You are on page 1of 19

2

Mother Tongue
(Tagalog)
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Nakakasulat ng Maikling Kuwento
taglay ang mga
elemento
ng Tagpuan at Tauhan
Mother Tongue– Ikalawang Baitang
Self – Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan– Module 1: Nakakasulat ng Maikling Kuwento Taglay ang mga
Elemento ng Tagpuan at Tauhan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Catherine E. Layda, Cathyrine M. Diacosa, Flora Mae L. Porras, Cathyrine M.


Diacosa, Bai-Anie E. Angkel, Jasnia D. Manampad, Rogeleta C. Arillo,
Maita C. Bair, Farida M. Maas

Editor: John A. Pagayon, Marie Fe Estilloso, Belina P. Agapitol,


Gina Kaye N. Barretto, Rodelyn C. Martin

Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayong, Rowena P. Alterado, Eloisa R. Agni,


Sheryl B. Bautista, Ma. Kristine B. Latris, Aida S. Delon

Tagaguhit: Ericson D. Bello


Tagalapat: Ericson D. Bello, Glen D. Napoles, Allan T. Basubas, Jay Ar O. Espartero
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director

Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Isagani S. Dela


Cruz CESO V- Schools Division Superintendent
Dr. Roberto J. Montero, CESO V- Assistant Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez,CESO VI- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo B. Mission – REPS, MTB-MLE Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura - EPS In Charge of LRMS Marcelo Bucatera - ADM
Coordinator
Rebella S. Dulay – EPS, MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2
MTB-MLE
(Tagalog)
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Nakakasulat ng Maikling Kuwento
taglay ang mga elemento ng Tagpuan at
Tauhan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 ng Self – Learning Module (SLM) para sa


araling Nakakasulat ng Maikling Kuwento Taglay ang mga Elemento ng Tagpuan at Tauhan

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantaya ng itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Most Essential Learning Competencies (MELCs):

Write short narrative paragraphs that include elements of setting, Character, and plot (Problem and
Resolution), observing the conventions of writing.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pangturo na katulad nito. Ito ay
inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamang kaalaman
upang mapalawak at malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Nakakasulat ng Maikling
Kuwento Taglay ang mga Elemento ng: (Tagpuan at Tauhan). Ang inyong tamang paggabay ay
makatutulong sa mga mag-aaral upang makamitang ating mgalayuninsapag- aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sa gutin nila nang tama ang lahat ng mga
gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para sa ating mga
mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at

ii
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE 2 ng Self – Learning Module (SLM) ukol sa Nakakasulat ng


Maikling Kuwento Taglay ang mga Elemento ng Tagpuan at Tauhan

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang o portunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa katapusan ng
modyul na ito, makikita mo rin ang:

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung anona ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuoito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay Gawain na naglalayong matasa o masukat


Tayahin ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa
natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Susi saPagwawasto Gawain sa modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anu mang marka o sulat ang
anu mangbahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing na papaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o taga pagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sana katatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasamasabahay na mas
nakatatanda saiyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw sayo mag aaral! Kumustaka na? Ngayon araw


na ito ay matutunan mo ang bagong aralin. Halika sabay nating
alamin ang nilalaman ng modyul na ito. Pagkatapos ng araling ito,
ikaw ay inaasahang makakapagsulat ng maikling salaysay taglay ang
mga elemento ng kuwento-tagpuan at tauhan.
Most Essential Learning Competency:
Write short narrative paragraphs that include elements of
setting, characters, and plot (problem and resolution), observing the
conventions of writing 4MT2C-IIIa-i- 2.3
Sa modyul na ito, malalaman at maiintindihan mo ang
sumusunod na layunin:
1. Nakasusulat ng maikling salaysay taglay ang mga elemento
ng kuwento tagpuan at tauhan.

Subukin

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod. Isulat ang Tao kapag


nagsasaad ng pangalan ng tao at Lugar naman kung
nagsasad ng lugar. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Sa Palengke
2. Ang dalaga
3. Sa may hospital
4. Si lolo at lola
5. Sa paaralan

1
Balikan

Panuto: Lagyan ng √ ang mga pangungusap na nagpapakita ng wastong


paggamit ng malaking letra, espasyo ng mga salita at wastong
bantas. Laygan ng X kung ito ay mali.
1. si ate lisa ay masipag.
2. Masaya ang mga bata na naglalaro sa plasa.
3. bakit umiiyak ang bata.
4. May bagong laruan si Vannesa.
5. Nag-aaral sina Ayah at Linda.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento.


Ang Magkaibigan
Akda ni Catherine E. Layda

Tahimik na nag-aaral ang magkaibigan na sina Ayah at Luna sa kanilang


silid-aralan. Napansin ni Ayah ang maraming nakakalat na papel sa paligid.
Naisipan ng dalawang magkaibigan na pulutin at linisin ang mga nakakalat na
basura. Nalaman ito ng kanilang Guro na si Gng. Ramos at lubos itong
nasiyahan sa ginawa ng dalawang bata.

1. Sino-sino ang mga magkakaibigan sa kuwento?


2. Saang lugar naganap o nangyari ang kuwento?

2
Suriin

Panuto: Pag-aralan natin ang nilalaman ng graphic organizer.

Ang bawat kuwento ay may sangkap o elemento, ito ay ang


Tauhan, Tagpuan at Pangyayari.
Tauhan ito ay ang mga nagsasalita, kumikilos at
gumaganap sa isang kuwento.
Halimbawa:
Si ate ang Lola Maria
G. Ramos Pulis Rodrigo
Tagpuan ito ay kung saan at kailan nangyari ang isang kuwento.
Halimbawa:
sa bahay sa palengke sa paaralan sa
bakuran sa plasa sa bukid

3
Pangyayari ito ay nagsasaad ng mga naganap sa
kuwento.
Halimbawa:
Malakas na ulan nagpalipad ng saranggola
nagtanim ng bulaklak May napulot na pitaka

Paano ba makakagawa ng sariling maikling kuwento?


1. Mag-isip kung tungkol saan ang iyong isusulat na
kuwento.
2. Maaring gamitin ang sariling karanasan sa paggawa ng maikling
kuwento.
3. Sumulat ng maikling kuwento gamit ang elemento ng kuwento
ang tauhan, tagpuan at pangyayari.
4. Isinusulat at binabasa ang kuwento gamit ang wastong
paraan ng pagbasa at pamantayan sa pagsulat.

Pagyamanin

GAWAIN 1: Isulat mo, Sagot mo!


Panuto: Piliin kung anong elemento ng kuwento ang sumusunod.
Isulat kung ito ay Tauhan o Tagpuan. Gawin ito sa sagutang
papel.
1. Mira at Cardo
2. Hospital
3. Plasa
4. Ang guro
5. Si Lolo

4
Isaisip

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangungusap na nagsasabi


tungkol sa mga elemento o sangkap ng kuwento at M
naman kung mali ang isinasaad nito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang bawat kuwento ay may sangkap ng tauhan,
tagpuan at pangyayari.
2. Bahay, paaralan, at palengke ay mga
halimbawa ng Tagpuan.
3. Tagpuan ang tawag sa nagsasalita, kumikilos at
gumaganap sa isang kuwento.
4. Si Ana ay isang halimbawa ng isang tauhan
5. Ang iyong karanasan ay hindi maaring gawin
isang kuwento.

5
Isagawa

Panuto: Basahin ang kuwento. Tukuyin ang mga halimbawa ng


tauhan at tagpuan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Aming Laro

Sabik sa araw ng Sabado ang magkakaibigan na sina


Lando, Mikoy at Amir. Maagang gumising ang tatlo upang matapos
nila agad ang kanilang gawain sa bahay. Sabik na sabik ang
magkakaibigan papunta sa plasa upang makapaglaro ng basketball.
Nahahasa nila ang kanilang galing sa basketball sa bawat paglalaro ng
magkakaibigan.

Tauhan Tagpuan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

6
Sumulat ng maikling kuwento tungkol kay Nanay at Tatay sa loob ng
inyong tahanan. Katulad ng halimbawa sa itaas.

Pamagat

Tayahin

Panuto: Batay sa larawan na nasa ibaba sumulat ng isang maikling


kuwento na taglay ang mga elemeto ng kuwento. (tauhan
at tagpuan)

7
Pamagat

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang maikling kuwento tungkol sa inyong


paboritong kaibigan. Gawing gabay ang mga tanong sa
ibaba at isulat sa sagutang papel.

1. Sino ang iyong kaibigan?


2. Ano ang tawag mo sa kanya?
3. Bakit mo siya gusto bilang kaibigan?
5. Saan siya nakatira?

9
Susi saPagwawasto

10
Sanggunian
MTB grade 2 Teachers guide page 212 MTB

grade 2 Learners Material page 147

11
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, RehiyongSOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan nagagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management


System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083)

2288825/ (083) 2281893


Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like