lamang.
Samakatwid, sa iba’t ibang nasulat, makikita ang mga kadahilanan ngunit tumukoy ang
diskusyon sa isa o dalawang kadahilanan lamang at hindi sa kabuuang larawan.

119 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Halimbawa, may isang may-akdang nagsabing ang sistemang agrikultural ng ating mga
ninuno na palipat-lipat na pagtatanim ang kadahilanan kung bakit hindi sila nagtayo ng
malalaking gusali (Fox 1977). Tunay ngang isa ito sa mga kadahilanan ngunit hindi ito
ang kabuuang larawan. Maraming iba pang kadahilanan at sa artikulong ito, ninanais na
tipunin ang mga ito, para makabuo ng kumpletong larawan.

Makikita rin sa karamihan ng mga nasulat na maliit ang pansin na ibinigay sa papel ng
Austronesyanong relihiyon ng ating mga ninuno. Sa palagay ng kasalukuyang may-akda,
ito ang pangunahing dahilan kung bakit wala tayong malalaking templo. Ang artikulong
ito kung gayon ay naglalayong ipunin ang mga kadahilanan at bigyang-diing ang dating
relihiyong Austronesyano ang may pinakamatimbang na kadahilanan kung bakit hindi
gumawa ng mga dambuhalang gusali ang ating mga ninuno.

MALALAKING GUSALI O TEMPLO SA TIMOG SILANGANG ASYA

Bago ilatag ang siyam na kadahilanan kung bakit wala tayong malalaking gusali noon ay
mainam na makita muna ang heograpikong lokasyon ng mga bansang nagtayo at hindi
nagtayo ng mga gusaling ito.

Madaling ilagay sa mapa kung saan-saan ginawa noong sinaunang panahon ang
malalaking templo (tingnan ang Larawan 1). Sa nasabing mapa, malinaw ang dibisyong
heograpikal kung saan-saang bansa mayroon at wala nitong nasabing malalaking gusali.
Ang ilang halimbawa ng mga gusaling ito ang Borobudur at Prambanan (parehong
Dantaon 9 MK) sa Java, Indonesia at malalaking templo sa Bali, Indonesia at Angkor Wat
(Dantaon 12 MK) sa Siem Reap, Cambodia (tingnan ang Larawan 2 at 3).

Ang malalaking gusali noong sinaunang panahon (na karaniwang gawa sa bato) ay may
alin man sa mga sumusunod na gamit: (1) bilang gusaling may kinalaman sa relihiyon o
iba pang pagtitipong pangkomunidad; (2) bilang monumento para sa alaala ng isang
dakilang tao; at (3) bilang muog o upuan ng pamahalaan.

Ano nga kaya ang mga kadahilanan kung bakit hindi kinailangan at minabuti ng ating
mga ninunong gumawa ng mga dambuhalang gusali patungkol dito? Ang siyam na
kadahilanan ang siya mismo ngayong tatalakayin. Sa dakong huli, ipapakita rin kung
bakit hindi kahinaan o kasiraan ng ating lahi ang hindi natin pagtatayo noon ng
malalaking gusali.

120 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 1
Mga Gumawa at Hindi Gumawa ng Malalaking Gusali o Templo

Hindi nagtayo ng malalaking gusali ang mga lugar na nanatiling Austronesyano ang kosmolohiya at
relihiyon. Samantalang nagtayo ng mga dambuhalang templo ang mga kinapitang malalim ng Hinduismo-
Budismo, batay sa mga paniniwala ng mga relihiyong ito (Mapang gawa ng may-akda).

LARAWAN 2
Borobudur

Isa itong templong Budista na ginawa noong Dantaon 9 MK. Representasyon ito ng Bundok Meru ng India,
na tahanan ng mga diyos sa relihiyong Hinduismo-Budismo. Dahil “nakulong” ang mga diyos sa Bundok
Meru, kailangan ng mga alagad ng mga relihiyong gumawa ng “Bundok Meru” sa kani-kanilang
kinaroroonan. Malaki ang Borobudur—kahit sa India mismo, walang ganitong kalaking templong Budista
(Larawang mula sa Wikimedia Commons 2009).

121 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 3
Angkor Wat

Ginawa ito noong Dantaon 12 MK, una bilang templong Hindu, at pagkatapos, bilang templong Budista. Ito
ang pinakamalaking templong pangrelihiyon sa buong mundo. Malaki ito dahil gaya ng Borobudur,
representasyon ito ng Bundok Meru ng India (Larawang mula sa Wikimedia Commons 2002).

MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT WALANG MALALAKING GUSALI O TEMPLO

Maaaring magbanggit ng siyam na kadahilanan kung bakit walang malalaking gusali o


templo sa ating kapuluan noong Dating Panahon.

1. Hindi Sentralisado ang Pagsamba ng mga Sinaunang Pilipino

Ayon sa mga tala ng mga Espanyol na manunulat na kagaya nina Juan de Plasencia (1589),
Pedro Chirino (1604), Francisco Colin (1663), Francisco Combes (1667), at Francisco
Ignacio Alcina (1668a, 1668b), iisa ang paniniwalang pangrelihiyon ng ating mga ninuno.
Makikita sa ibaba ang detalye ng paniniwalang ito. Halimbawa sa Historia de las Islas e
Indios Visayas ni Alcina, nabanggit na isa sa katangian ng ating dating paniniwala ay wala
tayong sentralisadong simbahan. Wala ring takdang araw ang pagsamba:

Ang kanilang mga paniniwala ay lubhang walang kaayusan, kaya wala ring
lalim ang kanilang sagradong gawain; ang kanilang relihiyon ay wala ring
anumang takdang lugar para sa panambahan, pagpupuri, at ritwal… Kaya…
wala silang mga templo o altar, at wala rin silang lugar na itinakda para sa
pagsamba sa kanilang diyos… Ngunit sa bahay ng isang taong maysakit, sa
pampang ng ilog, sa burol o kung saan man, sa pamamagitan ng apat na
tulos, gumagawa sila ng mga lugar at altar kung saan sila nag-aalay ng mga
sakripisyo… Tungkol sa mga pag-aalay na mga ito, tila ang bawat isa ay
siyang kanyang sariling saserdote [pari], dahil ang bawat isa ay siyang

122 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

gumagawa [ng ritwal] sa sarili niyang bahay (Alcina 1668a, 273) (malayang
salin).1

Makikita rin ito sa pag-aaral ng mga pangkasalukuyang manunulat:

Wala noong organisadong kaparian o anumang anyo ng pamunuan o


herarkiya, maliban sa kusang nabuong katanyagan ng ilang indibidwal na
lalaki o babaeng saserdote sa loob ng partikular na rehiyon. Katulad ng
napuna ng mga naunang Espanyol, walang takdang simbahan para sa
pangmaramihang pagsamba ang mga Pilipino. Ang mga dambana para sa
mga sakripisyo at handog, tinatawag na diwatahan, anitoan, o simbahan, na
lugar ng pagsamba ang ibig sabihin, ay karaniwang pansamantalang
pasilidad, na maaari ngang tumutugma sa palipat-lipat na mga tirahan ng
bago dumating ang mga Espanyol. Tunay ngang nagdulot ang kawalan ng
mga dambana at hindi malinaw na herarkiya ng maling pag-akala ng mga
Espanyol na walang anumang relihiyon ang mga Pilipino... Sa isang hindi
napetsahang pagsasalaysay, ngunit malamang sinulat noong 1569, nag-ulat
si Legazpi tungkol sa mga Pilipino: “Ang mga pagano ay walang anumang
batas. Wala sila kahit simbahan o mga diyos, ni hindi sila nag-aalay ng mga
sakripisyo...” Tingnan ang Relation of the Filipinas Islands and the Character
and Conditions of their Inhabitants ni Legazpi… (Sitoy 1985, 18).2

Malinaw kung gayong may iisang kaugalian ang mga sinaunang Pilipino patungkol sa
kanilang pagsamba. At isa rito ang hindi pangangailangan sa malaking gusali para
magsilbing sentralisadong simbahan. Kaya nalihis ang mga Espanyol noon at inakala
nilang walang sistema ng paniniwala ang ating mga ninuno. Ang totoo, tunay ngang may
sistema ang relihiyon ng ating mga ninuno (na may Austronesyanong simulain). At
dumaloy ang nasabing relihiyon sa iba’t ibang aspeto ng sining at pamumuhay na
kakikitaan ng iisa at sistematikong disenyo o motif, hindi lang sa Timog Silangang Asya,
bagkus, sa kabuuang mundo ng mga Austronesyano, hanggang sa Polynesia at sa
pinakamalayong dako nito sa Isla de Pascua (Salazar 2006 35, 56, 60, 64, 65, 70, 73, 131,
145). Maiuugat ang detalye ng mga disenyong ito sa isang sistematikong sinaunang
relihiyon.

2. Kalikasan ang Simbahan ng mga Sinaunang Pilipino

Dalawa ang relihiyon ng ating mga ninuno: pagsamba sa mga bagay na nasa kalikasan
(animismo) at pagtatangi sa mga yumaong ninuno (ancestral worship)—at tinatawag na
anitoismo ang tambalang ito). Madalas paksa itong nasulat ng mga Espanyol, halimbawa
ni Chirino:

123 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Katulad ng ibang sumasamba sa mga diyos-diyosan, may mas tama silang


kaalaman tungkol sa mga nilikhang bagay, na itinuturing nilang sagrado, at
inaalayan nila ng mga handog, ayon sa mga tungkulin at gawaing iniatang
nila sa isa’t isa... kaya una muna, sinamba nila ang mga ito, mga hayop, at
ibon, katulad ng gawi na mga taga-Ehipto; ang araw at buwan, katulad ng
mga taga-Asirya. Kanilang itinuring ang pagkabanal ng mga ito sa
bahaghari… Ang mga Tagalog ay tinatawag na “Bathala” ang isang ibong
kasinglaki ng kolakling... Sinasamba nila ang uwak... tinawag itong
“Maylupa” na ang ibig sabihin ay diyos ng lupa. Taos-pusong sinasamba rin
nila ang buwaya... Ano pa? Ang mga bato, tuktok ng bundok, butas sa
bato, at lungos o imus ng mga dalampasigan, at ilog ay kanilang sinasamba,
sukdulang mag-alay sila ng handog na iniiwan sa mga bato o butas ng bato
kapag sila’y napadaan o napagawi rito. Kabilang sa mga dinidiyos,
sinasamba rin nila ang kanilang ninuno, babae at lalake na silang una nilang
dinadalanginan sa kanilang pagpapagal at maging sa oras ng kapahamakan.
Sinama rin nila sa kanilang sinasamba ang mga namatay sa pamamagitan
ng sandatang patalim, yaong mga nilamon ng buwaya, o namatay sa kidlat,
kung saan ang kanilang mga kaluluwa ay sinasabing umakyat sa langit sa
pamamagitan ng bahaghari, na tinatawag nilang “Balangao” (Chirino 1604,
56-59) (malayang salin).3

Sa lumang relihiyon ng mga Pilipino (na kahawig sa mga karatig-bansa, na pawang may
iisang Austronesyanong simulain), mahalaga ang pagtatangi sa araw/ibon at sa
buwaya/ahas, bukod sa mga yumaong ninuno. Maiuugat ito sa pinaniniwalaang may
tatlong lebel ang uniberso: Kaitaasan, Kalagitnaan, at Kailaliman4 (tingnan ang Larawan
4). Ang araw/ibon daw ang mga pangunahing anito ng Kaitaasan, samantalang ang
buwaya/ahas naman ang mga nangungunang anito sa Kailaliman. Ang Kalagitnaan o
Kaibabawan o Lupa ang mundong ginagalawan naman ng mga tao. At ang isa sa mga
simbolo nito ang “puno ng buhay,” na may mga mahabang ugat na pumapailalim at may
mga mayayabong na sanga na tumuturo papuntang kaitaasan.

Samakatwid, ang mga sinasamba at itinatangi ng ating mga ninuno ay mga bagay at mga
nilalang sa kalikasan. At lalo pang naging mahalaga ang pakikitungo nila sa kalikasan
sapagkat ang mga yumaong ninuno ay nananahan at gumagalaw rin sa kalikasan. Dahil
dito, nagmistulang isang malaking “simbahan” na buhay para sa kanila ang kalikasan.
Kaya hindi na nga kinailangan ng ating mga ninunong gumawa pa ng naglalakihang
templo dahil marahil sa isip nila, papaano nga ba maaaring matumbasan ang ganda at
lawak ng kalikasan?

124 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 4
Tatlong Bahagi ng Uniberso

Sa Austronesyanong kosmolohiya kung saan galing ang relihiyon ng ating mga ninuno, may tatlong bahagi
ang uniberso. Sa bawat bahagi, may pinaniniwalaang sinasamba. Sa Kaitaasan, ang Bathalang Araw ang
pangunahing anito at ibon ang representasyon o mensahero ng Araw. Sa Kailaliman naman, ang serpiyente
(o naga, sawa o buwaya o pawikan) ang pangunahing anito. Kung minsan, ang Lupa o Kalagitnaan ay
sinisimbolo sa malaking puno—puno na malalim ang ugat papuntang ibaba at mayabong ang mga sangang
tila inaabot ang Kalangitan. Sa maraming mito sa ating kapuluan, may dambuhalang sawa raw na
nakapulupot sa tukod o poste ng sumusuporta sa Kalagitnaan. Ang sawa na ito ay isa sa nangangalaga sa
Kalagitnaan. Ang paggalaw raw ng ahas kung minsan ang siyang sanhi ng lindol (Rekonstruksyon mula sa
Wikimedia Commons 2008a, 2012a, 2012b, 2013).

Patungkol pa rin sa konsepto ng buhay at laganap na “simbahan” ng ating mga ninuno,


pinaniniwalaan din sa Kabisayaan (at pati na sa ibang bahagi ng Pilipinas), na ang puno
ng balete o balite (tingnan ang Larawan 5) ay isang literal na buhay na simbahan.
Halimbawa, may mahabang nasulat dito si Cantius Kobak sa Philippiniana Sacra ng
Unibersidad ng Santo Tomas (UST):

125 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 5
Puno ng Balete

Ilang ilustrasyon ng puno ng nunok (balite) mula kay Francisco Ignacio Alcina (1668b, LVI-LV). Isinama ni
Alcina ang imahen ng balite sa kanyang aklat tungkol sa mga Bisaya dahil napansin niya kung gaano
kahalaga ang punong ito sa kanilang panampalataya.

ANG TANYAG NA PUNO NG NUNOK: ISANG SANTUWARYO AT BUHAY


NA TEMPLO NG MGA BISAYA SA PILIPINAS—Sa makakapal na punong
lumalago sa Kabisayaan at sa lahat ng dako ng Pilipinas, wala nang mas
tatanyag pa kaysa sa isang punong kilala sa pangalang Nunok. Tinatawag
din itong Dalakit, Danakit, Daragit, at Baliti. Nagnanais ang manunulat na
itong kilalanin ang punong Nunok bilang “Pinakamatandang Santuwaryo
ng Paganito” o Sakripisyo at “Buhay na Simbahan” ng mga Bisaya para sa
kanilang ritwal at relihiyosong obserbasyong tinatawag na “paglihi.”
Magliliwanag ang batayan ng posisyong ito habang ating sinisiyasat ang
pinakamatandang relihiyosong kagawian ng mga Bisaya na nasulat sa ating
kasaysayan. Iniugnay ng mga Sinaunang Bisaya ang punong Nunok sa
pagiging banal; malakas ang kanilang paniniwalang ang kanilang anito, ang
Diwata, ay naninirahan dito bilang kanyang marangyang tirahan. Kahit ang
buong lugar na nakapalibot sa punong Nunok, na tunay namang malaki at

126 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

kayang magsilong ng mahigit isang libong katao, ay itinuturing ding banal...


Kaya ngayon ang kahulugan ng punong Nunok sa buhay ng mga taga-Bisaya
ay magkakaroon ng mas malalim na kahulugan at katotohanan ng
reyalidad. Titingnan ng manunulat na ito ang punong Nunok ng mga
Bisaya bilang Buhay na Simbahan ng mga Bisaya: ang ugat nito sa
kailaliman, ang katawan nito sa daigdig ng mga Bisaya, at ang buong
mundo mismo at ang malalagong sanga nitong inaabot ang kalangitan...
(Kobak 2002, 446-455) (malayang salin).5

Samakatwid, sa pananaw ng mga Pilipino noon, makikitang nagsilbing mistulang templo


o dambuhalang katedral na walang tutumbas ang buong kalikasan. Isang malaking
simbahan ang buong kalikasan at maraming bahagi at sulok ng kalikasan ang
nagmistulang mga altar o dambana (halimbawa, ang mga yungib, ang mga puno ng
balete, at iba pa), kung saan maaari ring gawin ang pagsamba at iba pang ritwal.

3. Larawan ng “Uniberso Bilang Simbahan” ang Arkitektura ng Bahay sa Timog


Silangang Asya

Bukod sa kalikasan bilang isang mistulang dambuhalang simbahan at iba’t ibang sulok at
bahagi nito bilang mistulang mga dambana, ang mismong bahay ng mga Pilipino noon ay
nagsilbi rin bilang larawan o salamin ng pinaniniwalaang uniberso bilang simbahan.
Kung gayon, ang mismong bahay nila noon ay itinuturing ding para bagang isang
simbahan.

Nakaangat sa lupa at may tatlong bahagi ang bahay ng mga Pilipino (at mga
Austronesyano) noon (tingnan ang Larawan 6). May tatlong bahagi ito na sinasalamin
ang pinaniniwalaang tatlong lebel ng uniberso: (1) ang espasyo sa pagitan ng kisame at
bubungan, na sumasalamin ng Kaitaasan; (2) ang mismong kabahayan, na kahalintulad
ng Kalagitnaan na siyang ginagalawan ng tao; at (3) ang “hubad” na silong na kakikitaan
ng ilang kawayan o kahoy na poste, at ang silong na ito ang siyang sumasalamin sa
Kailaliman. Sa ilang mito sa ating kapuluan, pinaniniwalaang nakapatong ang mundo
(Kalagitnaan) sa dambuhalang poste (at may nakapulupot sa poste na malaking sawa
bilang proteksyon ng mundo), kagaya kung paano nakapatong ang mismong kabahayan
sa mga posteng nabanggit.

127 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 6
Disenyo ng Bahay ng mga Pilipino

May tatlong lebel ang disenyo ng bahay ng mga Pilipino at Austronesyano (UM 1870-1925): (1) ang espasyo
sa loob ng bubong; (b) ang gitna; at (c) ang silong sa ilalim. Sinasalamin nito ang tatlong lebel ng
Austronesyanong uniberso. Noong sinaunang panahon, maging hanggang ngayon sa ilang bahagi ng ating
kapuluan, ang itaas na bahagi ng bahay ay siyang lagayan ng mga bulul o istatwa ng mga anito o kaya
naman ng mga buto ng yumaong mga ninuno. Ito ay dahil ang atip o kisame ang nagsisimbolo sa
Kaitaasan, at kung gayon, itinuturing na dambana. Ang gitna naman ang siyang ginagalawan ng mga tao.
Ang ilalim (silong), bilang simbolo ng Kailaliman, ay nakareserba para sa mga hayop. At dahil ito rin ay
salamin ng Kailaliman, ginagamit din itong libingan ng mga mag-anak.

Sa Museo ng Ayala sa Lunsod ng Makati, may larawan ng isang lumang ukit (tingnan ang
Larawan 7) na mula sa Kalimantan, Borneo. Ang mga paniniwala sa Borneo ay kapareho
ng Austronesyanong simulain. Ang paliwanag sa larawan, na nagpapakita ng langit, lupa
na may mga naninirahan, at katubigan ay:

Ang mga paniniwala ng mga taga-Timog Silangang Asya tungkol sa


kaitaasan, kailaliman, at kamunduhan (kalagitnaan) ay natunton gamit ang
linggwistika, mula pa sa panahon bago pa man nagkaroon ang nasabing
rehiyon ng pakikipag-ugnayan sa mga taong naniniwala sa Hinduismo,

128 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 7
Lumang Ukit Mula sa Kalimantan, Borneo

Ipinapakita sa sinaunang ukit na ito mula sa Kalimantan, Borneo ang


pananaw ng mga taga-Timog Silangang Asya sa kaitaasan, kailaliman, at
kamunduhan (kalagitnaan) (Larawang kuha ng may-akda mula sa orihinal
na nasa Museo ng Ayala).

129 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Budismo, at Islam, at Kanluraning sistema ng pag-iisip. Nagpapakita ang


arkitektura ng mga tirahan sa Pilipinas, Indonesia, at Malaysia ng tatlong
baitang na organisasyon ng espasyo; ang pook na nasa ilalim ng bahay ay
para sa mga hayop, ang loob naman ng bahay ay para sa tao, at ang kisame
sa itaas ay dambana ng angkan. Lalong pinagtitibay itong pinaniniwalaang
tatluhang bahagi ng uniberso kung aalalahanin ang mga inukit na ibon
bilang simbolo ng kaitaasan, naga o ahas na kumakatawan sa kailaliman, at
puno naman na sumisimbolo sa kaibabawan [na may matataas na sanga at
malalalim na ugat na nag-uugnay sa dalawang lugar (ang itaas at ibabaw)].6

Tungkol sa iba pang detalye ng tradisyunal na bahay, may deskripsyon si F. Landa Jocano:

Ang bahay ng mga Pilipino bago nasakop ay katulad ng maraming


istruktura sa kapanahunan ngayon sa maraming lugar sa lalawigan.
Magkakapareho ang pagkagawa nito; may apat na dingding, isa o dalawang
silid na nakataas tatlo o apat na metro mula sa lupa at tinutukuran ng
kawayan o kahoy na poste. Gawa ang dingding sa kahoy at kawayan at
gawa ang bubong sa nipa sa mga nasa pook ng dalampasigan at kugon
naman sa mga nasa looban... Malapit sa pinakapintuan ng halos lahat ng
bahay ang batalan, isang bukas na konstruksyong ginagamit sa
pagpapahinga, pagtanggap ng mga bisita sa gabi, pinaglalagyan din ng ilang
kagamitan sa bahay tulad ng malalaking basket, mga hindi pa gamit na
sawaling banig, gaas, at iba pa. Sa kabilang dako ng mga batalang ito,
kadalasang nakaharap sa silangan, nakatukod ang hagdang kawayan. Ang
hagdan ang siyang nagdudulot ng daanan paakyat at pababa ng bahay.
Bawat bahay ay hiwalay na istruktura. Napuna ni Morga noon, katulad pa
rin sa ngayon, na nalilikuban ang ibaba ng bahay ng mga poste at kawayan
kung saan inaalagaan ang kanilang mga hayop at binabayo at nililinis ang
palay upang maging bigas (Jocano 1975, 7-8) (malayang salin).7

Sa tanyag na mapa ni Pedro Murillo Velarde (1734) tungkol sa Pilipinas, na iginuhit ng


Pilipinong mula sa Malabon na si Nicolas dela Cruz Bagay, may isang popular na larawan
doon (tingnan ang Larawan 8) na isa sa maraming larawan sa paligid ng mapa. Marahil
hindi naman talaga sinasadya ni Bagay, ngunit gayunpaman, naipakita niya ang konsepto
ng tatlong bahagi ng Austronesyanong bahay at pagsasalamin nito sa tatlong bahagi ng
Austronesyanong uniberso. Naganap ito sa pamamagitan ng pagsasama sa larawan ng
ibong lumilipad (simbolo ng Kaitaasan), mga nagtatrabahong tao patungkol sa palay at
bigas (larawan ng Kalagitnaan), at sawa at buwaya (simbolo ng Kailaliman). Ang buwaya
ay simbolo rin ng yumaong ninuno. Kaya ang kabuuan ng anitoismo ng mga ninuno ay
ipinahihiwatig sa larawan na ito.

130 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 8
Isa sa mga Larawan sa Mapa ni Pedro Murillo Velarde

Maaaring hindi sinasadya, ngunit sa larawang ito sa gilid ng mapa ng Pilipinas [na guhit ng Pilipinong si
Nicolas dela Cruz Bagay (Murillo Velarde 1734)], naipakita ang konsepto ng tatlong lebel ng uniberso ng
mga Austronesyano. Batay sa larawan ang pangunahing anito ng Kaitaasan ay ang ibon samantalang ang sa
Kailaliman ay ang ahas o buwaya. Ang disenyo ng ating bahay na may tatlong lebel na sinasalamin ang
tatlong bahagi ng uniberso ang naipakita rin sa larawan. Dahil ang buwaya ay simbolo din ng yumaong
ninuno, ang kabuuan ng anitoismo ng mga ninuno ay ipinahihiwatig ng larawang ito.

Sa Kordilyera, ang espasyo sa pagitan ng kisame at bubong ang ginagamit hanggang


ngayon na lagayan ng mga anitong bulul, at kung minsan, ng mga nakabalot na buto ng
mga yumaong ninuno. Sang-ayon ito sa paniniwalang kumakatawan ang espasyong ito sa
Kaitaasan na siyang tahanan ng mga anito at ninunong yumao. Makikita rin sa Sulu at
Mindanao na inilalagay ang sarimanok sa tuktok ng bubong na bahay (tingnan ang
Larawan 9). Tugma pa rin ito sa nabanggit na kosmolohiya na ang ibon ang pangunahing
anito ng Kaitaasan—kaya dapat lang na sa pinakamataas na bahagi ng bahay ilagay ang
wangis ng ibon.

131 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 9
Bahay ng mga Tausug

Kagaya ng makikita sa bahay na ito (Perez et al. 1989, 242-243), sa bubong inilalagay ang itinatangi na ibon,
bilang simbolo ng Kaitaasan, dahil sa arkitektura ng Austronesyanong bahay, ang bubong ang
representasyon ng Kaitaasan.

Sa bahay ng mga Maranaw, karaniwang may ukit ng naga o ahas ang panolong (Saber at
Orellana 1981, 52-53, 62-69) (tingnan ang Larawan 10). Muli, malinaw ang simbolismo
buhat sa Pilipino at Austronesyanong kosmolohiya—na nagsasalarawan ang silong ng
bahay sa Kailaliman na binabantayan ng anitong ahas (cf. Larawan 4). Ang mga ukit ng
naga sa panolong ay maaari kasing isipin na tila mga nakapulupot na ahas sa mga haligi
sa silong ng bahay. Sinasalamin ng mga ito ang mitong Pilipinong nabanggit, na ang
Kalagitnaan ay may tukod sa ilalim na malaking haligi at may nakapulupot na
dambuhalang sawa sa haligi bilang tagapangalaga ng Kalagitnaan (at ang paggalaw ng
sawa na ito ay siya raw sanhi ng lindol).

132 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 10
Torogan ng mga Maranaw

Tulad ng makikita sa torogan na ito ng mga Maranaw (Perez et al. 1989, 249, 256) ang parehong sinaunang
tatlong lebel ng bahay ang siya pa ring disenyo. Panolong ang tawag sa mga nakikitang nakausling
ekstensyon ng biga na pangsahig. Ang isa sa disenyo ng panolong ang naga (anito na ahas), na makikita rin
ang detalye sa ibaba. Gamit ang imahinasyon, maaaring isiping ang ekstensyon ng katawan ng naga ay
nakapulupot paibaba, sa mga haligi. Sinasalamin kung gayun nito ang mitong ang ahas ng Kailaliman ang
siyang nakapulupot sa haligi na sumusuporta sa Kalagitnaan (cf. Larawan 4).

Dahil isang lugar ang Kailaliman na gustong hantungan ng isang yumaong tao bilang
lugar kung nasaan ang bayan ng mga yumaong ninuno at mga kaibigan,8 kung kaya’t
kung minsan, ang silong ng bahay ay siya ring ginagawang libingan. Tugma muli sa
sinaunang kosmolohiya ang paglilibing sa silong dahil ang silong ang salamin ng
Kailaliman. Sumusuporta ang arkeolohiya sa mga ito, halimbawa sa mga nahuhukay na
mga labi ng mga bahay noong Dating Panahon sa Negros: “Sa mga hukay sa Tanjay ay
may nakitang hindi magkukulang sa walong bahay na nakataas sa lupa, at kasama nito

133 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

ang mga lumang tambak ng basura, apatnapu’t tatlong libingang nasa ilalim o pagitan ng
mga bahay… pinapalagay na sumasakop [ang mga ito] sa tatlong panahon na pawang
bago pa dumating ang mga Espanyol” (Junker 2000, 43-44) (malayang salin).9

Sa lahat ng ito, makikitang para sa ating mga ninuno, mistulang templo o simbahan ang
buong kalikasan at pati na rin ang kanilang bahay. At papaano pa nga ba maiisip ng ating
mga ninunong gumawa ng malalaking templong bato kung ang mismong kalikasan ay
isang malaki at laganap na buhay na templo? At pagpasok sa bahay niya, gaano man
kapayak ito, ang tingin niya rito ay isang simbahan pa rin, dahil nga ang arkitektura nito
ay salamin ng tatlong lebel na uniberso bilang simbahan. Marahil sa kontekstong ito mas
nagkakakahulugan ang sinabi ni Alcina (1668a, 273) patungkol sa mga Bisayang lalaki ng
kani-kanilang pamilya na “tila ang bawat isa ay siyang kanyang sariling saserdote [pari],
dahil ang bawat isa ay gumagawa [ng ritwal] sa sarili niyang bahay.” Dahil lahat ito sa
paniniwalang ang mismong bahay ay isang simbahan din.

4. Bahay ng Datu ang Nagsisilbing Simbahan sa Malalaking Ritwal

Kahawig ang disenyo ng bahay ng mga datu ng pangkaraniwang bahay ng mga


mamamayan—sinasalamin nito ang tatlong lebel ng uniberso ng mga Austronesyano.
Ang kaibahan ng bahay ng datu, mas malaki ito at mas matibay ang mga materyales na
ginamit dito. Ayon muli kay Jocano:

Malapit sa kumpulan ng maliliit na bahay na nabanggit sa itaas, kadalasan,


may dalawa o mahigit pang mas malalaking bahay. Pag-aari ang mga ito ng
mga nangunguna at kanilang pamilya o malalapit na kamag-anak.
Inilarawan ni Morga ang mga bahay na ito na itinatag sa malalaking puno at
makakapal na haligi na may maraming silid at pahingahan. Maayos ang
pagkatatag nito, gawa sa mga troso at malalaki at matitibay na halaman.
May maayos at maraming kagamitan, mas maganda at mas matibay ito
kaysa sa iba. Nabububungan ito katulad ng iba ng nipa [na gawa sa mga
dahon ng anahaw]. Mas higit na hindi tumatagos sa nipa ang tubig ulan at
sikat ng araw kaysa sa tisa ngunit mas mapanganib naman ito sa sunog
(Jocano 1975, 8) (malayang salin).10

Sinulat ng arkeolohistang si Laura Lee Junker ang iba pang deskripsyon sa bahay ng datu
noon batay sa ilang kronika:

Nagwakas ang labanan sa pagitan ng mga kasapi ng ekspedisyong Legazpi


laban kay Raha Suleyman ng Maynila sa pagsunog ng mga bahay at
malaking bakuran ng huli. Gayumpaman, naglathala ang mga

134 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

mananalaysay na Espanyol ng mga tala ng saksi tungkol sa karangyaan ng


bahay ng Raha bago ito sinunog:

Ang mga nakakita ng bahay ni Raha Suleyman bago tupukin


ng apoy ay nagsabing napakalaki nito at napapalooban ng
maraming mamahaling bagay tulad ng salapi, tanso, bakal,
porselana, kumot, waks, bulak, at kawang kahoy na puno ng
alak, ngunit natupok ang lahat kasama ng bahay... Katabi ng
bahay ni Suleyman ang isa pang malaking bahay na
imbakan... Nagsabing ang mga Indio na sa mga kasangkapan
pa lamang na natupok sa bahay ni Suleyman, katumbas na ng
mahigit pa sa limang libong dukat… (Junker 2000, 145-146)
(malayang salin).

Sa kanyang etnograpikong pagsisiyasat sa Timog Silangang Mindanao,


nagbigay si Fay-Cooper Cole (1913, 66) ng halos kaparehong pagsasalarawan
sa mga bahay ng datung Bagobo:

Sa bawat pamayanan o distrito, matatagpuan ang isang


napakalaking tahanang itinatag ayon sa parehong
pangkalahatang disenyo na katulad sa mga pangkaraniwang
tirahan ngunit may kakayahang magpatira ng ilang daang
katao. Ito ang tahanan ng lokal na datu o tagapanguna.
Ginaganap dito ang lahat ng malalaking seremonya at ito rin
ang lugar kung saan hahangos ang lahat sa panahon ng
panganib. Ito ang sentro ng paghahalubilo ng komunidad at
maaaring manatili dito hanggang gusto nila ang lahat na
nagnanais na makapunta doon sa lahat ng panahon... (Junker
2000, 146) (malayang salin).11

Isa pang katangian ng bahay ng datu na mas mahalaga ay ang paggamit nito ng mga
mamamayan para sa pagdaraos ng malakihang ritwal. Interesante ang paraan kung
papaano napapalaki ang bahay ng datu para ito maging isang malaking simbahan. At
“simbahan” mismo ang kataga ng ating mga ninuno ayon kay Placencia (1589, 186) para sa
lugar na pinagdadausan ng mga ritwal, kagaya ng bahay ng datu matapos itong palakihin
pansamantala. Ang pansamantalang pagpapalaki ng bahay para maging mas malaking
simbahan ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sibi sa gilid ng bahay. Ayon kay
Jocano:

Maaalalang katulad sa mga panlipunan at pangrelihiyong gawain sa mga


bulubunduking lugar ngayon, noon din ay ginaganap ang mga ito sa kanya-

135 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

kanyang tahanan o “ipinagdidiwang sa malaking bahay ng pinuno.” Gawa


ang mga pampublikong istruktura sa magagaang materyales at hindi
sinasadyang gawing pangmatagalan. Mas malinaw si Plasencia tungkol
dito. Kanyang sinulat:

Totoo ngang mayroon silang tinatawag na “simbahan” na ibig


sabihin ay templo o lugar ng pagsamba; subalit ito ay dahil
dati kapag gusto nilang magdiwang na tinatawag nilang
“pandot” o pagsamba, ipinagdiriwang nila ito sa malaking
tahanan ng pinuno. Doon nagtatayo sila, para masilungan ng
mga nagtitipong tao, ng panandaliang habong sa gilid ng
tahanan [ng pinuno], na may bubong, na tinatawag na sibi
upang maingatan ang mga tao sa pagkabasa kapag umulan
(Jocano 1975, 6) (malayang salin).12

Sa mga lumang talasalitaan, halimbawa yaong sinulat nina Pedro de San Buenaventura
(1613) at Francisco San Antonio (1624), mas malinaw kung paano inilalagay at ginagamit
ang mga sibi. Batay sa saliksik nina Zeus Salazar at Jaime Tiongson sa talasalitaang ito:

ALA [Espanyol ng “pakpak”]: Sibi [Tagalog] (pp) o colgadiço que se haçe a la


cassa o a la Iglesia por defuera al rededor, para tapar los dindines, nagsisibi.
2.ac. haçer ala fuera, o nave dentro de la Iglesia para ensanchalla,
nagcacasibi. 9. tenella ya, sinisibihan. I.P. ser hecha a la casa o porteria
colgadiço ansi o ala, imp) magsibi camo dito, haçed aqui una ala.|. sibihan
ninio ito (San Buenaventura 1613, 39).

ALA [Espanyol]: Pamacpac [Tagalog] (pc) L. o colgadiço, nagpapamacpac, 2.


ac. haçer ala, pinapamacpacan. I.P. ser hecha, sa pamacpac nang Simbahan,
en el colgadiço o ala de la Iglesia, sale de pacpac, que es ala de ave (San
Buenaventura 1613, 39).

Sibi [Tagalog] pp. La enramada, que se añade a la case cuando beben, para
alargarla. (Vide: Sumbi) (San Antonio 1624, 235). [“Sibi—Ang kadahunan
{marahil ng niyog o ng saging} na idinaradagdag {nila} pag nag-iinuman
{ibig sabihin, pag may mga ritwal} para palawakin/palakihin ang bahay), na
sinonimo ng ‘sumbi’”].13

Sa isang larawan ng bahay na kuha ng mga Amerikano may 100 na taon na ang
nakakaraan, may makikitang mga sibi sa magkabilang gilid ng bahay (tingnan ang
Larawan 11). Hindi siguro maglalayo sa ganito, at mas malaki lang, ang sinasabing sibi ng
mga naunang Espanyol na manunulat.

136 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 11
Sibi sa Magkabilang Tagiliran ng Bahay

Mahihinuha sa bahay na ito (UM 1870-1925) ang mga sibi o “pakpak” na inilalagay sa bahay ng datu kung
pansamantalang ginagamit ang nasabing bahay bilang malaking simbahan.

Dapat isakonteksto sa Austronesyanong relihiyon ang paglalagay ng mga “pakpak” sa


bahay ng datu kapag ginagawa itong malaking simbahan. Sa Austronesyanong relihiyon,
itinatampok ang Bathalang Araw, at ang sugo o simbolo nitong ibon, bilang pangunahing
anito ng Kaitaasan. Kung magkagayon, ayon kay Salazar na dalubhasa sa paksa,
“importante ang kahulugan ng pakpak dahil para bagang nagiging ibon (bilang simbolo
ng Bathalang Araw) ang buong bahay kapag nagsisilbi itong malaking simbahan” (Salazar
2010-2013).

Ang pagpapahalaga sa Araw sa lumang relihiyon ay madalas na naobserbahan ng mga


unang dayuhan sa kapuluan. Halimbawa ayon kay Antonio Pigafetta, natunghayan sa
“Zzubu” (Cebu) kung papaano ang mga babaylan sumasamba sa araw bilang bahagi ng
isang ritwal:

At kapag sila [mga babaylan] ay nasa ganoong kasuotan, sumasamba sila sa


Araw... at ang isa sa kanila [punong babaylan] ay naglalagay sa kanyang noo
ng panyo na inanyo sa dalawang sungay... tumatawag siya sa Araw… at ang
isa pa [babaylan] ay sumasayaw kasama niya, habang nagsasalita sila ng
maraming bagay kausap ang Araw... Siya na may mga sungay ay patuloy na

137 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

nangungusap ng palihim sa Araw at ang kasama niya ay sumasagot sa kanya


(Pigaffeta 1525, 85) (malayang salin).14

Nabanggit din ni Pigafetta na araw rin ang sinasamba sa “Mattan” (Mactan): “ang mga tao
sa pulo ng Mactan ay sumasamba sa araw, ng may pagsambang masidhi.”15 Nag-ulat si
Juan Salcedo (1891, 36) ng mga kaparehong ritwal ng mga Mandaya sa Agusan sa
Mindanao. Doon, ang mga babaylan sa kanilang ritwal ay itinataas ang kanilang kanang
kamay sa direksyon ng araw (o ng buwan kung gabi) para humingi ng tulong sa anitong
araw ng Kaitaasan.

Mula kina Victor Paz ng Archeological Studies Program ng Unibersidad ng Pilipinas (UP)
at Salazar:

Kasabay ng mga tagumpay na pag-iisang tabi sa Catalonan, ang mga Datu at


katumbas na mga pinuno ng komunidad na dati’y sentral din sa gawaing
ispiritwal ng mga Tagalog ay naialis din. Pinakita ni Salazar na ang
matandang ibig-sabihin ng simbahan/sambahan ay pisikal na nakaugnay sa
bahay ng datu o pinuno. Mula ito sa napansin ni Placencia kung saan ang
bahay ng datu ay lugar kung saan nagkakaroon ng mga ritwal; sa panahong
may ritwal, dinadagdagan ang bahay ng mga pakpak o “sibi” upang higit na
maraming tao ang puwedeng kumasya sa ilalim ng bubungan ng bahay.
Dagdag pa na patunay rito ay ang diksyunaryo ni San Buenaventura kung
saan ang “sibi” ay “ala” sa Hispanico o “pakpak” o may kinalaman sa
istrakturang bahay o iglesia at ritwal (Paz at Salazar 2010, 24).

Bilang buod, isang posibleng dahilan kung bakit hindi kinailangan ng malalaking templo
noon ay dahil kapag may malalaking ritwal, ang pinalaking bahay ng datu ang nagiging
malaking simbahan. At ang simbahan na ito ay hitik sa simbolismo dahil (a) ang
arkitekutra ng lahat ng bahay noon ay representasyon ng tatlong lebel ng uniberso, na
mistulang isang dambuhalang simbahan at dahil din (b) sa pamamagitan ng mga sibing
“pakpak” ang pinalaking bahay-simbahan ay lalong nagiging maigting na simbolo ng
itinatanging Araw at sugo nitong ibon.

Pagdating ng mga kolonisador, nanatili ang disenyo ng malalaking bahay ng mga pinuno.
Ang naging kaibahan lang, ang dating “hubad” na silong ay napalibutan ng “saya” na bato.
Kaya tinawag ang naturang bahay na “bahay na bato.” Ayon sa mga Pilipinong arkitekto,
pwedeng tatanggalin ang batong nakapaikot sa silong na walang magiging epekto sa
integridad ng bahay dahil ang sumusuporta sa ikalawang palapag (na kadalasang yari sa
kahoy) ay ang mga poste sa silong at hindi ang mga nasabing dingding na “saya” na bato.
Kaya naman batay pa rin ang disenyo ng bahay na bato sa orihinal na bahay ng mga
Austronesyano—ang gitna (ikalawang palapag) ang tirahan ng mga tao habang ang silong

138 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

(unang palapag) ay nakalaan para sa mga hayop (kabayo, at iba pa) at kasangkapang
kaugnay ng hanapbuhay.

Kung maituturing na pag-aangkin mula sa mga Espanyol ang paglalagay ng bato na “saya”
sa silong ng bahay na bato, ang pagkakaroon naman ng mga “pakpak” ng malalaking
simbahan na bato ang maaaring impluwensya ng ating kalinangan sa kaisipang Espanyol.
Walang “pakpak” ang tradisyunal na disenyo ng simbahang Espanyol. Dahil nga marahil
sa impluwensya ng mga Pilipino sa mga Espanyol, ang mga simbahang ipinagawa noon ng
mga Espanyol sa kapuluan ay nagkaroon ng “pakpak.” Ang mga halimbawa nito ay yaong
mga katedral na nasa Paoay, Ilocos Norte, at marami pang iba. Ang iba pa ngang
simbahan ay sa silangan nakaharap ang altar. Maaari ring isiping may kinalaman ito sa
impluwensya pa rin ng dating Pilipinong relihiyong may pagtatangi sa araw bilang isa sa
pangunahing anito noon.

Bilang paglalagom, hindi kinailangan noong Dating Panahon ng malalaking templo dahil
ang pagsamba ng mga ninuno ay hindi sentralisado. Itinuturing nila noon ang mismong
buong kalikasan o uniberso bilang isang buhay na templo batay sa pinaniniwalaang
animismo (at ang mga itinatanging yumaong ninuno ay nananahan din daw sa buong
kalikasan o uniberso). Ang mismong bahay nila noon ay mistulang simbahan din dahil
sumasalamin ang arkitektura nito sa pinaniniwalaang tatlong lebel ng uniberso.

Dahil ang bahay ay larawan ng uniberso bilang simbahan, hitik ang bahay sa simbolismo
ng mga sinasamba ng ating mga ninuno. Dahil ang bubong o atip ay representasyon ng
Kaitaasan, ginagawa itong dambana kung saan itinatago ang mga imahen ng mga anito
nila (halimbawa, mga bulul), at pati na rin ang mga buto ng mga yumaong ninuno.
Nilalagyan din ng imahen ng ibon ang tuktok ng mga bubong bilang simbolo ng
Bathalang Araw. Ang silong naman ng bahay bilang representasyon ng Kailaliman ay
ginagawa ring libingan ng mga ninuno. At kung minsan, ang mga haligi ay may nakadikit
na mga ukit ng naga o serpiyente sapagkat ang silong ay larawan ng Kailaliman na
pinoprotektahan ng mapangalagang anitong ahas.

Kung minsan, may malalaking pagtitipon o pagsamba na kailangan silang idaos. Para
dito, hindi pa rin kinailangan ng malalaking templo dahil ang mismong bahay ng datu o
nangunguna ang pansamantalang ginagawang mas malaking simbahan. At kapuna-
punang ginagawa ang pagpapalaki ng bahay sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga
sibing “pakpak” na tugma pa rin sa pagtatangi nila noon sa ibon bilang sugo ng
napakamakapangyarihan na anito na Araw.

Sa kasalukuyan, ayon sa mga pagsusuring pandaigdig, ang Pilipinas ang lumalabas na


pinakarelihiyoso o pinaka-ispiritwal na bansa sa buong mundo (AP 2012). Hindi siguro
malayong isiping kahit noong Dating Panahon pa man, napakaispiritwal na rin ng ating

139 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

mga ninuno kagaya ng naipakita na ang buong paligid nila noon ay itinuring na pawang
simbahan. Marahil ito ay dahil din alam na alam nilang ang kanilang kapalaran ay hindi
talaga nakasalalay sa kanilang mga kamay o talino. Bagkus, nasa kamay ito ng kalikasan
at ng pinaniniwalaan nilang mga anito doon (Joe America 2013).

5. Mababa ang Densidad ng Populasyon ng Pilipinas Noon

Napakahalaga ng mga nabanggit sa itaas na mga ispiritwal na kadahilanan kung bakit


wala tayong malalaking templo noong Dating Panahon. Bukod sa mga ito, mayroon ding
mga praktikal na konsiderasyon na mahalagang isaalang-alang. At isa rito ang mababang
populasyon ng ating kapuluan noong Dating Panahon.

Sa maraming pag-aaral, halimbawa ang kay Junker (2000), makikitang manipis noon ang
populasyon ng Pilipinas kung ikukumpara sa laki ng lupain (tingnan ang Hanayan 1). At
dahil sa sobrang dami ng lupain noon kung ikukumpara sa bilang ng mga tao, ang mga
labanan noon ay hindi para mangkamkam ng lupain. Bagkus, ang mga pagtutunggali ay
kadalasang tungkol sa pagbihag ng mga tao. Bunsod nito, walang masyadong labis na
lakas-tao sa ating kapuluan noon na maaari sanang naidirekta sa pagpapagawa ng
malalaking proyektong walang halagang pang-ekonomiya (halimbawa na nga ang mga
templo). Ayon kay William Henry Scott:

Ang tradisyunal na lipunang barangay ay mga komunidad na may maliit na


populasyon, mababang antas ng produksyon, at walang hanggang likas-
yaman... at ang mga digmaan noon ay hindi upang palawakin ang
nasasakupan kundi upang dumami ang bilang ng manggagawa (Scott 1991,
11) (malayang salin).16

At dahil din sa manipis na populasyon sa kabayanan ng ating kapuluan (tingnan ang


Larawan 12) at dagdag na rin ang partikular na pulitikal na istruktura ng lipunan natin
noon, ipinalagay ni Jocano na isa ito sa mga kadahilanan kung bakit walang malalaking
gusali sa ating kapuluan:

…dahil sa pagkalat ng populasyon sa iba’t ibang lugar, hindi naganap ang


pagkakatatag ng malalaking pangkat. Bagkus, yaong mga batay lamang sa
magkakamag-anak ang mga pangkat na nabuo… dahil sa kakauntian ng
pirmihang tirahan at malalaking pangkat ng tao na kailangan para
maitaguyod ang isang malakas na pampulitikong pinuno, hindi naitatag sa
ating bansa ang mga komunidad na kahawig sa Gitnang Silangan o mga
siyudad-estado katulad sa Indonesia. Ito ang dahilan kung bakit walang
mga templo o gusaling bato ang Pilipinas katulad ng makikita sa ibang dako

140 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

HANAYAN 1
Tinatayang Bilang at Densidad ng Populasyon noong 1600
Estimated Population Density (persons/km2)

Southeast Asia1 23,000,000 5.7

Burma 3,100,000 4.6


Laos (including northeast 1,200,000 2.9
Thailand)
Siam (minus northeast) 1,800,000 5.3
Cambodia-Champa 1,230,000 4.5
Vietnam (north and central) 4,700,000 18.0
Malaya (including Patani) 500,000 3.4
Sumatra 2,400,000 5.7
Java 4,000,000 30.3
Borneo 670,000 0.9
Sulawesi 1,200,000 6.3
Bali 600,000 79.7
Lesser Sunda Islands 600,000 9.1
Maluku 275,000 3.7
Northern Philippines (Luzon 800,000 4.0
and Visayas)
Southern Philippines 150,000 1.5
(Mindanao and Sulu)

China2 150,000,000 37.5


India2 135,000,000 32.0
Japan2 22,000,000 59.5
Polynesia3 453,700 17.8
Europe2 100,000,000 10.4

1
Population estimates for Southeast Asia taken from Reid 1988:14. See Reid for details of original
historical sources and how estimates were calculated.
2
Population estimates for China, India, Japan, and Europe were obtained from McEvedy and Jones
(1978). China includes China proper, but not Inner Mongolia, Manchuria, and Chinese Turkestan. India
includes Pakistan and Bangladesh. If population densities for Japan are corrected for inhabitable arable
2
land only, the figure is 366.7 people/ km . Europe includes all of continental Europe, Scandinavia, and the
British Isles.
3
Population estimates for Polynesia were obtained from Kirch 1984:19. West Polynesia, East Polynesia
and the Polynesian Outliers were combined to obtain an over all density for the region. New Zealand was
removed from the estimate because of its environmental differences and unique demographic
characteristics in comparison to other Polynesian islands.
Manipis ang populasyon ng Pilipinas noon kung ikukumpara sa dami ng lupain (Junker 2000, 62, kung saan
sinipi ang kabuuang datos para sa Hanayan sa itaas). Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ginusto ng
ating mga ninuno na gumawa ng malalaking gusali na wala namang gamit na praktikal lalo pa’t mas
kailangan ang lakas-tao sa ibang bagay.

141 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 12
Sinaunang Bayan

Batay sa obserbasyon ng mga unang bisitang Europeo sa ating kapuluan, pati na rin ang natuklasan dahil sa
arkeolohiya, walang masyadong malalaking kabayanan noon. Halimbawa, tinatayang kadalasang hindi
hihigit sa 50 hanggang 100 na pamilya lamang ang populasyon ng isang barangay na gaya ng paglalarawang
ito sa isang sinaunang bayan (Casal et al. 1998, 130).

ng Asya—Tsina, India o kahit sa mga katabing pulo ng Java at Sumatra.


Ang mga dambuhalang batong istruktura ay naitayo sa mga lugar lamang
na may mga pirmihan at malalaking komunidad na may malakas na
pinunong pulitikal upang gawin ang dambuhalang gusali bilang tirahan,
sambahan, o upuan ng lokal na pamahalaan. Dahil sa mga panlipunan at
pangkulturang dahilan, na pinalakas pa ng mga agrikultural na gawain, may
alinlangan kung tunay ngang maaaring tawaging “templo” o tanggapin ang
anumang terminong ginagamit bago tayo sakupin ng Espanya na
maiaangkop sa “dakong sambahan” katulad ng ginagawa ng marami sa mga
kroniko.17

142 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Ang mga nahuhukay ng mga arkeolohista sa ating kapuluan ay mga matibay ring patotoo
sa mga bagay na ito—kadalasan ang mga nahukay at nahuhukay na sinaunang tirahan ng
mga Pilipino ay hindi malalaking sentro ng populasyon.

Bilang paghahambing, ang kalakihang bayan sa Cambodia noong kapanahunan na


ginagawa pa ang Angkor Wat (Dantaon 12 MK) ay may populasyon na tinatayang nasa
600,000 hanggang 1,000,000 (Wikipedia 2005). Higit na mas malaki ito sa populasyon ng
London sa Inglatera sa kasabay na panahon na hindi hihigit sa 100,000 na katao lang
(Wikipedia 2002).

Napakaliit ng populasyon ng Pilipinas noon kung ikukumpara. Tinatayang 950,000 lang


ang populasyon ng buong bansa noong 1600 MK (Junker 2000, 62). At kung iaatras ang
panahon sa Dantaon 12 MK para maipareho sa panahon ng Angkor Wat, lalo lang
titingkad ang kakauntian ng densidad ng populasyon natin noon.

Samakatwid, kritikal na mayroong mataas na densidad ng populasyon ang isang bayan


para magkaroon ng sapat na lakas-tao na gagawa ng malalaking proyektong walang pang-
ekonomiyang kahalagahan.

Kung iaatras pa natin ang kapanahunang tinitingnan (mula 1500 BK at pasulong), hindi
lang mas kakaunti ang populasyon natin noon. Dagdag pa, lalo pang numipis ang mga
tao sa kapuluan natin noon dahil nagsitulak din sila patungong Mikronesia, Melanesia, at
Polynesia, at bago pa rito, patungong Indo-Malaysia (Salazar 2010-2013).

Kung gayun, kahit sa alin mang panahon titingnan, ang populasyon sa ating kapuluan ay
lubhang kakaunti para magkaroon ng maraming labis na lakas-tao para gumawa ng
malalaking templo na wala naman talagang halagang pang-ekonomiya.

6. Nangangahulugan ang Sistema ng Agrikultura (Kaingin) ng Palipat-lipat na


Tirahan

Bukod sa mababang populasyon, ang isa pang praktikal na dahilan kung bakit wala
tayong malalaking templo noon ay dahil sa sistema ng agrikultura sa maraming dako ng
bansa—ang pagkakaingin. Nabanggit na ito sa sinipi sa itaas sa sinulat ng
antropolohistang si Jocano. May kahawig na sinabi si Robert Fox, isang kilalang
arkeolohista:

Marami ang implikasyon ng palipat-lipat na pagtatanim o pagkakaingin.


Kahit may mga nagkakaingin na pumipirme sa isang lugar kagaya ng mga
Tagbanwa ng Palawan, ang pangkaraniwang sistema ng pagkakaingin ay

143 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

ang palipat-lipat na tirahan ng komunidad tuwing may bagong bukid na


kakainginin, na kung minsan, tunay ngang may lubhang kalayuan mula sa
huling kinaingin. Karaniwan, walang humahadlang sa paglipat-lipat sa iba’t
ibang lugar dahil manipis ang populasyon bago dumating ang mga Espanyol
at ang mga lupain ay libre (walang bayad). Matatagpuan ang patunay ng
paglipat-lipat na ito ng komunidad sa mga hukay ng arkeolohiya kung saan
makikitang kadalasan, hindi sapin-sapin o patong-patong ang mga labi ng
dating komunidad. Ang mga dating komunidad na nakikita sa bansa [batay
sa arkeolohiya] ay madalas na hindi itinatag (tulad ng Troy sa Gresya) na
ang isang dating komunidad ay nakapatong sa nakaraang komunidad, na
ang mas malalim na mga nahukay ay yaong sa pinakamatanda. Kaya nga,
karaniwang may hindi pirmihang paninirahan sa isang lugar ang mga
dating komunidad sa bansa. May posibleng kaugnayan ito sa malawakang
gawi sa Pilipinas ng pag-iiwan at pagsusunog ng tirahan kapag namatay sa
isang tahanan ang isang miyembro ng pamilya. Itinuturing ang mga tirahan
na mga pansamantala, madaling gawing istruktura, na hindi
panghabambuhay. Nagpapakita rin ang malaganap na institusyunal na
katangian na tulad ng mga batas sa manahan ng kaugnayan sa mga hindi
pirmihang tirahan at palipat-lipat na lugar ng paglilinang. Sa buong Timog
Silangang Asya, maliban sa Pilipinas, nagkaroon ng panahon ng paggawa ng
mga dambuhalang batong gusali. Malalaking bato na iba’t iba ang anyo,
minsan ay hinugisan, itinayo bilang haligi at mga hapag para sa mga ritwal
at para sa mga panlipunang gawain sa loob ng komunidad. Sa ilang bahagi
ng Indonesia, ginawa ang mga kabaong mula sa bato, at sa Java at Sumatra,
sa mga panahong protohistoriko, may aktibong panahon ng pagtatayo ng
templo kung saan bato ang ginamit. Ang dakilang templo ng Borobodur sa
Java ay ginawa noong ikalawang hati ng ikawalong siglo MK. Binubuo ang
templong batong ito ng siyam na terasa at isang hugis-kampanang istupa.
Ang mga nitso sa mga terasa ay mayroong 400 na larawan ni Buddha, na
lahat iniukit sa bato. Ang madalas na naitatanong—Bakit walang batong
istruktura, tulad ng templo at malalaking rebulto o gusali, ang natatag sa
Pilipinas sa panahon bago ang prehistorikong kapanahunan? Katulad ng
ating nakita, ang malaking bahagi ng populasyon ay manananim na palipat-
lipat ang lugar na tinitirhan. Hindi naaayon ang ganitong sistema sa
paggamit ng bato sa templo at mga istruktura, kaya ang paglitaw nito sa
Pilipinas ay hindi dapat asahan (Fox 1977, 354-355) (malayang salin).18

Maaari ring idagdag sa puntong ito (ng palipat-lipat na tirahan) ang oryentasyon ng mga
ninuno nating patungo palagi sa ibayong dagat para maglakbay at mangibang-bayan.
Makikita ang penomenong ito sa pangkalahatang ugaling pandarayuhan ng mga
Austronesyano noong araw pa man at maging hanggang ngayon na mahihinuha sa dami

144 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

ng mga OFW mula sa bansa. Mga Pilipino rin ang pinakamaraming marinero sa buong
mundo dala ng tradisyon natin bilang mandaragat—mahigit 20% ng marinero sa buong
mundo ay Pilipino (Binghay 2010). Para sa mga Pilipino noon hanggang ngayon, ang
dagat ay hindi isang balakid. Bagkus, ang dagat ay isang malawak na daanan patungo sa
paghahanap ng ikagiginhawa ng pamumuhay.

7. Portatil ang Relihiyon ng mga Pilipino

Dahil sa palipat-lipat na tirahan ng maraming komunidad noong Dating Panahon (lalo na


sa mga nakatira sa ilaya o kabundukan) at dahil din sa oryentasyon ng iba pang ninuno
natin (yaong mga nakatira sa baybay-dagat o laot) na maglakbay-dagat sa tuwi-tuwina
para pa rin sa paghahanap ng ginhawa, ang pangingilin nila ay ginawa nilang maaaring
dalhin kahit saan, sa madaling salita ay portatil.

Ito marahil ang isa sa dahilan kung bakit laganap sa bansa (at sa mundong
Austronesyano) ang paggamit ng agimat o anting-anting. Hanggang sa kasalukuyan,
maoobserbahan ito sa mga drayber halimbawa na kadalasang may maliit na rebulto ng
santo o hindi kaya nama’y rosaryo malapit sa manibela ng dyip o sa hawakan ng
motorsiklo.

Noong Dating Panahon, bukod sa pagturing sa uniberso at kalikasan bilang isang


dambuhalang simbahan (at ang iba’t ibang bahagi nito bilang mga dambana, at bukod pa
rin sa pagtanaw niya sa sarili niyang bahay bilang isang templo rin dahil sinasalamin nito
ang pinaniniwalaang tatlong lebel ng uniberso), ang kanilang kabihisan, aksesorya sa
katawan, at mga gamit ay ginawa rin nilang mga ispiritwal na bagay.

Halimbawa sa Indonesia, ang salitang “anting-anting” ay parehong hikaw at agimat ang


ibig sabihin (Rodgers at Ferrazzini 1985, 48, 341). Ito ay dahil sa mundong Austronesyano,
hindi lang sa pagpapaganda ng bihis ang gamit ng mga alahas—ginagamit din ang bilang
daluyan ng proteksyong nanggagaling sa mga anito na pinaniniwalaang nananahan sa
tatlong lebel ng uniberso at maging mula rin sa mga yumaong ninuno na gumagalaw sa
unibersong ito.

Bunsod ng paniniwalang ito, itinuturing ng mga ninuno noong Dating Panahon (at
maging hanggang ngayon ng mga Igorot, Panay Bukidnon, Moro, at Lumad) na pati ang
mga hinabing tela, tatu, palayok, inukit na kahoy, sandata, bangka, at iba pang gamit
malaki man o maliit, ay pawang nagsisilbing anting-anting din bilang daluyan ng
proteksyon o gabay na maaari nilang makuha mula sa mga nasabing anito at mga
yumaong ninuno.

145 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Ang kadalasang makikita kung gayon sa mga disenyo ng sandata (Lasco 2011, 6-13)
(tingnan ang Larawan 13 at 14), bangka (Isorena 2012) (tingnan ang Larawan 15 at 16), habi
ng mga tela (Salazar 2004, 105-115, 216-220) (tingnan ang Larawan 17), sinaunang tatu
(tingnan ang Larawan 18), banga (Barretto-Tesoro 2008, 85-91) (tingnan ang Larawan 19),
tapayan (Salazar 2004), at sa marami pang bagay, ay mga disenyo ng araw o ibon (simbolo
ng Kaitaasan), ahas (simbolo ng Kailaliman) at buwaya (simbolo ng yumaong ninuno at
Kailaliman din), puno o dahon o bulaklak (simbolo ng Kalagitnaan), at imahen ng
nakatalungkong tao bilang simbolo pa rin ng mga yumaong ninuno.

Tumuturo ang lahat ng ito sa iisang bagay—na ang relihiyon para sa mga ninuno ay
portatil. Dala na nga ang kaisipang ito ng mga konsiderasyon sa itaas, na dahil madalas
siyang maglakbay o lumipat ng tirahan, mas praktikal na ipaalala niya sa kanyang sarili
ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng (a) pagmamasid at pagsamba ng
kalikasan, (b) pagtingin sa mga simbolismo ng mga anitong ibon at ahas kung saan man
siya lulan, halimbawa, sa bangka na puno ng mga disenyo nito, at sa mismong (c) pagsuot
niya, halimbawa sa hinabing tela o mga alahas o sa mismong tatu niya, at (d) pagtangan
niya sa mga bagay, halimbawa sa sandata, palayok, at iba pang kasangkapan.

Samakatwid, dahil sa palipat-lipat at palakbay-lakbay na sistema ng pamumuhay, para sa


ating mga ninuno, ang relihiyon ay dapat portatil, at hindi puwedeng itali sa isang lugar
lamang. Dahil dito, hindi niya iniisip na ipirme sa isang lugar ang ekspresyon ng
pananampalataya sa pamamagitan ng mga dambuhalang templo.

8. Hindi Nabihag ng Hinduismo-Budismo ang Pilipinas19

Ang Bundok Meru (o Sumeru or Mahameru) na makikita sa India ay isang banal na lugar
sa Hinduismo-Budismo. Itinuturing ang Bundok Meru na sentro ng pisikal, metapisikal,
at ispiritwal na mga uniberso ng nasabing dalawang paniniwala. Pinaniniwalaan din
nilang ang naturang bundok ang tahanan ni Brahma (diyos ng paglilikha, at si Brahma
ang isa sa tatlong pinakamahalagang diyos sa kanila, kasama nina Vishnu at Shiva).
Nananahan din daw sa Bundok Meru ang marami pang diyos (mga deva). Napakahalaga
kung gayon ng Bundok Meru para sa mga tagasunod ng Hinduismo-Budismo.

Sa Timog Silangang Asya, mas nag-ugat ang Hinduismo-Budismo sa mga bansang ngayon
na Myanmar, Laos, Cambodia, Vietnam, Thailand, Malaysia, at Indonesia. Kung
babalikan ang mapa kung saan mayroon at walang malalaking templo (tingnan ang
Larawan 1), kapansin-pansin kung saan nag-ugat ang Hinduismo-Budismo, doon din
matatagpuan ang matatandang malalaking gusali.

146 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 13
Disenyo ng Sandatang Pilipino

Nahukay sa Hilagang Mindanao ang gintong puluhan at mga kalubang ito. Makikita ang
mga ito sa Museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Buhat ang mga larawan sa
nasabing aklat ni Ramon Villegas (2004, 167-168) na kinumisyon ng BSP. Ipinapalagay na
mula ang mga ito sa Dantaon 10 hanggang 13 MK batay sa mga seramikong galing Tsina na
kasama nito. Patungkol sa apoy, araw, o ibon ang karaniwang disenyo ng puluhan. Batay
sa ahas naman ang disenyo ng mga kalubang ito. Makikita kung gayong kahit sa disenyo
ng mga sandata, ang tatlong lebel ng uniberso pa rin ang temang ginagamit. Kakikitaan pa
rin ang mga antigo at modernong patalim at sandata natin (Dantaon 18 hanggang 20) ng
disenyong patungkol sa ibon/araw at ahas.

147 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 14
Samu’t Saring Sandatang Pilipino

Itaas (mula sa kaliwa): apat na kris, kampilan, kris, at tatlong barung.


Matatagpuan ang kris at kampilan sa buong kapuluan sa Pilipinas ngunit
sa ngayon, sa Mindanao na lang makikita ang kampilan. Makikita naman
ang barung sa Sulu. Pira o gasah ang nakahiga sa ibaba na mula sa
Basilan. Kagaya ng makikita sa puluhan ng karamihan sa mga kris at pati
na rin sa tatlong barung at pira, ang imahen ng ibon ang disenyong gamit.
Ipinagpapalagay na hango ang disenyo ng puluhan ng kampilan sa buntot
ng isang mabilis na ibon sa Mindanao. Hango naman daw ang alon-alon
na talim sa naga o ahas. Bilang buod, bumabalik palagi ang disenyo sa
tatlong lebel ng uniberso. Ibaba: Makikita sa buong kapuluan ang disenyo
ng talim na hango sa gumagalaw na ahas. Kapwa galing Luzon ang
dalawang halimbawa (Larawang kuha ng may-akda mula sa sariling
koleksyon).

148 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 15
Karakowa

Isa ang karakowa (Arcilla 1998, 49) sa mga pandigmang bangka natin noon. Hango mula sa naga o
serpiyente ang kadalasang disenyo ng harapan ng bangka (i.e., ang proa). Batay ito sa paniniwalang ang
serpiyente o naga ang pangunahing anito ng Kailaliman (at itinuturing na bahagi ng Kailaliman ang mga
karagatan). Sa ibang uri ng bangka, naga rin ang inilalagay. Halimbawa, ayon sa talasalitaang Tagalog ni
Pedro de San Buenaventura (1613, 129): “Cabeza [Espanyol para sa ulo o pinuno] Naga [Tagalog sa cabeza]
pp [penultima producta: ang ibig sabihin ay nasa ikalawa sa huling pantig ang diin] de sierpe en la proa del
navio [ang serpiyente na nasa harapan (proa) ng bangka], ninanagaan, 1.P. poner es muy del onesto~ gala,
imp: nagaan mo ang balangay pon le cabeza de sierpe al navio [literal na salin: ‘ilagay mo ang ulo ng
serpiyente, i.e., ang imahen ng naga, sa balangay’].” Iba pang impormasyon, mula naman kay Ma.
Bernadette Abrera (2011): “Ang caracoa ay mababanggit sa Kabisayaan at sa Mindanao, hindi sa mga wika sa
Luzon, kasama na ang Tagalog. Kapuna-punang walang nakatalang caracoa o coracora sa ano mang baybay
nito, sa vocabulario nina San Buenaventura, San Jose, San Antonio, at nina Noceda y San Lucar… Si Morga,
na may kaalaman sa mga katawagang Bisaya sa mga bahagi ng sakayan, ay nagbanggit ng sakayang
‘caracoa’... Sa talasalitaang Bisaya ni Alonso de Mentrida nang 1637… itatala ang caracoa bilang isang
‘kilalang sakayan’… Si Combes ang magpapaliwanag ng caracoa nang malalim, batay sa karanasan niya sa
Mindanao, sa inilathala niyang Historia ng lugar noong 1667… Aniya’y ang sakayang ito ay ipinangalan mula
sa kuda-kuda, o maliit na kabayo, ng mga Malay.” Mula kay Zeus Salazar (2004, 191): “…makikitang ang
buong ‘katawan’ ng sasakyang-dagat (2004, 192) [ang karakowa] ay ‘Ahas-Usa’ dahil sa ang ulo nito’y nag-
aanyong ‘dragon’ at ang hulihang dulo ay ay parang buntot-ahas.”

149 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 16
Joanga

Sa larawan ng joanga (huwanga ang bigkas) na buhat sa aklat ni Francisco Ignacio Alcina (1668b, LXXVI),
makikitang nakabatay rin sa naga o serpiyente ang disenyo ng proa. Kung minsan, nilalagyan ng
sumbol/sombol/sungbol/sabulsabul ang mga dulo ng bangka, na yari sa balahibo ng manok o ibon.
Marahil, sombol ang nakakabit sa kaliwang dulo ng joanga. Ayon sa vocabulario na Panaynon ni Alonso de
Mentrida (1841, 352): “Songbol p.a. Plumas, penacho, &c. que llevan en la proa del navio; naga songbol, llevar
songbol en la proa: songbolan, l. sinosongbolan, empanachada: &c.” Mula naman sa vocabulario na Binisaya
(Leyte-Samar) ni Mateo Sanchez (1711, 440): “Sabulsabul. Uc. S. an. Plumaje del sombrero. Sabulsabulan. Es
tomado de un plumaje grande, que ponino en los Navios en la proa. Sabul. Sabulan co inin acun caracoa,
sinasabolan icon can cosa caracoa.” Batay sa vocabulario na Bicol ni Marcos de Lisboa (1754, 474): “Oloolo.
pp. Un plumage, que ponen en la proa de los barangayanes [‘ang balahibo ng manok o ibon, na inilalagay sa
proa ng mga barangay’]. Naoloolo, poner este plumage a los barangayanes. Nagooloolo, llebar el navio
plumage. Y por metaphora dicen: Garona nagoloolo si baol cayian calauet, quando quedo la lanza clavada, y
derecha en el animal. Lo mesmo es, Songbol.” at “Songbol. pc. Vide [tingnan ang] Oloolo…” Samakatwid, ang
parehong mga simbolo ng Kaitaasan (ibon) at Kailaliman (naga o serpiyente) ang siyang mga ginamit ng
mga ninuno bilang ulo o pangulo ng mga bangkang barangay/balangay, karakowa, o joanga. Dapat ding
aralin ang etimolohiya ng “panolong” (cf. Larawan 10), lalong lalo na yaong ang naga ang nakaukit. Dahil
maaaring “olo” o “ulo” rin ang pinanggalingan nito. At nakitang “naga” ang isa sa salin ng salitang cabeza
[ulo]’.

150 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 17
Disenyo ng mga Hinabing Tela

Batay sa paglalarawan ni Lynda Angelica Reyes (1992, 88), mapapansing


isa sa pangkaraniwang tema ng disenyo ng mga hinabing tela sa ating
kapuluan ang buwaya (o pawikan, na parehong mga simbolo ng
Kailaliman).

151 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 18
Tatu ng mga Pintado

Umiikot din sa tema ng araw at ahas ang mga tatu ng Bisayang “pintado” na makikita sa
Boxer Codex (1590, 24). Maging ang mga nasa balikat na paikot na hilera ng mga tatsulok
na nakakulong sa mga pabilog na guhit ay simbolo rin ng araw. Makikita rin ang ganitong
rendisyon ng araw sa maraming sinaunang palayok sa kapuluan. Ang mga zigzag na guhit
(yaong nasa kahabaan ng binti-hita, braso, at likuran) ang mga simbolo rin ng ahas.

152 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 19
Simbolo ng Araw at Ahas sa mga Sinaunang Banga

Nasa itaas ang mga imahen ng isa sa mga lumang bangang nahukay sa Calatagan, Batangas
(Barretto-Tesoro 2008, 85). Tinatayang buhat ang mga banga sa panahon bago dumating
ang mga kolonisador. Pangkaraniwan sa mga bangang ganito ang mga disenyong araw
(kagaya ng makikita sa itaas) at ibon (Barretto-Tesoro 2008, 82-83). Sa mga bangang
tinatayang buhat Dantaon 8 MK na galing sa Isla de Gigantes sa probinsiya ng Iloilo, ang
disenyo ng araw ay siya ring matatagpuan (ibaba, kanan). Ang tatsulok na disenyo ay
“sorya” sa Lumang Tagalog (Tiongson 2011): “Nesga [‘a triangular piece of linen or other stuff
sewed upon cloth’ (Seoane 1862, 593)]: Sorya (pc) de qualquier vestidura, sinosoryaan .1.P. ser
hechada en el vestido, imp : gaoin mong sorya itong talocqi’t [uri ng tela], ysorya mo na
dito, haz nesgas esta seda para aqui, soryaan mo iyag alba, hecha nesgas a ese alba, ano't,
ualan sorya? como no tiene nesgas?” (San Buenaventura 1613, 443). At ayon kay Zeus
Salazar (2010-2013): “Araw sa Sanskrit ang surya, ang nakikitang anyo ng deva o diyos.
Maraming haring Khmer ay pinangalanang Suryavarman. Ang Angkor Wat ay itinayo para
kay Suryavarman II. Tinutukoy ng Varman si Panginoong Vishnu at naging pangalan ng
mga hari ng Cambodia, kung saan ang mga hari ay devaraja na nangangahulugang “bathala
ng mga hari” o “bathala ng santinakpan”—mangyari pa, ang Araw.” Ang simbolo ng ahas
(ibaba, kaliwa, cf. Larawan 18, sa likuran ng Bisaya sa kanan) ay madalas ding makita sa
mga banga mula pa rin sa nasabing lugar. Ang mga larawan sa ibaba ay kinuha ng may-
akda, sa Museo Iloilo sa Lunsod ng Iloilo.

153 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Pawang representasyon ng Bundok Meru ang Angkor Wat sa Siem Reap, Cambodia at
Borobudur at Prambanan sa Java, Indonesia (Borobudur ang pinakamalaking templo ng
Budismo sa buong mundo, at kahit mismo sa India, walang templong mas lalaki pa rito).
Kinailangang magkaroon ng replika ng Bundok Meru sa mga nasabing lugar at sa iba
pang bansa na yinapos ang Hinduismo-Budismo, dahil hindi praktikal na pumunta ang
lahat ng mga alagad nito sa mismong Bundok Meru sa India.

Makikita kung gayon ang isa sa pinakamalaking pagkakaiba ng relihiyong Austronesyano


kung ikukumpara sa Hinduismo-Budismo. Para sa una (Austronesyano), mistulang isang
malaking simbahan ang buong kalikasan dahil nga para sa kanila, nananahan ang mga
anito sa kalawakan ng tatlong lebel ng uniberso—Kaitaasan, Kalagitnaan, at Kailaliman.
Nananahan din sa tatlong lebel ng Austronesyanong uniberso pati na ang mga yumaong
ninuno. Dahil dito, hindi kinailangan ng mga Austronesyano ng isang pirmihang lugar na
espesyal, patungkol sa kanilang pagsamba. Mas malawak ang batayan at pananaw ng
mga Pilipino (at Austronesyano), patungkol sa kosmolohiya.

Para naman sa huli (Hinduismo-Budismo), limitado ang kosmolohiya sa Bundok Meru.


Kaya naman kinakailangan pa ng mga tagasunod nito na gumawa ng mga replika ng
Bundok Meru, sa pamamagitan ng malalaking gusali, sa kanilang kinaroroonan. Sa Java,
may bundok na tinatawag na Semeru. Para sa mga taga-Java, ito ang mismong Bundok
Meru ng India na lumipat na sa Java ayon sa kanilang leyenda. Sa lahat ng ito, makikita
kung gaano kahalaga ang Bundok Meru sa kosmolohiya at relihiyon ng Hinduismo-
Budismo.

Gayumpaman, hindi buong Indonesia ang yumapos nang lubusan sa dalawang relihiyong
ito. Mismo sa Java, may mga komunidad na nanatiling Austronesyano ang relihiyon [at
pati na sa ibang bahagi ng Bali, Kalimantan, Silangang Indonesia (Sulawesi, Maluku, at
iba pa), ilang bahagi ng Sumatera pati na ang mga isla sa silangan nito, halimbawa sa
Nias, Mentawai, at iba pa], hanggang sa pagdating ng Islam sa Indonesia. Dito sa mga
nasabing lugar, hindi rin matatagpuan ang malalaking gusali (tingnan ang Larawan 1).

Samantala, ang kapuluang naging Pilipinas, kahit may inangkin ito na ilang elemento ng
Hinduismo-Budismo (sa pamamagitan ng Indonesia at Malaysia) ay nanatili pa ring
Austronesyano ang pangunahing kosmolohiya at relihiyon ng kapuluan.

Napapatunayan ng arkeolohiya ang koneksyong ito ng Pilipinas sa India (sa pamamagitan


ng Indonesia at Malaysia), sa halimbawa ng Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna
(IBTL) (tingnan ang Larawan 20). Sinulat ang IBTL noong 900 MK gamit ang
magkakahalong Sanskrit (wikang mula sa India), Lumang Malayo, Lumang Indones
(Java), at Lumang Tagalog. Patunay ang pagkakahalohalo ng mga wikang ito sa pagniniig
noon pa man ng mga bansang ito. Dagdag pa, makikita rin ang pag-aangkin ng mga

154 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 20
Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna

Ginawa noong 900 MK ang Inskripsyon sa Binabat na Tanso ng Laguna (IBTL) (Larawang mula sa Wikimedia
Commons 2008b). Sinulat ito sa pinaghalong Sanskrit (wikang mula sa India), Lumang Malayo, Lumang
Indones (Java), at Lumang Tagalog. Mahihinuha rito na noon pa man, may malapit tayong relasyon sa mga
karatig-isla, na ngayo’y naging Indonesia at Malaysia. Ang pag-aangkin natin sa ilang aspeto ng Indiano
(Hinduismo-Budismo) ay hindi nagbuhat direkta mula sa India. Bagkus, dumaan ito mula Indonesia at
Malaysia. Ginawa nina Jaime Tiongson et al. (2013) ang pinakahuli at pinakakomprehensibong pag-aaral sa IBTL.

Pilipino sa ilang elemento ng Indianong Hinduismo-Budismo sa iba pang nahukay na


kayamanan sa ating kapuluan, kagaya halimbawa ng estatwang Hindu na tinawag na
Ginintuang Imahen o “Tara” ng Agusan na ipinapalagay na mula Dantaon 13 hanggang 14
MK (tingnan ang Larawan 21). Ilan pa sa mga artifakt ng Hinduismo-Budismo na
natagpuan sa bansa ang (a) luwad na Budismong medalyong nahukay sa Calatagan,
Batangas; (b) Ginintuang Garuda mula sa Brooke’s Point, Palawan; (c) imahen ni
Siva/Shiva at tansong estatwa ni Ganesa/Ganesha mula sa Mactan, Cebu; at (d) imahen
ng Lokesvara mula sa Tondo, Maynila (Francisco 1977, 577-578).

Nagpapatibay rin ang larangan ng linggwistika ang pag-aangking ginawa natin sa ilang
aspeto ng kalinangang Indiano, sa pamamagitan ng Java-Sumatra bilang tagapamagitan.
Halimbawa, ang devata (Sanskrit para sa diyos) ay dewa sa salitang Java, dewata sa
Malayo, diwata sa Tagalog at Maranaw, at dewa o dewata sa Maguindanaw. May ilan
pang halimbawa ng mga hiram na salita mula sa India (tingnan ang Hanayan 2).

155 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 21
Ginintuang Tara ng Agusan

Ang Gintong Imahen o “Tara” ng Agusan ay buhat sa panahon bago pa


dumating ang mga kolonisador. Isa ito sa pruwebang may pag-aangking
ginawa ang mga Pilipino sa ilang elemento ng Hinduismo-Budismo. Ang
munting gintong estatwang ito (nasa limang pulgada lamang ang taas
nito) ay nasa pangangalaga ng Field Museum of Natural History sa
Chicago, Estados Unidos (Larawang kuha ng may-akda).

156 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

HANAYAN 2
Pag-aangkin sa Ilang Indianong Kataga
Sanskrit has enriched the vocabulary of Philippine languages but not its grammar formations. But as Sanskrit words found
their way in—considerable changes—phonological and semantic, occurred in the process. An extensive sampling of these
borrowings with the phonological and semantic changes, appears below:
RELATING TO GOD AND RELIGIOUS Javanese - sepah “imprecation” Maranao - gola “sweet”
PRACTICES Tausug - sapah “oath” Bisaya and Iloko - gulaman “sweet jelly”
Iloko - sapata “oath swear” Sanskrit - guda “sugar which forms itself
Sanskrit - devata “divine beings, divinity” Maranao - sapa “oath” into lumps”
Javanese - dewa “divine beings, divinity” Sanskrit - dosa “fault, vice, sin, guilt, Tausug- gotah, gatah “gum”
Malay - dewata “divine beings, divinity” crime,” dusa “sinful, wicked” Tagalog and Bisaya - gata "juice, specially
Tagalog - diwata “spirits, goddess, Malay - dosa “pain, vice” coconut juice"
nymphs, fairy” Tagalog - dusa "to suffer, pain" Iloko - getta “juice, specially coconut
Maranao - diwata “water spirits” Tausug - dusah, dosa “to commit crime, juice”
Magindanao - dewa, dewata “good spirits” offense, illegal” Sanskrit - cukra “vinegar”
Sanskrit - sampratyaya “firm conviction, Sanskrit - parusa “harsh, etc.” Tagalog - suka “vinegar”
perfect trust, or faith” Old Javanese - parusa “violent, Iloko, Bisaya, Magindanao - suka
Malay and Javanese - perchaya “firm vehement” “vinegar”
conviction, perfect trust, or faith” Malay - perusa “domineering” Tausug - sukak “vinegar”
Tagalog - sampalataya “faith trust and Tamil (South Indian) - vilangu “fetters” Maranao - soka “vinegar”
belief in God” Malay- belanggu “fetters” Malay and Sundanese - chuka “vinegar”
Tausug - perchaya “faith, trust and belief Iloko - bilanggu “jail, prisoner”
in God” Tagalog, Mangyan, Maranao - bilanggo PERTAINING TO THE HUMAN BODY,
Sanskrit - svarga “the abode of light and “prisoner, fetter” AILMENTS, ORNAMENTS,
of the gods, heaven” GARMENTS, AND SCENTS
Javanese - swarga “the abode of light and NAMES OF FLORA
of the gods, heaven” Sanskrit - mukha “face”
Malay - surga “the abode of light and of Sanskrit - bija Malay and Javanese - muka “face”
the gods, heaven” variation - bijaka “seed” Sundanese - mukha “face”
Magindanao - surga “heaven” Tausug - biji, bigi, “seed, grain” Tagalog - mukha "face"
Maranao - sorga “heaven” Sanskrit - mula “root, beginning” Mangyan - moka “face”
Sanskrit - naraka “hell, a place of Malay - pemola (with verbal prefix) “to Sanskrit - rupa “likeness, image,
torment” plant, to raise (vegetable), also to reflection, form, shape”
Malay - naraka “hell, infernal regions” begin” Javanese and Malay - rupa “form,
Tausug - neraka “hell, infernal regions” Iloko - mula “to plant” appearance, looks”
Maranao - mula “to plant” Iloko - rupa “face”
RELATING TO LAW Tagalog and Mangyan - mula “beginning, Maranao - rupa “color”
root” The Iloko takes on the meaning in
Sanskrit - vicara “examination, Sanskrit - campaka “Michelia champaka Sanskrit “likeness.” Iloko term
investigation” L” Karuprupa means “looking like.”
Javanese - wichara “to discuss, discourse” Malay - champaka “Michelia champaka L” Sanskrit - kapala “the skull”
Malay - bichara “consultation” Tagalog - sampaka “Michelia champaka Magindanao - kapala "head"
Tausug - bichara “case for trial” L” Javanese and Malay - kapala “head”
Maranao and Magindanao - bitiara Sanskrit - gala “resin” or guggula “gum, Sanskrit - varna “color"
“debate, talk, conference” resin, a kind of resin for caulking Malay - warna “color"
Sanskrit - saksi “the office of any legal boats” Maranao - warna “color"
witness, evidence, testimony, Malay - gala or gala-gala “resin or gum” Sanskrit - sutra “string, thread, yarn”
attestation,” saksin “witness” Tagalog - gala-gala “plant resin, a mixture Malay - sutera “silk”
Malay - saksi “witness” of resin and lime used in caulking Javanese and Sundanese - sutra “silk”
Tagalog, Iloko and Bikol - saksi “witness, boats” Tagalog - sutla “silk, silk thread”
testimony, evidence” Maranao - gala “plaster, gum” Bisaya - sukla “silk, silk thread”
Sanskrit - sapa “oath, curse, imprecation” Sanskrit - gula “raw or unrefined sugar” Tausug - sutra or sutla “silk, silk- thread”
and sapatha “an oath, vow” Javanese - gula “sugar”
Ang linggwistika ang isa pang pruwebang mayroon tayong pag-aangkin (Salazar 1998, 59-61) na ginawa sa
ilang aspeto ng Indianong kalinangan sa pamamagitan ng Indonesia-Malaysia (Francisco 1977, 580, kung
saan sinipi ang kabuuang datos para sa Hanayan sa itaas).

157 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Gayumpaman, hindi ganoong lumalim ang pag-uugat ng Hinduismo-Budismo sa ating


kapuluan:

Kung titingnan ang mga naganap sa mga rehiyon ng Indonesia at Malaysia,


maaaring ipalagay na dumating sa Pilipinas ang mga impluwensya ng India
mula ika-10 hanggang sa unang bahagi ng ika-14 na siglo MK. Batay ang
mga ito sa tinatayang haba ng panahon kung kailan maaaring
nakapaglakbay ang mga pangkulturang elemento ng India mula India
hanggang sa mga namamagitang rehiyon sa Pilipinas—ang Indonesia at
Malaysia. Kung ganoon, dapat makita ang pagdagsa ng mga pangkulturang
elementong ito sa konteksto ng kanilang pag-unlad sa mga nasabing
namamagitang rehiyon. Higit pa, kung kakaunti ang bilang ng mga
patunay ng mga pangkulturang pagtatagpo sa nakalipas, makikita rin ito sa
konteksto ng paglubog ng mga impluwensya ng India sa rehiyon. Kung
isasaalang-alang ding nasa gilid lamang ng direktang impluwensya ng
dakilang tradisyong ito [ng Hinduismo-Budismo] ang Pilipinas, tunay
ngang hindi maaaring suportahan ang ideyang nagkaroon noon ng laganap
at malalim na pangkulturang impluwensya ang India, dahil na rin noong
panahon na iyon, may mga bagong kaganapan sa rehiyon [pagdating ng
Islam at pag-iisip na Kanluranin] na nagsisimula nang igiit sa mga tao ang
dala-dalang kaisipan (Francisco 1977, 577) (malayang salin, at sa may-akda
ang diin).20

Samakatwid, bago dumating ang mga Espanyol noong Dantaon 16 MK, hindi talaga
nakapag-ugat ang Hinduismo-Budismo sa ating kapuluan. Ang kosmolohiya at relihiyon
ng mga Pilipino ay nanatiling nakaugat sa Austronesyanong simulain (halimbawa, ang
paniniwalang nahahati ang uniberso sa tatlong bahagi at nananahan ang mga anito at
yumaong ninuno sa lahat ng bahagi nito, kaya ang buong kalikasan ang lugar ng
pagsamba at hindi malilimita sa isang espesipikong lugar o replika ng lugar na ito, kagaya
ng pagrereplika ng Bundok Meru na sentral sa paniniwalang Hinduismo-Budismo).

9. Hindi Binibigyan ng Lubhang Mabibigat na Gawain ang mga Alipin Noong


Dating Panahon

Ang pagiging alipin sa lipunan natin noon ay hindi kagaya ng konsepto ng pag-aalipin ng
mga taga-Kanluran o taga-malalaking bansa sa Asya, kasama na rin dito ang mga
kaharian ng Cambodia, Thailand, Java, at iba pa.

Bilang partikular na halimbawa, naobserbahan ng mga unang dayuhan sa ating kapuluan


na halos pareho lamang ang mga gawain ng mga anak at alipin. Ayon pa rin kay Scott:

158 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Ang pangalawang aspeto [ng konsepto ng pagiging alipin sa kapuluan bago


dumating ang mga kolonisador] ay ang kagaanan ng kanilang mga
obligasyon. Ang isang prayleng Agustino ay nagpahayag noong 1572 na
“dahil si Pedro ay kasinghusay o kapantay ng kanyang amo, sila ay sabay na
kumakain sa iisang pinggan...” kaya ang tinatawag ng mga indio na alipin ay
hindi talaga alipin dahil ginagawa nila ang anumang gusto nila nang hindi
sila pinipilit ng kanilang mga amo na gawin ang higit sa kanilang mga
gustong gawin (Scott 1991, 13) (malayang salin).21

At dahil sa nabanggit na hindi gaanong mataas na densidad ng populasyon sa mga bayan-


bayan natin noon, kung gayon, hindi talaga naging gayak ang ating mga ninuno na
gumawa ng naglalakihang gusali, na kinakailangan ng laksa-laksang aliping manggagawa,
na kadalasan ay kailangang puwersahing magtrabaho para sa ganitong mga proyekto.

Kung tutuusin, mas maiging ganito ang nangyari sa atin noon, na hindi natin kinailangan
o ginustong magpagawa ng mga dambuhalang gusali. Tunay ngang napakataas ang
naging “halaga” sa mga personal na buhay ng mga alipin at kanilang pami-pamilya, doon
sa mga lipunang nagpagawa ng ganitong malalaking gusali. May nabanggit din si Jocano
tungkol dito:

Ang mga kritiko ng pananaw na mayroon na tayong prehistorikong


kabihasnan ay itinuturo ang sitwasyong wala raw tayong dambuhalang
gusali upang patunayan ito. Totoo ito. Hindi tayo nagtayo ng mga
piramide, Dakilang Pader [Tsina], Taj Mahal, Angkor Wat, o Borobudur.
Walang pangangailangan sa mga ganitong istruktura dahil wala tayong
naging mga diktador o maniniil bilang pinuno. Malaya at demokratiko tayo
noon pa man (Jocano 1998, 197) (malayang salin).22

Halimbawa, ginawa ang Borobudur sa Java sa napakahabang panahon (humigit kumulang


75 na taon, o tatlong henerasyon). Siguradong maraming balikat at pamilya ng mga
alipin ang nasalanta para lamang maitayo ang Borobudur.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na wala tayong kakayanang gumawa ng malalaki at
napakateknikal na mga proyekto. Ang kamangha-manghang tera-terasang palayan sa
Ifugao ay kinailangan ng kaalaman sa haydrolika, pagsusuring heyodetika, pang-
iinhinyerong sibil, bukod pa sa kaalamang pang-agrikultura. Ngunit hindi kagaya ng
Borobudur o Angkor Wat, ginawa ang malalaking proyekto ng ating mga ninuno ng
kusang-loob at para sa praktikal na kapakinabangan ng buong komunidad.

Sa kasamaang palad, ang kalayaan ng mga ninuno na mabuhay ng malaya at gawin ang
mabuti para sa kanyang bayan ay nagkaroon ng wakas nang dumating ang mga

159 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

kolonisador. Pagdating ng mga Espanyol, sapilitan ang mga ninunong pinagawa ng


malalaking batong simbahan, naglalakihang galyon, at iba pang dambuhalang proyekto,
na pwersahang ipinatong sa kanilang balikat.

KONKLUSYON

Lahat ng sitwasyon o penomeno ay sanhi ng maraming bagay. Maling sabihing ang


kapaliwanagan ay simple lang at iisa lang ang sanhi. Sa tanong kung bakit wala tayong
malalaking templo noon, nakita nating ang sagot ay marami at lahat ng mga ito’y may
mahahalagang kontribusyon.

Nilayon ng papel na itong ipakita na ang Austronesyanong kosmolohiya at relihiyon ng


ating mga ninuno ay napakahalagang kadahilanan, bukod pa sa mga aspetong
pampulitika at pangsosyo-ekonomiya.

Para sa ating mga ninuno, may tatlong bahagi ang uniberso at para sa kanila, mistulang
buhay na templo ito. Bukod pa rito, itinuring din nila ang maraming sulok nito bilang
mga dambana kung saan maaari nilang ipahayag ang kanilang pananampalataya. Maging
ang sarili nilang bahay at pati na rin bahay ng datu nila, ay mga larawan din ng nasabing
templo bilang repleksyon ng tatlong antas ng uniberso.

Para sa mga tagasunod ng Hinduismo-Budismo, nakakulong sa Bundok Meru ang


kanilang sinasamba. Para naman sa mga Austronesyano, gumagalaw at nananahan ang
mga anito nila sa kalawakan ng tatlong lebel ng uniberso.

Dahil dito, at kasama na rin noong panahon na iyon ang mga konsiderasyong
pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, pandemograpiko, at iba pa, hindi kinailangan
ng ating mga ninumo na gumawa ng malalaking gusali.

Totoo ring napakaganda at kamanghamanghang tingnan ang Angkor Wat o Borobudur o


ang mga piramide ng Ehipto. Ngunit sa likuran nito, maraming nasalantang buhay ng
mga alipin at kanilang pamilya—dahil hindi tatayo ang mga dambulang gusaling ito kung
walang mga balikat na babaliin. Kaya hindi tayo dapat manghinayang kung wala tayong
ganitong malalaking gusali sa ating nakaraan.

Ang kawalan ng mga ganitong gusali sa ating nakaraan ay hindi rin maaaring isipin na
kakulangan ng galing ng ating mga ninuno. Halimbawa, ang tera-terasang palayan ng
mga Igorot ay hindi maaaring maliitin, dahil hindi ito nagawa kung hindi bihasa ang ating
mga ninuno sa mga prinsipyo ng agrikultura, metreyolohiya, haydrolika, at malakihang
gawaing sibil. Kung gayon, mayroon talagang kakayanan ang mga Pilipino na gumawa ng

160 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

mga dambulang istruktura. Ngunit kung ito ay gagawin niya, ito ay para sa isang bagay
na may direktang pakinabang ang buong komunidad.

Ang ating husay sa paggawa ng mga bangka ay pambihira rin. Ang sabi nga noon ng
Espanyol na si Combes, “Ang pag-iingat at pamamaraan kung papaano nila ginagawa ang
kanilang mga barko ay nagdudulot sa paglayag ng mga ito tulad ng mga ibon, habang ang
sa atin naman ay gumagalaw ng tulad ng mabigat na tingga” (Combes 1667, 70) (malayang
salin).23 Tunay ngang sa loob ng 300 na taon, walang magawa ang hukbong dagat ng mga
Espanyol laban sa ating mga karakowa, paraw, joanga, salisipan, garay, lanong, at iba
pang sasakyang pandagat at pandigma. Kung hindi naimbento ang steam ship, hindi
magagapi ng mga Espanyol ang mga “pirata” ng ating kapuluan. At paano nga hindi
magiging magaling ang ating mga ninuno sa paggawa ng bangka at sa sining ng pandagat,
gayong sila ang naglayag sa Pasipiko para itatag ang mga kabayanan sa Melanesia,
Mikronesia, Polynesia, at Rapa Nui (Isla de Pascua), at Madagascar?

May iisang temang dumadaloy sa paggawa ng ating mga ninuno ng malalaking proyekto
noon, maging ito ay bahay ng datu, iskuwdara ng bangka, at tera-terasang palayan. At ito
ang pagiging praktikal at pagiging kapakipakinabang para sa komunidad ng mga
proyektong ito. Hindi ito kagaya ng naglalakihang templo sa ating mga karatig-bansa na
hindi praktikal ang gamit.

Sa larangan ng pinong sining, hindi rin nahuhuli ang galing ng ating mga ninuno.
Halimbawa patungkol sa ating mga gintong liktao na buhat sa Dantaon 10 hanggang 13
MK (tingnan ang Larawan 22), kahit ang mga banyagang dalubhasa ay hindi mapigilan
ang paghanga:

Ang nagbubukod sa tradisyon ng Pilipino sa paggawa ng mga ginto ay ang


uri ng kapinuhan na maihahalintulad lamang sa matatagpuan sa kaharian
ng Java. Bagaman ang mga gintong alahas ay mayroong malaking papel sa
mga kaharian ng Kalupaang Timog Silangang Asya, tulad ng sa Champa
[Vietnam], Angkor [Cambodia], at Dvaravati [Thailand], madalas na
nakaasa lamang ang karamihan sa mga ito sa simpleng pamamaraan ng
paggawa, na bihirang kakitaan ng lalim sa teknikal at uri ng galing na
kitang-kita sa mga gawa ng mga Pilipino. Tanging ang mga panday ng
ginto ng Java lamang ang lumalaban sa galing ng mga panday ng ginto ng
Pilipinas… (Capistrano-Baker 2011, 174) (malayang salin).24

Mahusay at matalino tayong mga Pilipino. At ang ating galing ay ipinamalas natin sa iba’t
ibang larangan kagaya ng mga nabanggit. At hindi dapat nating ikabahala o
panghinayangang wala tayong malalaking gusali kagaya ng nasa ibang bansa, dahil sa
mga kadahilanang nasabi.

161 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

LARAWAN 22
Yamang Ginto ng Pilipinas

Hango sa libro ni Florina Capistrano-Baker (2011, 237, 236, 54) ang ilang halimbawa ng yamang
ginto ng Pilipinas. Kaliwa: Isa sa maraming gintong kayamanan ng ating bansa ang gintong
kinnari na ipinapalagay na buhat sa Dantaon 10 hanggang 13 MK. Ang kinnari ay isang
kalahating-tao at kalahating-ibon na nilalang sa mga mito at leyenda ng Hinduismo-Budismo.
Ang mga pambihirang detalye sa mga gintong kayamanang ito ng ating bansa ay isa sa patunay
ng galing ng mga Pilipino. Gitna: Bukod sa mga pambihirang detalye sa pagkagawa ng gintong
artifakt na ito, marami ring matutunan sa pag-aaral ng mga ito patungkol sa ating kaugalian
(halimbawa, ang mga tengang malalaki ang butas sa bigat ng mga gintong hikaw) at paniniwala
(halimbawa, ang ilang salansan ng mga kwintas ay nagpapakita ng mga simbolo ng araw at ahas,
ayon sa paniniwala tungkol sa mga pangunahing anito ng Kaitaasan at Kailaliman). Ang imahen
sa ibabaw ng ulo ay ipinagpapalagay ring “puno ng buhay,” at kung ito ang tamang
interpretasyon dito, sinisimbolo nito ang Kalagitnaan. Maaaring ikumpara ang mga konsepto na
ito sa interpretasyon ng tatlong antas ng uniberso sa ukit na nakita sa Kalimantan (cf. Larawan
7). Kanan: Natagpuan sa Cuyo, Palawan ang gintong singsing na ito. Muli, galing ito sa panahon
bago pa man dumating ang mga kolonisador. May nagpapalagay na ibon ang disenyo sa singsing
ngunit tila may apat na paa ito, at ang lokasyon ng mga mata at hugis ng bunganga ay tumuturo
sa buwaya. Anu’t ano pa man, ang imahen sa singsing na ito ay tumutukoy sa mga
pinaniniwalaang anito ng Austronesyanong uniberso.

Ipinakita rin na ang pananampalataya o relihiyon ang isa sa pinakamalakas na puwersang


naghuhubog ng iba’t ibang gawain ng tao. Ito naman ay inaasahan lang. Bilang
pagtatapos at bilang isang personal na katanungan na nais iwan ng may-akda, ano na
kayang klase o sistema ang ating personal na pananampalataya sa ngayon at papaano
kaya nito hinuhubog ang ating mga personal at pambansang gawain, at kung gayon, ang
kahihinatnan?

162 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Talahuli
1
Salin sa Filipino ng salin sa Ingles ng orihinal na Espanyol na:
As their beliefs were so disorderly, so too their piety had no roots; neither did their religion
have any assigned place for worship, praise, and ritual. Hence… they did not have temples,
nor altars, nor any place designated for worship of their gods... But in the house of the sick
person, on the bank of the river, on the hill or wherever, with four sticks they put up places
and altars where they offered sacrifices… Concerning these sacrifices, it seems, each one was
his own priest, for each one performed it in his own house (Alcina 1668a, 273).
2
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
There was, however, no organized priesthood, or any form of hierarchy, except perhaps in
that implied by the preeminence that some individual priest or priestess may have acquired
within a particular region. As the early Spaniards had noted, the Filipinos had no established
temples for institutionalized worship. Altars for sacrifices or offerings, variously called
diwatahan, anitoan, or simbahan, meaning place of worship, were generally makeshift
affairs, probably reflecting the impermanence of most pre-Spanish settlements. Indeed, this
lack of temples and a recognizable hierarchy often led the Spaniards to think mistakenly that
the Filipinos did not have any religion at all. In an undated account, but probably written in
1569, Legazpi wrote of the Filipinos: “The Heathens have no law at all. They have neither
temples nor idols, nor do they offer any sacrifices...” See Legazpi’s ‘Relation of the Filipinas
Islands and the Character and Conditions of their Inhabitants… (Sitoy 1985, 18).
3
Salin sa Filipino ng salin sa Ingles ng orihinal na Espanyol na:
Like other idolaters, they had better knowledge of created things, considering them divine,
and offering to them impious sacrifices, according to the role and work which to each one
they assigned... so they first adored these others, animals, and birds, like the Egyptians; the
sun and the moon, like the Assyrians. They attribute its special divinity to the rainbow... The
Tagalogs gave the name “Bathala” to a bluebird as big as a thrush... The crow they adored...
naming it “Maylupa,” which means the lord of the soil. They deeply venerated the crocodile...
What else? The very stones, peaks, crags, and headlands of seashores and rivers they adored,
going as far as to offer something which they left on the rock or crag itself when passing by...
Among these [mga anito] they included their ancestors, men and women, whom they invoked
first in their toils and dangers... They also included among their gods all who died by the
knife, those devoured by the crocodile, or killed by some lightning, whose souls they said
climbed to heaven by the rainbow, which they call “Balangao” [Bahaghari] (Chirino 1604, 56-
59).
4
Mula sa iba’t ibang panayam kay Zeus A. Salazar (2010-2013), dating Tagapangulo ng Departamento ng
Kasaysayan at Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP)
Diliman. Ang kanyang disertasyon sa Sorbonne sa Paris ay tungkol sa anitoismo sa Pillpinas, at marami pa
siyang ginawang pag-aaral sa paksa ng kosmolohiya at relihiyon ng mga sinaunang Pilipino.
5
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
THE CELEBRATED NUNOK TREE: A SANCTUARY AND A LIVING TEMPLE OF THE
BISAYANS IN THE PHILIPPINES—Among the multitude of trees found thriving in the
Bisayan Region and throughout the entire Philippine Archipelago, there is no other more
celebrated than what is known as the Nunok Tree. It is also known as the Dalakit, Danakit,
Daragit, and Baliti. This writer wishes to consider this Nunok tree as the “Ancient Sanctuary
of Paganito” or Sacrifice and a “Living Temple” of the Bisayan Rites, Rituals, and religious
observances known as the “paglihi.” The basis for this posture will unfold as we explore the
ancient religious practices of the Bisayans as recorded for us in history. The Ancient Bisayan

163 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

People have attributed divinity to the Nunok Tree; they strongly believed that their god, the
Diwata dwelled in it and made it its grand abode. Even all the area around the Nunok Tree,
which was quite extensive and which could shelter well-over a thousand people in its shade,
was considered sacred... Thus, now the meaning of the Nunok Tree in the lives of the
Bisayans will take on a deeper meaning and touch upon the total reality. This writer will look
at the Bisayan Nunok Tree as a Living Temple of the Bisayans: its roots in the underworld, its
trunk in the world of Bisayans and the earth itself and its extensive branches reaching out to
the heavens... (Kobak 2002, 446-455).
6
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na kapsyon ng inukit na larawan mula Kalimantan na matatagpuan
sa Ayala Museum:
Southeast Asian notions about the upperworld, underworld, and the earthly realm have been
linguistically traced to periods prior to contact with Hindu, Buddhist, Islamic, and Western
systems of thoughts. The architecture of Philippines, Indonesia, and Malaysian houses
reflect three-tiered organization of space, with the area below the house reserved for animals,
the area within for humans, and the loft above for ancestral shrines. This tripartite universe
is reaffirmed when sculpted figures of birds are viewed as symbols of the upperworld, the naga
or serpent as representing the underworld, and the earthbound tree (with its high branches
and deep roots as connecting the two realms).
7
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
The house of pre-conquest Filipinos were [sic] similar to contemporary structures in many
rural areas today. These were uniformly constructed, four-walled, one-room or two-room
dwellings raised about three or four meters above the ground on bamboo or timber posts. The
walls were made of wood and bamboo and the roofs were nipa shingles in the coastal areas
and cogon grass in the interior settlements... Near the main door of most of these houses was
an open construction called batalan used for resting, entertaining friends during the night,
containing some household articles such as big baskets, unused sawali mats, fuel and so
forth. On the sides of these batalanes, usually facing the east, was a pegged bamboo or
timber ladder. This ladder afforded access up and down the house. Each house was built
separately from the other. Morga noted then, as it is today, that in the lower part (of the
houses) were enclosures made of stakes and bamboos where their fowls and cattles [sic] were
reared, and the rice pounded and cleaned (Jocano 1975, 7-8).
8
Makikita ang paniniwala na ito, halimbawa sa mga Igorot, batay sa sinulat ni Dante Ambrosio (2010, 54-
57) hinggil sa etnoastronomiya ng konstelasyong balatik. May kaparehong paniniwala tungkol sa bayan ng
mga yumaong makikita sa Kailaliman ang mga Bisaya at iba pang pangkat sa Pilipinas. Kaya sa mga yungib
naglilibing noon sa buong kapuluan ay dahil na rin sa paniniwala noong ang mga yungib ang siyang
pintuan papunta sa Kailaliman.
9
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na: The excavations at Tanjay yielded the remnants of at least eight
pile-houses and associated midden and trash areas, forty-three burials beneath or between habitation
structures… dated to three prehispanic phases of occupation… (Junker 2000, 45-46).
10
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
Near the clusters of small houses described above there normally were two or more bigger
houses. These were owned by the chiefs and his family or near relatives. Morga described
these houses as built upon trees and thick arigues, with many rooms and comforts. They
were well-constructed, of timber and plants and were large and strong. They were furnished
and suppiled with all that was necessary and were much finer or more substantial than the
others. They were roofed, how ever, as were the others, with the palm-leaves called nipa.
These kept out the water and the sun more than do shingles, or tiles, although the danger
from fire was greater (Jocano 1975, 8).

164 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

11
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
The hostile encounter between members of the Legaspi [sic] expedition and Manila’s Rajah
Suleyman ended in the burning of the latter’s house compound. However, the Spanish
chroniclers published eyewitness accounts of the ‘prewar’ splendor of the paramount chief’s
dwelling:

“Those who saw [chief] Suleyman’s house before it was burned, say that it
was very large, and that it contained many valuable things, such as money,
copper, iron, porcelain, blankets, wax, cotton, and wooden vats full of
brandy; but everything was burned to the ground with the house… Next to
Suleyman’s house was another which was used as a storeroom… The
Indians said that the furniture alone lost in Suleyman’s house was worth
more than five thousand ducats…”

Fay-Cooper Cole, in his turn-of-the-century ethnographic investigations in southeastern


Mindanao, provides a very similar description of Bagabo [sic] datus’ houses:

“In each settlement or district will be found one large house built on the
same general plan as the smaller dwellings, but capable of housing several
hundred people. This is the home of the local datu or ruler. All great
ceremonies are held here, and it is the place to which all hasten when danger
threatens. It is the social center of the community, and all who desire go
there at any time and remain as long as they wish…” (Junker 2000, 146).
12
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
It has to be remembered that social and religious activities were, as these are in the mountain
areas today, carried out in individual homes or “celebrated in the large house of the chief.”
Public religious structures were made of light materials and were not constructed
permanently. Plasencia was explicit about this. He wrote:

“It is true that they have the name simbahan, which means a temple or
place of adoration; but this is because, formerly when they wished to
celebrate a festival, which they call pandot, or “worship,” they celebrated it
in the large house of a chief. There they constructed, for the purpose of
sheltering the assembled people, a temporary shed on side of the house…
with a roof, called sibi, to protect the people from the wet when it rained
(Jocano 1975, 6).
13
Salin sa Filipino ni Zeus Salazar ng orihinal na Espanyol. Galing naman ang mga katagang hinango mula
sa mga lumang talasalitaan sa mga saliksik ni Jaime Tiongson para sa Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan
(BAKAS).
14
Salin sa Filipino ng salin sa Ingles ng orihinal na Espanyol na:
And when they [mga babaylan] are on that cloth, they make a reverence to the Sun... and one
of them [punong babaylan] puts on her forehead a kerchief with two horns which she makes
of it... she calls on the Sun... the other [babaylan] dances with her, both saying many things
to the Sun... She of the horns [punong babaylan] continues to speak secretly to the Sun, and
the other answers her (Pigafetta 1525, 85).
15
Salin sa Filipino ng salin sa Ingles ng orihinal na Espanyol na: the people in Mactan Island worshipped the
sun, revering it very well (Pigafetta 1525, 71).
16
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:

165 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Traditional baranganic societies were communities with small populations, low levels of
production, and unlimited natural resources... and wars were fought not to conquer territory
but to increase labor forces (Scott 1991, 11).
17
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
…because of population dispersal, the development of unified and large groupings of tribal
type did not take place. Social units were largely kinship units… because of lack of permanent
residence and large aggregates of people to support a strong political figure, communities
resembling those of the Middle East or Indonesian city-states did not develop. That is why
there were no temples or stone buildings in the Philippines similar to those obtaining
elsewhere in Asia—China, India, or even the neighboring islands of Java and Sumatra.
Megalithic structures were constructed only in permanent, large communities and by strong,
political leaders either for residence, religious worship, or local bureaucracy... Because of
these social and cultural factors, reinforced by the nature of agricultural pursuits, it is in fact
doubtful whether it is valid to speak of “temples” or to accept the terms to apply to pre-
Hispanic ‘places of adoration’ as most chroniclers did (Jocano 1975, 5-6).
18
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
The implications of this widespread practice of shifting cultivation are manifold. Though
there are shifting cultivators who maintain relatively permanent communities such as
theTagbanwa of Palawan, the characteristic practice was for the dwelling and community to
be moved when a new field was cleared, at times at a considerable distance. Generally,
movements were not inhibited, for the pre-Spanish population of the Philippines was small
and land was a free good. Evidence for these movements is found in the archaeological sites
which are not usually stratified. Communities were often not built (as at Troy, Greece) one
on top of the other, with the deeper materials excavated being the oldest. Thus, the
community had a basically impermanent character. There is a possible correlation of this
with the widespread custom in the Philippines of abandoning or burning a dwelling upon the
death in the household of a family member. Dwellings were viewed as temporary, renewable
structures, not lifelong residences. Widespread institutional characteristics, such as rules of
inheritance, also show correlations with impermanent residences and shifting cultivation.
Throughout Southeast Asia, excluding the Philippines, there occurred a period of megalithic
building. Large stones of many forms, sometimes shaped, were erected as pillars and tables
for ritual and social purposes within the community. In some areas of Indonesia,
sarcophaguses (“coffins”) were made of stone, and in Java and Sumatra during proto-historic
times, there occurred an active period of temple building during which stone was used. The
great temple of Borobudur, in Java, was built during the second half of the eighth century A.
D. This temple, built of stone, consists of nine terraces and a huge bell-shaped stupa. Niches
on the terraces contain over 400 images of Buddha, all sculptured in stone. The question is
frequently asked—Why were no stone structures, such as temples and megaliths, built in the
Philippines during the pre-historic period? As we have seen, the great majority of the peoples
were shifting cultivators living in temporary communities. This milieu is not consonant with
the use of stone for monuments and structures, and their appearance in the Philippines
would not be expected (Fox 1977, 354-355).
19
Hango ang seksyong ito sa mga komentaryo at personal na panayam kay Zeus Salazar (2010-2013).
20
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
Looking at the events that occurred in the Indonesian and Malayan regions, Indian influences
would have reached the Philippines from the 10th through the early 14th centuries A.D. These
are based on the estimated length of time that Indian cultural elements would have travelled
from India through the intervening regions—Indonesia and Malaya. Hence the influx of
these cultural elements would have to be seen in the context of their development in these

166 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

intervening regions. Moreover, if the evidences of these cultural encounters in the past were
relatively meager in number, then it is also seen in the context of the time when Indian
influence in the area was on the decline. Considering too that the Philippines is marginal to
the direct influences of this great tradition, it is indeed impossible to argue for massive
infusion of Indian cultural influence in the Philippines in an era during which new
developments in the area are beginning to assert themselves upon the people (Francisco 1977,
577).
21
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
The second aspect was the lightness of its demands. An Augustinian friar reported in 1572
that, “because Pedro is as good as his master, they eat together from the same plate...” so
what the indios they call slaves suffer in these islands isn’t really slavery, for they only do
what they want without their lord or master forcing them to do more than they feel like doing
(Scott 1991, 13).
22
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
Critics of the view that we had a prehistoric civilization point to the fact that we did not
possess megalithic structures to document such accomplishments. This is true. We did not
build pyramids, a Great Wall, a Taj Mahal, an Angkor Wat, or a Borobudur. There was no
need for these structures because we did not have despots and tyrants as leaders. We were
free and democratic (Jocano 1998, 197).
23
Salin sa Filipino ng salin sa Ingles ng orihinal na Espanyol na: The care and technique with which they
build them makes their ships sail like birds, while ours are like lead in comparison (Combes 1667, 70).
24
Salin sa Filipino ng orihinal na Ingles na:
[W]hat distinguishes the Philippine goldworking tradition is that it displays a level of
refinement matched only by the kingdom of Java. Although gold jewelry played an important
role in mainland Southeast Asian kingdoms, such as those of Champa [Vietnam], Angkor
[Cambodia], and Dvaravati [Thailand], these depended mostly on simple sheet and repoussé
methods of construction, rarely displaying the technical complexity and level of skill evident
in Philippine workmanship. Only the Javanese goldsmiths rivaled their Philippine
counterpart… (Capistrano-Baker 2011, 174).

Sanggunian

Abrera, Ma. Bernadette. 2011. Panday Balangay: Ang Dagat sa Kamalayang Pilipino. Papel
na binasa sa Pambansang Kumperensya sa Kasaysayan at Kultura ng ADHIKA ng
Pilipinas, Nobyembre 28, sa Red Palm Hotel, Butuan City, Philippines.

Alcina, Francisco Ignacio. 1668a. History of the Bisayan People in the Philippine Islands:
Evangelization and Culture at the Contact Period; Volume 3. Tsln. sa Ingles mula
Espanyol, Cantius J. Kobak at Lucio Gutierrez. Manila: University of Santo Tomas
Publishing House, 2002.

Alcina, Francisco Ignacio. 1668b. La Historia de las Islas e Indios Visayas. Madrid:
Instituto Historico de Marina, 1974.

167 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Ambrosio, Dante L. 2010. Balatik; Etnoastronomiya; Kalangitan sa Kabihasnang Pilipino.


Quezon City: University of Philippines Press.

Arcilla, Jose S., pat. 1998. Kasaysayan: The Story of the Filipino People, Volume 3.
Hongkong: Reader’s Digest.

Associated Press (AP). 2012. Philippines Leads World in Belief in God. Philippine Daily
Inquirer, Abril 18.

Barretto-Tesoro, Grace. 2008. Where are the Datu and Catalonan in Early Philippine
Societies?: Investigating Status in Calatagan. Philippine Quarterly of Culture &
Society 36, blg. 3: 85-91.

Binghay, Virgel C. 2010. Ensuring Occupational Health and Safety for Overseas Filipino
Seafarers. Papel na binasa sa Beyond 2010: Leadership, Public Administration, and
Governance—The Diaspora of Filipino: Strategic Issues, Concerns, and
Alternatives, Pebrero 3, sa University of the Philippines - Diliman, Quezon City.

Boxer Codex. 1590. Sino-Spanish Codex Manuscript. Bloomington: Indiana University,


2009.

Capistrano-Baker, Florina H., pat. 2011. Philippine Ancestral Gold. Makati City at
Singapore: Ayala Museum at National Univesity of Singapore Press.

Casal, Gabriel S., Eusebio Z. Dizon, Wilfredo P. Ronquillo, at Cecilio G. Salcedo, mga pat.
1998. Kasaysayan: The Story of the Filipino People, Volume 2. Hongkong: Reader’s
Digest.

Chirino, Pedro. 1604. History of the Philippine Province of the Society of Jesus:
Evangelization and Culture at the Contact Period; Volume 2. Pat. Jaime Gorriz i
Abella. Tsln. sa Ingles mula Espanyol, Jose S. Arcilla. Quezon City: Ateneo de
Manila University Press, 2010.

Colin, Francisco. 1663. Labor Evangelica, Ministerios Apostolicos de los Obreros de la


Compañia de Jesus, Fundacion, y Progresos de su Provincia en las Islad Filipinas.
Barcelona: Henrich y Compañia, 1902.

Combes, Francisco. 1667. Historia de las Islas de Mindanao, Jolo, y sus Adyacentes.
Manila: Cathedratico de Prima de Theologia en su Colegio, y Universidad.

168 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Fox, Robert B. 1977. Looking at the Prehispanic Community; The Structure of Prehistoric
Filipino Communities. Nasa Filipino Heritage: The Making of a Nation; Volume 2,
pat. Alfredo R. Roces, 354-355. Manila: Felta Book Sales.

Francisco, Juan R. 1977. Indian Imprint. Nasa Filipino Heritage: The Making of a Nation;
Volume 3, pat. Alfredo R. Roces, 576-580. Manila: Felta Book Sales.

Isorena, Efren. 2012. Ang Bangka sa Migrasyong Austronesyano. Papel na binasa sa Ika-
Sampung Pambansang BAKAS Seminar-Workshop: Kasaysayan ng Kapilipinuhan –
Bagong Balangkas, Abril 19, sa Don Bosco Technical Institute, Makati, Philippines.

Jocano, F. Landa, pat. 1975. The Philipppines at the Spanish Contact: Some Major Accounts
of Early Filipino Society and Culture. Manila: MCS Enterprises.

Jocano, F. Landa. 1998. Filipino Prehistory: Rediscovering Precolonial Heritage. Quezon


City: Punlad Research House.

Joe America. 2013. The Philippines: The most dangerous land on the planet. Websayt ng
GMA News. Pinost noong Oktubre 26. http://goo.gl/wmTc5l (nakuha noong
Oktubre 26, 2013).

Junker, Laura Lee. 2000. Raiding, Trading, and Feasting (The Political Economy of
Philippine Chiefdoms). Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Kobak, Cantius. 2002. Ancient Pre-Hispanic Concept of Divinity, the Spirit-World


Sacrifices, Rites, and Rituals among the Bisayans in the Philippines. Philippiniana
Sacra 37, blg. 111 (Setyembre-Disyembre): 411-478.

Lasco, Lorenz. 2011. Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino: Isang
Panimulang Pag-aaral. Dalumat E-Journal 2, blg. 1: 1-15.

Lisboa, Marcos de. 1754. Vocabulario de la Lengua Bicol; Primera y Segunda Parte.
Sampaloc: Convento de Nuestra Señora de Loreto.

Melendres, Ferdinand V. 2009. My Country’s Godly Heritage: The History of the


Philippines in Biblical Perspective. Quezon City: New Day Publishers.

Mentrida, Alonso de. 1841. Diccionario de la Lengua Bisaya, Hiligueina y Haraya de la Isla
de Panay. Manila: Imprenta de D. Manuel y de D. Felis Dayot, por D. Tomas Oliva.

169 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Murillo Velarde, Pedro. 1734. Carta Hydrographica y Chorographica delas Yslas Filipinas.
Websayt ng Biblioteca Nacional de España. http://goo.gl/EGIzPn (nakuha noong
Disyembre 31, 2013).

Paz, Victor J. at Salazar, Zeus A. 2010. Bakit Nabaon sa Limot ang Pangasi sa mga Tagalog
at sa Katagalugan?” Test Pit 17 (Disyembre): 24.

Perez, Rodrigo III D., Rosario S. Encarnacion, at Julian E. Dacanay Jr. 1989. Folk
Architecture. Quezon City: GCF Books.

Pigafetta, Antonio. 1525. Magellan’s Voyage: A Narrative Account of the First


Circumnavigation. Tsln. sa Ingles mula Pranses, R.A. Skelton. New Haven: Yale
University Press, 1969.

Plasencia, Juan de. 1589. Relacion de las Costumbres de Los Tagalos. Nasa The
Philipppines at the Spanish Contact: Some Major Accounts of Early Filipino Society
and Culture, pat. F. Landa Jocano, 108-124. Manila: MCS Enterprises, 1975.

Reyes, Lynda Angelica N. 1992. The Textiles of Southern Philippines: The Textile Traditions
of the Bagobo, Mandaya, and Bilaan from their Beginnings to the 1900s. Quezon
City: University of the Philippines Press.

Rodgers, Susan at Pierre-Alain Ferrazzini, mga pat. 1985. Power and Gold: Jewelry from
Indonesia, Malaysia, and the Philippines from the Collection of Barber-Müller
Museum Geneva. Geneva: Barber-Müller Museum.

Saber, Mamitua at Dionisio G. Orellana. 1981. Maranao Folk Art: Survey of Forms,
Designs, and Meanings. Marawi City: Mindanao State University.

Salazar, Zeus A. 1998. The Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu. Quezon
City: Palimbagan ng Lahi.

Salazar, Zeus A. 2004. Liktao at Epiko: Ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan,
Camarines Sur. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.

Salazar, Zeus A. 2006. Ang Pilipinong “Banua”/“Banwa” sa Mundong Melano-Polynesiano.


Quezon City: Palimbagan ng Lahi.

Salazar, Zeus A. 2010-2013. Panayam kay Zeus A. Salazar ni Lorenz Lasco. Katipunan,
Quezon City, Philippines.

170 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Salcedo, Juan. 1891. Proyectos de Dominación y Colonización de Mindanao y Joló. Gerona:


Impr. y Encuadernacion de Manuel Llach.

San Antonio, Francisco. 1624. Vocabulario Tagalo, 1624. Pat. Antoon Postma. Quezon
City: Ateneo de Manila University Pulong: Sources for Philippine Studies, 2000.

San Buenaventura, Pedro de. 1613. Vocabulario de Lengua Tagala; El Romance Castellano
Puesto Primero; Primera, y Segunda Parte por Fr. Pedro de San Buenaventura, Inútil
e Indigno Religioso Franciscano Descalzo; Dirigido a D. Ivan de Silva Cavallero del
Orden de Santiago Governador y Capitan General de Estas Islas, y Presidente de su
Audiencia y Chancellería Real; Con Licencia Impreso en la Noble Villa de Pila, por
Thomas Pinpin, y Domingo Loag Tagalos; Año de 1613. Manila: Impreso en la noble
Villa de Pila.

Sanchez, Matheo. 1711. Vocabulario de la Lengua Bisaya. Manila: Colegio de la Sagrada


Compania de Jesus.

Scott, William Henry G. 1991. Slavery in the Spanish Philippines. Manila: De La Salle
University Press.

Seoane, Mateo. 1862. A Dictionary of the Spanish and English Language; Tenth Edition.
Mga pat. Henry Neuman at Giuseppe Boretti. London: Longman.

Sitoy, T. Valentino Jr. 1985. The Initial Encounter: A History of Christianity in the
Philippines. Quezon City: New Day Publishers.

Tiongson, Jaime F. 2011. Panayam kay Jaime F. Tiongson ni Lorenz Lasco. Katipunan,
Quezon City, Philippines.

Tiongson, Jaime F., Zeus A. Salazar, Ma. Carmen V. Peñalosa, Grace Barretto-Tesoro,
Donna N. Arriola, Michael Armand P. Canilao, Michael Charleston B. Chua, Nancy
Kimuell-Gabriel, Elle S. Lim, Anna Carla L. Pineda, Joan Tara R. Reyes, Luciano
P.R. Santiago, Lars Raymund C. Ubaldo, at Timothy James R. Vitales. 2013. Ang
Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna. Quezon City: Bagong
Kasaysayan, Inc. at Pila, Laguna: Pila Historical Society Foundation, Inc.

University of Michigan (UM). 1870-1925. Philippine Photographs Digital Archive, Special


Collections Library. http://goo.gl/lGWTRA (nakuha noong Disyembre 31, 2013).

Villegas, Ramon N. 2004. Ginto: History Wrought in Gold. Manila: Bangko Sentral ng
Pilipinas.

171 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo
Saliksik E-Journal
Tomo 3, Bilang 1 | Agosto 2014

Wikimedia Commons. 2002. Evening View of Angkor Wat. Websayt ng Wikimedia


Commons. Pinost noong Nobyembre 18. http://goo.gl/jGE0tf (nakuha noong
Disyembre 31, 2013).

Wikimedia Commons. 2008a. Bird Silhouettes. Websayt ng Wikimedia Commons.


Pinost noong Hulyo 4. http://goo.gl/6BKnHQ (nakuha noong Disyembre 31, 2013).

Wikimedia Commons. 2008b. Laguna Copperplate Inscription. Websayt ng Wikimedia


Commons. Pinost noong Hulyo 24. http://goo.gl/AQCs2v (nakuha noong
Disyembre 31, 2013).

Wikimedia Commons. 2009. Borobudur. Websayt ng Wikimedia Commons. Pinost


noong Disyembre 27. http://goo.gl/0ymrEl (nakuha noong Disyembre 31, 2013).

Wikimedia Commons. 2012a. Mars Terraforming-NASA GIS Based. Websayt ng


Wikimedia Commons. Pinost noong Nobyembre 7. http://goo.gl/UCDWD0
(nakuha noong Disyembre 31, 2013).

Wikimedia Commons. 2012b. Chinese Black Dragon. Websayt ng Wikimedia Commons.


Pinost noong Enero 23. http://goo.gl/OFbOMn (nakuha noong Disyembre 31,
2013).

Wikimedia Commons. 2013. Smiling Sun. Websayt ng Wikimedia Commons. Pinost


noong Disyembre 27. http://goo.gl/Km6kyf (nakuha noong Disyembre 31, 2013).

Wikipedia. 2005. Angkor Wat. Websayt ng Wikipedia. Pinost noong Pebrero 15.
Nirebisa, http://goo.gl/95dQbf (nakuha noong Disyembre 31, 2013).

Wikipedia. 2002. London. Websayt ng Wikipedia. Pinost noong Setyembre 5, 2002.


Nirebisa, http://goo.gl/Okr4zK (nakuha noong Disyembre 31, 2013).

172 LASCO: Kadahilanan Kung Bakit Wala Tayong Malalaking Gusali o Templo

You might also like