You are on page 1of 7

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 8

W8 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa
COMPETENCIES (MELCs) Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig
III. CONTENT/CORE CONTENT Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 40 minuto Sa araling ito ay iyong bibigyang pagpapahalaga ang nasyonalismong umiral
Panimula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Bilang mag- aaral ikaw ay inaasahan na:


1. Natutukoy ang nasyonalismong umiral sa Europa, Asya, at iba’t ibang
bahagi ng daigdig
2. Nakapagbibigay ng sariling paraan ng pagpapakita ng nasyonalismo

Iyong dapat malaman:

Dahil sa Rebolusyong Amerikano at Pranses ay nagkaroon ng malaking bunga


sa kaayusang pulitikal ang mga bansa sa daigdig Isang siglo matapos ang mga
ito ay ramdam pa rin ang bakas ng mga ideyang pinaglaban. Tuklasin ang
halaga nito sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo.

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig


Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring
biglaan. Kailangan itong madama, at paghirapan ng mga tao upang matutuhan
nilang mahalin ang kanilang bansa. Sa iba, ito’y pagsasakripisyo pati ng buhay.
Hangad ng mga tao na may ipagmamalaki sila bilang isang bansa. Habang
tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang nararamdaman ang pagiging
makabayan.
Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba’t ibang paraan kung paano nadama
ng tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa,
may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin
na humahantong sa digmaan.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union


Ika-13 na siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asya at sinakop
ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit 200 taon. Nag-iwan ng mga bakas
sa pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng
pananakop. Naging tagapagligtas ng Russia, tumalo, at nakapagpabagsak sa
mga Tartar sa labananng Oka si Ivan the Great.
Sa “Himagsikang Ruso”, pinasimulan ang October Revolution ng mga
Komunistang Soviet. Sa unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang
mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng
Partido Komunista. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang Russia sa
Alyado. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng bansa.

Nasyonalismo sa Latin Amerika


Pagkatapos makamit ng United States ang kanilang kalayaan sa Great
Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin Amerika laban sa Spain.
Nagkabuklod-buklod sila sa pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa
pamahalaan, walang kalayaan magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa
pangangalakal.
Sa kabilang banda, nag-alsa ang mga kolonya ng Espanyol sa iba’t ibang
panahon at sa ilalim ng iba’t ibang pinuno. Nais ng mga Bagong Republika na
mabigyang halaga ang kanilang mga naiambag. Gayundin, ang kanilang mga
bayani. Sa Latin Amerika, gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa mga
katiwalian ng monarkiya laban sa Republika. Nagbigay diin ito sa mga pagkakaiba
ng mga bansang Latin Amerikan. Maraming himagsikanang nagpasiklab ng
kanilang pagkamuhi.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa


Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malalayang bansa sa Africa-
Ethiopia, Liberia, at Republic of South Africa. Sinasabing nagsimula ang una
(Ethiopia) sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang
ikalawa (Liberia) noong 1810 sa tulong ng Amerika at ipinangalan kay Pangulong
James Monroe ng United States ang kabisera ng Monrovia. Naging kasapi ng British
Commonwealth of Nations ang ikatlo (Republic of South Africa) noong 1910.
Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan. May
mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo
at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya
ang Angola, Mozambique, at Guinea Bissau noong 1975.

Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral “Araling Panlipunan-Kasaysayan ng Daigdig--


Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, p. 413-421

**************************************************************************************
Nasyonalismo sa Europe at Asya
Ang kasaysayan ng daigdig sa ika-19 na siglo ay kinakitaan ng pag-unlad at
paglaganap ng nasyonalismo. Sa Europa, maraming rebelyon ang isinagawa sa
ngalan ng nasyonalismo na ang nagsilbing inspirasyon ay ang ideya ng kalayaan,
pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran ng Rebolusyong Pranses. Sa Asya,
ang huling bahagi ng ika-19 na siglo, kinakitaan ng pagtatangkang lumaya mula
sa mga pwersang Kanluranin.
Ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo? Ito ay ang pagmamahal sa bansa na
nakaugat sa kamalayan ng isang lahi na sila ay nagbubuklod ng isang wika,
kasaysayan, kultura, pagpapahalaga, at relihiyon. Sa kabuuan, ang nasyonalismo
ay isang positibong pwersa kung ito ay gagamitin sa pagtataguyod ng
pagkakaisa at pagkakakilanlan at kung ito ay hindi nakasasagabal sa tunguhin ng
isang bansa. Ayon sa nasyonalistang si Claro M. Recto, walang masama sa
pagtataguyod ng kapakanan ng sariling bansa, ang masama ay ang pakikialam
sa direksiyong tutunguhin ng iba pang mga bansa. Ang pakikialam at
panghihimasok sa ibang bansa ay tinatawag na imperyalismo.

A. Nasyonalismo sa Europe
Ang unang yugto ng pagkabuo ng nasyonalismo sa Europa ay sinasabing
kinakitaan ng karapatan sa grupong lingguwistiko at kultural at ang pagnanais na
makalaya mula sa kontrol ng dayuhan. Kalaunan, umunlad ito tungo sa kilusang
nagtataguyod ng kagalingan ng bansang kinabibilangan at pakikipaglaban sa
karapatan ng mga mamamayan na maitakda ang sariling kapalaran.

Congress of Vienna. Ito ay naganap noong 1814 upang pagtibayin ang Treaty
of Paris na nagwakas sa mga digmaang inilunsad ni Napoleon at upang buuing
muli ang istrukturang pulitikal ng Europa. Nilahukan ito ng Austria, Prussia, Denmark,
Bavaria, Saxony, at Russia. Ang naging resulta ng nasabing kongreso ay ang
restorasyon ng dinastiya sa kanilang trono at ang paghahati-hati ng mga
nanalong bansa sa tinatawag na Spoils of war o mga nakamit na tagumpay,
pribilehiyo o materyal bagay mula sa digmaan.
Germany
Ang Germany ay binubuo ng magkakahiwalay na estado na nasa ilalim ng
pamumuno ng Austria. Sa ganitong konteksto, nabuo ang Burschenschaften, isang
radikal na kilusan na ang layunin ay magkaroon ng pagkakaisa at nasyonalismong
German. Hangad nito na magkaroon ng mas malawak na partisipasyon sa
pamahalaan. Ang kilusan ay pinangunahan nina Friedrich L. Jahn at Ernest M.
Arndt.

Italy
Hati at nasa ilalim ng mga dayuhang pamumuno ang mga estado ng Italy.
Nasa ilalim ng pamilyang Hapsburg ng Austria and estado ng Lombardy, Venetia,
at Tuscany sa Hilaga. Nasa ilalim ni Ferdinad I, ang Espanyol na haring Bourbon ang
Sicily at Naples sa Timog Italy. Sa Gitnang Italy, pinamahalaan ng Papa ang Papal
States, kabilang ang Rome. Tanging ang Sardinia ang pinamahalaan ng isang
pamilyang Italian, ang House of Savoy.
Ang hangarin tungo sa pagkakaisa ang nagtulak sa mga rebolusyonaryong
Italian na magtatag ng mga kilusan. Ang hangaring ito ang dahilan ng pagkabuo
ng Risorgimento o ang kilusan upang makamtan ang pagkakaisa at kalayaan.

Greece
Noong 1821, nag-alsa ang Greece laban sa Ottoman Turk. Noong 1827,
nakialam ang Great Britain, Russia, at France upang palayain ang Greece mula sa
mga Turk na kanilang natalo noong 1829. Ang naging resulta nito ay ang Treaty of
Andrianople kung saan ibinigay sa Greece ang kalayaan sa tulong ng tatlong
puwersang Kanluraning. Iniluklok si Otto, anak ng hari ng Bavaria, bilang unang hari
ng Greece.

Spain
Bilang reaksiyon sa kaayusang nilikha sa Congress of Vienna, nagkaroon ng
pag-aalsa sa Spain noong 1820. Ang pag-aalsa ay natuon sa haring Bourbon na si
Ferdinand VII na napilitang ibalik ang Konstitusyon matapos itong maisantabi dahil
sa restorasyon ng monarkiya. Gayumpaman, nang makialam na ang Quadruple
Alliance (Russia, Prussia, Austria, at Great Britain) ay nanumbalik sa kapangyarihan
si Ferdinand VII.

France
Ang mga pag-aalsang naganap sa France ay maituturing na karugtong ng
mga ideyang ipinaglaban ng Rebolusyong Pranses. Ang July Revolt noong 1830 ay
nagsilbing reaksiyon sa mga restriksiyong ipinatupad ni Haring Charles X hinggil sa
pamamahayag at pagbuwag sa Chamber of Deputies o ang lehislatura.
Noong Pebrero 1848, isa na namang pag aalsa ang isinagawa ng mga
manggagawa na naniwalang ang pulitikal at panlipunang katarungan ay
makakamit lamang sa pamamagitan ng rebolusyon.

Imperyong Austria-Hungary
Ang pag-aalsa sa Austria ay kasunod ng mga pag-aalsa sa France noong
1848. Ito ay nakatuon laban sa mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad
ni Clemens von Metternich. Nagsama-sama sa mga kalsada ng Vienna ang mga
manggagawa, magsasaka, at estudyante. Tumakas si Metternich papuntang
Great Britain. Ipinagkaloob ni Haring Ferdinand I ang mga kahilingan ng mga
rebolusyonaryo, kasama na rito ang pangako ng konstitusyong liberal para sa
imperyo.
Samantala, ang Hungary na noon ay bahagi ng imperyo ay masidhi ang
paghingi ng kalayaan. Malakas naman ang sigaw para sa pambansang
awtonomiya ng mga Croat, Slovak, at iba pang mga pangkat-etniko na sakop ng
teritoryo.
B. Nasyonalismo sa Asya:
Ang nasyonalismong nabuo sa Asya ay maaaring ituring na reaksiyon sa
mapaniil na patakaran ng mga dayuhang imperyalista. Ang mga pag-aalsa at
paghihimagsik na naganap sa iba’t ibang bahagi ng Asya sa ika-19 na siglo, ay
bilang pagtutol sa mga partikular na patakarang ipinatupad ng mga Kanluranin
sa kani-kanilang kolonya.

India
Ang mga English ang namayani sa India simula ika-18 siglo. Ang kanilang
tagumpay sa pagsupil sa mga pinunong lokal o hari ay dahil sa tulong ng Sepoy
(katutubong Indian na ginawang sundalo ng mga English). Sundalong Sepoy din
ang ipinanlalaban ng mga English sa kalaban nito sa ibang lugar tulad ng Burma.
Gayunpaman, noong 1857-1858, sumiklab ang Rebelyong Sepoy dahil sa
balitang ang mga cartridge na ginagamit sa ripleng pinagagamit ng English sa
mga Sepoy ay pinapahiran ng langis na galing sa taba ng baka at baboy. Dahil
hindi kinakain ng mga Hindu ang baka at sa mga Muslim naman ay baboy, nagalit
ang mga Sepoy at nag-alsa ngunit sa kalaunan ay nasugpo din ng mga English.

China
Sa China, ang pagsiklab ng mga rebelyon tulad ng Rebelyong Taiping laban
sa Dinastiyang Qing at Rebelyong Boxer laban sa mga dayuhan ay pagpapakita
ng kagustuhan ng mga Tsino na lumaya sa mga dayuhan.
Ang Rebelyong Taiping (1850-1864) ay pinasimulan ni Hung Hsiu-Chuan. Ninais
niyang mapalaganap ang kapayapaan sa China sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Itinaguyod niya ang mga ideya ng kapatiran,
komyunal na pag-aari, at pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Ang pamamayani ng kapangyarihang Kanluranin sa China ay isinisi ng mga
Tsino sa Dinastiyang Manchu. Kaya naman nagbigay ng lihim na suporta si Empress
Dowager Ci Xi sa grupong Boxers (nabibilang sa kilusang tinatawag na Society of
Righteous & Harmonious Fists) at hinimok nya ang Boxers na magalit sa mga
dayuhan at patalsikin ang mga ito upang matigil na ang pananamantala sa
China. Naganap ang Rebelyong Boxers mula 1898-1900. Sinalakay ng mga Boxers
ang Peking (isang lugar sa China) at pinatay ang maraming dayuhan.

Pilipinas
Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Espanyol simula 1565. Sa loob ng halos 333
taon, nakaranas ang mga Pilipino ng pagmamalupit at pang aabuso sa kamay ng
mga Espanyol sa pamamagitan ng mga patakarang hindi makatwiran gaya ng
polo y servicio (sapilitang paggawa), tributo (buwis) at bandala (sapilitang
pagbebenta ng produkto sa murang halaga). Ang mga pang-aabuso ay dulot din
ng malawakang diskriminasyon laban sa mga Pilipino na ipinatupad ng mga
Espanyol.
Mula ika-16 na siglo, sumiklab ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol tulad ng
mga pag-aalsang pinamunuan nina Diego Silang (Ilocos); Tamblot at Francisco
Dagohoy (Bohol); Hermano Pule (Quezon); at marami pang iba. Ang mga pag-
aalsang ito ay reaksiyon ng mga Pilipino sa mapaniil na paraang pinairal ng mga
Espanyol sa Pilipinas.
Pagdating ng ika-19 na siglo, dalawang uri na pakikibaka ang inilunsad ng mga
Pilipino. Ang isa ay Kilusang Propaganda na pinangunahan ng mga ilustrado
(Pilipinong nakapag-aral sa Pilipinas o Europa) gaya nina Jose Rizal, Graciano
Lopez-Jaena, at Marcelo del Pilar. Naglathala sila ng pahayagang naglalaman ng
mga hinaing ng mga Pilipino laban sa pamahalaang kolonyal sa Pillipinas.
Inilathala din nila dito ang mga reporma (pagbabago) na nais nilang maipatupad
gaya ng gawing lalawigan ang Pilipinas ng Spain, representasyon sa lehislatura ng
Spain, kalayaan sa pamamahayag, kalayaan sa pagtatatag ng samahan, at iba
pang kalayaan na makabubuti sa kalagayan ng mga Pilipino.
Samantala, ang ikalawang pakikibaka ay sumiklab noong 1896 nang ilunsad
ang KKK (himagsikang samahan) na pinangunahan ni Andres Bonifacio (Supremo
ng Katipunan). Layunin ng kilusang ito na patalsikin ang mga Espanyol sa Pilipinas
at makamit ang ganap na kasarinlan. Humantong ito sa kasarinlan ng Pilipinas
noong 1898 (ika-12 ng Hunyo) sa Kawit, Cavite at pinasinaya ang Unang Republika
ng Pilipinas sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo ng Pilipinas.

Sanggunian: Mateo et al. (_____) Kasaysayan ng Daigdig (Serye III)-Batayang Aklat


sa Araling Panlipunan, p 296-304

*Para sa ODL Class - upang madagdagan ang kaalaman sa paksang tinatalakay,


bisitahin ang link na kalakip: https://www.slideshare.net/jmpalero/pag-usbong-ng-
nasyonalismo-sa-europa

B. Development 20 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tambal-Salita


Pagpapaunl Panuto: Pagtambalin ang mga salitang nasa Hanay A sa pamamagitan ng
ad kahulugan na nasa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
1. nasyonalismo a. Kalayaan
b. Digmaan
2. liberalismo c. Anyo ng pamahalaan na pinamumunuan ng lider
na nagmula sa lahi ng dugong bughaw (hari o
3. imperyalismo reyna)
d. Nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan
4. kolonya Walang nakakamit na kalayaan at karapatan
ang mamamayan
5. czar e. Uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay
nasa iilan. Karaniwang namumuno ay elite o
6. aristokrasya maharlika na kinilala dahil sa pagkakaroon ng
mataas na katayuan sa lipunan, yaman at
7. diktatoryal kapangyarihang pulitikal
f. tawag sa pinuno sa Europa partikular sa Russia
8. monarkiya g. lupaing sinakop ng makapangyarihang bansa
h. tumutukoy sa patakaran ng isang
9. himagsikan makapangyarihang bansa na palawakin ang
kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng
10. kasarinlan pagpapalawak ng teritoryo at pagkontrol sa
pangkabuhayan at pampulitikang aspeto ng
sakop na bansa.
i. isang panlipunang etika na sinusulong ang
kalayaan, at pagkapantay-pantay sa
pangkalahatan
j. pagmamahal sa bansa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pangungu-salita


Panuto: Pumili ng 5 salita na nasa Hanay A at gamitin ito sa pangungusap. Isulat
ang iyong tugon sa sagutang papel.

1. _________________________________________________
2. _________________________________________________
3. _________________________________________________
4. _________________________________________________
5. _________________________________________________
C. Engagement 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukoy-Nasyonalismo!
Pakikipagpal Panuto: Tukuyin sa pamamagitan ng pagbuo sa mga konsepto, personalidad,
ihan lugar o pangyayari na may kinalaman sa nasyonalismong umiiral sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig. Ang inisyal na titik ay ibinigay upang maging gabay sa
pagsagot. Isulat ang iyong tugon sa sagutang papel.

1. Noong ika-13 siglo dumating sa R_ _ _ _ _ ang mga Tartar o Mongol mula


sa Asya upang ito ay sakupin.

2. Pagkatapos makamit ng United States ang kalayaan sa Great Britain, nag-


alsa ang mga lugar ng L_ _ _ _ A_ _ _ _ _ tulad ng Venezuela, Chile, Peru,
Argentina at iba pa laban sa Spain.

3. Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malalayang bansa sa Africa-
Ethiopia, Liberia at Republic of South Africa. Sinasabing nagsimula ang una
(Ethiopia) sa pamamahala ni Haring S_ _ _ _ _ _ at ng Reyna ng Sheba.

4. Naging tagapagligtas ng Russia, tumalo, at nakapagpabagsak sa mga


Tartar sa labanang Oka si I_ _ _ the Great.

5. Ayon sa nasyonalistang si C_ _ _ _ R_ _ _ _, walang masama sa


pagtataguyod ng kapakanan ng sariling bansa, ang masama ay ang
pakikialam sa direksiyong tutunguhin ng iba pang mga bansa.

6. C_ _ _ _ _ _ _ of V_ _ _ _ _ ay ipinatawag noong 1814 upang pagtibayin ang


Treaty of Paris na nagwakas sa mga digmaang inilunsad ni Napoleon.

7.-8. Isang radikal na kilusan na ang layunin ay magkaroon ng pagkakaisa at


nasyonalismong German ay pinangunahan nina
F_ _ _ _ _ _ _ _ L. Jahn at E_ _ _ _ _ M. Arndt.

9. Tanging ang S_ _ _ _ _ _ _ ang pinamahalaan ng isang pamilyang Italian,


ang House of Savoy.

10. Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Nagpairal ito ng
patakarang hindi makatwiran gaya ng T_ _ _ _ _ _ o pagbubuwis ng mga
Pilipino sa mga Espanyol.

D. Assimilation 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ipahayag Mo... Ang Damdamin Mo!
Paglalapat Panuto: Bilang mamamayang Pilipino, magbigay ng tatlong (3) sariling paraan na
nagpapakita ng pagmamahal sa Bayang Sinilangan. Isulat ang iyong tugon sa
sagutang papel.
1. _____________________________________
2. ____________________________________
3. ____________________________________

V. ASSESSMENT 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Sagutin ang mga ito
sa pamamagitan ng paglalagay ng legend kung saan lugar sumibol ang
nasyonalismo. Isulat ang iyong tugon sa sagutang papel.

Legend:
EU = Europe AS = Asia AF = Africa

1. Ikalawang pakikibaka ay sumiklab noong 1896 nang ilunsad ang KKK


(himagsikang samahan) na pinangunahan ni Andres Bonifacio (Supremo
ng Katipunan). Layunin ng kilusang ito na patalsikin ang mga Espanyol sa
Pilipinas at makamit ang ganap na kasarinlan.
2. Ang Rebelyong Taiping (1850-1864) ay pinasimulan ni Hung Hsiu-Chuan.
Ninais niyang mapalaganap ang kapayapaan sa China sa pamamagitan
ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Itinaguyod niya ang mga ideya ng
kapatiran, komyunal na pag-aari, at pagkakapantay-pantay ng kasarian.

3. Noong 1821, nag-alsa ang Greece laban sa Ottoman Turk. Noong 1827,
nakialam ang Great Britain, Russia, at France upang palayain ang Greece
mula sa mga Turk na kanilang natalo noong 1829.

4. Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang
karahasan. May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang
kalayaan tulad ng Congo at Algeria.

5. Ang Germany ay binubuo ng magkakahiwalay na estado na nasa ilalim


ng pamumuno ng Austria. Sa ganitong konteksto, nabuo ang
Burschenschaften, isang radikal na kilusan na ang layunin ay magkaroon
ng pagkakaisa at nasyonalismong German.

VI. REFLECTION 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Pagbuo ng Konsepto!


Panuto: Buuin ang konsepto batay sa iyong natutunan at saloobin. Isulat ang sagot
sa kwaderno.

Para sa akin, ang NASYONALISMO ay __________________________________________


_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Ako bilang mag-aaral, ipinapangako ko _______________________________________


_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

LEAP Writer: DARWIN A. SERILLANO Checked by: AUGUST JAMORA/


SDO Rizal - Burgos National High School) RIZALDY CRISTO

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay
sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong
ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang
hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko
ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6

You might also like