You are on page 1of 2

BUTTERFLY KINGDOM e-LEARNING SCHOOL

Perez Boulevard San Carlos City Pangasinan

LEARNING PACKET IN FILIPINO GR.1


ARALIN 10 KAILANAN NG PANGNGALAN

Kasanayang Pangwika
Alam kong nakababasa ka na. Basahin at kilalanin ang
pamilya ng isang batang katulad mo.

Ang nanay ko ay si Maria


Ang tatay ko ay si Mario
Mahal ko ang mga magulang ko.

Ang kuya ko ay si Marko.


Ang ate ko ay si Martha.
Mahal ko sina kuya Marko at Ate Martha.

Sila ang aking pamilya


Na nagbibigay-tuwa
Upang buhay ko ay sumigla.

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa tula?


Ito ay mga pananda. Malalaman mo ang bilang ng pangngalan sa
pamamagitan ng mga panandang ito.
Ang si at ang ang ay ginagamit kung ang pangngalan ay may
isahang kailanan.
Ang sina at ang ang mga ay ginagamit naman kung ang
pangngalan ay may maramihang kailanan.

Isaisip Natin
Ang pangngalan ay may kailanan. Ito ay maaaring maging
isahan at maramihan.
Isahan ang pangngalan kung ito ay isa lamang. Makikilala ang
isahang pangngalan gamit ang mga panandang si at ang.
Tandaang ang si ay ginagamit sa tiyak na ngalan ng tao.

Mga Halimbawa:
si Maria ang nanay
si Mario ang tatay

Ang pangngalan ay maramihan kung ito ay may bilang na


dalawa o higit pa. Ang pangngalang maramihan ay makikilala
gamit ang mga panandang sina at ang mga. Tandaang ang sina ay
ginagamit sa tiyak na ngalan ng tao.
Mga Halimbawa:
sina Marko at Martha ang mga magulang sina Maria at
Mario ang mga kapatid

Prepared by:
Teach Glory F. Diaz

You might also like