You are on page 1of 3

Introduksiyon

Mahalaga ang pananaliksik dahil ito ang puno't dulo kung bakit mayroon tayong mga nahahawakan,
nasusuot, at nakikita ngayon na nagpapaginhawa sa ating buhay. Ang mga simpleng imbensyon katulad
ng ating ilaw, telebisyon, at mga sasakyan, ay produkto ng pananaliksik.

Ang layunin ng pananaliksik ay simple lamang, bigyan ng solusyon ang mga problema ng lipunan. Dahil
dito, ang mga mananaliksik ay gumagawa ng paraan upang maipabuti ang ating antas ng pamumuhay.
Dahil sa pananaliksik mas napapa-lawak at lumalalim ang karanasan ng tao. Hindi lang ito tungkol sa
isang espisipikong paksa, ngunit na paksa kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto ng kaniyang
pananaliksik.Sa tulong ng pananaliksik maraming gawain ang mapapabilis (PhilNews, 2021).

Sa kabilang banda, ayon pa kay Buela, Niel (2021) na ang aksiyon-pananaliksik ay isang pagkatuto sa
pamamagitan ng paggawa. Ang isang grupo ng tao ay nagsusuri ng problema, gumagawa ng paraan para
maresolba ito, pagkatapos, tinitignan kung ito ay epektibo at kung hindi ay isinasagawa ang
eksperimento muli. Imbes na isagawa ito sa teoretikal na paraan, ang aksiyon-pananaliksik ay
pinapahintulutan ang mga mananaliksik na tukuyin ang mga problema na malapit sa kanila, at
isinasagawa upang makaimpluwensiya at makagawa ng pagbabago.Ang uri ng pananaliksik na ito ay
maituturing na benepisyal. Mula sa pangalan nito, agad nating matutukoy na ang paksang sinasaliksik ay
may suliraning kinakailangang tugunan. Sa pagtugon,makapagbibigay ka ng solusyon na
pakikinabanganng iyong mga benepisyaryo
Layunin

Bilang isang action researcher, nilalayon ng dyornal na ito ang sumusunod:

1. Magdulot ng pagpapahusay ng praktika at pagtukoy sa mga elementong dapat baguhin sa mga


problemang nais bigyan ng aksiyon;

2. Maipakita ang naging danas sa paggawa ng CBAR; at

3. Makatulong sa pagbibigay ng solusyon sa mga problemang nais bigyang pansin.

Dyornal

Magandang araw!

Hindi biro ang paggawa ng CBAR sapagkat sa paghahanap pa lang ng problema ay mahihirapan ka na
kasi sandamakmak na problema ang nakikita mo at ang hirap pumili ng isang pagtutuunan ng pansin at
lalong-lalo na mismo sa pagbibigay ng karampatang solusyon nito. Iyong akala mo na madali lang pero
hindi naman pala kasi nakasasakit sa isip na mag-isip ng posibleng aksiyon na pwedeng ilapat o idulog.
Dumating na rin ako sa punto na napapatanong na lang ako bigla kung tama ba 'tong ginagawa ko o
hindi? Kung ito nga ba 'yong hinahanap sa pananaliksik na ito. Alam ng lahat na abala rin ako sa part-
time job ko bilang service crew sa McDonald's 550 pero ni minsan ay hindi ko kinalimutan ang gampanin
ko sa CBAR. Na kahit paminsan-minsan lang akong nakadadalo sa online meeting ay palihim naman
akong nag eedit sa datos na nakalap kasi may link na naiforward si April sa akin.

Sa kabila ng lahat ay nagampanan ko rin naman iyong nakaatas na parteng ibinigay sa akin at iyon ay ang
paggawa ko ng introduksiyon at abstrak. Sa paggawa ko ng introduksiyon, binigyan ko ng pokus kung
ano ang maaaring makita sa aksiyon-pananaliksik namin, ang layon nito at bakit ito ginawa at maging sa
pagbibigay daan din sa pataphaw na pagsulyap sa kaligiran nito. Sa abstrak naman ay malalim kong
inintindi at binasa ang datos nang sa gayon ay makagawa ako ng pulidong abstrak. Dito naman ay
pinagtuunan ko ng pansin ang introduksyon, layunin, metodo at ang kinalabasan nito.

Tunay na mahirap ang paggwa ng isang CBAR, pero kung tulong-tulong lang at nakaalalay ang lahat ay
tiyak na magagawa ang lahat kahit na nahihirapan. Dahil din kasi sa pagtutulungan, nabubuo ang
psgmamahalan at sumisibol ang relasyong hindi matitibag ninuman.

Repleksyon

Sa paggawa ng CBAR, napagtanto kung kinakailangan na magtulungan kung gustong maging maayos ang
lahat. Set aside muna sa mga galit o inis kung may kinaiinisan man kasi baka ito ang maging sanhi ng
hindi maayos na gawain. Dapat sa unang paggwa pa lang nito hanggang sa pinal na awtput ay
nagtutulungan ang lahat. Ipinapaalala ng CBAR na ito sa akin na kahit gaano man kahirap ng buhay at
kayrami ng problema ay may aksiyon at solusyon ito. Huwag lang mawalan ng pag-asa at patuloy lamang
sa pananalig dahil nakaantabay naman ang Panginoon sa atin sa tuwing tayo'y nahihirapan at nasasakal
na. Dagdag ko pa rito, kahit na hindi man madali ang daang tatahakin ko bilang isang estudyabteng guro
na nangangarap na maging guro, sisikapin kong mag-aral nang mabuti upang maging kapaki-pakinabang
at maging inspirasyon sa lahat.

Sanggunian

https://www.slideshare.net/chinovits/action-research-in-filipino

https://www.scribd.com/doc/75344497/Action-Research

You might also like