You are on page 1of 40

MAPEH

3 (Health)
Unang Markahan

LEARNER’S MATERIAL
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang


maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing


impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential
Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng
mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay
maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at
iba pang karagdagang kagamitan tulad ng worksheets/
activity sheets na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga
Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba
pang mga paraan ng paghahatid kaalaman tulad ng
Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

CLMD CALABARZON

PIVOT 4A CALABARZON
Health
Ikatlong Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape Jr., Romyr L. Lazo,
Fe M. ong-ongowan, Lhovie A. Cauilan, at Ephraim L. Gibas

Schools Division Office Development Team: Imelda C. Raymundo, Generosa Zubieta,


Maria Roselle Javin, Remedios Placino, Abegail O. Zagala, Loida R. Decal, Xerxes
Dwayne S. Rea, Rencie T. Ocampo-Majillo, Sherwin C. Quesea, Pelagia L. Manalang,
Mary Rose G. Herrera, Jeewel L. Cabriga, Elizalde L. Piol at Ricky P. Torrenueva

Health Ikatlong Baitang


PIVOT 4A Learner’s Material
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga


mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH - Health. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong
naayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa mga sumusunod na aralin.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat at mayroon ng integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa nanay o tatay, o
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi sa MELC. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
Bahagi ng LM Nilalaman
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng


Panimula

Alamin aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
Suriin kailangan para sa aralin.
Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,
gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Subukin
Pagpapaunlad
(Development)

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay
Tuklasin
ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Binibigyang pagkakataon ang mag-aaral sa bahaging
ito na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Isagawa Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-
Pakikipagpalihan
(Engagement)

ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
Iangkop ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.

Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa


proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


Paglalapat

kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


repleksiyon, pag-uugnay o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-
samahin ang mga bago at lumang natutuhan.
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay
sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
worksheets/activity sheets na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

CLMD CALABARZON

PIVOT 4A CALABARZON
WEEK Paglalarawan ng Malusog na Pangangatawan
1

I Aralin

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na mailarawan ang


malusog na katawan.

Jaypee, ang turo sa akin ni Ma’am Tama ka jan Faye, ang turo
Imelda, para mapanatili ang naman ni Ma’am Generosa,
wastong nutrisyon at malusog na sikaping masunod ang regular
katawan ay dapat kumain ng iba’t na oras ng pagkain at kuumain
ibang uri ng prutas at gulay. Ang ng masustansiyang agahan.
mga ito ay mayaman sa mga Ang isip at katawan ay
bitamina at mineral na kailangan ng mahihirapang gumana o
katawan upang magkaroon ng magtrabaho kung walang
resistensiya laban sa mga sakit. laman ang tiyan. Kumain ng
Iwasan din kumain ng mga junk balanseng pagkain araw-araw.
foods tulad ng kendi, chips, soft Dapat magkaroon ng sapat na
drinks, at iba pa. Nagtataglay ang sustansiya mula sa tatlong
mga ito ng maraming artipisyal na pangkat ng pagkain.
sangkap na nakakasira ng katawan.

PIVOT 4A CALABARZON

6
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sumulat ng limang pangungusap
tungkol sa isang batang malusog. Gawin ito sa kuwaderno.

Ang batang may malusog ay


1.______________________________________________________________

2._____________________________________________________________

3._____________________________________________________________

4._____________________________________________________________

5.______________________________________________________________

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
ito sa ibibigay na sagutang papel.
1. Alin sa mga pagkaing nabanggit ang ngapapakita ng
masustansiyang pagkain?
A. keni B. lollipop C. sorbets D. saging
2. Alin ang masustansiyang inumin?
A. kape B. gatas C. cola D. tsaa
3. Alin sa mga pagkaing nabanggit ang tamang kainin?
A. fries B. gulay C. kendi D. hotdog
4. Para maiwasan ang malnutrisyon anong mga pagkain ang dapat
nating kainin?
A. Gulat at prutras B. sitsirya C. pizza D. tsokolate
5. Paano malalaman ang isang bata ay malusog?
A. Kumakain ng mga kendi at mga junk foods
B. Labis na pagkain o sobrang pagkain n hindi naman
nakakatulong sa ating katawan
C. Pagkain sa tamang oras at ng mga masusutansiyang
pagkain gaya ng manok, isda , baboy, atbp.
D. Madalasd na pagkakasakit.
PIVOT 4A CALABARZON

7
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Iguhit ang masayang mukha kung totoo ang
pahayag at malungkot naman kung ito ay hindi totoo. Isulat ang
iyong sagot sa ibibigay na sagutang papel.

____________1. Ang pagkain ng sobra ay nakakatulong sa ating


katawan na tayo ang magiging malusog.
____________ 2. Ang regular na oras ng pagkain ay mahalaga
upang mapanatiling malusog ang katawan.
____________ 3. Ang malnutrisyon ay dulot ng pagkain nang kaunti
di-masustansiyang pagkain, at kakulangan
ng sustansiya sa katawan.
____________ 4. Ang pagbaba ng timbang ay epekto ng malnutrisyon.
_____________5. Ang batang may malusog na pangangatawan ay
hindi kayang gumawa ng aktibong mga gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Piliin sa kahon ang mga pagkaing


masusutansiya upang labanan ang malnutrisyon. Isulat ito sa ibibigay
na sagutang papel.

cake gatas fries saging

Tinapay upo tsokolate pinya

itlog sorbetes karots petsay

kendi mansanas keso Junk foods

PIVOT 4A CALABARZON

8
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang sumusunod na
katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Si Sopia ay kumakain ng sobra. Ayaw niyang maglaro ng mga


aktibong laro. Si sofia ay magiging_____
A. magiging mataba
B. magiging mapayat
C. Magkakasakit
D. magiging malusog
2. Paano maiiwasan ang malnutrisyon?
A. ang hindi pageehersisyo
B. hindi pgkain ng gulay at prutas
C. tama ang pakain na kinakain at may sapat n susutansiya
D. hindi pagkain sa tamang oras
3. Si Amie ay hindi mahilig sa mga aktibong laro kaya siya ay _________
A. tataba
B. papayat
C. magkakasakit
D. lulusog
4. Aling mga pagkain ang nakakatulong upang maiwasan ang
malnutrisyon?
A. manok, isda, gatas at keso
B. kendi, soda at sorbets
C. sitsirya, juice at tsokolate
D. tinapay at softdrinks
5. Paano mo masasabi na ang isang bata ay may maayos na
pangangatawan?
A. malusog
B. payat
C. matamlay
D. masakitin

PIVOT 4A CALABARZON

9
A
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 6: Pag-aralan mabuti ang mga pagkaing
nakasulat sa kahon at iguhit ang tamang pagkain sa tamang hanay
sa talaan.

burger gulay sitsirya gatas

pizza prutas itlog juice

tsokolate soup

Masustansiyang Pagkain Di-masustansyang pagkain

PIVOT 4A CALABARZON

10
Paglalarawan sa Sintomas ng
Kakulangan sa Nutrisyon WEEK
Aralin 2
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na mailarawan ang
mga sintomas ng kakulangan sa nutrisyon, matututuhan ang
paraan kung paano maiiwasan ang kakulangan sa mineral at
makapagbigay ng hinuha sa sitwasyon ukol sa malnutrisyon.

Ang minerals ay mahalaga upang


sumuporta para sa normal na paglaki at
mapalakas ang immune system. Kung
hindi sapat ang mineral sa ating
katawan maari tayong magkaroon ng
mineral deficiency tulad ng Anemia
(Iron), Goiter (Iodine) Rickets (Calcium).

1 PIVOT 4A CALABARZON

11
Salamat sa ibinahagi mo
Gilbert. Natutuhan ko naman
Elsie, natutuhan ko na ang na ang iron ay nakatutulong sa
wastong nutrisyon ay ang pagbuo ng red blood cells,
pagkain ng tama at sapat na uri kung saan nanggagaling ang
ng pagkain upang makakuha ng oxygen na kinakailangan ng
sustansiya ang ating katawan ating katawan at nakatutulong
mula sa mga ito. Ang tamang sa paglaki ng bata na tulad
nutrisyon ay mahalaga sa natin. Mahalaga ang iron dahil
paglaki ng isang bata na tulad ito ang tumutulong sa maayos
natin. Ito ang nabibigay lakas, na pagdaloy ng dugo sa
resistensiya, tibay ng mga buto, katawan. Kung wala ito,
at sapat na enerhiya. maaaring magkaroon ng
anemia.
Magandang pagmulan
ng iron ay karne, beans, gulay,
tuna, itlog,at iba pa.

10 PIVOT 4A CALABARZON

12
Ang iodine ay isang kemikal na mahalaga sa
produksyon ng mga hormone na nagmula sa
glandulang thyroid. Kabilang dito ang thyroxine (T4) at
triodothyronine (T3), mga hormone na responsable sa
maayos na paglago ng mga tissue sa katawan at
paglaki ng pangangatawan ng isang tao. Kumikilos
din ang mga hormones na ito sa pagreregulisa ng
metabolismo sa katawan at sa paggana ng mga
enzymes sa katawan. Magandang pagmulan ng iodine
ay seafoods at asin.
Ang calcium ay nakakatulong din sa pagbuo ng
matitibay na buto. Ito ay importanteng mineral na
kinakailangan ng mga buto upang maging matibay.
Magandang pagmulan ng calcium ay dairy products
tulad ng gatas, fortified soy milk, tofu, at dry cereals.

Ang kakulangan ng mga minerals sa katawan ay maaring magdulot


ng mga sumusunod:
Kakulangan sa Senyales/Sintomas
Nutrisyon
Kakulangan sa Panghihina at pagkapagod
Iron-Anemia Pamumutla
Mabagal na pagkatuto at pag-unlad sa lipunan
Pagkahilo
Kakulangan sa Mabagal na pag-unlad ng kaisipan
Iodine-Goiter Natigil na paglaki
Mahirap na pagtingin sa maliwanag na ilaw
Kahinaan,antukin,pagkaginaw
Makapal na tuyong balat
Mahirap lumunok
Pamamaga ng mata
Pag-umbok o pagluwa ng mata
Paglaki ng thyroid sa ibaba ng unahan ng leeg

Kakulangan sa Pananakit ng kalamnan


Calcium- Pananakit ng kasu-kasuan
Rickets/ Paglutong ng mga kuko
Osteoporosis Panunuyo ng balat
Pagdami ng bali o marupok na buto
10 PIVOT 4A CALABARZON

13
Kakulangan sa Nutrisyon Ano ang kakainin?
Kakulangan sa Iron- Anemia tofu
soya
spinach
red meat
peas
itlog
Kakulanagan sa Iodine-Goiter pagkaing-dagat
iodized salt
Kakulangan sa Calcium-Rickets/ gatas
Osteoporosis keso
yogurt
sardinas
matingkad na madahong gulay
shellfish

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Kilalanin ang sintomas o palatandaan


ng mga kakulangan sa minerals na nasa ibaba. Sipiin ang talaan at
isulat dito ang tawag sa bawat kakulangan. Gawin ito sa kuwaderno.

pagkahilo pananakit ng mga kasu-kasuan


pamumutla malulutong na kuko
pamumulikat hindi makatulog
mabagal na paglaki nahihirapan sa paglunok
mabagal na pag-unlad

Kakulangan sa Iron Kakulangan sa Kakulangan sa


Iodine Calcium

10 PIVOT 4A CALABARZON

14
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Anong uri ng mineral (Iron, Iodine,
Calcium) mayroon ang mga pagkain sa ibaba? Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.

1. gatas ______________
2. halamang dagat ______________
3. keso ______________
4. isda ______________
5. talaba ______________
6. manok ______________
7. hipon ______________
8. alimango ______________
9. malunggay ______________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang Tama kung ang pahayag


ay tama at Mali kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

_______1. Ang taong namumutla at nahihilo ay may senyales

ng sakit na anemia.

_______2. Kung ang katawan mo ay may kakulangan sa iodine

posible kang magkasakit ng rickets.

_______3. Ang sakit na goiter ay may sintomas ng pag- umbok at

pagluwa ng mata.

_______4. Pananakit ng kalamnan, kasu-kasuan at paglutong ng

mga kuko ay senyales ng sakit na goiter.

_______5. Ang paglaki ng thyroid sa ibaba ng unahan ng leeg ay

may sakit na osteoporosis.

2 PIVOT 4A CALABARZON

15
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahing mabuti at unawain ang
pangungusap. Piliin ang mga paraan kung paano maiiwasan ang
kakulangan sa mineral. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Maiiwasan ang sakit na goiter kung kakain tayo lagi ng ____?
A. keso B. itlog C. yogurt D. iodized salt
2. Ang pag-inom ng ________ ay makakatulong upang tumibay ang
ating mga buto.
A. softdrinks B. gatas C. kape D. tubig
3. Ang sakit na anemia ay maiiwasan sa pagkain ng ____.
A. tofu B. sardinas C. keso D. tinapay
4. Mahalaga ang pagkain ng _______ upang maiwasan ang
kakulangan sa iodine.
A. keso B. karne C. seafood D. tofu
5. Ito ang mabuting pagkain upang maiwasan ang kakulangan sa
calcium.
A. madahong gulay B. soya C. itlog D. karne

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magbigay ng hinuha mula sa
babasahing sitwasyon ukol sa malnutrisyon. Sagutin ng Tama o Mali
at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
A. Ang pagkain nang sobra ay makabubuti sa ating katawan
upang tayo ay maging malusog at masigla.
_____________________________________________________
B. Ang malnutrisyon ay dulot ng kakulangan sa pagkain,
di-masustansyang pagkain, at dahilan ng pagbaba ng timbang.
_____________________________________________________
Ang malakas na resistensiya ng katawan,iwas sa impeksiyon at
sakit ay epekto ng malnutrisyon.

PIVOT 4A CALABARZON

16
Pagtukoy sa Sintomas ng Kakulangan sa
WEEK
Nutrisyon
3
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makikilala ang mga
problema at sintomas ng may kakulangan sa nutrisyon.

D
Faye, tandaan mo na ang
bitamina ay mahalagang sustansiya
para sa kalusugan. Ito ay tumutulong
sa ating paglaki at mapanatili ang
Salamat po ma’am
ating buhay. Makukuha natin ang
Alon, ang batang tulad ko
mga ito mula sa iba’t ibang uri ng
na lumalaki ay kailangan ng
pagkain. Ang kakulangan sa kahit
iba’t ibang bitamina na
isang uri lamang ng bitamina ay
tama at balanse.
maaring maging sanhi ng sakit.
Ang Bitamina A, B, C at
D ay apat lamang na
bitamina na nakilala sa
labintatlong (13) bitamina.
Makakakuha tau ng
bitamina sa mga
masusutansiyang pagkain.

PIVOT 4A CALABARZON

17
Kung ang bata ay kulang sa bitamina siya ay makakaranas sa
mga sumusunod na kakulangan sa nutrisyon.
Mga Bitamina Katangian Simbolo at Sintomas
Bitamina A- Mahinang paningin kapag Mahirap makakita sa
Panlalabo ng gabi lalo na kung may dilim o kahirap makakita
paningin paparating na maliwanag tuwing gabi
na ilaw
itamina B- Pagkawala ng gana sa *Pagbaba ng timbang
Beri-beri pagkain at pakiramdam ng
kakulangan sa ginhawa *Emosyunal na
naiuugnay sa bigat at pang pagkabagabag
hihina ng mga binti at
pamamanhin ng paa
*Pananakit ng paa
Bitamina C- Maigsing paghinga, *pagdurugo ng gilagid
Scurvy madaling pagdurugo ng *mabagal ng
gilagid at pananakit ng m paggaling ng sugat
*pagdurugo ng ilong
buto at mga kasukasuan
*pagkapagod
Bitamina D- Skeletal deformities at *panghihina ng
Rickets pananakit ng buto kalamanan
*nakakaramdam ng
pananakit ng mga buto
sa katawan

Ito ang mga paraan kung paano makakaiwas sa kakulangan sa


nutrisyon.

SAKIT DAPAT GAWIN UPANG MAPIGILAN ANG SAKIT


Panlalabo *Pag-inom ng gatas
nga mata *Pagkain ng madidilaw na prutas at gulay gaya ng
karot at kalabasa
*Pagkain ng mabeberdeng at madadahong gulay
gaya ng petsay at kangkong
*Pagkain ng itlog,
Beri-beri *Pagkain ng gulay
*Pagkain ng karne at atay
*Pagkain ng mani
Scurvy *Pagkain ng prutas (melon, strawberries)
*Pagkain ngmabeberdeng gulay
Rikets *Pagkain ng tuna at salmon
*Pagkain ng atay at pula ng itlog
PIVOT 4A CALABARZON

18
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
ito sa iyong kuwaderno.
1. Anong sakit ang dulot ng kakulangan sa Bitamina A?
A. beri-beri
B. paglabo ng mga mata
C. rikets
D. galis
2. Ano ang maiiwasang sakit kung kulang tayo sa Bitamina C?
A. labis na timbang C. scurvy
B. rikets D. malabong paningin
3. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng riket sa ating katawan?
A. kumain ng atay at pula ng itlog
B. kumain ng mga matatamis na pagkain
C. kumain ng maalat na pagkain
D. kumain ng mabeberdeng gulay
4. Anong sintomas kung mayroon tayong beri-beri?
A. pagdurugo ng gilagid
B. kahinaan ng kalamnan
C. pagbaba ng timbang
D. mahirap makakita kung madilim ang ilaw o tuwing gabi
5. Alin ang mayaman sa Bitamina A?
A. tinapay B. carrot C. kamote D. kahel

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pagtapatin ang mga kakulangan sa


bitamina sa Hanay A sa bitaminang kailangan sa Hanay B. Isulat ang
letra sa patlang at isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Hanay A Hanay B
______1. Scurvy A. Bitamina C
______2. Beri- beri B. Bitamina D
______3. Riket C. Bitamina A
______4. Paglabo ng mata D. Bitamina B
PIVOT 4A CALABARZON

19
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
ito sa iyong kuwaderno.

1. Aling bitamina ang kulang kung ikaw ay may Scurvy?


A. Bitamina A B. Bitamina B C. Bitamina C D. Bitamina
2. Anong sintomas kung ikaw ay may Beri-beri?
A. may mababang timbang C. panghihina ng kalamnan
B. pagdurugo ng gilalagid D. mahirap ng makakita
lalo na sa dilim
3. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang panlalabo ng mata?
A. Pagkain ng tuna at salmon
B. Pagkain ng mga prutas(melon, strawberry)
C. Pagkain ng mabeberdeng gulay
D. pagkain ng mani at mabubuto
4. Anong Bitamina ang kailangan mo kung ikaw ay nakakaramdam
ng pananakit ng buto?
A. Bitamina A B. Bitamina B C. Bitamina C D. Bitamina D

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng isang talata na binubuo
ng limang pangungusap kung bakit kailangan ng ating katawan ang
bitamina. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

____________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
PIVOT 4A CALABARZON

20
WEEK
Katangian, Sintomas at Epekto ng Malnutrisyon
Aralin 4

I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mailarawan ang
katangian, tanda, sintomas at epekto ng malnutrisyion.

Kuya Joram, alam mo ba na Oo Hannah, meron din


mga sanhi ng malnutrisyon? Ang epekto ang malnutrisyon sa ating
m al n ut risyon ay sanh i n g katawan. Ang bawat sangkap at
kakulanangan ng sustansiyang sistema ng katawan- kasali na ang
sangkap na pumapasok sa mga puso, mga bato, sikmura, bituka,
selula ng katawan, at ito ay baga, at utak ay maapektuhan.
karan iw an nan g bun ga n g Ipinakikita ng iba’t ibang pag-
kombinasyon ng dalawang salik: aaral na ang mabagal na paglaki
1. hindi sapat na pagkain ng ng isang bata ay nauugnay
protina, kalori, bitamina, at mineral mabagal na pag-unlad ng isip at
at pagiging mahina sa pag-aaral at
2. malimit na pagkakaroon ng kakayahang m ag -isip. Ang
impeksiyon. epektong ito na pinakamalubha at
nagtatagal na mga epekto ng
malnutrisyon.

PIVOT 4A CALABARZON

21
Mga Sintomas at Pagiwas at
Epekto ng
Palatandaan ng Pagkontrol ng
Malnutrisyon
Malnutrisyon Malnutrisyon

1. Mabilis 1. Mahina ang 1. Kumain ng


mapagod. katawan. pagkain na
2. Mababang mayaman sa
timbang. 2. Pagtigil sa paglaki bitamina at
3. Pag-antala ng at pagtangkad. mineral.
paglaki. 2. Magehersisyo.
4. Paglaki at 3. Mabagal mag-isip. 3. Matulog ng
pamamaga ng tiyan. walong oras.
4. Maging malinis sa
katawan.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung
tama ang sinasaad ng pangungusap at ekis (X) kung mali. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

______1. Ang susi sa sa wastong nutrisyon ay ang pagkain ng


masusustansiyang pagkain.
_______2. Malusog ang batang sakitin.
_______3. Ang balanseng pagkain araw-araw ay kailangan upang
tayo ay lumaking malusog.
_______4. Ang malusog na tao ay may normal na timbang, makinis
ang balat, maganang kumain at may matigas at malakas na
kalamnan.
_______5. Ang malnutrisyon ay palatandaan ng kondisyon ng iyong
katawan kapag kulang na ang nutrisyon sa iyong katawan.

PIVOT 4A CALABARZON

22
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa kuwaderno ang mga
masusustansiyang pagkain na nasa kahon.

isda softdrinks fries kendi

soda pansit kendi hotdog

tinapay hotdog hamburger sitsiriya

kanin chicharon bituka ng baboy junk food

manok gulay

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Piliin an letra ng tamang sagot. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Aling pagkain ang mayaman sa carbohydrates?


A. karne
B. kanin
C. isda
D. manok
2. Ito ay taglay ng mga pagkain na kailangan upan mapanatiling
malusog ang katawan
A. gamot
B. sustansiya
C. pagkain
D. aditiba

PIVOT 4A CALABARZON

23
3.Ano ang pangunahing gawain ng protina?
A. Lunasan o isaayos ang mga nasirang tisyu ng katawan
B. Magpanatili ng temperature ng katawan
C. Magbigay lakas
D. Tumutulong sa pamumuo ng dugo
4. Alin sa mga sumusunod na kombinasyon ng pagkain ang
nagbibigay ng kompletong protina?
A. Manga at orange
B. Tinapay at kape
C. Isda at itlog
D. Kanin at kamote
5.Ano sa sumusunod na kombinasyon ng pagkain ang masustansiya?
A. Hamburger at fries
B. Lollipop at kendi
C. Kanin at itlog
D. Sorbetes at keyk

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Magbigay ng limang masusustansiyang
pagkain. Ilagay sa katapat nito kung anong kabutihan ang naidudulot
nito sa ating katawan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga masusustansiyang pagkain Kabutihang naidudulot


sa katawan

1.

2.

3.

4.

5.

PIVOT 4A CALABARZON

24
Pag-iwas sa Iba’t ibang Uri ng Malnutrisyon WEEK
5

I Aralin

Sa araling ito ay malalaman mo ang iba’t ibang paraan sa


pag-iwas sa malnutrisyon.

May mga paraan upang


makaiwas sa malnutrisyon. Kumain ng
masustansiyang pagkain dahil ito ay
nagbibigay sa ating katawan ng
kinakailangang nutrisyon upang tayo ay
lumaking malusog at malakas. Mag-
ehersisyo dahil ito ang nagpapalakas ng
ating katawan.

Ang nutrisyon ay ang pagpili ng


tama o wastong uri ng pagkain.
Pangunahin sa pagkakaroon ng maayos
na kalusugan ay ang pagkain ng
tamang dami at uri ng pagkain. Ang
kaalaman sa elemento ng pagkain na
magpapalusog sa atin ay ang hakbang
sa tamang nutrisyon. Ito ang tutulong
sa ating pumili nang maayos na pagkain
na kailangan ng ating katawan upang
mapanatiling malusog at makapaglaro
ng balanseng pagkain.

PIVOT 4A CALABARZON

25
D
Kumain ng masusustansiyang pagkain upang makaiwas sa
iba’t ibang malnutrisyon. Ang mga sustansiya ay makukuha natin
sa mga pagkain sa mayaman sa:

a. Carbohydrates ay pangunahing pinanggagalingan ng lakas


ng katawan. Mahalaga ang lakas na nakukuha natin mula sa
carbohydrates upang magawa natin ang maraming bagay.
Ang kanin, tinapay, noodles, arina, mais, patatas at lamang
ugat ay mga pagkain mayaman sa carbohydrates.

b. Protina ang tinatawag na building blocks ng ating katawan.


Ito ay kailangan sa paglaki at pagsasaayos ng mga sirang tisyu
ng katawan. Sila ay bahagi ng bawat cell sa ating katawan
tulad ng ating balat, buhok, kuko at buto. Ito ay mahalagang
raw material kung saan ang ating katawan ay lumilikha ng sus-
tansiya para tayo ay makapagtunaw ng pagkain makakilos.
Ang karne isda, manokat iba pang dairy products ay
pangunahing pinanggagalingan ng protina. Ang wastong
pagkunsumo ng naturang produkto sa araw-araw ay
makapagbibigay ng sapat na protina.

c. Fats at oil ay pinanggagalingan ng lakas. Kailangan ang mga


ito upang maging malusog.
Ang fats ay kailanagan natin para maayos na kalusugan.
Bukod sa inihahanda nito ang bitamina para sa katawan,
binibigyang proteksyon din nila ang mhalagang organs at tumu-
tulong sila sa cell ng katawan. Tumutulong din silang mapanatili
ang init ng katawan.

d. Bitamina ay mahalagang sustansya. Ito ay tumutulong sa


ating paglaki at mapanatili ang ating buhay. Makukuha natin
ang mga ito mula sa iba’t ibang uri ng pagkain, sapagkat hindi
kaya ng ating katawan ng gumawa nito o hindi kayang guma-
wa ng marami nito. Gayundin naman, ang pagkakaroon ng la-
bis na bitamina ay maaaring makasama sa ating katawan kung
kayat ito ay mapanganib.
PIVOT 4A CALABARZON

26
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magbigay ng limang masusustansiyang
pagkain na napag-aralan sa mga gawain. Ilagay sa katapat nito kung
anung kabutihan ang naidudulot nito sa ating katawan.

Mga masusustansiyang pagkain Kabutihang naidudulot sa


katawan
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ano-anong mga pagkain ang dapat


kainin ng mga bata upang maiwasan ang malnutrisyon? Isulat ang
letra ng tamang sagot sa kuwaderno.

A B C D

F G H I

J K L

PIVOT 4A CALABARZON

27
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa anong pamamaraan maiiwasan
ang iba’t ibang uri ng malnutrisyon? Lagyan ng tsek ( √ )ang bilog
kung tama ang sagot at ekis ( X ) kung hindi. Gawin to sa
kuwaderno.

1. Kumain ng masustansiya at balanseng pagkain.

2. Balewalain ang programa ng Department of Health hinggil


sa pagpupurga ng bata.

3. Ang pag-eehersisyo ay hindi binibigyang halaga bilang


bahagi ng gawain sa araw araw.

4. Naglalaan ng sapat sa oras sa pagtulog , hindi nagpupuyat

5. Kinagagawian ang pagkain ng masyadong matatamis ng


pagkain.

6. Umiinom ng walo hanggang 10 basong tubig araw – araw.

7. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa starch, protina at


bitamina.

8. Habang nagbubuntis ang ina, kinakailangan na alagaan ang


anak sa pamamagitan ng tamang pagkain.

9. Ugaliin ang pagkain ng processed , junk at fast foods.

10. I - breastfeed ang sanggol mula sa pagkasilang hanggang


anim na buwan.

PIVOT 4A CALABARZON

28
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba.
Iguhit sa kahon ang bituin kung tama ang ginawa ng bata. Iguhit
naman ay buwan kung hindi tama. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Maagang gumigising si Joy. Bago niya gawin ang


nakaatang na gawain sa kanya, siya ay nag-
eehersisyo muna upang lumakas ang kaniyang
katawan at tuloy ay mapawisan.
2. Pihikan si Sophia sa pagkain. Hindi siya kumakain ng
gulay. Kapag pinilit siya ng nanay niya na kumain
nito, pagkasubo ay iniluluwa niya ito .
3. Dahil tumataba na si Ana, iniwasan na niya ang
pagkain ng sobrang matatamis na pagkain.
Kinalaunan, nanumbalik na ang maganda niyang
katawan.
4. Kumakain sina Pilo at Malou ng masustansiyang
pagkain tuwina. Ayaw nilang maranasan ang
malnutrisyon.
5. Tuwing araw ng pagpupurga, lumiliban sa klase si
Roda. Ayaw niyang uminom ng pampurga sa
bulate.

PIVOT 4A CALABARZON

29
Pag-alam sa mga Gabay sa Wastong Nutrisyon WEEK

I Aralin 6

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matutuhan mo ang


mga wastong gabay sa nutrisyon.

Upang maiwasan ang malnutrisyon, kailangang gawin ang


mga gabay sa wastong nutrisyon.Ang mga gabay na ito ay
inilalaan para sa Pilipino.

Mga Gabay sa Wastong Nutrisyon ng Pilipino

Kumain ng iba’t ibang uri ng Kumain araw-araw ng mga


pagkain araw-araw. pagkaing niluto sa mantika o

Pasusuhin ang sanggol ng Uminom ng gatas araw-araw


gatas ng ina lamang mula at pagkaing mula rito na
pagkasilang hanggang 6 na mayaman sa calcium.

Panatilihin ang tamang paglaki Gumamit ng iodized salt


ng bata sa pamamagitan ng subalit iwasan ang
pagsubaybay sa kaniyang masyadong maalat na
timbang. pagkain.
Kumain ng karne, manok, o Kumain ng ligtas at malinis na
tuyong butong gulay. pagkain.

Kumain ng maraming gulay, Para sa malusog na


prutas at lamang-ugat. pamumuhay at wastong
nutrisyon, mag ehersisyo ng
palagian.

PIVOT 4A CALABARZON

30
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang mga katanungan.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Aling inumin ang kailangan ng katawan ng batang katulad mo?
A. tsaa B. gatas C. kape D. soda
2. Upang maiwasan ang malnutrisyon, alin ang nararapat kainin?
A. Masustansiyang pagkain gaya ng prutas at gulay.
B. Processed foods gaya ng hotdog at footlong.
C. Pagkaing matatamis gaya ng kendi , lolipap, tsokolate.
D. Malulutong na sitsirya at malamig na soda.
3. Aling pangungusap ang hindi nagsasaad ng pangangalaga sa
kalusugan?
A. Paglalaro ng computer games araw-araw.
B. Pagkain ng balanseng pagkain.
C. Pag- eehersisyo araw-araw.
D. Paglalaan ng sapat na oras sa pagtulog.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung
tama ang sagot at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

_____ 1. Kumain ng masustansiya at balanseng pagkain.


_____ 2. Balewalain ang programa ng Department of Health hinggil sa
pagpupurga ng bata.
_____ 3. Ang pag-eehersisyo ay hindi binibigyang halaga bilang
bahagi ng gawain sa araw araw.
_____ 4. Naglalaan ng sapat sa oras sa pagtulog , hindi nagpupuyat
______5. Kinagagawian ang pagkain ng masyadong matatamis ng
pagkain.
______6. Umiinom ng walo hanggang 10 basong tubig araw-araw.
PIVOT 4A CALABARZON

31
______7. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa starch, protina at
bitamina.
______8. Habang nagbubuntis ang ina, kinakailangan na alagaan ang
anak sa pamamagitan ng tamang pagkain.
______9. Ugaliin ang pagkain ng processed , junk at fast foods.
______10. I-breastfeed ang sanggol mula sa pagkasilang hanggang
anim na buwan.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung ginagawa o hindi mo
ginagawa ang mga gabay sa wastong nutrisyon. Gawin ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa kolum na nakalaan para
sa iyong sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gabay sa Wastong Nutrisyon Ginagawa Hindi


Ginagawa
1.Kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain
araw-araw.
2. Kumain ng karne, manok,o tuyong
butong gulay.
3.Kumain ng maraming gulay, prutas
at lamang-ugat.
4. Kumain araw-araw ng mga pag
pagkaing niluto sa mantika o edible oil
5. Mag-ehersisyo nang palagian

6. Kumain ng ligtas at malinis na


pagkain.
7. Uminom ng gatas araw-araw
8. Kumakain ng pagkaing mayroong
iodized salt
PIVOT 4A CALABARZON

32
Pagkakatroon ng Malusog na Pamumuhay WEEK

I Aralin 7

Ang mga pangkaraniwang sakit kagaya ng sipon, trangkaso at


iba pa ay madalas dumapo sa mga batang katulad mo. Madaling
kapitan ng sakit ang isang bata lalo na kung wala siyang healthy
lifestyle. Maraming mga pamamaraan na kayang-kayang mong
gawin upang magkaroon ka ng healthy lifestyle.
Masdan ang mga nasa larawan na halimbawa ng wastong pan-
gangalaga sa kalusugan.

Kailangan ay mayrooon kang healthy lifestyle o malusog na


pamumuhay upang makaiwas ka sa sakit. Kapag malusog ka ay
marami kang magagawa Masayang mag-aral, maglaro, at mabuhay
kapag walang sakit!
Sa araling ito ay malalaman mo ang mga hakbang upang
maiwasan ang pagkakasakit. Malalaman mo rin kung paano
magkaroon ng malusog na pamumuhay.

PIVOT 4A CALABARZON

33
D
Ang ibig sabihin ng healthy lifestyle ay malusog na
pamumuhay. Upang magkaroon ng malusog na pamumuhay ay
kailangang gawin ang 5 pamamaraan.
1. Pagiging malinis. Maghugas lagi ng mga kamay. Maging malinis
din sa bahay at kapaligiran.
2. Paggamit ng malinis na tubig. Uminom ng 8 basong tubig araw-
araw. Gumamit ng malinis na tubig sa pagligo
3. Pagkain ng balanseng pagkain. Dalasan ang pagkain ng gulay at
prutas. Kumain ng iba’t ibang pagkain upang magkakuhang iba’t
ibang sustansiya ang katawan
4. Pagkakaroon ng sapat na tulog di bababa sa walong (8) oras ang
kailangan ng isang batang tulad mo kaya iwasang magpuyat
5. Mag-ehersisyo ng 30 minuto o kaya ay 1 oras araw-araw

PIVOT 4A CALABARZON

34
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang mga tanong. Isulat sa
ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Kailan dapat maghuhugas ng mga kamay?
A. Maghugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain
B. Maghugas ng kamay kapag gusto lamang.
C. Maghugas lang ng kamay kapag naliligo.
D. Bago matulog ay saka lamang maghugas ng mga kamay.
2. Ano ang kabutihang dulot sa katawan ng pag-iehersisyo?
A. Nahihirapang huminga ang mga nag-iehersisyo
B. Pinahihina ng ehersisyo ang katawan.
C. Nakasasama sa isang bata ang pag-iehersisyo.
D. Pinalalakas ng pag-iehersisyo ang baga at pinalulusog nito
ang katawan.
3. Hanggang ilang oras dapat natutulog ang isang batang
katulad mo?
A. 10 Oras B. 5 Oras C. 3 Oras D. 2 Oras
4. Aling mga pagkain ang masama sa kalusugan?
A. mga junk foods B. prutas C. gulay D. isda
5. Ano ang dapat na palakasin upang makaiwas sa sakit?
A. immune system B. boses C. braso D. binti

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang iba pang pamamaraang


alam mo upang mapangalagaan ang kalusugan. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________

PIVOT 4A CALABARZON

35
E
Gawin sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang mga tanong. Isulat ang
T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.
1. Ang mga batang tulad mo ay dapat matulog ng hindi bababa
sa 8 oras.
2. Mabuti sa katawan ang pag-inom ng 4 na basong tubig araw-
araw.
3. Lumusong sa tubig-baha at magtampisaw roon.
4. Huwag mag-ehersisyo upang hindi mapagod
5. Iwasan ang pagkain ng mga junk foods.
6. Ang paggawa ng mga gawaing bahay ay uri din ng ehersisyo.
7. Nalakas ang immune system kapag balanseng pagkain ang
laging kinakain
8. Ang sakit na liptospirosis ay mula sa ihi ng tao.
9. Kapag marumi ka sa sarili, bahay at paligid ay madali kang
magkakaroon ng bacteria at virus.
10. Mabuti sa kalusugan ang laging pagpupuyat.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang


ipinahahayag at ekis (X) kung naman kung mali. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
______1. Ang pagtulong sa mga gawaing-bahay ay mga uri din ng
ehersisyo.
______2. Ang maruming kamay ay maaring may bacteria at virus.
______3. Hindi naaalis ang mikrobyo kapag naghuhugas ng mga
kamay.
______4. Kapag malinis sa katawan at sa kapaligiran ay maiiwasan
ang sakit.
______5. Magiging maayos ang pagdumi kung araw-araw umiinom
ng 8 basong tubig.
PIVOT 4A CALABARZON

36
Pagsasabuhay ng Malusog na Pangangatawan WEEK
Aralin 8

I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maibigay ang mga
paraan upang magkaroon ng mabuting kalusugan, maipaliwanag
ang kahalagahan ng malusog na gawi at magamit ang mga
bagong kaalaman at kakayahang ito upang makatulong para
magkaroon ng tamang gawaing pangkalusugan.
Kailangan natin na magkaroon ng magandang kalusugan
upang makamit natin ang buong potensyal. Marami tayong
maaaring gawin upang matulungan ang sarili at ang pamilya na
magkaroon ng magandang kalusugan at bawasan ang
pagkakataong magkasakit upang magkaroon ng maginhawang
buhay.
1. Magkaroon ng sapat na tulog
2. Pag-eehersisyo
3. Tamang dieta para sa ating katawan
4. Maging malinis
5. Uminom ng gatas araw-araw
6. Uminom ng 8-10 baso ng tubig
7. Kumain sa tamang oras
8. Piliin ang mga pagkaing mababa sa asin, asukal, taba
at mantika, at sagana sa fiber
9. Magpahinga ng sapat
10. Maging aktibo bawat araw
11. Kumain ng mas maraming prutas at gulay
12. Kumain ng mas kaunting pagkaing meryenda at piliin ang
mga panghaliling pagkaing nakakalusog.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ng tsek (/) ang bilog kung
nagpapakita ng magandang gawaing pangkalusugan at ekis (X)
kung hindi.
________1. Araw– araw na paliligo
________ 2. Pagtulog ng “ late “ tuwing gabi
________ 3. Kawalan ng pang-araw-araw na pisikal na gawain
________ 4. Pagkain ng balanse at masustansiya
________5. Pagbisita sa doktor kung kinakailangan lamang
PIVOT 4A CALABARZON

37
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pansinin ang mga salita. Iayos ang
mga ito upang makabuo ng isang pangungusap.

1. sapat na tulog Magkaroon ng

2. araw-araw ng gatas Uminom

3. at gulay ng mas maraming prutas Kumain

4. dieta Tamang ating katawan para sa

5. aktibo bawat araw Maging

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Magtala ng limang paraan kung
paano ka magkakaroon ng malusog na uri ng pamumuhay. Gawin
ito sa kuwaderno.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Bilang isang mag-aaral, papaano mo
maibabahagi ang iyong natutuhan sa araling ito sa ibang kasapi ng
iyong pamilya? Isulat ang sagot sa loob ng puso.

PIVOT 4A CALABARZON

38
Sanggunian

Music, Art, Physical Education and Health 3, Kagamitan ng Mag -


aaral (Tagalog). Unang Edisyon. 2014. Pasig City: Department
of Education, 435-438.

Music, Art Physical Education and Health- Grade 3 Teacher’s


Guide. Pasig City: Depsrtment of Education, 2015.

PIVOT 4A CALABARZON

39
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421


Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

You might also like