You are on page 1of 40

MAPEH

3 (Music)
Unang Markahan

LEARNER’S MATERIAL
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang


maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON
Music
Ikatlong Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape Jr., Romyr L. Lazo,
Lhovie A. Cauilan, at Ephraim L. Gibas

Schools Division Office Development Team: Imelda C. Raymundo, Generosa F. Zubieta,


Ryan Chester Manzanares, Sherwin C. Quesea, Jeewel L. Cabriga, Leslie G. Cabrera

Health Ikatlong Baitang


PIVOT IV-A Learner’s Material
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga


mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH - Music. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong
naayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa mga sumusunod na aralin.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat at mayroon ng integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa nanay o tatay, o
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi sa MELC. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
Bahagi ng LM Nilalaman
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng


Panimula

Alamin aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
Suriin kailangan para sa aralin.
Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,
gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Subukin
Pagpapaunlad
(Development)

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay
Tuklasin
ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Binibigyang pagkakataon ang mag-aaral sa bahaging
ito na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Isagawa Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-
Pakikipagpalihan
(Engagement)

ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
Iangkop ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.

Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa


proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


Paglalapat

kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


repleksiyon, pag-uugnay o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-
samahin ang mga bago at lumang natutuhan.
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay
sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
worksheets/activity sheets na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

CLMD CALABARZON

PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS Pagkilala sa tunog ng mga Simbolong Pang-musika
1-2 Aralin
I
Ano ang mga pamamaraan upang madama mo ang pulso
ng iyong puso? Subukang damhin ang iyong pulso sa pamamagitan
ng paghawak sa leeg o sa kaliwang bahagi ng dibdib.
Nagbabago-bago ba ang bilis at bagal ng iyong pulso?
Ano kaya ang mangyayari kung pabago-bago ang bilis o
bagal ng iyong pulso?
Ang beat sa musika ay ang pulso na nadarama natin. Ang
tawag sa beat na hindi nagbabago-bago ng bilis at bagal ay
steady beat.

kamay pang-segundo
A B

1. Ano ang nakikita mo sa larawan A? __________


2. Ano ang nakikita mo sa larawan B? __________
3. Gamit ang relo o orasang katulad ng nasa larawan,
pakiramdaman ang pulso o tunog ng bawat galaw ng kamay
pang-segundo.
4. Humawak sa kaliwang bahagi ng dibdib o sa pulso ng iyong
kamay, pakiramdaman ang pulso o tibok ng iyong puso.

PIVOT 4A CALABARZON

6
D
Mahilig ka ba sa musika? Ano ang alam mo tungkol dito?
Tuklasin mo mga kaalaman tungkol sa ritmo at mga simbolong
ginagamit sa pulso ng tunog. Basahin ang usapan ng magkakaibigan.

Oo naman Evelyn. Ang musika ay


binubuo ng iba’t ibang elemento. Isa
sa mga elementong ito ay ang rhythm
o ritmo. Ang ritmo ay tumutukoy sa
haba o tagal ng tunog o pahinga na
may sinusunod na sukat o kumpas.

Aila, ang simbolo pala ng quarter Ang simbolo na


note ( ) ay nagpapahiwatig ng quarter rest ( ) ay
pulso ng tunog. Maari itong nagpapakita naman
iparamdam o maramdaman sa ng pahinga o
pamamagitan ng iba’t-ibang kilos katahimikan.
tulad ng pagpalakpak, pagtapik,
pagpadyak, at marami pa.

PIVOT 4A CALABARZON

7
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isagawa ang mga sumusunod:

1. Kumuha ng isang analog na orasan. Sabayan mo ng pagtapik


sa hita ang paggalaw ng kamay na pang-segundo sa loob ng
isang minute.
2. Damhin ang pulso ng puso sa pamamagitan ng paglalagay ng
kamay sa leeg, dibdib, o sa pulsuhan. Sabayan ng pagpadyak
ang pulso na nararamdaman sa loob ng isang minuto.

Sa mga pamamaraang ito ay nararamdaman natin ang


pulso o beat at naisasagawa din natin ang steady beat.

Gawain sa Pagkatuto BIlang 2: Lagyan ng check ( / ) sa ilalim


ang simbolong nagpapahayag ng pulso at lagyan naman ng
ekis ( X ) ang simbolong nagpapahayag ng katahimikan o
pahinga.

PIVOT 4A CALABARZON

8
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kumilos ayon sa rhythmic pattern
na nakalagay sa ibaba. Pumalakpak o pumadyak kapag nakita
ang simbolong ito ( ) quarter note, at katahimikan o walang
pagsasagawa at pagkilos kung makikita ang simbolong ito ( )
quarter rest.

PIVOT 4A CALABARZON

9
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin Saguting ang sumusunod

ayon sa natutuhan mo sa araling ito. Piliin ang tamang sagot

mula sa kahon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

ritmo pagpalakpak orasan

________1. Ito ang simbolo para sa quarter note.

________2. Ito ang simbolo para sa quarter rest.

________3. Pinakasimpleng pamamaraan upang maipadama

ang pulso at ritmo.

________4. Tumutukoy sa haba o tagal ng tunog o pahinga na

may sinusunod na sukat o kumpas.

________5. Ito ay isang kagamitan na may regular na pulso.

PIVOT 4A CALABARZON

10
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Layan ng check (/) ang kahon

na naglalarawan ng iyong pagsasagawa ng sumusunod na

kasanayan mula sa mga gawaing natapos.

Kasanayan Higit na Mahusay Kasiya-siya Kailangang


Mahusay Paunlarin

1. Nalalaman ang
pagkakaiba ng
mga simbolong
nagpapahiwatig
ng tunog at
pahinga.

2. Naisasagawa
nang tama ang
ibinigay na
rhythmic pattern
sa pamamagitan
ng pagpalakpak,
p a g t a p i k ,
pagpadyak at iba
pa.
3. Nakasu-sunod
sa mga panutong
n a kal a ga y sa
bawat gawain.

PIVOT 4A CALABARZON

11
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Basahin at unawain ang mga
tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno .

1. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang nagpapahi watig


ng pulso ng tunog?
a. b. c. d.

2. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang nagpapahiwatig


ng pahinga o katahimikan?

a. b. c. d.

3. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang HINDI


nagpapahiwatig o nagpaparamdam ng pulso ng tunog.
a. pagpalakpak
b. pagpadyak
c. pagtapik
d. pagtitig

4. Alin sa mga sumusunod na bagay ang may


regular na pulso ng tunog?
a. ugong ng tricycle
b. sigawan ng mga bata sa labas
c. tunog ng analog na orasan
d. ugong ng jeep

5. Ito ay ang elemento ng musika na tumutukoy sa haba o tagal


ng tunog o pahinga na may sinusunod na sukat o kumpas.
a. melodiya
b. ritmo
c. harmony
d. dynamics

PIVOT 4A CALABARZON

12
Pagtukoy sa mga Sukat ng Musika WEEKS
Aralin 3-4
I
Ang pag-awit, pagkilos, at pagtugtog ay magkakaugnay na
gawain. Maaari tayong magsagawa ng simpleng pagkilos sa saliw ng
awitin batay sa bilang ng beats na napapaloob sa isang sukat ng
awit.
Maaaring magmartsa, mag-balse, o regular na paglakad ang
isagawa sa saliw ng isang awit.
Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga awit at rhythmic
patterns na may dalawahan, tatluhan, at apatang sukat.
Paano mo malalaman na ang isang awit o isang rhythmic
pattern ay nasa dalawahan, tatluhan, at apatang sukat?

Gawain Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang mga nasa larawan. Sagutin


ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

1. Ano anong mga uri ng hayop ang makikita sa mga larawan?


__________
2. Sa paanong paraan ipinangkat ang mga hayop? __________
3. Ano anong mga hayop ang ipinangkat sa dalawahan?
Tatluhan? Apatan? ___________
PIVOT 4A CALABARZON

13
D
Paano malalaman na ang sukat ay dalawahan, tatluhan, o
apatan?

 Masasabi natin na ang sukat ay dalawahan kung may


dalawang kumpas sa isang sukat o measure.

1 2 1 2
 Masasabi natin na ang sukat ay tatluhan kung may tatlong
kumpas sa isang sukat o measure.

1 2 3 1 2 3
 Masasabi natin na ang sukat ay apatan kung may apat na
kumpas sa isang sukat o measure.

1 2 3 4 1 2 3 4
 Ang isang stick sa stick notation ay katumbas ng isang
bilang sa sukat na dalawahan, tatluhan, at apatan.
 Ang isang stick ( ) sa stick notation ay katumbas ng isang
quarter note ( ) o isang quarter rest ( ) na
pare-parehong tumatanggap ng isang sukat.

PIVOT 4A CALABARZON

14
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: I-grupo ang labindalawang
quarter notes na nasa kahon ayon sa bilang na ibinigay.
Pagsama-samahin ang mga ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng bilog. Gawin ito sa iyong kuwarderno.

DALAWAHAN

TATLUHAN

APATAN

PIVOT 4A CALABARZON

15
Gawain sa Pagkatutuo Bilang 3: Bilangin ang mga sumusunod
na stick, quarter note, at quarter rest. Ang bawat isang stick,
quarter note at eight notes ay katumbas ng isang bilang. Isulat
ang tamang sagot sa iyong kuwaderno..

1. = ___________

2. = ___________

3. = ___________

4. = ___________

5. = ___________

PIVOT 4A CALABARZON

16
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pangkatin ang mga sumusunod na
( ) quarter note, at ( ) quarter rest ayon sa palakumpasan o
bilang na ibinigay. Gumamit ng bar line( ) upang mai-pangkat
ang mga nota. Ang bawat quarter note at quarter rest ay may
katumbas na isang bilang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Dalawahan

2. Tatluhan

3. Apatan

PIVOT 4A CALABARZON

17
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Dagdagan ng quarter note ( )
o quarter rest ( ) sa ilalim ang ang bawat sukat ayon sa
bilang na hinihingi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

PIVOT 4A CALABARZON

18
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Tukuyin kung ang mga sumusunod na
musical phrases ay nasa palakumpasang dalawahan, tatluhan, at
apatan. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

PIVOT 4A CALABARZON

19
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Lagyan ng check (  ) ang kahon na
naglalarawan ng iyong pagsasagawa ng sumusunod na
kasanayan mula sa mga gawaing natapos. Gawin mo ito sa iyong
kuwaderno.

Kasanayan Higit na Mahusay Kasiya-siya Kailangang


Mahusay Paunlarin
1. Natutukoy ang
mga sukat na may
dalawahan,
tatluhan, at apatan.

2.
Nakapagdadagdag
ng kakulang nota o
pahinga ayon sa
sukat na ibinigay.

3. Nakabubuo ng
simpleng rhythmic
pattern sa
dalawahan, tatluhan,
at apatang sukat.

PIVOT 4A CALABARZON

20
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Bumuo ng rhythmic pattern
gamit ang quarter note at rest ayon sa sukat na ibinigay gamit
ang quarter note at eighth note. Gawin ito sa kuwaderno o sa
isang buong papel.

A. Dalawahan

B. Tatluhan

C. Apatan

PIVOT 4A CALABARZON

21
WEEKS
Pagbuo ng Rhythmic Ostinato
5-6 Aralin
I
Isang kawili-wiling gawain ang paglikha ng payak na ostinato
patterns. Sa araling ito ay magkakaroon ka ng higit na kaalaman at
bagong karanasan sa musika sa paglikha ng mga rhythmic patterns
gamit ang mga instrumentong pang-ritmo at pagpapatunog ng iba’t
ibang bahagi ng katawan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabuo ng


simpleng rhythmic ostinato na gagamiting pansaliw sa isang awitin.

Tingnan ang music score ng Twinkle, Twinkle, Little Star.


Mapapansin mo na mayroon itong dalawang staff. Ang unang staff
ay may nakasulat na AWITIN at ang ikalawang staff naman ay may
nakasulat na ITAPIK. Gamitin ito para maisagawa ang gawain sa
susunod na pahina.

PIVOT 4A CALABARZON

22
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagsusuri sa awitin. Isulat ang
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang pamagat ng awit?

2. Ano ang sukat ng awit na Twinkle, Twinkle, Little Star?

3. Ilang sukat mayroon ang awit?

4. May nakita ka bang mga nota? Ano ano ang pangalan ng mga
notang iyong nakita?

5. May nakita ka bang mga pahinga? Ano ano ang pangalan ng


mga pahinga na iyong nakita?

D
Ang rhythmic ostinato ay paulit-ulit na rhythmic pattern na
ginagamit na pansaliw sa awit. Maaari itong tugtugin gamit ang
instrumentong pangritmo at iba pang maaaring panggalingan ng
mga tunog.

Isang kawili-wiling gawain ang paglikha ng payak na ostinato


patterns. Sa araling ito ay magkakaroon ka ng higit na kaalaman at
bagong karanasan sa musika sa paglikha ng mga rhythmic patterns
gamit ang mga instrumentong pangritmo at pagpapatunog ng
iba’t ibang bahagi ng katawan.

PIVOT 4A CALABARZON

23
Ano ang Ostinato?
Ang ostinato ay ang pinagsama-samang mahahaba at
maiikling tunog na paulit-ulit na isinasagawa bilang pansaliw sa
isang awit. Ginagamitan ito ng repeat mark.
Kung mapapansin mo sa music score na Twinkle, Twinkle, Little
Star sa ikalawang staff na may markang “Itapik”, iisa lamang ang uri
ng nota. Ang notang ito ay quarter note. Upang maiwasan ang pag
uulit-ulit ng paglalagay ng nota o pattern, gumagamit tayo ng
repeat mark. Ang simbolo sa repeat mark ay:
Halimbawa:
Sa halip na ang isang inuulit na rhythmic pattern ay isulat mo
ng ganito, :

Gagamit ka ng ganitong simbolo:

Maaari mo na itong isulat ng ganito ka-simple sa tulong ng


repeat mark:

4’s

Uulitin mo ang rhythmic pattern hanggang hindi natatapos


ang awitin na iyong sinasabayan.

PIVOT 4A CALABARZON

24
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kumuha ng kutsara at gamiting
pansaliw sa awit na Twinkle, Twinkle, Little Star gamit ang rhythmic
ostinato pattern sa ibaba.

4’s

Uulitin mo ang rhythmic pattern hanggang hindi


natatapos ang awitin na iyong sinasabayan.

PIVOT 4A CALABARZON

25
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isagawa ang mga sumusunod na
rhythmic ostinato sa sukat na dalawahan, tatluhan, at apatan sa
pamamagitan ng pagtapik, pagpalakpak, pagpadyak, o paggamit
ng improvized na instrumentong pang ritmiko. Gawin ito nang paulit-
ulit bilang pagsunod sa isinasaad ng repeat sign.

Dalawahan

Tatluhan

Apatan

PIVOT 4A CALABARZON

26
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Ang CALABARZON March ay may
sukat na dalawahan. Bumuo ng rhythmic ostinato na may dalawang
sukat. Awitin ang CALABARZON March kasabay sa saliw ng inyong
nagawang rhythmic ostinato. Maaring gawin ang ostinato sa
pamamagitan ng pagtapik, pagpalakpak, pagpadyak, o paggamit
ng improvized na instrumentong pang ritmiko.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Gumawa ng rhythmic ostinato sa
sukat na dalawahan, tatluhan, at apatan.

1. Dalawahan

2. Tatluhan

3. Apatan

PIVOT 4A CALABARZON

27
WEEKS Pagpapahalaga sa Wastong Pag-uulit
ng Rhythmic Pattern
7-8 Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makalilikha at
makapagbibigay ng pagpapahalaga sa wastong pag-uulit ng
rhythmic pattern.

Ang paulit-ulit na rhythmic patterns na ginagamit na pansaliw


sa mga awit ay tinatawag na rhythmic ostinato. Kalimitan ay
tinutugtog ito gamit ang mga instrumentong panritmo tulad ng
drums, wood blocks, castanets, triangles at rhythmic sticks.
May mga awit na nasasaliwan ng ostinato gaya ng Leron, Leron
Sinta, Mga Alaga Kong Hayop at See Saw.

Awitin ang “ Leron Leron Sinta.” Pansinin ang rhythmic pattern


ng katutubong awit na ito.

“ Leron Leron Sinta “

Le - ron le - ron sin - ta bu - ko ng pa - pa - ya

Da - la da - la’y bus - lo si - sid - lan ng bu - nga

Pag - da - ting sa du - lo’y Na - ba - li ang sa - nga

Ka - pus ka - pa - la - ran Hu - ma-nap ng i - ba

Mapapansin na may pag-uulit ng rhythmic pattern ang awiting


Leron, Leron Sinta.

PIVOT 4A CALABARZON

28
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang chant patungkol sa tuta.

Sabayan ang pagbasa ng pagtapik sa mesa ng rhythmic pattern nito.

Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa kuwaderno.

Ang a - king tu - ta ay ma - ta - ba

Bun - tot ay ma - ha - ba ma - a - mo ang muk-ha

1. Ano ang iyong napansin sa rhythmic pattern na tungkol sa tuta?

2. Nauulit ba ang rhythmic pattern?

PIVOT 4A CALABARZON

29
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pag-aralan ang chant ng awit na
“Mang Kiko”. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa
kuwaderno.

Mang Ki, Mang Ki Mang Ki - ko

Pu -pun -ta pu - pun - ta sa Quia - po

Bi - bi - li, bi - bi - li ng pa - ko

Ga -ga - wa ga - ga - wa ng bang - ko.

1. Ano naman ang napansin mo sa rhythmic pattern ng “ Mang


Kiko”?
2. Nauulit ba ang rhythmic pattern?

PIVOT 4A CALABARZON

30
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sabayan ang rhythmic pattern sa
pamamagitan ng pagpalakpak. Isulat ang U kung ito ay Paulit-ulit at
HU kung Hindi Paulit-ulit.

________ 1.

________ 2. : :

________ 3. : :

________ 4.

________ 5. : :

PIVOT 4A CALABARZON

31
D
Ang paulit—ulit na rhythmic patterns na ginagamit na pansaliw
sa mga awit ay tinatawag na rhythmic ostinato. Kalimitan ay
tinutugtog ito gamit ang mga instrumentong panritmo tulad ng drums,
wood blocks, castanets, triangles at rhythmic sticks.
May mga awit na nasasaliwan ng ostinato gaya ng Leron, Leron
Sinta, Mga Alaga Kong Hayop at See Saw.

Awitin ang “Leron Leron Sinta“. Pansinin ang rhythmic pattern ng


katutubong awit na ito.

“ Leron Leron Sinta “

Le - ron le - ron sin - ta bu - ko ng pa - pa - ya

Da - la da - la’y bus - lo si - sid - lan ng bu - nga

Pag - da - ting sa du - lo’y Na - ba - li ang sa - nga

Ka - pus ka - pa - la - ran Hu - ma-nap ng i - ba

PIVOT 4A CALABARZON

32
Ito ang rhythmic pattern o hulwaran na nagpaulit ulit sa awit na
“ Leron Leron Sinta “.

Le - ron le - ron sin - ta

Bu - ko ng pa - pa - ya

Pumalakpak ayon sa hulwarang nasa ibaba.

: :
Ano ang iyong napansin sa hulwaran ng Leron Leron Sinta at ng
nasa itaas?

Mayroong ganitong simbolo sa simula at pagkatapos ng


hulwaran. Ang tawag dito ay repeat mark na nangangahulugang
uulitin ang hulwaran. Ginaaamit ang simbolo na ito upang ipahiwatig
ang pag-uulit ng saliw sa awit.

Ang ostinato ay paulit-ulit na rhythmic patterns na ginagamit na


pansaliw sa awit kaya nararapat na lagyan ng repeat mark ang
hulwaran.

PIVOT 4A CALABARZON

33
Awitin ang kantang “ Tong, Tong, Tong”. Saliwan ng ostinato sa
pamamagitan ng pagpadyak.

Tong Tong Tong

: :
Tong, tong, tong, tong,
Pakitong - kitong sa dagat
Malaki at masarap
Mahirap hulihin
Sapagkat nangangagat.

Magaling! Ang sayang pumadyak habang umaawit.

Maari ring saliwan ang awit na “Tong, Tong, Tong” sa


hulwarang nasa ibaba. Gawin mo naman ito sa pamamagitan
ng pagtapik sa mesa.

Gawin mo:

: :

PIVOT 4A CALABARZON

34
E
Gawain sa Pagkatutp Bilang 4: Awitin ang “ Bahay Kubo “.

Gawain sa Pakatuto Bilang 5: Sundin ang hulwarang nasa ibaba sa


pamamagitan ng paggamit ng dalawang kutsara.

: :

Gawain sa Pakatuto Bilang 6: Awitin ang Bahay Kubo na may saliw


ng ostinato pattern na nasa gamit ang dalawang kutsara.

Gawain sa Pakatuto Bilang 7: Awitin ang “ Bahay Kubo” sa saliw ng


hulwarang nasa ibaba sa pamamagitan naman ng pagtambol sa
palanggana.

: :

PIVOT 4A CALABARZON

35
A
Gawain sa Pakatuto Bilang 8: Isulat ang unang apat na titik o lyrics
ng awit na “ Magtanim ay Di Biro.”

“ Magtanim ay di Biro”

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Gawain sa Pakatuto Bilang 9: Saliwan ng ostinato ang awit sa


pamamagitan ng anumang instrument o bagay na lumilikha ng
tunog na nasa inyong tahanan. Sundan ang hulwaran na nasa
Ibaba.

Nakasunod ka ba sa gawain? Bilugan ang iyong kasagutan.

: :

PIVOT 4A CALABARZON

36
Gawain sa Pakatuto Bilang 10: Paano mo naisagawa ang mga
gawain? Lagyan ng tsek ( / ) ang kolum na naglalarawan sa iyong
pagsasagawa ng mga pagsasanay.

Mas
Kasanayan Mahusay Pinakamahusay
Mahusay

1. Naiintindihan ang
kabuluhan ng repeat
marks.

2. Nakasusunod sa mga
payak na ostianto pattern
sa pamamagitan ng
pagpalakpak, pagpadyak
o paggamit ng bagay na
tumutunog.
3. Nakaaawit habang
tumutugtog ng payak na
ostinato pattern.

4. Nauunawaan ang mga


simbolo gaya ng notes at
rests.

5. Nakiisa sa mga gawain.

PIVOT 4A CALABARZON

37
Gawain sa Pagkatuto Bilang 11: Isagawa ang mga rhythmic pattern
o hulwaran sa pamamagitan ng pagpadyak. Isulat ang O kung may
ostinato at WO kung Walang Ostinato.

______1.
: :

______ 2. : :

______ 3.

______ 4. : :

______ 5. :

PIVOT 4A CALABARZON

38
Sanggunian

Department of Education. 2014. Music, Art, Physical


Education and Health 3, Kagamitan ng Mag-aaral
sa Tagalog, Unang Edisyon. Pasig City.

PIVOT 4A CALABARZON

39
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421


Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

You might also like

  • EsP9Q2F 1.PDF Version 1edited1
    EsP9Q2F 1.PDF Version 1edited1
    Document40 pages
    EsP9Q2F 1.PDF Version 1edited1
    Jade Althea Rañola
    No ratings yet
  • M2apeh Music 5 Q1
    M2apeh Music 5 Q1
    Document40 pages
    M2apeh Music 5 Q1
    ivy loraine enriquez
    No ratings yet
  • Health G3 P1
    Health G3 P1
    Document40 pages
    Health G3 P1
    JHONA ILAO
    No ratings yet
  • Arts G3 P1
    Arts G3 P1
    Document40 pages
    Arts G3 P1
    MARIO SEMBRANO
    No ratings yet
  • Mapeh-Arts-5 Q1
    Mapeh-Arts-5 Q1
    Document40 pages
    Mapeh-Arts-5 Q1
    JENNIFER MAGPANTAY
    75% (4)
  • CLMD4A EsPG5 Version 2
    CLMD4A EsPG5 Version 2
    Document40 pages
    CLMD4A EsPG5 Version 2
    Henry Dela Rosa
    No ratings yet
  • Mapeh Health 5 Q1
    Mapeh Health 5 Q1
    Document40 pages
    Mapeh Health 5 Q1
    ivy loraine enriquez
    No ratings yet
  • Mapeh-Pe Q1
    Mapeh-Pe Q1
    Document40 pages
    Mapeh-Pe Q1
    Seth Leigh Chloe Brazal
    No ratings yet
  • CLMD4A EsPG4 Version-2-1
    CLMD4A EsPG4 Version-2-1
    Document40 pages
    CLMD4A EsPG4 Version-2-1
    Glecy Kim
    No ratings yet
  • Mapeh: Unang Markahan
    Mapeh: Unang Markahan
    Document40 pages
    Mapeh: Unang Markahan
    JERIZA RUZ
    No ratings yet
  • Music 4 Q4 F
    Music 4 Q4 F
    Document40 pages
    Music 4 Q4 F
    Mira
    No ratings yet
  • Es PG10
    Es PG10
    Document47 pages
    Es PG10
    Nanette Morado
    No ratings yet
  • PE5Q3F
    PE5Q3F
    Document40 pages
    PE5Q3F
    ALVIN FREO
    No ratings yet
  • Health 1 Q4 F
    Health 1 Q4 F
    Document42 pages
    Health 1 Q4 F
    Jennie Kim
    100% (1)
  • Health G4 Q4
    Health G4 Q4
    Document40 pages
    Health G4 Q4
    Mira
    No ratings yet
  • Arts 1 Q4 F
    Arts 1 Q4 F
    Document42 pages
    Arts 1 Q4 F
    Alex Abonales Dumandan
    100% (2)
  • Music 1 Q4 F
    Music 1 Q4 F
    Document42 pages
    Music 1 Q4 F
    Jennie Kim
    75% (4)
  • APG6Q3
    APG6Q3
    Document40 pages
    APG6Q3
    Michael Edward De Villa
    No ratings yet
  • Filipino PDF
    Filipino PDF
    Document40 pages
    Filipino PDF
    Nicole
    No ratings yet
  • Music 2 Q1 FV2
    Music 2 Q1 FV2
    Document40 pages
    Music 2 Q1 FV2
    JOAN CAMANGA
    No ratings yet
  • EsP1Q1V2
    EsP1Q1V2
    Document40 pages
    EsP1Q1V2
    Mary Grace Fernandez
    No ratings yet
  • Music 4 Q2 F
    Music 4 Q2 F
    Document40 pages
    Music 4 Q2 F
    IKEL Ctbg
    No ratings yet
  • MTB Mle1q4f
    MTB Mle1q4f
    Document42 pages
    MTB Mle1q4f
    Asmay Mohammad
    100% (2)
  • AP8Q4F
    AP8Q4F
    Document40 pages
    AP8Q4F
    Ortigosa, Brylene M.
    No ratings yet
  • Esp 8
    Esp 8
    Document42 pages
    Esp 8
    Jay Vincent Amolo
    No ratings yet
  • AP1Q4F
    AP1Q4F
    Document42 pages
    AP1Q4F
    Alex Abonales Dumandan
    No ratings yet
  • Health 2 Q4 F
    Health 2 Q4 F
    Document42 pages
    Health 2 Q4 F
    Lhay Hernandez
    100% (1)
  • Music 1 Q1 V2
    Music 1 Q1 V2
    Document40 pages
    Music 1 Q1 V2
    Herxilla Bassit Batinay-Mani
    100% (1)
  • Health 1 Q2 V2
    Health 1 Q2 V2
    Document40 pages
    Health 1 Q2 V2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Esp G4: Ikalawang Markahan
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G4: Ikalawang Markahan
    Mellow Jay Masipequina
    No ratings yet
  • Arts 2 Q3 F
    Arts 2 Q3 F
    Document44 pages
    Arts 2 Q3 F
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Epp He5 V2
    Epp He5 V2
    Document40 pages
    Epp He5 V2
    Bhea Ebreo
    No ratings yet
  • Fil9 (Pivot)
    Fil9 (Pivot)
    Document40 pages
    Fil9 (Pivot)
    ferdinand sanbuenaventura
    No ratings yet
  • AP3Q1V2
    AP3Q1V2
    Document40 pages
    AP3Q1V2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • Music 4 Q2 V2
    Music 4 Q2 V2
    Document40 pages
    Music 4 Q2 V2
    Krame G.
    No ratings yet
  • EsP10V2Q2 1
    EsP10V2Q2 1
    Document40 pages
    EsP10V2Q2 1
    Holy Marie C.Endriga
    No ratings yet
  • Health 1 Q2 F
    Health 1 Q2 F
    Document40 pages
    Health 1 Q2 F
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Epp Ia4 V2
    Epp Ia4 V2
    Document40 pages
    Epp Ia4 V2
    Azia Mhmmd
    100% (1)
  • PE2Q1FV2 PDF
    PE2Q1FV2 PDF
    Document40 pages
    PE2Q1FV2 PDF
    Cyrill Villa
    No ratings yet
  • Esp G6: Ikalawang Markahan
    Esp G6: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G6: Ikalawang Markahan
    Elizabeth manlabat
    100% (1)
  • Health 4 Q2 F
    Health 4 Q2 F
    Document40 pages
    Health 4 Q2 F
    Mary Rose V. Adajo
    No ratings yet
  • Mapeh g4 P.E. Modyul 3
    Mapeh g4 P.E. Modyul 3
    Document40 pages
    Mapeh g4 P.E. Modyul 3
    Anna Almira Lavandelo
    No ratings yet
  • Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    Document40 pages
    Grade 3: Key Stage 1 SLM
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet
  • Health-G3-P1
    Health-G3-P1
    Document40 pages
    Health-G3-P1
    Jan Marcus Magpantay
    100% (2)
  • Health2Q1FV2
    Health2Q1FV2
    Document40 pages
    Health2Q1FV2
    MARY ANN RAMIREZ
    No ratings yet
  • Music 5 Q2 F
    Music 5 Q2 F
    Document40 pages
    Music 5 Q2 F
    Daisy Mendiola
    50% (2)
  • CLMD4A EsPG9
    CLMD4A EsPG9
    Document41 pages
    CLMD4A EsPG9
    Mary Grace R Andrade
    No ratings yet
  • AP8Q2V2
    AP8Q2V2
    Document40 pages
    AP8Q2V2
    Norlyn Cuntapay
    100% (1)
  • English: Araling Panlipunan
    English: Araling Panlipunan
    Document40 pages
    English: Araling Panlipunan
    Candy Jhasse Fabros
    No ratings yet
  • Esp G9: Ikalawang Markahan
    Esp G9: Ikalawang Markahan
    Document40 pages
    Esp G9: Ikalawang Markahan
    Gennie Lane Artigas
    No ratings yet
  • PE3Q4F
    PE3Q4F
    Document42 pages
    PE3Q4F
    Dianne Paran
    No ratings yet
  • Health 4 Q2 V2
    Health 4 Q2 V2
    Document40 pages
    Health 4 Q2 V2
    Krame G.
    100% (1)
  • PE1Q2FV2
    PE1Q2FV2
    Document40 pages
    PE1Q2FV2
    Eiay Comms
    No ratings yet
  • Math1Q1V2
    Math1Q1V2
    Document40 pages
    Math1Q1V2
    Jeeefff Reyyy
    No ratings yet
  • PE1Q4F
    PE1Q4F
    Document42 pages
    PE1Q4F
    Jennie Kim
    100% (1)
  • Arts1Q1V2
    Arts1Q1V2
    Document40 pages
    Arts1Q1V2
    Leah Bibay
    No ratings yet
  • Arts 4 Q2 V2
    Arts 4 Q2 V2
    Document40 pages
    Arts 4 Q2 V2
    Krame G.
    No ratings yet
  • Math 3 Q1 FV2
    Math 3 Q1 FV2
    Document40 pages
    Math 3 Q1 FV2
    KATHLYN JOYCE
    No ratings yet