You are on page 1of 1

Ang “Maaring Lumipad ang Tao” ay isang uri ng panitikan na isinalaysay ni Virginia Hamilton at isinalin naman sa Filipino

ni Roderic P. Urgelles. Sa babasahing ito, ang mga indibidwal sa bansang Africa ay may natatanging lihim na itinatago
nila – marunong silang lumipad. Ang sekretong ito ay naiingatan dahil inaalis lamang nila ang kanilang mga pakpak.
Sa kuwento, makikita ang mga taga-Africa na nasa lupain ng mga alipin na may tagapagbantay na naksakay sa isang
kabayo. Ang babaeng may bitbit na sanggol sa likuran ay nag ngangalang Sarah, siya ay kabilang sa mga
nagtatrabaho sa lupaing nabanggit. Nagtatrabaho sila, ngunit ang kumplikadong katotohanan ay sa gitna ng pagod
at paghihirap, ang mga manggagawa na mabagal kumilos ay nakakatanggap ng ng pangaapi mula sa tagapagbantay
sa pamamagitan ng paghampas nito ng lagito sa kanila. Sa kalagitnaan ng pag tatrabaho ng mga manggagawa, umiyak
ang anak ni Sarah sa gutom at dahil wala siyang magawa ay hinayaan n’ya itong umiyak. Dahil sa sitwasyong iyon ay
pinarusahan siya ng tagapagbantay gamit ang latigo hangga’t sa humalo na ang kanyang dugo sa putik. Nang tumigil ito,
isang matandang lalaking nagngangalang toby ang lumapit sa nakahandusay na si Sarah. Dito sinabi ni toby ang
misteryosong salita ng Africa na nagbigay pakpak kay sarah upang lumipad at makatakas sa lupaing kanyang
pinagtatrabahuan kasama ang anak. Sa mga sumunod na araw ay ipinagpatuloy ni toby ang pagtulong sa ibang
manggagawa, ipinababanggit n’ya ang misteryong salita upang sila ay makatakas sa lupain ng mga alipin at makuha
ang kanilang kalayaan habang ang mga naiwan ay nag aantay pa ng takdang oras.

You might also like