You are on page 1of 1

“Kasaysayan ng pangalang Daisy”

Lahat tayo ay may kanya- kanyang pangalan na kung saan ito ang ating
pagkakakilanlan. Naniniwala ako na mayroong pinagmulan ang ating mga pangalan , Mayroon
sa atin na nanggaling pa sa mga lolo at lola ang iba naman ay sa mga tiyo at tiya at mayroon din
na sinunod sa pangalan ng kanilang mga magulang. Karamihan din sa ating mga ama nang
galing o sila ang nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak. Ano nga ba ang kasaysayan ng
ating mga pangalangan? Halina at ating alamin ang kasaysayan ng aking pangalanat kung ano ba
ang ibig sabihin o saan nga ba nagmula ito at kanino. Ang nagbigay ng pangalan ko ay ang aking
papa na siya din nag pangalan sa aking mga kapatid. Ang pangalan ko ay sinunod lang sa dalawa
kong kapatid na kung saan lahat ng unang letra sa pangalan namin ay sinunod lang kung anong
buwan kami ipinanganak at lahat kami ay mayroong pangalawang pangalan. Ang panganay sa
aming magkakapatid ay si John Lenard nanagad at ipinanganak siya noong hunyo kaya ang
unang letra ng kanyang pangalan ay J. Ang ikalawa naman ay si Mary Grace Nanagad siya
naman ay ipinanganak noong buwan ng marso kaya ang unang letra naman sa kanyang pangalan
ay M. Ang ikatlo naman ay ako ang aking pangalan ay Daisy Mae Nanagad at ipinanganak ako
noong disyembre kaya ang unang letra sa aking pangalan ay letrang D. At ngayon ay nasa
inyong harapan at nakakasalamuha, ako’y nagagalak na ibahagi ang kasaysayan ng aking
pangalan.

Nanagad, Daisy Mae E. Agosto 20, 2019

BSBA-FM 1-1 Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

You might also like