You are on page 1of 8

Sinabi ng Allah:

ْ ُ‫وا ٱتَّق‬
َّ ‫وا ٱهَّلل َ َح‬
‫ق تُقَاتِ ِه‬ َ ‫ٰيََٓأيُّهَا ٱلَّ ِذ‬
ْ ُ‫ين َءا َمن‬

{ O kayong mga mananampalataya! Pangambahan ninyo ang Allah kung papaano Siya nararapat
pangambahan } [Al-Imran 3:102]

Sinabi ni ibn Mas'ud (ra): na ibig sabihin ng Taqwa sa ayah na ito ,

"Ang sundin (ang Allah) at huwag suwayin, alalahanin at huwag kalimutan at pasalamatan at huwag
itakwil ang pananampalataya".

{ ‫}فاتقوا هَّللا ما استطعتم‬.


{Kaya't pangambahan ninyo ang Allah sa pinakamainam na inyong magawa…} [At-Taghabun 64:1]

At sinabi pa ng Allah SWT

{ ‫ وقولوا قوال سديدا‬، ‫}يا أيها الذين آمنوا اتقوا هَّللا‬.


{ O kayong mga mananampalataya! Pangambahan ninyo ang Allah at mangusap kayo ng salita na may
karampatang katarungan. } [Al-Ahzab 33:70

ٌ‫ « إنَّ ال ُّد ْنيا ح ُْل َوة‬: ‫صلّى هللاُ َع َل ْي ِه و َسلَّم قال‬ َ ِّ‫عن أبي َسعي ٍد ْال ُخ ْد ِريِّ رضي هَّللا عنه عن النبي‬
‫ َفِإنَّ َأ َّو َل‬.‫ َفا َّتقوا ال ُّد ْن َيا وا َّتقُوا ال ِّن َسا ِء‬. ‫ون‬
َ ُ‫ْف َتعْ َمل‬ ُ ‫ في ْن‬. ‫ وإنَّ هَّللا َ مُسْ َت ْخلِفُ ُك ْم فِي َها‬، ٌ‫خضِ َرة‬
َ ‫ظر َكي‬
‫ت في الن َساء » رواه مسلم‬ ْ ‫فِ ْتن ِة َبنِي إسْ َرائي َل َكا َن‬.

Ayon kay abi Sa'ed al-Khudri (ra), ayon sa Propeta ng Allah kanyang sinabi: " Tunay na ang mundo ay
matamis at luntian. Pinangyari ng Allah na kayo ay maging henerasyon na humahalili sa bawat isa upang
pagmasdan ang inyong mga gawa. Na kung kaya mag-ingat sa mundong mandaraya at manlilinlang at
ganun din ang malibang sa mga kababaihan. Sapagkat ang unang pagsubok sa mga anak ni Israel ay
nagmula sa mga kababaihan ". [ Inulat ni Muslim ]
‫ والصالة والسالم على إمام المتقين وعلى آله‬،‫هلل رب العالمين وعد المتقين بجنات نعيم‬
‫أما بعد‬F...‫وصحبه الذين بالتقوى متصفين‬:

Isa sa dakilang katangian ng mga mananampalataya ay ang pagkakaroon ng "Taqwa" (Pangamba, takot)
sa dakilang Lumikha na si Allah SWT, sa pamamagitan ng pagsunod niya sa Kanyang mga ipinag-uutos at
pag-iwan sa Kanyang mga ipinagbabawal. Ito ay payo ng Allah sa mga sinaunang mga tao at magpasa
hanggang ngayon, payo din sa lahat, lalo na sa mga matakutin sa Allah. Ang mga Propeta ay nanawagan
sa kanilang mga tao ng pangamba sa Allah, dahilan sa napakaraming kabutihang dulot nito para sa mga
nagtataglay ng ganitong katangian.

At ang lugar ng "Taqwa" ay sa puso ng tao, ang pinakamahalagang bahagi sa katawan na dito ang
kabutihan at pagkawasak .

At ang kahulugan ng Taqwa mga minamahal ng Allah:

Sinabi ni Ali (ra): Ang "Taqwa" ay ang pagkakaroon mo ng takot sa Dakilang (Panginoon), at
pagsasabuhay ng Kanyang ibinaba (Qur-aan), at pagkalugod sa kakaunti ya’ni yung pagiging kontento sa
kung ano ang ibinigay sayo ng Allah. at paghahanda sa araw ng paglisan.

At sinabi ni abu Hurayrah (ra) nang siya ay tanungin hinggil sa "Taqwa": Dumaan ka na ba sa daanan na
may tinik? Kanyang sinabi: Oo. Ano ang ginawa mo? Kanyang sinabi: kapag nakita ko ang tinik inaalis ko
o nilalampasan ko, o iniiksihan ko ang hakbang. Kanyang sinabi: Iyon ang "Taqwa".

Mga minamahal ng Allah , mga kapatid sa pananampalatayang islam

Ano nga ba ang

Pakinabang ng pagkakaroon ng Takot sa Allah?

Aking bigyan kayo ng mga halimbawa hinggil sa mga talata na sinabi ng Allah SWT sa banal na qur an

Una sa lahay
1.) Ang pag mamahal ng Allah sa mga may takot sakanya [9:4]

Sinabi ng Allah SWT

َ ِ‫ِإ َّن ٱهَّلل َ ي ُِحبُّ ۡٱل ُمتَّق‬


‫ين‬
Katotohanan ang Allah SWT ay nagmamahal sa mga natatakot sakanya.

2.) Ang habag/Awa mula sa Allah dito sa mundo at Kabilang Buhay. [7:156]

Ang Allah SWT ay nagsabi :

َ ‫صيبُ بِ ِهۦ َم ۡن َأ َشٓا ۖ ُء َو َر ۡح َمتِي َو ِس َع ۡت ُك َّل َش ۡي ٖۚء فَ َسَأ ۡكتُبُهَا لِلَّ ِذ‬
َ ُ‫ين يَتَّق‬
‫ون‬ ِ ‫ال َع َذابِ ٓي ُأ‬
َ َ‫ق‬
Ang aking kaparusahan ay iginagawad ko sa sinumang aking nais, subalit ang aking habag o awa ay

Laganap sa lahat ng bagay . kaya , aking itatakda ito para sa mga natatakot sakin.

3.) Pagpasok ng Paraiso. [ 3:133 ]

َ ِ‫ت َوٱَأۡل ۡرضُ ُأ ِع َّد ۡت لِ ۡل ُمتَّق‬


 ‫ين‬ ُ ‫ار ُع ٓو ْا ِإلَ ٰى َم ۡغفِ َر ٖة ِّمن َّربِّ ُكمۡ َو َجنَّ ٍة َع ۡر‬
ُ ‫ضهَا ٱل َّس ٰ َم ٰ َو‬ ِ ‫َو َس‬
At mag-madali at maging maagap kayo sa paghingi ng kapatawaran mula sa inyong panginoon,

At sa Paraiso na kasing lawak ng mga kalangitan at ng kalupaan , na inahanda para sa mga َ ِ‫ُمتَّق‬
‫ين‬
Mga natatakot kay Allah SWT.

4.) Pagkakalooban Niya kayo ng Furqan (kakayahang malaman ang mabuti sa masama, tama o mali may
pakinabang o wala). [ 8:29]

َ ‫ٰيََٓأيُّهَا ٱلَّ ِذ‬


ْ ُ‫ين َءا َمنُ ٓو ْا ِإن تَتَّق‬
‫وا ٱهَّلل َ يَ ۡج َعل لَّ ُكمۡ فُ ۡرقَ ٗانا‬
O kayong mga naniniwala kay Allah SWT. Kung inyong katakutan ang Allah ,

Kanyang ipagkaloob para sa inyo ang pamantayan (FURQAN) ang paghatol sa pagitan ng wasto at mali.

5.) Papawiin ng Allah SWT ang inyong mga kasalanan. [ 8:29] ( kadugtong ng pang 5 )
) ۗۡ‫َكفِّ ۡر َعن ُكمۡ َسيِّـَٔاتِ ُكمۡ َويَ ۡغفِ ۡر لَ ُكم‬
Sinabi ng Allah SWT ----

Papawiin nya ang inyong mga kasalanan at papatawarin kayo

Ng Allah SWT kayong mga natatakot kay Allah SWT.

6.) Lakas upang magapi si Shaitan. [ 7:201]

ْ ‫ف ِّم َن ٱل َّش ۡي ٰطَ ِن تَ َذ َّكر‬ ٰٓ


‫ُون‬
َ ‫صر‬ِ ‫ُوا فَِإ َذا هُم ُّم ۡب‬ ٞ ‫طَِئ‬ ۡ‫ين ٱتَّقَ ۡو ْا ِإ َذا َم َّسهُم‬
َ ‫ِإ َّن ٱلَّ ِذ‬
Katotohanan yaong mga natatakot kay Allah SWT na kapag sumagi sa kanila ang

Masamang kaisipan mula sa shaitan , kanilang naaalala ang Allah na kung kaya,

Sila ay umiiwas sa paglabag sa Allah , dahil nakikita nila ang pagkatuwid at sinusunod nila

Ang kagustuhan ng Allah . na kung kaya nilalabag nila si shaitan

7.) Pagkakaroon ng masaganang biyaya sa langit at lupa. [ 7:96/ 65:3]

ٖ ‫وا َوٱتَّقَ ۡو ْا لَفَتَ ۡحنَا َعلَ ۡي ِهم بَ َر ٰ َك‬


ِ ‫ت ِّم َن ٱل َّس َمٓا ِء َوٱَأۡل ۡر‬
‫ض‬ ٓ ٰ ‫َولَ ۡو َأ َّن َأ ۡه َل ۡٱلقُ َر‬
ْ ُ‫ى َءا َمن‬
At kung ang mga mamayanan ng mga bayan ay naniwala lamang at nagkaroon ng takot kay Allah,

Katiyakan . aming bubuksan para sa kanila ang mga pagpapala mula sa langit at lupa

‫و في اية أخرا‬

ُ‫ث اَل يَ ۡحتَ ِس ۚب‬


ُ ‫َويَ ۡر ُز ۡقهُ ِم ۡن َح ۡي‬
At kanyang ipagkakaloob para sa kanya ang biyaya na kung saan ay hindi inaasahan na darating.

Ya’ni ipagkakaloob ng Allah SWT sa may takot sa kanya ang biyaya na

Kung saan ay hindi nya ito ineexpect na darating sakanya.

Allahuakbar!

8.) Ang kalutasan ng mga suliranin at pagiging magaan nito. [ 65:2, 4]


‫ق ٱهَّلل َ يَ ۡج َعل لَّ ۥهُ َم ۡخ َر ٗجا‬
ِ َّ‫َو َمن يَت‬
At sino man ang may takot sa Allah SWT.

Kanyang gagawin para sa kanya ang daang papalabas mula sa hirap.

‫و في اية أخرا‬

 ‫ق ٱهَّلل َ يَ ۡج َعل لَّ ۥهُ ِم ۡن َأمۡ ِرِۦه ي ُۡسر‬


ِ َّ‫َو َمن يَت‬
At sino man may takot kay Allah SWT kanyang gagawing magaan para sakanya ang kanyang

Gawain o pangyayari ‘ papadaliin sa kanya ng Allah SWT ang mga bagay na kung saan ay nahihirapan sya

9.) Mainam na baon sa pagbabalik sa Allah. [2:197]

َ ‫ت تَ ۡج ِري ِمن تَ ۡحتِهَا ٱَأۡل ۡن ٰهَ ُر ٰ َخلِ ِد‬ٞ َّ‫ين ٱتَّقَ ۡو ْا َربَّهُمۡ لَهُمۡ َج ٰن‬
‫ين فِيهَا‬ َ ‫ٰلَ ِك ِن ٱلَّ ِذ‬
Subalit yaong mga natatakot sa kanilang panginoon,

Para sa kanila ang mga hardin na sa ilalim nito ang mga ilog na umaagos , sila ay mamalagi roon ‫خالدين فيها‬

Sila ay mamalagi roon ng walang hanggan .

10.) Pagkamit ng malaking gantimpala. [ 3:179 ]

‫يم‬ٞ ‫وا فَلَ ُكمۡ َأ ۡج ٌر َع ِظ‬


ْ ُ‫وا َوتَتَّق‬
ْ ُ‫َوِإن تُ ۡؤ ِمن‬
At kung kayo ay naniwala at natakot sa kanya (kay Allah SWT)

Mapapa sainyo ang dakilang gantimpala mula sa kanya.

11.) Ang timbangan ng pagiging malapit sa Allah. [ 49:13 ]

ۚۡ‫ِإ َّن َأ ۡك َر َم ُكمۡ ِعن َد ٱهَّلل ِ َأ ۡتقَ ٰى ُكم‬


Katotohanan , ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng inyong panginoon na si Allah ay

Ang may taglay na takot sa kanya.

At isa pa sa pakinabang ng taqwa mga kapatid


12.) Ang ugnayang tuloy-tuloy sa mga matakutin. 43:67 ]

َ ِ‫ض َع ُد ٌّو ِإاَّل ۡٱل ُمتَّق‬


‫ين‬ ُ ‫ٱَأۡل ِخٓاَّل ُء يَ ۡو َمِئ ۭ ِذ بَ ۡع‬
ٍ ‫ضهُمۡ لِبَ ۡع‬
Ang magkakaibigan sa pagkakasala sa Allah SWT dito sa daigdig,

Ay itatanggi ang isa’t isa sa araw ng muling pagkabuhay , Subalit ang mga yaong

Magkakaibigan dahil sa pagkatakot kay Allah , ay mananatili ang kanilang pagkakaibigan dito

Sa mundo at sa kabilang buhay .

At pang huli mga kapatid sa pananampalatayang islam

13.) Sila ang magtatagumpay. [ 24:52 ] sila na yaong mga may takot kay Allah ay magtatagumpay

Sinabi ng Allah SWT


ٓ
‫ون‬ َ ‫ش ٱهَّلل َ َويَتَّ ۡق ِه فَُأ ْو ٰلَِئ‬
َ ‫ك هُ ُم ۡٱلفَٓاِئ ُز‬ َ ‫َو َمن ي ُِط ِع ٱهَّلل َ َو َرسُولَ ۥهُ َويَ ۡخ‬
At ang sinuman ang susunod sa Allah SWT at kanyang sugo hinggil sa ipinag utos at ipinagbawal ,

At natakot sa magiging bunga ng paglabag, at natakot sa kaparusahan ng Allah ,

Sila ang magtatagumpay at magkakamit ng kaligayahan .

Hindi porket na ikaw ay nakapag tapos , o kaya ikaw ay may marangal na trabaho .

Mayaman , may magandang asawa! ay matagumpay kana . ngunit sinabi ng Allah SWT

ِ
َ ‫فَ َمن ُز ْح ِز َح َع ِن النَّا ِر َوُأ ْدخ َل ال‬
‫ْجنَّةَ َف َق ْد فَ َاز‬
Kung sino man ang mailigtas nya ang kanyang sarili sa apoy ng impyerno at sya ay nakapasok sa paraiso

Tunay na sya ay nag tagumpay. Yun ang tunay na tagumpay .


Mga kapatid at magulang sa pananampalatayang islam ,

Kabilang sa pagkatakot kay Allah SWT ay kapag ang isang tao ay nakagawa ng kasalanan

O nakagawa ng anumang paglabag sa Allah SWT ay nararapat na hindi sya mawalan ng pag asa mula sa
awa ng Allah , bagkus magmadali sya sa pag tawba ( sa pag balik loob kay Allah )

At paghingi ng kapatawaran sakanya , dahil katotohan ang Allah SWT ay ganap ng mapag patawad

Sinabi ng Allah SWT :

At kapag sila ay nakagawa ng malaking kasalanan o nadaya nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan
ng pagsagawa ng maliit na kasalanan , ay naaalala nila ang pangako at babala ng Allah SWT

Na kung kaya, nanunumbalik sila sa kanilang panginoon na tagapaglikha na si Allah SWT

Na nagsisisi , na hinihiling nila ang kapatawaran para sa kanilang pagkakasala, at sila ay nakakatiyak

Na walang maaaring magpatawad ng mga kasalanan kundi ang Allah SWT lamang . Na kung kaya,

Hindi sila nananatili sa kanilang pagkakasala at alam nila na kapag sila ay nagsisi ay patatawarin sila

Ng Allah SWT.

Mga minamahal kong kapatid sa pananampalatayang islam ,


Maaring pumunta sa isang tao ang shaitan at sasabihin sakanya : Wala ng tawba , o sarado na ang
pintuan ng pagbabalik loob o di kaya ay hindi sya nagbabaalik loob sa Allah dala ng katamaran, at ang iba
naman ay nawalan ng pag asa sa awa ng Allah SWT, at ang iba naman ay hindi niya pinapansin ang mga
nagawang kasalanan bagkus ay ginawa itong nakasanayan at kaugalian, dahil dito ay wala syang plano
magbalik loob at humingi ng kapatawaran sa Allah SWT. At ito ay magpapahamak sa kanya ganoon din
sa lipunan , dahil ang kasalanan kapag hindi ito napigilan ay dadami ito at magpatong-patong, at ito ay
may masamang impluwensya sa lipunan, kaya nararapat sa isang muslim na mag ingat mula dito

At ganon din balaan niya ang sinuman nalugmok sa kasalanan at hindi nag balik loob sa Allah SWT

O humingi ng kapatawaran sa kanya. At walang tao na hindi nagkakamali o nagkakasala maliban sa mga
propeta ( Alaihimussalam), Tayo ay mahina , lagging nagkakasala at nakakalimot, subalit ganoon paman

Alhamdulillah ang pintuan ng pagbabalik loob ay nakabukas para satin at tayo ay inuutusan na
manumbalik sa Allah SWT at magmadali sa paghingi ng kapatawaran sa kanya ,

sinabi ng Allahu Taala :

“ At hindi tinatanggap ang pagsisisi ng sinumang nagpupumilit sa pagsasagawa ng mga kasalanan at


hindi nanunumbalik sa kanilang panginoon hanggang sa dumating sa kanila ang pag hihingalo at
sasabihin ng isa sa kanila : “ ako ay nag sisisi na ngayon” At ganoon din, hindi rin tinatanggap ng
Allahutaala ang pagsisisi ng mga namatay na tumanggi na hindi naniwala, na tinanggihan nila ang
kaisahan ng Allah SWT at mensahe ng sugo ng Allah na si Propeta Mohammad SAW, na sila ang
nagpupumilit na magsagawa ng mga kasalanan hanggang sa sila ay namatay na patuloy na tumatanggi
na walang pananampalataya. Ang inihanda naming para sa kanila ay masidhing parusahan.

You might also like