You are on page 1of 2

"KASAMA MO SI HESUS SA IYONG PAGLALAKBAY"

LUKE 24:13-35

KONTEKSTO NG TEKSTO
Sa teksto na ating binasa ito ay ang kwento ng paglalakbay ng dalawang
tagasunod ni Jesus sa lugar na kung tawagin ay Emmaus labing isang
kilometro ang layo mula sa Jerusalem. Ang emmaus ay isang maliit na bayan
sa Judea.
Hindi binanggit sa aklat ni Lukas ang pangalan ng isang tagasunod bagamat
ang isa ay pinangalanan at sya ay si Cleopas bagamat. Hindi din sila kasama
sa circle of twelve disciples ni Jesus pero ang malinaw sila ay tagasunod din
ni Jesus.
Madaming mga bible scholars ang nagsasabi na ang kasama ni Cleopas ay
walang iba kundi si Maria na kanyang asawa kagaya ng sinabi ni Rev. Jim
Cole Rous isang banyagang Pastor mula sa america sa kanyang libro na
"Gods Honorable Mentions" Ang Maria na tinutukoy ng mga bible scholar ay
walang iba kundi si Maria na isa sa mga babaeng nag ulat sa mga alagad na
wala ang bangkay ni Jesus sa kanyang libingan. (Luke 24:1-10)
ANG DALAWANG TAGASUNOD AT ANG BITBIT NA TAKOT
Malinaw ang pangyayari na habang naglalakad ang dalawang tagasunod na
ito ay bitbit padin nila sa kanilang puso ang bigat at lungkot ng damdamin ng
pagkawala ng Panginoon. Bukod din sa kalungkutan pinaghaharian din sila ng
takot dahil kapag napatunayan ng emperyo ng Roma na sila ay kasama sa
grupo ng Panginoon ay maari din silang matulad sa sinapit ni Jesus.
Kaya nga kung papansinin natin habang kausap ni Cleopaz ang Panginoon
hindi nya pinagsasalita ang kanyang kasama dahil naglalaro sa kanilang isipan
na malaking posibilidad na ang lalakeng kausap nila ay isang espiya ng Roma
upang sila ay tiktikan at sundan sa kanilang mga ginagawa.
Punong puno ng takot, pangamba, pagdududa ang mga tagasunod ni Jesus
at marahil ay ganyan din ang karamihan na nararanasan ng ilang pamilya at
mga kababayan natin. Pero bakit nga ba tayo kailangang matakot at
mangamba kung alam naman natin na sa bawat lakbayin natin sa buhay ay
kasama natin si Jesus.
Marahil ang bawat pamilya na sumusuporta kay Jesus ay nalugmok din sa
kalungkutan at kawalang pag-asa dahil sa kanyang pagkawala. Kung kaya
naman ng makita ni Jesus ang mag asawa na kanyang tagasunod na nalilito,
at natatakot nakiisa sya sa kanilang usapan. Na nangangahulugan na sa ating
mga buhay na sa bawat pinagdaraanang Krisis ng bawat indibidwal na
pamilya ay kaisa natin at kasama si Jesus. Na nagpapaalala na hindi tayo nag
iisa at may kadamay ang bawat pamilya at itoy walang iba kundi ang
Panginoong Jesus.
ANG KAUGNAYAN SA ATING MGA BUHAY
Kagaya ng pakiisa nya sa usapan ng dalawa nyang tagasunod. Lagi nating
tatandaan na ang Jesus na nababasa natin sa bibliya na gumawa ng mga
kababalaghan at mga himala ay ang Jesus na nakipamuhay sa ating
kalagitnaan. Upang tayo ay samahan, damayan at bigyan ng pag-asa sa lahat
ng mga pagsubok, problema at takot na ating pinagdaraanan at pagdaraanan
pa.
Subalit wag din natin kalimutan na bilang isang pamilya may bahagi tayo
upang maging matagumpay din ang pakiisa sa atin ng Panginoon kailangan
natin syang kilalanin sa bawat pamilya na mayroon tayo kagaya ng ginawa ni
Cleopas at ng kanyang kasama na inanyayahan nila si Jesus sa kanilang
tahanan upang makasalo sa hapag kainan. Bagamat kung papansinin natin
hindi naman talaga sasama sa kanila si Jesus subalit dahil sa kanilang
paanyaya sumama si Jesus sa kanilang tahanan upang makisalo sa hapag
kainan. (Vv, 28-29)
PAPASUKIN SI HESUS SA BAWAT PAMILYA
Ganoon din sa bawat pamilya na mayroon tayo dapat nating matutunan na
ibukas ang pintuan ng bawat puso ng ating mga pamilya upang lubusan
makapaghari ang Diyos sa kabuuan ng ating sambayanan. Kailangan nating
buksan ang bawat pintuan ng ating pamilya upang makita natin at maranasan
ang pakikipanahan ng Panginoon.
Kagaya ng sinabi ng Panginoon sa Pangitain ni Juan sa Pahayag
3:20"Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang
aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain
kaming magkasalo".
ANG BAHAGI NG PAMILYA SA GAWAIN NI KRISTO
Subalit sa kabilang banda may bahagi din sa misyon ng Panginoon ang bawat
pamilya na mayroon tayo kailangan nating humayo at gampanan ang ating
mga tungkulin sa pamamagitan ng ating mga patotoo at pagsaksi.
Kagaya ng ginawa ni Cleopas at ng kanyang kasama ng malaman nila na si
Jesus ang kanilang nakausap nakasama at nakasalo, bumalik sila sa
Jerusalem upang magpatotoo sa kanilang nasaksihan na karananasan kay
Jesus. (Vv,33-35)
Sa pagkakataong ito, sa pagharap natin sa ibat ibang problema at hamon
personal man ito, pang pamilya o maging pang komunidad mas higit pa nawa
nating ipakita at ipatotoo ang pananamapalataya na mayroon tayo upang
maging lakas ng ibang pamilyang nanghihina na wag mawalan ng pag-asa at
higit na magtiwala sa kayang gawing ng Diyos sa ating mga buhay.
HAMON NG PAGSASABUHAY
Mga kapatid, ang Panginoon ay nabuhay at laging mayroong mabuting balita
na hatid ang Panginoong Jesus. "Kasama natin sya sa lahat ng ating
lakbayin. Hindi tayo nag-iisa sapagkat ang Jesus na nabuhay ay laging
nariyan upang makiisa, makisama at makisalo sa hirap man o ginhawa ng
ating mga paglalakbay kasama ng buo nating sambahayan. Labanan natin
ang takot at pagkabahala sapagkat kasama natin si Jesus manatili tayo sa
kanyang mga pangako at hatid na pag-asa. Amen.

You might also like