You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

Aralin Filipino 10
Learning Delivery Modality Online Modality

Tala sa Paaralan Banaba West Integrated School Baitang Sampu


Pagtuturo Guro Janelle A. Plata Antas/ Aralin Filipino 10
Petsa Marso 07-Marso 08 Markahan Ikatlo
Oras 7:00-8:00 Yakal Bilang ng Araw 1
9:30-10:30 Mahogany
10:30-11:30 Acacia
12:00-1:00 Narra

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa
napakinggan F10PN-IIIc-78

B. Pamantayan sa Pagganap

C. Pinakamahalagang Kasanayan 1.Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at


Sa Pagkatuto (MELC) (Kung matatalinhagang pahayag sa tula F10PB-IIIc-82
mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa 2.Naiaantas ang mga salita ayon sa antas ng
pagkatuto o MELC) damdaming ipinahahayag ng bawat isa F10 PT-
IIIc-78

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Tula mula sa Uganda Panitikan: Ang Hele ng Ina sa
Kaniyang Panganay (A Song of a Mother to Her Firstborn )
salin sa Ingles ni Jack H. Driberg; isinalin sa Filipino ni
Mary Grace
III. KAGAMITAN PANTURO Google Meet, Youtube, PowerPoint Presentation
A. Mga Sanggunian Alternative Delivery Mode (ADM)
a. Mga Pahina sa Gabay ng
Alternative Delivery Model, pp. 1-12
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Alternative Delivery Model, pp. 1-12
mag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa https://www.youtube.com/watch?v=ZsvDWUHAe4w

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

Portal ng Learning Resource https://kami.com.ph/79203-memorize-na-11-na-paboritong-


linya-ng-mga-pinay-moms-kapag-galit-na-sa-kanilang-mga-
anak.html
https://www.youtube.com/watch?v=ZsvDWUHAe4w&t=12s

B. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain sa YouTube,ADM
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula A. Panalangin
B. Pagbati
C. Pagtse-tsek ng Atendans
D. Kumustuhan
E. Balik-Aral

MOTIBASYON:

Motibasyon: Put my finger down

Panuto: Ang guro ay may inihandang pahayag kung saan ang mga mag-
aaral ay ikukuyom ang daliri kapag ang pahayag na nabanggit ay naririnig
nila mula sa kanilang ina.

“Kung makapagkalat ka, akala mo may katulong ka!”


“Walang pakpak ‘tong tsinelas ko pero lilipad sa’yo ‘to! “
“Papunta ka pa lang, pabalik na ako!”
“Kapag yan nakita ko, makikita mo!”
“Ayan, kaka-cellphone mo!”

Gawain : Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Iantas ang batayang mga salita mula bilang 1 hanggang
5 batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

B. Pagpapaunlad
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka,
aking sanggol
na sinisinta
Mangusap ka
sa iyong
namimilog at
nagniningning
na mga mata,
Wangis ng mata
ng bisirong-toro
ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa
akin. Na puno ng tibay at tatag bagaman
yari’y munsik.
Maging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapu
Nagbabalak nang humawak ng panulang na
matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan, at
mamumuno sa kalalakihan At ika’y hahalikan sa yapak ng
mga kaapo-apohan.

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.


Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa
akin, Maging ang paghimlay mo sa aking
dibdib, At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha sa paggunita.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamita ng kagandahan. Ika’y biniyayaan ng
mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? Yaman ni Zeus
at Aphrodite sa iyo’y kanilang inialay. At ang katalinuhang nangungusap
sa iyong mga mata, Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako” y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking
pagmamalaki Ika’y magbunyi kaparis ng aking
pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.

Tabora, Mary Grace C., Helen g Ina sa Kaniyang Panganay: A song of a Mother to
Her Firstborn, salin sa Ingles ni Jack H. Driberg, Department of Education.Filipino
Ikasampung Baitang: Modyul para sa Mag-aaral. DepEd IMCS First Edition, 2015

Tanong:

1. Sino ang persona sa tula? ____________________________


2. Ano ang kaniyang pangarap? ____________________________
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? ___________________
4. Masining ba ang tulang napanood? _____________________________

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

Gawain 4: Hasain ang Isipan!

C.Pagpapaliha Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa sagutang papel ang sagot.
n 1. Sa binasang tula, ano-anong simbolo ang ginamit para sa sanggol? Piliin
sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Bisirong - toro ni Lupeyo Inakay Zeus leopardo


leon Nyongeza ‘t t nyumba Ibon ginto
bakal gererong marangal

2. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula?


Gumuhit ng masayang mukha sa bawat bilang kapag kaugalian at
Kultura ng Uganda at puso kapag hindi.

___1. Mapang-aruga sa asawa


___2. Mapagmahal na anak
___3. Masinop na mga Ina
___4. Mapangarapin na Ina
___5. Nagpapahalaga sa Pamilya

PAGKILALA SA MAY AKDA


       Si Jack H. Driberg ay naging parte ng Uganda Protectorate noong
1912 at nagsilbi sa Anglo-Egyptian Sudan. Isinulat niya ang The
Lango: A Nilotic Tribe of Uganda noong 1923. Habang nasa Uganda
Protectorate, siya ay namuhay kasama ng mga Langi sa Uganda at

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

naisulat niya ang The Lango: A Nilotic Tribe of Uganda. Ito ay tungkol
sa Etnograpiya patungkol sa mga Langi kagaya lamang ng mga
diksyonaro, pabula at iba pa.
      
        Ang nag udyok sakanya upang isulat ito ay ang
kaniyang magagandang karanasan habang naroon sa lugar
na iyon. Ang kaniyang mga karanasan ang naging
inspirasyon upang maisulat ang “The Lango: A Nilotic Tribe
of Uganda.

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng


taludtod at saknong. May dalawang uri ito ang tulang
tradisyonal at ang malayang taludturan. Ang Tradisyonal
na tula ay binubuo ng mga taludtod o linya na nahahati sa
mga pantig. Ang mga pantig ng isang taludtod o mga salita
maging paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may
mga tayutay o matatalinghagang pananalita,
simbolismo, at masining bukod sa pagiging
madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari
itong lapatan ng himig.

Sa pagsulat ng tulang tradisyonal, kailangang masusing


isaalang-alang ang mga elemento nito.

Sukat – Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.


Halimbawa:
Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos

1. Tugma - ang tunog ng mga huling pantig sa bawat


taludtod.

2. Kariktan - ang pagpili at pagsasaayos ng mga


salitang ilalapat sa tula at ang kabuoan nito.

3. Talinghaga - ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito


ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.

Gawain: Buoin Mo!


Panuto: Buoin ang nais ipabatid ng Talk Baloon gamit ang mga susing
salita sa kahon para makabuo ng magkakaugnay at maayos na
pangungusap mula sa iyong binasa.

Tradisyonal sukat tula kultura


bansa isinasalaysay simbolo kariktan

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

pahayag matalinghaga pinagmulan malaya


tugma walang tiyak na bilang

Nalaman kong ang tulang


______________________
______________________

Natutuhan kong ang Nabatid kong ang mga


nagpapasining sa isang elemento ng tulang
ukol sa tula tula ay ang tradisyonal ay
paggamit ng _________
______________________
___________________
D.Paglalapat _
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga tanong upang matiyak kung naunawaan mo ang
araling tinalakay. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Isang kuwentong nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang


tao.
A. anekdota C. talumpati
B. sanaysay D. mitolohiya
2. Isa siya sa pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa.
A. Saadi C. Mullah Nassreddin
B. Liongo D. Toby
3. Si Mullah Nassreddin ay isang __________.
A. mananalumpati C. pintor
B. manlalakbay D. monghe
4. Ito ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng
isang bagong salita o anyo ng salita.
A. kataga C. panlapi
B. diptonggo D. pangatnig
5. Ito ay tawag o titulo na ibinibigay sa matatalinong Muslim.

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

A. Monghe C. Pilosopo
B. Mullah D. Mananalumpati
6. Naimbitahan si Mullah Nassreddin sa harap ng maraming tao upang
magbigay ng ___.
A. pagkain B. damit C. payo D. talumpati
7. Ayon kay William Chittick, ang ____ ay maaaring inilarawan bilang
pagsasaling-wika at pagpapalakas ng pananampalataya at kasanayan sa
Islam.
A. Anekdota B. Muslim C. Sufism D.
Relihiyon
8. Tinatawag sa wikang Tsino si Mullah Nassreddin sa pangalan na ___.
A. Afanti C. Monghe
B. Saadi D. Nasreddin Hodja
9. Si Mullah Nassreddin ay tinaguriang alamat ng sining sa ____ dahil sa
mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
A. pagpipinta C. pag-awit
B. pagsusulat D. pagkukuwento
10.Ito ay isa sa pinakaluma at pinakatanyag na bansa na may maraming kilalang
kultura pagdating sa Gitnang Silangan o Middle East.
A. Malaysia B. Persia C. Indonesia D.Asya
11.Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa
harap ng maraming tao.
A. tula C.talumpati
B. sanaysay D.balagtasan
12.Si Mullah Nassreddin ay kilala sa tunay na pangalang, isang pilosopo noong
ika-13 siglo.
A. Nasreddin Hodja C. Mullah Hodja
B. Nassreddin Mullah D. Nass Mullah
13.Pinaniniwalaan na si Mullah Nassreddin ay sinilangang sa bayan na
matatagpuan ngayon sa bansang ____?
A. Saudi Arabia C. Turkey
B. Iran D.Iraq
14.Isa siyang mongheng may malalim na karunungan, matapang, at may
malakas na loob.
A. Mullah C.Hodja
B. Nassreddin D. Saadi
15.Ang ________ Sufis ay may mga mahahalagang papel sa pagbuo ng lipunan
ng mga Muslim sa pamamagitan ng kanilang gawaing misyonaryo at
pangedukasyon.
A. Sufis C. Humanism

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

B. Confucianism D. Buddhism

E. Pagninilay
Naunawaan ko na ___________________________.

Nabatid ko na _______________________________.

Inihanda ni:

JANELLE A. PLATA
Student Teacher

Pinansin/Sinuri/Iwinastoni:

GAYLEE G. MASANGCAY
Master Teacher II

LILIBETH M. VIRTUS Ph.D


Principal III

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas City
BANABA WEST INTEGRATED SCHOOL
Telephone number: (043) 724-6177 Email: banabawestis@gmail.com

Reference: RO 296 s. 2020; Division Memo 136 s. 2020

F-TL-BWIS-004 / R3 / 06292020

You might also like