You are on page 1of 3

Theme: HUMILITY

Title: The Power Of Submission

Scripture: Ephesians 5:21-33

21 
Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.

22 
Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop
ninyo sa Panginoon. 23 Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad
ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siya ang
Tagapagligtas nito. 24 Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya,
gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa
kanilang sariling asawa.

25 
Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni
Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya 26 upang
ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig
at sa salita. 27 Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa
kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni kulubot
man, banal at walang anumang kapintasan. 28 Gayundin naman, dapat
mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan.
Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang
sarili. 29 Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y
kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa
iglesya. 30 Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. 31 Gaya ng sinasabi
sa kasulatan, “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at
magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging
isa.” 32 Mayroon ditong malalim na hiwaga, at sinasabi ko na ito'y
tumutukoy sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya. 33 Subalit ito'y para din sa inyo:
kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili;
mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.

May narinig akong kwento “ang kasal ay ang pag-iisang dibdib ng lalaki at babae. Ang nagiging problema
ay kung sino sa kanila ang magdedesisyon. Sabi ng isang nakasulat sa Readers Digest, “Nakatayo ako sa
harap ng salamin at hinahangaan ko ang aking nakikita, nang maalala ko ang aking tanong sa aking
asawa 30 years ago: ‘Mamahalin mo pa aba ako kapag ako ay matanda na, mataba na, at nakakalbo na?
At ang sagot niya sa akin ay. oo.’”

Ang ating passage ngayon ay nagbibigay ng instructions sa iba’t-ibang uri ng relationships, katulad ng
Christian to Christian, husbands and wives, parents and children, at masters and servants. Yung part ng
husbands and wives ay malaking bigatin sa ating araw-araw na buhay. Madalas, ito ay ginagamit ng
masiyadong mapagmataas na husband para under control niya ang kaniyang wife. At yan ay nakakahiya
at nakakalungkod na pangyayari sa isang relationships. Ang Ephesians 5:21-33 ay wala talagang
kinalaman sa control, ito ay patungkol sa pag-iisang dibdib, pagiging iisa, sa ilalim ng kapangyarihan ng
pagpapasakop. Makikita nating ang approach ni Paul, nagsimula siya sa mga wives, pagkatapos ay sa
mga husbands, pagkatapos sa center ay si Kristo at ang church. At bumalik siya sa mga husbands at
natapos siya sa mga wives. Sa lahat ng ito makikita natin ang kaniyang main point, ang pinaka-center,
ang kahanga-hangang pakikipag-isa ni Kristo sa church, at dapat lahat ng ating makamundong mga
pagnanasa ay naka-pattern dito. Merun tayong three primary truths mula sa passage.

1. We build healthy relationships through mutual submission

Kung mayroong tayong duda kung talagang ito ay tumutukoy sa power and control o hindi, tignan natin
ang context sa unang verse, Verse 21 says, “21 Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong
paggalang kay Cristo. Ang verse na ito ay hindi pinaguusapan ang mga wives. Hindi rin pinaguusapan
ang mga husbands. Ang pinaguusapan dito ay ang lahat ng brothers and sisters.

Ang salitang Griyego na “submit” ay “hupotasso.” Isa itong military term, na nangangahulugang
“pagsasaayos,” katulad ng isang tao na nagpapasakot sa authority ng higher rank. Kung ang model natin
ay si Jesus, makikita natin na ang submission na tinutukoy dito ay voluntary. It’s by choice. Katulad ni
Jesus na kusang loob na inialay ang kaniyang buhay sa krus.

Ang isang healthy relationships ay nangangailangan ng pagpapakumbaba, pagpapasakop, kailangan ng


give and take. Ito ay applicable din sa friendship, sa meeting, sa marriage o relationship natin sa iba
pang miyembro ng pamilya, lahat ngl relationships ay nangangailangan ng healthy submission. Ang
problema lang ay ating orihinal na kasalanan, at ang nasa na maging sentro ang sarili ng lahat. Eto po
ang magandang balita, upang maisakatuparan ang verse na ito, kailangan natin ang Holy Spirit. Kapag
tayo ay puno o puspos ng Banal na Espirity: ang lalabas sa iyong bibig ay kababaan ng loob, mga awiting
makalangit, at papuring pagsamba sa Diyos; mapupuno ay iyong puso ng musikang makalangit; magigi
kang mapagpasalamat sa lahat ng situwasyon; ang ngayon, matututo kang magpasakop sa lahat ng iyong
relationships: lahat ito ay produkto ng pagkilos ng Holy Spirit.

Ang sabi ni Apostol Pablo “bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.” Kapag inuna natin ang
ibang tao, maituturing na rin itong act of worship. Kapag inuna natin ang ibang tao, nagiging katulad
tayo ni Jesus. Ang ating Panginoon ay bumaba mula sa kaniyang kaluwalhatian sa langit upang lumapit
sa ating, at maglingkod sa atin, at ialay ang kaniyang buhay para sa atin. Kung si Kristo ay ibinigay ang
kaniyang sarili para sa atin, maaari rin nating ibigay ang ating sarili para sa iba.

2. Makikita natin ang pagpapasakop sa marriage tulad ng mga wives na boluntaryong nagpapasakot at
mga husbands na nagsasakripisyo sa kanilang pag-ibig.

Nakakagulat kung papaano gamitin ng ilang mga husbands ang verses 22-24 para lang ipamalas ang
kanilang control sa kanilang mga wives na kung saan sila man din ay may mga pagkukulang sa knilang
mga responsibilities sa verses 25-33. Papaano inibig ni Kristo ang church? Siya ay nag-alay ng buhay para
rito. Si Jesus ay namatay para sa atin “mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan
pa.” (Romans 5:8). Ibig-sabihin mahal ka ni Jesus unconditionally o nang walang kundisyon. At siya ay
namamagitan para sa iyo at sa Amang nasa langit. Si Jesus maasikaso, pinapakain niya tayo at inaaruga,
tayong kaniyang mga tupa, at tayo’y nakatatanggap ng iba pang mga mahuhusay na handog mula sa
langit. Siya’y naghanda ng mansiyon sa langit para sa atin. Nagpadala siya ng Tagapangalaga sa atin, ang
kaniyang Banal Espirit, simula noon, hanggang ngayon. At inihahanda na ng Panginoon ang ating
katawang panlangit — na parang isang nagliliwanag na kasuotang ng isang ikakasal na babae sa last
days. Mga husbands, subukan nating gawin ang lahat ng iyon sa ating mga wife at walang duda,
magiging madali para sa kanila ang magpasakop sa iyong leadership.

Wives, ang katotohanan na, kapag tayo ay boluntaryong nagpasakot sa ating mga asawa, katulad ng
ating pagpapasakop sa Panginoon, ay nagagawa na nating hubugin ang ating mga husbands na matupad
ang katawagan ng Diyos para sa kaniya. Hinuhubog mo siyang maging fully responsible na i-lead ang
family bilang isang servant leader, katulad ng pagmamahal ni Jesus, siya ay nag-lead, at nag-serve.

Hindi po lahat ay married na, pero lahat tayo ay may kakilalang married na. At kapag naisip natin ang
marriage, ito ay larawan ng mga husbands ay lubos na nagmamahal sa kanilang wives bilang
pagpapakita ng kanilang obedience, at ang mga wives ay nagpapasakop at rumerespeto sa kanilang mga
husbands, ito yung pinaka-main point ng passage.

3. Ang mahusay na marriage ay tungo sa layunin ni Kristo na Siya at ang church ay maging iisa.

Si Jesus ay servant leader. At iyan ay makikita natin ng malinaw sa verses 25 and 26, 25 Mga lalaki,
mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog
niya ang kanyang buhay para sa iglesya 26 upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa
pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita. 27 Ginawa niya ito upang ang iglesya ay
maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni
kulubot man, banal at walang anumang kapintasan. Ito ang pinakapunto ng passage na ito.
Papaano dapag mahalin ng husbands ang kanilang mga wives? Katulad ng pagmamahal ni Kristo “Mahal
ni Kristo ang church at inialay niya ang kaniyang buhay upang ito’y maging banal, hugasan ito sa
pamamagitan ng kaniyang dugo, at ipresenta siya bilang nagliliwanag na church, na walang mantsa o
dumi, bagkos banal at walang kapintasan.” Bagamat ang tinutukoy dito ay patungkol sa marriage, Ang
sinasabi ni Apostol Pablo ay, “ang sinasabi ko ay ang amazing relationship ni Kristo sa church.” Parang
sinasabi niya, “Kapag nakita mo ang marriage sa ilalim ng kalooban ng Diyos, kapag ang mga husband ay
talagang nagpapakita ng sacrificial love sa kanilang wife at ang wife ay boluntaryong nagsu-submit sa
kaniyang husband, ikaw ay pinaaalahanan kung kung papaanong nagsakripisyo at minahal ng Panginoon
ang church, at kung papaano ang church ay nagsu-submit kay Kristo sa lahat ng bagay.” Napaka-ganda!

Hindi natin pinag-uusapan ang control sa pagkakataong ito. In fact, ang pinaguusapan natin ay ang
kabaligtaran ng control. Ang pinag-uusapan natin ay pagpapakumbaba, kababaan ng loob, pagtalikod sa
sarili, ang lahat ng ito ay patungo sa napaka-gandang relationships. At sino ang ating role model? Si
Jesus, na inuna tayo. Maglagay po tayo ng sangkap ng pagpapakumbaba at pagpapasakop sa ating mga
relationships.

You might also like