You are on page 1of 4

VIRGINIA CENTURIONE BRACELLI SCHOOL

Daughters of Our Lady on Mount Calvary FILIPINO 12


Poctoy, Odiongan, Romblon
S.Y. 2021-2022 MODYUL 2- Q2

Pangalan:___________________________________________

LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. naipapaliwanag ang nagaganap na proseso kapag nagrerebyu ng isang gawang malikhain;
2. napag-iiba ang pangkalahatan at partikular na repertoire o katangian ng isang malikhaing gawa at ng mambabasa;
3. naipapaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng gawang malikhain at gawang akademiko;
4. naikokompara ang mga proseso kapag nagrerebyu ng isang gawang malikhain at gawang akademiko;

ARALIN 1

Pagsusuri ng Gawang Malikhain:


Pagsulat ng Rebyu 1
ARALIN

Pagsusuri ng Malikhaing Gawa sa Isang Rebyu Mahalagang bahagi rin ng pangunahing


Ang rebyu ay isang mapanuring pagbasa o pagtatasa imporamasyon tungkol sa gawa ang isang detalyadong buo
ng isang gawang malikhain ( tulad ng tula, dula, pelikula, nito ( sa mga gawang malikhain na walang matingkad na
musika, sayaw) o ng isang gawang akademiko ( tulad ng aklat naratibo, maaring ilarawan ito). Bagaman ang buod ay
o artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik). Sa maikling representasyon ng orihinal, ang buod para sa rebyu
paghahati ng rebyu sa dalawang kategoryang ito, dapat ay kailangan may sapat na detalye upang malaman at
linawin na sa katunayan, ang mga proseso sa pagbuo ng maunawaan ng mambabasa ang nilalaman ng orihinal na
gawang malikhain at gawang akademiko ay hindi naman gawa kahit hindi niya nabasa o napanood ang likhang ito. Sa
talaga magkahiwalay. Ibig sabihin , ang isang gawang pamamagitan nito, higit na maiintindihan ng babasa ng rebyu
malikhain ay hindi lamang laging galing sa imahinasyon ng ang pagsusuri ng rebyuwer sa gawa.
malikhaing manunulat kundi madalas na bunga rin ng saliksik. Sa pagbubuod halimbawa ng dula o pelikula,
Sa kabilang banda, ang isang gawang akademiko mahalagang matukoy ang :
tulad ng saliksik ay nabubuo sa tulong din ng mga malikhaing 1. ) pangunahing paksa o tema; 2.) banghay; 3) kung walang
proseso ng isang iskolar o mananaliksik. Ang paghahati ng malinaw na banghay, ang matingkad na disenyo o estruktura
pagtatalakay sa anyo at proseso ng pagsulat ng rebyu sa o pagkakaayos; 4.) ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit ng
dalawa( gawang malikhain at gawang akademiko) ay gawa. Tandaan na may iba’t ibang paraan din ng pagbubuod
madaling paraan lamang upang higit na maipaliwanag nang depende sa gawang ginagawan ng buod.
mabuti ang katangian ng bawat isa. Pagsusuri
Ang isang rebyu ng gawang malikhain ay naglalaman Ang pagsusuri ang tampok na bahagi ng isang rebyu.
ng una, batayang impormasyon tungkol sa gawa, at Sa pamamagitan nito, naipapahayag ng rebyuwer ang
pangalawa, pagsusuri ng rebyuwer sa gawa. kaniyang mga pagninilay, pananaw, at paghuhusga tungkol sa
Kung dula gawa. Ang babasa naman ng rebyu ay maaring matulungan
1. Pamagat ng dula para magkaroon ng mas malalim na kaalaman at kabatiran
2. Grupong pandulaang nagpalabas ng dula tungkol sa gawa. Hindi dapat basahin ang rebyu para
3. Direktor tanggapin ang lahat ng sinabi ng rebyuwer, bagkus ay
4. Mandudula inaasahang makatutulong ito sa mambabasa na bumuo ng
5. Maylikha ng iba’t ibang aspekto ng produksyon tulad ng sarili niyang palagay o kuro-kuro at pag-unawa tungkol sa
musika at iba pa gawa.
6. Mga gumaganap ( pangalan ng artista at papel sa dula) Ano ang pagkakaiba ng rebyu sa isang ganap na kritika?
Kung pelikula Maaring ituring ang kritika bilang isang pormal at
1. Pamagat ng pelikula akademikong pagsusuri sa isang akademiko o malikhaing
2. Prodyuser ng pelikula gawa. Ang maituturing na malaking kaibahan nito ay nasa
3. Direktor komprehensibo at malalimang paggamit ng isang tiyak na
4. Manunulat ng dulang pampelikula teorya o mapanuring konsepto sa pagpapaliwanag,
5. Maylikha ng iba’t ibang aspekto ng produksyon tulad ng pagpapahalaga, o paghuhusga sa gawa. Dahil sa aplikasyon ng
sinematograpiya teorya sa pagsusuri, karaniwang nagiging napaka-akademiko
6. Mga gumanap (pangalan ng artista at papel sa pelikula) at teknikal ng wika ng kritika. Karaniwan ding nalalathala ito
Maaring ibatay sa listahang ito ang batayang sa mga akademikong journal o sa mga publikasyong
impormasyon para sa musika, sayaw, arkitektura, panitikan, panlarang o displinal. Malaki rin naman ang pagkakatulad ng
at iba pang gawang malikhain. rebyu sa kritika. Halimbawa, sa halip na gumamitng tiyak na
teorya, karaniwang gumagamit ito ng mas pangkalahatang
FILIPINO 12
pamantayan, gabay, o paraan ng pagsusuri na madalas din Ang Repertoire ng Rebyuwer Bilang Mambabasa
namang nakabatay sa isang teorya o mapanuring pananaw. Ang repertoire ng rebyuwer ay maikakategorya rin
Ang Repertoire ng Gawa sa dalawa: ang pangkalahatan at ang partikular.
Ang repertoire o katangiang ito ay maaring Ang pangkalahatang repertoire ng rebyuwer ay ang
maikategorya sa dalawa: ang pangkalahatan at ang kaniyang mga pananaw, kaisipan , paniniwala, at
partikular sa anyo ng gawa. pagpapahalaga tungkol sa iba’t ibang paksa, usapin, o bagay
Ang pangakalahatang repertoire ng isang pelikula, sa lipunan at sa mundo. Ang pangkalahatang repertoire na ito
halimbawa, ay maaring tumukoy sa nilalaman, tema, ang itinatapat o binabangga niya sa tuwing
paniniwala, at pagpapahalagang karaniwang mahahalaw sa nakakaengkuwentro niya ang isang gawa. May tapatan kung
naratibo o kuwento nito. Tungkol saan ang pelikula? Ano ang may pagkakasundo ang pangkalahatang repertoire ng
dinedebelop na ideya ng pelikula tungkol sa paksa? Ano- ano mambabasa at ng gawa. May banggaan naman kung may
ang paniniwala pagpapahalaga ang nais ipaabot ng pelikula sa pagkakaiba sa pangkalahatang repertoire ng mambabasa at
mambabasa batay sa naging takbo ng istorya o sa mga ng gawa.
nangyari sa tauhan? Ang sagot sa mga tanong na ito ay Ang repertoire naman ng rebyuwer na partikular sa
bumubuo sa pangkalahatang repertoire ng pelikula. anyo ng gawa ay tumutukoy sa kaalaman ng rebyuwer
Ang repertoire naman na partikular sa anyo ng gawa tungkol sa iba’t ibang pamamaraan na humuhubog sa gawa
ay maaaring tumutukoy sa iba’t ibang pamamaraan sa na kaniyang nirerebyu. Kaya naman sadyang kailangan ng
pagbuo ng gawa. Maraming iba’t ibang tawag o saklaw ang rebyuwer ng kaunting pamilyaridad, hindi lamang sa
pamamaraang ito- kumbensiyon, elemento o sangkap, nilalaman, kundi maging sa pamamaraan sa paghubog ng
estratehiya, teknik, genre o anyo. Halimbawa, sa pelikula, gawa. Marahil, iisipin ng estudyante na maraming hinihingi o
maaring tumutukoy sa direksyon, dulang pampelikula, inaasahan sa isang rebyuwer. Talagang kailangan ng kaunting
sinematograpiya, tunog at musika o orkestrasyong awral, sipag.
editing, at disenyong biswal. Karaniwan ding maikakategorya Mailalarawan ang repertoire ng mambabasa sa ganitong
ang pelikula sa isang genre- drama, aksiyon, komedi , paraan:
pantasya, at iba pa. Bawat genreay may tiyak na mga
kumbensyong sinusunod o iyong mga katangian,
Repertoire ng
elemento, pamamaraan at estratehiya na inaasahan sa
Mambabasa o Rebyuwer
isang partikular na genre.
Mailalarawan ang repertoire ng gawa sa ganitong
paraan:
Pangkalahatang Repertoire Partikular na Repertoire
ng Mambabasa o Rebyuwer ng Mambabasa o
Repertoire ng Gawang
Pananaw Rebyuwer
Malikhain
Kaisipan Kaalaman tungkol sa
Paniniwala iba’t-ibang
Pagpapahalaga Pamamaraan ng
Gawang Malikhain
Pangkalahatang Repertoire Partikular na Repertoire
ng Gawang Malikhain ng Gawang Malikhain
Nilalaman Pamamaraan Ang rebyuwer ay isa ring mambabasa. Lamang, inaasahang
Tema Kumbesiyon mas masinsin at mas malalim ang pagbabasang ginagawa niya
Paniniwala Elemento kompara sa isang pangkaraniwang mambabasa. Masinsin,
Pagpapahalaga Estratehiya dahil binibigyang-pansin niya ang maraming aspekto ng isang
Teknik gawa. Malalim, dahil nagpapalitaw siya ng mga kabatiran o
Genre o Anyo kaisipang maaaring hindi agad makita kung karaniwang
pagbasa lamang ang gagawin.

ARALIN 2

Pagsusuri ng Gawang Akademiko:


Pagsulat ng Rebyu 2
ARALIN

Pagsusuri ng Akademikong Gawa sa Isang Rebyu  Karaniwan ding nabubuo sa pamamagitan ng mga
Tumutukoy ang gawang akademiko sa mga produkto prosesong ginagawa sa pagbuo ng gawang
ng pag-aaral o pananaliksik tungkol sa mahahalagang paksa akademiko.
sa iba’t ibang disiplina o makabuluhang paksa tungkol sa  Ang isang malikhaing manunulat ay nagsasaliksik din
lipunan. Karaniwang ipinag-iiba ang gawang malikhain at tungkol sa kaniyang paksa , kumukuha ng datos, nag-
gawang akademiko. iinterbyu, sinasala ang mga natipong datos, at
Gawang Malikhain gumagawa ng balangkas sa pagsulat bago mabuo
 Ang pagbuo ng gawang malikhain ay pangunahing ang kaniyang obra.
nakabatay sa mga malikhaing proseo na kinasasangkutan
ng imahinasyon ng manunulat.

FILIPINO 12
Gawang Akademiko 4. Teoretikal na balangkas
 Ang pagbuo ng gawang akademiko ay nakabatay sa mga 5. Metodo ng pananaliksik
sistematiko at obhetibong proseso na pinamamayanihan ng 6. Saklaw at delimitasyon
kritikal na pag-iisip. 7. Kahalagahan ng pag- aaral
 Sistematiko ang proseso dahil may sinusunod na mga 8. Presentasyon ng datos
hakbang at maayos na pamamaraan para matamo ang 9. Pagsusuri ng datos
inaasahang resulta. Obhetibo naman para sa paraang 10. Kongklusyon
isinasaalang-alang ang iba’t ibang datos at pananaw
tungkol sa paksa para mailatag ang natutunggaliang ideya Ang Repertoire ng Rebyuwer Bilang Mambabasa
tungkol sa paksa. Obhetibo rin sa paraang ang kongklusyon Ang repertoire o katangian ng gawang akademiko ay
ay nakabatay sa mapagkakatiwalaan at puwedeng- mahahati pa rin sa dalawa: ang pangkalahatan at partikular.
patunayang mga datos o ebidensya. Pangkalahatang repertoire ng rebyuwer
 Karaniwan ding nabubuo sa pamamagitan ng mga  Maaring tumukoy sa kaniyang mga kaalaman, pananaw, o
prosesong ginagawa sa pagbuo ng gawang malikhain. paninindigan tungkol sa paksa at mga ideyang nakapaloob sa
 Ang isang mananaliksik ay kailangan sing gumamit ng gawang akademiko.
pagkamalikhain at imahinasyon para matukoy ang suliranin Partikular na repertoire ng rebyuwer
ng pag-aaral na hindi pa natatalakay, o sa paghahanap ng  Maaring tumukoy sa mga tiyak na estratehiya na ginagamit
mapagkukunan ng datos o sa pagpapasiya kung paano niya para suriin ang gawang akademiko.
ipepresenta ang mga datos , o sa pag-uugnay-ugnay ng mga  Narito ang ilang “estratehiya” at gabay na tanong na
datos para makapagpalitaw ng mga bagong ideya. maaring gamitin ng isang rebyuwer ng gawang akdemiko:
1. Pagtitiyak sa Pinagmulan o Kasaysayan ng Gawang
Ang pagrerebyu ng gawaing akademiko ay isa ring anyo Akademiko
ng pagbasa, halos pareho ang mga hakbang o proseso ng 2. Pagtitimbang sa kahalagahan ng Paksa ng Gawang
pagrerebyu ng gawang malikhain at gawang akademiko. Akademiko
Mababago lang ang mga detalye ng mga repertoire at a. kailangan ba talagang talakayin ang paksa?
katangian ng gawa at ng rebyuwer bilang mambabasa. 3. Pagtatasa sa Linaw ng Pagpapalitaw ng Pangunahin ideya
Ang Repertoire ng Gawang Akademiko sa pag-aaral?
Ang gawang akademiko ay karaniwang nasa anyo ng a. Malinaw bang naipapahayag ang pangunahing
mga artikulong inilalathala sa mga journal ng mga unibersidad ideya ng pag-aaral?
o at iba pang institusyon. Kasama rin ang mga tesis at 4. Pag-uuganay ng Pag-aaral sa Ibang Naunang Pag-aaral
disertasyon –mga pananaliksik na ginagawa para makatugon a. Nagpapamalas ba ang pag-aaral ng sapat na
sa pangangailanang akademiko sa mga pamatasan. kaalaman sa kasalukuyang literatura sa larangan na
Ang repertoire o katangian ng gawang akademiko ay kinabibilangan ng pag-aaral?
mahahati pa rin sa dalawa: ang pangkalahatan at partikular. 5. Pagsusuri sa Disenyo ng Pag-aaral
Pangkalahatang repertoire a. Malinaw ba ang disenyo ng pag-aaral?
 Tumutukoy sa paksa , pangunahing ideya tungkol sa 6. Pagsusuri sa Paggamit ng Datos
paksang ito, at mga pansuportang ideya ng gawa. a. Mapagkakatiwalaan ba ang ginamit na datos?
Madalalas na itinuturing ang paksa at pangunahing idea ay 7. Pagsusuri sa Paggamit ng Teorya
iisa. Ngunit upang maging mas malinaw ang paliwanang , a. May malinaw bang teorya o konseptong ginamit
kailangan pag-ibahin ang paksa at pangunahing ideya na ang pag-aaral?
minsan ay tinatawag ding tema. 8. Pagtatasa sa Mapanuring Katangian ng Gawa
Partikular na repertoire a. Naitampok ba ng pag-aaral ang mga alternatibo o
 Maaring tumukoy sa mga bahagi ng isang gawang nagsasalungatang perspektiba tungkol sa paksa?
akademiko na karaniwang binubuo ng: 9. Pagtatasa sa Linaw ng Kongklusyon
1. paglalahad ng paksa at suliranin ng pag-aaral a. Malinaw bang naipahayag ang kongklusyon ng
2. Rebyu ng kaugnay na pag-aaral pag-aaral?
3. Layunin ng pag-aaral 10. Pagtatasa sa Kalidad ng Komunikasyon
a. Malinaw ba nag pagkasulat ng pag-aaral?

GAWAIN

GAWAIN 1

Punan ng angkop na salita ang mga sumusunod para mabuo ang pangungusap. Maaring piliin ang tamang sagot sa ibaba.
1. Ang rebyu ay isang ___________ pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain o gawang akademiko.
2. Ang rebyu ay karaniwang naglalaman ng una, __________ tungkol sa gawa, at ikalawa , __________ ng rebyuwer sa gawa.
3. Mahalaga ang __________ ng isang gawa tulad ng pelikula o dula upang malaman at maunawaan ng mambabasa ng rebyu ang
nilalaman ng orihinal kahit hindi niya napanood ang gawang ito.
4. Ang pagsusuri ay maituturing na isang __________ ng isang tagabasa at isang gawa.
5. Ang repertoire ng isang gawa ay mahahati sa dalawa: ang __________ at ang __________ sa anyo ng gawa.
6. Ang rebyuwer bilang mamababasa ay mayroon ding sariling __________.

FILIPINO 12
7. Ang pangkalahatang repertoire ng gawang malikhain ay maaring tumutukoy sa __________, __________, __________, o
__________ karaniwang mahahalaw sa naratibo nito.

8. Ang partikular na repertoire naman ng isang gawaing malikhain ay maaring tumutukoy sa iba’t ibang __________ sa pagbuo ng
gawa.
9. Ang partikular na repertoire ng rebyuwer ay maaring tumutukoy sa mga __________ niya tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng
gawang malikhain.
10. Maituturing ang rebyuwer bilang isang natatanging __________.

Paniniwala Partikular batayang impormasyon Pagsusuri nilalaman


Tema Pamamaraan mapanuri buod Pangkalahatan
repertoire kaalaman Mambabasa engkwentro pagpapahalaga

GAWAIN 2

Alamin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng hinihingi sa bawat kahon. Isulat ang inyong sagot sa kahon.

Gawang Malikhain Gawang Akademiko

Pagkakaiba

Repertoire ng Gawang Akademiko Repertoire ng Rebyuwer

Pagtutulad

Inihanda ni:
Gng. Sheena Pauline F. Bonete

Pinagkunan:
Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Pamela C. Constantino
Galileo S. Zafra
(May-akda)

FILIPINO 12

You might also like