Professional Documents
Culture Documents
Banghay-Aralin Sa Filipino 10
Banghay-Aralin Sa Filipino 10
I. Layunin
Naisasalaysay ang anekdota sa pamamagitan ng isang diyalogo.
(F10PS-IIIb-79)
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Aralin 3.2 Akasya o Kalabasa
B. Sanggunian: Modyul sa Filipino para sa Mag-aaral (Grade 10)
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. panalangin
2. energizer
3. pagbati
4. pagsasaayos ng silid-aralan
5. pagtsek ng lumiban at hindi lumiban
B. Balik-aral
Tungkol saan ang talakayan noong nakaraang araw?
C. Pagganyak
“ Ilarawan mo Ako’’
Ipapakita ang larawan ng Akasya at Kalabasa. Ilalarawan ito ng mga mag-aaral.
D. Pagtalakay
D.1 Hakbang/Gawain
1. Babasahin ang akda.
D.2 Pagsusuri/Analysis
1. Anong nais ipahiwatig ng akda?
2.Ano-ano ang mga salik kung bakit maraming Pilipino ang mas pinipili ang maikling
kurso?
3. Bakit itinuturing na ang pag-aaral ay isang puhunan?
E. Pagbubuod o Paglalahat
Ibuod ang talakayan sa pamamagitan ng mga sumusunod na gabay na katanungan:
1. Ano ang anekdota?
2. Ano ang pamagat ng anekdotang tinalakay?
3. Ibigay ang kabuuang mensahe ng akda.
IV. Pagtataya ( Pangkatan: tatlong miyembro sa isang pangkat )
Panuto: Sumulat ng isang maikling iskrip ng isang dula na halaw sa anekdotang binasa.
Gawin sa loob ng 6 na minuto. Isasalaysay ang sinulat na maikling iskrip ng anekdota sa
pamamagitan ng isang diyalogo. Ang pagtatanghal ng bawat pangkat ay dapat hindi
lalampas sa 3 minuto.
Pagsasadula
Kabuuang
puntos
V. Kasunduan
Basahin ang anekdota na nagmula sa bansang Iran na pinamagatang “Mullah
Nassreddin.’’ Ito ay nasa pahina 256.
Inihanda ni:
ANGEL MAE P.
MESAGRANDE
Iniwasto ni:
MARIETTA P. DELIMA
( Critic Teacher )