You are on page 1of 4

PAGPAPAKILALA NG SARILI

Sa pagpapakilala ng sarili ay mahalagang sabihin nang malinaw ang iyong buong pangalan gayundin
ang iyong palayaw.

Maari ring sabihin ang ibang impormasyon tungkol wa iyo tulad ng iyong edad, kaarawan, tirahan, at
paaralan.

Magpapakilala sa iyo ang isang batang lalaki. Pakinggan ang babasahin ng inyong guro tungkol sa
kanya.

Nakatira kami sa #3441


Amador Rivera Road 8, Barangay
ang pangalan ko. Ako Bagong Pag-asa,
ay anim na taong Quezon City. Nag-aaral
gulang. Nagdiwang ako ako sa Our Lady of
ng aking kaarawan Hope School. Nasa
noong Mayo 14. unang baitang na ako.

Alam Mo Ba?

Ang Quezon City, kung saan nakatira ang batang si Ador, ang pinakamalawak na
lungsod sa Metro Manila. Ito rin ang lungsod na may pinakamaraming taong
naininirahan. Ang lungsod na ito ay nasa luzon.

Magpapakilala rin sa iyo ang isang batang babae mula naman sa lalawigan ng Cebu. Pakinggan ang
babasahin ng iyong guro.
Ako si Estrella Dela
Cruz. Ang palayaw ko
ay Estrel. Anim na Nakatira kami sa #7552
taong gulang ako. Ang Singson Street, Cebu
kaarawan ko ay City. Nag-aaral ako sa St
Agosto 26. Theresa's College. Nasa
unang baitang na ako.

Alam Mo Ba?

Ang Cebu City kung saan nakatira ang pamilya ninEstrella ay isang maunlad na lungsod sa Visayas at
tinatawag sing Queen City of the South.

Ngayon naman ay magpapakilala sa iyo ang kambal na sina Dorothy at Ken. Pakinggan ang babasahin ng
iyong guro tungkol sa magkapatid.

Ako si Dorothy
Ramos at ito naman
ang kapatid kong si
Ken. Dahil kambal Nakatira kami sa 1433
kami, pareho Tulingan Street, Davao
kaming anim na City. Pareho kaming
taong gulang at nasa unang baitang sa
sabay rin ang Holy Cross College of
kaarawan namin sa Davao City.
Disyembre 16.
Sagutin natin

Marami tayong nalaman tungkol sa apat na batang Pilipinong nagpakilala sa atin. Pare-pareho silang
anim na taong gulang. Alam din nila ang kani-kanilang kaarawan. Ikaw, masasabi mo rin ba ang
buwan, petsa, at taon ng iyong kaarawan? Ang mga buwan sa isang taon ay Enero, Pebrero, Marso,
Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, at Dyesyembre. Sa anong
buwan ka ipinanganak? Isulat ang sagot mo sa patlang.

___________________________.

Silang apat ay pare-pareho ring nasa unang baitang at nag-aaral sa ibat ibang paaralang malapit
sa kani-kanilang tirahan. Ikaw? saan ka naman nag-aaral? Sabihin o isulat ang pangalan ng iyong
paaralan sa kahon sa ibaba.

Sa iba't ibang lugar sa bansa nakatira ang bata. Si Ador ay nakatira sa Quezon City na nasa
Luzon, si Estrella ay nakatira sa Cebu sa isa sa mga lalawigan ng Visayas, Samantalang ang
kambal na sina Dorothy at Ken naman ay mula sa Davao na nasa Mindanao. Ikaw, saan ka
ba nakatira? Sabihin o isulat sa kahon sa ibaba angbiyong lungsod o bayan at lalawigan.

ISAISIP NATIN

Kapag tayo'y nagpapakilala ng ating sarili, dapat tandaang . . .

magsalita nang malinaw at malakas upang marinig ng ibang tao ang sinasabi mo tungkol
sa sarili.
sabihin ang buong pangalan at maging ang palayaw;
maari ring sabihin angniyong edad, kaarawan, tirahan, baitang, paaralan, qt iba pang
mahalagangbimpormasyon tungkol sa iyo.

Pagbibigay ng Sagot sa mga Tanong Tungkol sa Sarili


1. Ano ang buong pangalan mo?

__________________

2. Ano ang palayaw mo?

___________________

3. Ilang taon ka na?

____________________

4. Saan ka nag-aaral?

____________________

5. Nasa anong baitang ka na?

____________________________

You might also like