You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

CENTRAL MINDANAO UNIVERSITY


Kolehiyo ng Edukasyon
Central Mindanao University Laboratory High School
University Town, Musuan, 8710 Bukidnon
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY: 2021-2022

Antas Bilang ng Aytem


Inilaang Pag- Pag-un Pagtataya/
Paksa/Yunit Layunin Paglalapat Pagsusuri
Oras alala Awa Pagbubuo Aktuwal Porsiyento
09 09 09 03
Mga Akdang Patula Nauunawaan ang halimbawa
(Tugmang de Gulong, ng Akdang Patula 1 1-3 (3) 4-5 (2) 6-10 (5) 10 33.33%
Tulang Panudyo,
Bugtong at Panitikan)
Paggamit ng mga Nakikita ang pagkakaiba ng
Panandang Anaporik at Panandang Anaporik sa mga
Kataporik Panandang Kataporik ng 1 11-13 (3) 14-17 (4) 18-20 (3) 10 33.33%
Pangngalan sa mga
pangungusap
Tula (Ako’y si Bukid ni Natutukoy at nasusuri ang
Lope K. Santos) kahulugan ng salita na ibig 1 21-23 (2) 24-26 (3) 27-30 (4) 10 33.33%
ipahiwatig sa pangungusap.
KABUOAN 09 09 09 03
3 30 100%
LOTS (60.00%) HOTS (40.00%)
Inihanda ni:

Aljon A. Galas
Estudyanteng Guro

Petsa: 02-16-22
Republika ng Pilipinas
CENTRAL MINDANAO UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Central Mindanao University Laboratory High School
University Town, Musuan, 8710 Bukidnon
FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan:______________________________________________ Petsa: ____________


Antas/ Pangkat: _________________________________________ Iskor: ____________

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong at bilugan lamang ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ay ang mga paalala na pwedeng makikita sa mga pampublikong sasakyan tulad na lamang
ng dyip at traysikel.
a. Babala b. Bugtong c. Tugmang de Gulong d. Tulang Panudyo

2. Ito ay isang akdang patula na may layong manlibak, mambuska, o mang-uyam


a. Babala b. Bugtong c. Tugmang de Gulong d. Tulang Panudyo

3. Ito ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang palaisipan.
a. Babala b. Bugtong c. Tugmang de Gulong d. Tulang Panudyo

4. Unawain at intindihin ang bugtong na ito: “Heto na si bayaw, dala-dala ay ilaw”


a. Alitaptap b. Alibangbang c. Alipato d. Alimango

5. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa, nanunudyong mensaheng nais
iparating sa mga pasahero. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
a. Nananadya b. Nanunukso c. Nagpapatawa d. Nangangaral

6. Alin sa mga pagpipilian ang halimbawa ng bugtong?


a. “Bato bato sa langit, ang matamaan ‘wag magalit”
b. “Isang prinsesa, nakaupo sa tasa”
c. “Pasaherong masaya, tiyak na may pera”
d. “Bata batuta, samperang muta”

7. Alin sa ibaba ang halimbawa ng tugmang de gulong?


a. “Bato bato sa langit, ang matamaan ‘wag magalit”
b. “Isang prinsesa, nakaupo sa tasa”
c. “Pasaherong masaya, tiyak na may pera”
d. “Bata batuta, samperang muta”

8. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng maling pagpapakahulugan ng bugtong?


a. Ito ay isang palaisipan
b. Ito ay may pinapahulaang kahulugan
c. Ito ay karaniwang itinatanghal bilang isang laro
d. Ito ay nagpapahayag ng babala

9. Alin sa mga pares ang nagpapakita ng panunudyo o panunukso?


i. Ikaw ang pinakamaganda sa lahat kapag nakatalikod
ii. Nagpapasalamat po ako sa inyo para sa walang sawang pag-aalaga ninyo sa akin
iii. Ang sipag mo naman Juan, nakikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto
iv. Ayaw ko na sa iyo, sinasaktan mo lamang ang puso ko.

a. ii at iii b. ii at iv c. i at ii d. i at iii

10. Ang pahayag na, “Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap.” ay isang:
a. Bugtong b. Tula c. Tugmaang de-gulong d. Tulang panudyo

11. Ito ay nakakawing sa isang salita, parirala, o sugnay upang di maging kabagot-bagot ang
paulit-ulit na pagbanggit ng pangalan sa pahayag o teksto.
a. Panghalip b. Pangngalan c. Anapora at katapora d. Pangalan

12. Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa


unahan.
a. Anapora b. Sensura c. Metapora d. Katapora

13. Ito ay panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa


hulihan.
a. Anapora b. Sensura c. Metapora d. Katapora

14. Ang hardin ng matandang babae ay puno ng mga bulaklak kaya ito ay dinarayo ng mga tao.
Ang salitang naka “bold” ay isang:
a. Pangngalan b. Anapora c. Panghalip d. Pangalan

15. Siya ay kinaiinisan ng kapatid dahil si Amparo ay tamad. Ang salitang naka “bold” ay isang:
a. Pangngalan b. Anapora c. Panghalip d. Pangalan

16. “Ang mga mag-aaral mula sa Grade 7-Topaz ay mababait dahil mahal sila ni Sir A.” Ang
pahayag ay isang halimbawa ng:
a. Katapora b. Anapora c. Metapora d. Sensura
17. “Ito ay dinarayo ng mga turista dahil ang Lake Apo ay napakagandang lawa.” Ang pahayag
ay isang halimbawa ng:
a. Katapora b. Anapora c. Metapora d. Sensura

18. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panandang anaporik at kataporik?


a. Upang maging maganda ang estilo ng pangungusap kapag nagsasalita o nagsusulat.
b. Upang makuha ang pansin ng mga mambabasa.
c. Upang maiwasan na mabanggit nang paulit-ulit ang pangngalan sa pahayag.
d. Upang magamit ang panghalip at pangngalan.

19. Batay sa nagawang talakayan, paano mo malalaman ang kaibahan ng anapora at katapora?
a. Anapora ang isang pahayag kapag unang nababanggit ang pangngalan kaysa sa
panghalip at Katapora naman ang isang pahayag kapag mas unang nababanggit ang
panghalip kaysa sa pangngalan.
b. Anapora ang isang pahayag kapag unang nababanggit ang panghalip kaysa sa pangngalan at
Katapora naman ang isang pahayag kapag mas unang nababanggit ang pangngalan kaysa sa
panghalip.
a. Anapora ang isang pahayag kapag unang nababanggit ang pananda kaysa sa panghalip at
Katapora naman ang isang pahayag kapag mas unang nababanggit ang panghalip kaysa sa
pananda.
a. Anapora ang isang pahayag kapag unang nababanggit ang pang-abay kaysa sa panghalip at
Katapora naman ang isang pahayag kapag mas unang nababanggit ang panghalip kaysa sa pang-
abay.

20. Ang _______ ay ang salitang humahalili o ________ sa pangngalan ng tao, bagay, o lugar.
a. Pantukoy; tumutukoy
b. Panghalip; pamalit
c. Pang-abay; nagpapangalan
d. Pang-uri; nag-uuri

21. Ito ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng saknong at taludtod.


a. Alamat b. Bugtong c. Pabula d. Tula

22. Siya ay isang makata, nobelista, at lingkod-publiko na sumulat sa tulang “Ako’y si Bukid”
a. Lope J. Santos
b. Lope K. Santos
c. Lope L. Santos
d. Lope M. Santos

23. Sino ang nagsasalita sa tulang “Ako’y si Bukid?”


a. Si Bukid b. Si Lope K. Santos c. Ang Sakada d. Ang Haciendero

24. “ ‘Di na ako yaong basal na bahagi ng daigdig, Kundi ng lupang nalinang na ng kalabaw at
ng bisig” Ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit ay:
a. Purong b. Bagong c. Magandang d. Pitak

25. Ano ang ibig sabihin ng salitang anak-pawis sa taludtod na ito, “ Akong tulad sa kumunoy,
tubugan ng anak-pawis”

a. Amoy pawis b. Pawisan c. Mahirap d.taga-Pawis

26. Ano ang ibig sabihin ng salitang taguling sa taludtod na ito, “sinadyaan ng taguling sa
pagita’y imbakan ng labas-masok na patubig”
a. Tulay b. Daan c. Butas d. Kanal

27. Suriin ang saknong sa ibaba at piliin ang salitang kasingkahulugan ng salitang nahati:

Pitak-Pitak, tabas-suklay, malalapad, makikitid,


Hanay-hanay na pilapil, na pahagdan sa dahilig,
Sinadyaan ng taguling na pasuka’t imbakan ng labas-masok na patubig,
Mga punso ang hangganan, kung maraming datig-datig.

a. Pilapil b. Pitak-pitak c. Taguling Dahilig

28. Suriin ang saknong sa ibaba at piliin ang salitang kasalungat ng salitang mayaman:

Nakasahod kung tag-ulan nakabilad sa tag-init,


Sa mayama’t kayamanan, at sa dukha ay pagtitis,
Ngunit akong kung isa nga lang taong maikapit,
Para na ring pinangalantaong mangmang, walang-isip.

a. Dukha b. Maikapit c. Mangmang d. Walang- isip

29. Suriin ang ang mga taludtod sa ibaba at tukuyin kung ano ang ibig ipahiwatig nito.

Kaya, Tao, hindi pagkat ang kapwa mo’y tagabukid,


Saring isang hamak at alangang makapanig

a. Ipinapaalala sa atin sa bahaging ito na dapat ay magmahalan tayo.


b. Ipinapaalala sa atin sa bahaging ito na dapat ay magkaintindihan tayo
c. Ipinapaalala sa atin sa bahaging ito na dapat na maging pantay ang pakikitungo natin sa
iba, mahirap man o mayaman.

d. Ipinapaalala sa atin sa bahaging ito na di tayo nag-iisa sa mundong ating ginagalawan.


30. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba at piliin ang pangungusap na nagpapakita na
nangangarap
a. Ngunit akong kung isa nga lang taong maikapit.
b. Hindi na ako yaong basal na bahagi ng daigdig.
c. Akong tulad sa kumunoy, tubugan ng anak-pawis.
d. Nasa akin araw gabi ang pag-asa at pag-ibig.

You might also like