You are on page 1of 3

Mga Uri ng Pagsulat

 Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin


nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.

- kritikal na sanaysay

- lab report

- eksperimento

- term paper o pamanahong papel

 Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng


impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.

- ulat panlaboratoryo

- kompyuter

 Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum,


anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga
pahayagan o magasin.

 Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng


iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa.

- Bibliography, index, note cards

 Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak


na propesyon.

- police report

- investigative report

- legal forms

- medical report
 Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay
ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di-
fiksyonal ang akdang isinusulat.

- pagsulat ng tula

- nobela

- maikling katha

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pamanahong Papel:

 1. Alamin ang mga pangangailangang ibinigay ng propesor sa


pagbuo ng pamanahong papel. Bahagi rito ang pipiliing paksa,
pormat at istilo ng pananaliksik, deadline at iba pang kasunduan
( oras ng konsultasyon, bilang ng pahina atbp.)

 2. Siguraduhing naaprubahan ng iyong propesor ang paksang


napili.

 3. Tupdin ang mga iminungkahing hakbang sa pagbuo ng


pananaliksik papel. Ang pagmamadali o shortcut ay
makakaapekto sa kalidad ng pananaliksik papel.

 4. Laging kilalanin ang pinagkunan ng mga impormasyon. Ito ay


maaaring awtor, aklat o nasa anyong multi media. Iwasan ang
pladyerismo.

 5. Itago ang lahat ng mga sangguniang ginamit

 6. Tiyakin na ang tentatibong bibliograpiya ay updated. Itala ang


pinakahuling sanggunian na ginamit. Mainam na gumamit ng
talahanayan.
 7. Magkaroon nang maayos na sistema.

 8. Alamin ang kahinaan at harapin ang kinatatakutan.

 9. Magtakda ng iskedyul o timetable.

 10. Sumangguni sa propesor kung may paglilinaw at mga tanong.

You might also like