You are on page 1of 15

Kahalagahan ng Wikang Pambansa

Sa Pilipinas, mayroong itinatag na wikang Pambansa. Sinumulan ito ni Dating


Pangulong Manuel L. Quezon at idineklara ang Tagalog bilang wikang pambansa.
Kalaunan ay ginawang Filipino ang wikang pambansa.

Itinatag ang wikang pambansa dahil ang Pilipinas, bilang isang archipelago, ay
nahahati sa iba’t ibang komunidad. May iba-iba ring wikang sinasalita ang mga
ito kaya hindi magkakaunawaan ang iba’t ibang wika.

Kaya naman bilang solusyon, ginawang pambansang wika ang Filipino upang
maging batayan ng pakikipag-usap ng bawat mamamayan sa bansa. Ang wikang
Filipino ang nagsisilbing tulay sa bawat Pilipino upang magkaunawaan pa rin, iba
man ang kinalakihang wikang sinasalita…

Tuwing Agosto, upang hindi malimot ang wikang Pambansa at iba pang wika sa
bansa, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Pinangungunahan ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) at National Historical Commission of the Philippines
(NHCP) ang nasabing pagdiriwang.

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa


Kasalukuyang Panahon
Iba-iba ang kahalagahan ng wika lalo na sa nagbabagong panahon. Mayroong
mga dulot ang wika na nananatili kung paano ito ilang daantaon man ang
lumipas. Mayroon ding mga bagong kahalagahan ang wika na natutuklasan na
sumasalamin sa pagbabago ng mundo.

Una sa mga kahalagahan ng wika sa kasalukuyang panahon ay ang bisa nito sa


komunikasyon. Mahalaga pa rin ang wika at komunikasyon sa pagpapatupad ng
maraming proyekto sa mundo na susi rin sa ikauunlad ng ekonomiya. Wika ang
ginagamit ng iba’t ibang bansa upang mas palakasin ang kanilang relasyon at
samahan. Ito rin ang nagiging tuloy upang mailatag ang magagandang plano
para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.
Maliban dito, ang wika rin ang salamin ng pagbabago sa mundo. Maraming wika
ang nagbabago ang kahulugan dahil na rin sa pagbabago ng mundo dulot ng
teknolohiya. May mga bagong salitang tuklas na niyayakap naman ng
makabagong henerasyon bilang bahagi ng kanilang pamumuhay.

Kabilang sa mga ito ay ang pinaigsing mga salita, online terminologies, jejemon,
at iba pang anyo ng wika na sumasalamin sa pagiging dinamiko nito.
Nagkakaroon din ng bagong kahulugan ang wika dahil sa teknolohiya tulad ng
“mouse” na noon ay daga, ngayon ay isang device na sa computer. Dati ang
“tablet” ay isang uri lamang ng gamot ngayon ay isa nang mobile device.

Kahalagahan ng Wika sa Lipunan


Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa lipunan partikular na sa
pagpapahayag ng saloobin ng marami na ginagamit sa iba’t ibang adbokasiya at
pangangailangan. Ginagamit sa malayang pagpapahayag ang wika.

Ang malayang pamamamahayag ang bumubuhay sa kakayahan ng tao na


magsalita kahit na ordinaryo man ang estado mo sa lipunan. Dito ay nagagamit
ang wika sa pagsisiwalat ng katiwalian, pagwawasto ng mga kamalian, at pagbuo
ng isang aksiyon para sa nagsasangang suliranin.

Sa pamamagitan nito ay nabibigyan ng tinig ang mga simpleng mamamayan.


Nagiging mahalaga ang kanilang wika dahil mayroon silang gustong mangyaring
makabuluhan at mayroong maumpisahang pagbabago at kabaluktutang dapat
na maituwid.

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon


Mayroon ding mahalagang papel ang wika sa pag-aaral at edukasyon sa bansa.
Sa Pilipinas, isang asignatura ang tumututok sa kasanayan ng mga mag-aaral sa
wikang Filipino. Dito ay inaalam ng mga mag-aaral ang wastong baybay, balarila,
at pagkakabuo ng mga salita at pangungusap upang magkaroon nang maayos
na talastasan.
Bagaman maraming negosyo sa Pilipinas ang nakatuon sa paggamit ng wikang
English sa araw-araw na transaksiyon, hindi maiaalis na ang wikang Filipino ang
mabisang ginagamit upang maabot ang lahat ng uri ng mamamayan sa lipunan.
Bawat isa ay nakauunawa ng Filipino—mayaman man o mahirap dahil ito ang
pangunahing wika sa bansa. Dahil dito, mabisang naipahahayag ang layunin ng
mga negosyo sa mga mag-aaral, mamamayan, at mamimili.

Mahalaga rin ang wikang Filipino at iba pang wika sa bansa sa pagkatuto ng mga
mag-aaral. Sa kasalukuyang kurikulum na K-12, ginagamit ang mother tongue o
kinalikihang wika sa isang lugar sa pagtuturo ng karamihan sa mga aralin at
asignatura. Sa ganitong paraan daw kasi ay mas nauunawaan ng mga bata ang
aralin at hindi na kailangan pang matuto ng ibang wika, lalo na ang mga musmos
pa. Mas mabisa raw ito dahil mas gagaan ang pasanin at responsibilidad ng isang
mag-aaral sa pag-unawa sa kaniyang aralin.

Bakit Mahalaga ang Wika?


Maliban sa mga nabanggit na halaga ng wika sa ekonomiya, edukasyon, at
pamamahayag, may iba pang halaga ang wika. Mahalaga rin ang wika sa
pagpapalaganap ng sining. Ang mga akdang pampanitikan, mga biswal na sining
tulad ng mga dula, pelikula, musika, at iba pang pagtatanghal, ay hindi
makatatayo kung walang wika.

Malaki rin ang papel ng wika sa pagtatala ng mahahalagang ganap sa kasaysayan


na dapat nating balikan bilang pundasyon ng ating kasalukuyan. Sa
pamamagitan ng mga isinulat na tala ng mga mahahalagang personalidad sa
kasaysayan, ay nalalaman natin ang mga nangyari sa mga panahong hindi pa
tayo buhay at wala pang malay sa mga nanganap.

https://www.panitikan.com.ph/kahalagahan-ng-wika

Kahalagahan ng wika1.Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa


pamamagitan nitoay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa
pamamagitan dinnito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating
kapwa.Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan
ngpaggamit ng wika.2.Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod
sa bawat taohindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa
rin.3.Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon
ngmadaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatigbansa
nito.4.•Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan•Sagisag ng
pambansang pagkakakilanlan•Ang wikang pambansa ay siyang susi sa
pagkakabuklod-buklod ngdamdamin at diwa ng mga mamamayan•Sa
pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga
tao5.Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatikasa sarilisa
kapwasa lipunan

https://www.coursehero.com/file/6907736/Kahalagahan-ng-wika/

Pares Minimal

Pares Minimal. Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa
bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay
ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.

Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad
na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa pusisyong
inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong
magkatulad – ala at ala. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng
pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita.
Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag inilagay sa
magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang
salita.

Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang
magkahiwalay na ponema.

tela - tila belo - bilo

butas - botas mesa - misa

diles - riles ewan - iwan

Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/?
Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong
pinal. Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay
magkaibang ponema.
Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi natin
masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa kahulugan
ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng /doon:roon/.

http://siningngfilipino.blogspot.com/2011/08/pares-minimal.html

Ang klaster o cluster sa Filipino ay tinatawag na kambal katinig. Ang kluster o


kambal katinig ay binubuo ng dalawa o higit pang makakatabing consonant o
katinig na magkasama sa isang bigkas, kasama ang isang patinig o higit pa.

Ang kambal katinig ay maaaring makita sa unahan, sa gitna, o sa hulihang pantig


ng isang salita. Ang kambal katinig o klaster ay dapat nababasa sa iisang pantig
lamang ng isang salita

Ilan sa mga halimbawa ng mga salitang nagtataglay ng klaster o kambal katinig


ay ang sumusunod: gripo, prito, tsaa, plato, braso, blusa, drama, dyip, klase,
trumpo, tsinelas, globo, at tseke.

REDUPLIKASYON<br />Pag-uulititongpantigngsalita. Angpag-uulitnaito ay maaaringmagpahiwatigng kilos


naginagawa o gagawin pa lamang, tagagawang kilos o pagpaparami.<br />Halimbawa:<br />aalis,
matataas, magtataho, pupunta, masasaya, naglalakad<br />

https://dokumen.tips/download/link/ang-relasyon-ng-wika-at-kultura

Ang mga diptonggo o diphthongs ay ang mga tunog ng patinig na


nangyayari sa isang pantig kapag ang isang tunog ng patinig ay
lumilipat mula sa karaniwang posisyon nito patungo sa isa pa.

Karaniwan itong nangyayari kapag ang isang tunog ng patinig [a, e, i, o,


u] ay gumagalaw patungo sa isa pang tunog ng malapatinig [w, y] sa
parehong pantig.

Halimbawa ng Diptonggo
Ang mga diptonggo ay binubuo ng isang kumbinasyon ng mga tunog ng
patinig. Sa madaling salita, ang diptonggo ay isang “gliding vocal“.

Basahin ang mga halimbawa ng diptonggo sa kahon:

Diptonggo Halimbawa #1 Halimbawa #2

ay kamay husay

aw araw tanaw

ey reyna keyk

ew waley (gay lingo) beywang

iy isipi’y (isipin ay) kami’y (kami ay)

iw giliw sisiw

oy kahoy daloy

uy aruy baduy
Halimbawa ng maling diptonggo
Ang salitang “iniwan” ay maaaring mapagkamalang diptonggo sapagkat
mayroon itong magkatabing patinig na i at malapatinig na w. Kung ito ay
pagpapantigin:

I – N I – W AN
Makikitang nasa magkahiwalay na pantig ang letrang i at w kaya
naman hindi ito maaaring tawaging isang diptonggo

https://gabay.ph/ano-ang-diptonggo-kahulugan-at-halimbawa/

Wika at Panitikan
Pahinang isinapublliko upang matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Wikang
Filipino maging ang mga istudyanteng nais matuto ng Wika at Panitikang Filipino. Lahat ng
impormasyon sa pahinang ito ay sinuri ng mga medyor sa Filipino at propesor sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas, Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro at ang Pambansang Sentro
ng Kahusayan sa Wikang Filipino at Panitikan sa buong bansa.
Ask me anything   Submit a post

December 152013
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
Pares ng mga salita na katatagpuan ng mga magkaibang ponema sa magkatulad na magkatulad na kaligiran
ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang taglay ng mga salita.

Ayon sa talakay nina Santiago at Tiangco, ponema sa kategoryang ito ay maaaring ipalit sa pusisyon ng ibang
ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng salita. Anila, ang malayang pagpapalitang ito ng mga
ponema ay karaniwan nang nagaganap sa mga ponemang patinig na /i/ at /e/, gayundin sa /o/ at /u/.

Mga Halimbawa:
Politika  =    Pulitika                         
Tutoo   =   Totoo
Bibi     =   Bibe
Lalaki    =   Lalake     
Batay sa ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, gayundin naman ang /o/
at /u/. Kaakibat nito, hindi nakaapekto ang pagpapalitang ito sa pagbabago ng kahulugan ng mga salita. Subalit
hindi lahat ng pagkakataon ay malayang nakapagpapalitan ang mga nabanggit na ponema. Maari rin naman
maging pares minimal ang mga ito tulad ng mga sumusunod:

Mesa   =    misa


Tela    =     Tila
Uso    =     Oso
            Mula sa mga halimbawang ito, masasabing hindi malayang nagpapalitan ang mga ponema rito sapagkat
nagkokontrast ang mga ito sa magkatulad na kaligiran.

https://filipino101-blog.tumblr.com/post/70081268090/ponemang-malayang-nagpapalitan

1. 1. Mga Uri ng Diin


2. 2. Diin - Antas ng lakas ng bigkas ng salita o bahagi ng salita Tuldik Nagpapakita ng higit na gamit
ng diin. (`)-paiwa (ˆ)pakupya (ˊ )-pahilis
3. 3. MALUMAY • Binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli. Ang mga salitang
malumay ay hindi tinutuldikan. Ang ito ay maaring magtapos sa katinig o patinig. halimbawa: tao,
silangan, sarili, nanay
4. 4. MALUMI • Tulad ito ng malumay na may diin sa ikalawa sa hulihang pantig ngunit nagtatapos sa
impit na tunog. • Laging nagtatapos sa patinig • Ang huling letra aay may tuldik na paiwa (`). •
Halimbawa: lahì, balità,
5. 5. MABILIS • Binigigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig ngunit walang impit sa
dulo. • Ang mga salitang ito ay ginagamitan ng tuldik na pahilis. • Halimbawa: bulaklák, bumilí,
6. 6. MARAGSA • Ito ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang huling pantig ng salita ay may impit. • Ito ay
laging nagtatapos sa patinig. • Ito ay tinutuldikan ng pakupya (^) na itinatatapat sa huling patinig
ng salita. Ito rin ay may impit sa dulo. Halimbawa: yugtô, dugô, butikî,
7. 7. Katangian Malumay Malumi Mabilis Maragsa Paano Nasa Nasa Tuloy- Tuloy- binibigkas/ Ikalawa
ikalawa tuloy; nasa tuloy; nasa diin ng mula sa mula sa dulo ang dulo ang pantig huli ang huli ang
diin diin ngunit diin diin ngunit may impit may impit sa dulo sa dulo Hulihang Patinig o patinig
Patinig o patinig letra katinig katinig Uri ng Walang paiwa (`) pahilis(ˊ ) pakupya tuldik tuldik (^)

https://www.slideshare.net/almareynaldo/mga-uri-ng-diin

PONETIKONG TRANSKRIPSYON
TRANSKRIPSYON- ay katulad ng palatuldikan. Ito ay ginagamit bilang giya o patnubay kung paano
bibigkasin nang wasto ang mga salita sa isang wika.
Dalawang klase ng Transkripsyon:
1. Ponemikong Transkripsyon
2. Sa ponemikong transkripsyon, ang lahat ng makabuluhang tunog o kinikilalang ponema sa
isang wika ay binibigyan ng kaukulang simbolo.
• ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay mga pahilis na guhit o virgules //.

           • ang tuldik na paiwa /’/ ay nagrereprisinta sa impit na tunog na matatagpuan sa mga
pusisyong midyal at pinal na isinusulat nang nakahanay sa ibang ponema.
• ang /һ/ ay nagpapahag ng impit na pahinga na salita o glottal na pasutsot. Kadalasan itong
nilalagay sa hulihan ng salitang nagtatapos sa patinig.

         • ang /ŋ/ ay katumbas ng “ng”. Ang “ng” ay isang digrapo o dalawang simbolo na kumakatawan
sa isang ponema.
• ang tuldok /·/ ay kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig na palaging inilalagay pagkatapos ng
mahabang patinig.

Halimbawa:

                Buhay- /bu·hay/ -life                                      Alagad- /alagad/

                          -/buhay/   -alive                      Mabuti- / mabu·ti/

                Basa- /ba·saһ/   -read                                     Langoy- /laŋoy/

                        -/basa’/       -wet

1. Ponetikong Transkripsyon
2. Sa transkripsyong ponetiko, lahat ng tunog na marinig ng nagsusuring linggwist,
makahulugan man o hindi, ay kanyang itinatala. Kaya nga’t sa transkripsyong ito, hindi lahat
ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko.
     • ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay braket [….].

 Sa mga mag-aaral at guro ng wika, hindi ito pinag-uukulan ng masusing talakay sapagkat ang
mga linggwist lamang ang gumagamit at nag-aaral sa ponetikong transkripsyon.
Sa transkripsyon, mahalaga na malaman ang mga sumusunod:
 Kung nagsasagawa ng transkripsyon, de letra o script ang dapat na gamitin at hindi “patakbo”
o cursive.
 Ang salita, parirala o pangungusap na itinatranskribe ay dapat kulungan ng dalawang guhit na
pahilis.
 Himdi gumagamit ng malaking titik sa transkripsyon.
Halimbawa:

Palatuntunan        - /pala·tuntu·nan/

Magpapakamatay- /magpa·pakamatay/

Nagsasalita          - /nagsa·salita’/

Isang basket           - /isaŋ bas·ket/

Bagong kain            - /ba·goŋ  ka·in/

Iniibig ko ang Pilipinas. Aking Lupang Sinilangan


/ini·i·big  koһ  aŋ pilipi·nas/

/a·kiŋ lu·paŋ sini·la·ŋan

https://filipino101-blog.tumblr.com/post/70081025567/ponetikong-transkripsyon

ALOMORP NG MORPEMA

Ang isang morpema ay maaaring magbago ang anyo dahil sa impluwensya ng kaligiran. Mayroon itong
itinuturing na tatlong anyo ng alomorp ng morpema: [ pang- ], [ pan- ] at [ pam- ]. Bawat alomorp ay
mayroong sariling distribusyon. Ginagamit ang alomorp na [ pang- ], kung ang inuunlapiang salita ay
nagsisimula sa alinman sa mga ponemang patinig na / a, e, i, o, u / o alinman sa mga ponemang katinig
na / k, g, h, m, n, ng, w, y / at walang pagbabagong nagaganap dito.

Halimbawa:panggabipang-abaypangkamaypang-operapangfmadlapangwalis

Paghihiram Ng Mga Salita

Paghihiram ng mga salita

Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro. Dahil sa pagkakaiba-iba sa kultura ng mga bansa,
may mga salitang banyaga na na hindi matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin. Sa pangyayaring
ito, ang tanging magagawa ay manghiram o dili kaya ay lumikha ng bagong salita.

Walang masama sa panghihiram ng salita. Hindi naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa
bansang hihiraman na mga salita; hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagktapos na hiramin hindi rin
ito nakakahiya

Ayon sa pag-aaral:

Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.

Tatlong libong salitang malay.

Isang libo sa ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Instik, Arabe, Sanskrito, Latin,
Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.
Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram.

Sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang nga salitang ito.

May mga salitang panteknikal at pang-agham ang Maugnayang Pilipino na ginagamit sa pinatatanyag ng
araneta university, subalit ang mga ito ay hindi itinatagubilin ng Komisyon ng Wikang Filipino kaya hindi
palasak na ginagamit sa mga paaralan.

Bukod sa katotohanang ang wika ay nakasanding sa kultura, may mga salita rin na hango sa pangalan ng
kilalang tao tulad ng voltage, watt at quixotic na tinatawag na eponym. Dahil dito, hindi lahat ng salita ay
maaring bigyan ng salin at talagang hindi maiiwasan ang panghihiram ng mga salita lalu ang mga salitang
agham at teknikal.

Kung susuriin natin, may dalawang paraan ng panghihiram ng salita ang umiiral.

1. Tuwirang Hiram - hinihiram ng buo ang salitang banyaga at inaangkop ang bigkas at ispeling sa
ortograpiyang Filipino.

Halimbawa:

Barco - Barko

Antenna - Antena

Repollo - Repolyo

Silla - Silya

Piña - Pinya

Nitrogen - Naytrodyen

Phonology - Ponoloji

Produce - Prodyus

Chemistry - Kemistri

2. Ganap na hiram - dahil sa praktikalidad hinihiram ng buo ang salitang banyaga nang walang
pagbabago sa anyo. Halimbawa ang mga salitang cake, ice cream, computer, door bell, humburger,
physics, laser, atbp.
Noong mga nakakaraang panahon kapag nanghihiram ng salita, ang unang preperens ay Kastila sapagkat
konsistent ang ispeling nito (Kastila) tulad ng Filipino. Ngunit ngayon, higit na pinipili ang Ingles.

Noon - Ngayon

Sorbetes - Ice cream

Klinika - Clinic

Laboratoryo - Laboratory/Laboratori

Sikolohiya - Psychology/Saykoloji

Kimika - Kemistri

Pisika - Physics

Ehinyero - Engineer

Halimbawa ng maugnayang Pilipino

Daktinig (mikropono)

Agsikap (inhinyero)

Miksipat (mikroskopyo)

Batidwad (telegrama)

Sipnayan (matematika)

Liknayan (pisika)

Dr. Alfonso Santiago ang nagtakda ng mga tuntunin o paran ng panghihiram sa Ingles sa aklat niyang
“Sining ng Pananaliksik”.

1.) Paraan I. Pagkuha ng katumbas sa Kasti8la ng hihiraming salitang Ingles at pagbaybay dito ayon sa
palabaybayang Filipino.

Halimbawa:

Liquid=liquido=likido

Cemetery=cementerio=sementeryo
2.) Paraan II. Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas sa Kastila), hiramin ang salitang Ingles
at baybayin sa palabaybayang Filipino.

Halimbawa:

Tricycle=trisikel

Truck=trak

Train=tren

3.) Paraan III. Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan II, hiramin ang salitang Ingles at walang
pagbabagong gawin sa pagbaybay.

Halimbawa:

Manila Zoo = Manila Zoo

Visa = Visa

Xylem = Xylem

Zygote = Zygote

Xerox = Xerox

Sandwich = Sandwich

Zamboanga = Zamboanga

Francisco = Francisco

Roxas = Roxas

Villiviza = nilliviza

Mga alituntunin hinggil sa mga bagong hiram na salita


Hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita

1.1 Baybayin alinsunod sa paraan ng wikang Filipino ang mga bagong

Hiram na salita, maliban sa sumusunod na kaso:

1.1.1 Pangngalang pantangi. Halimbawa, Victoria, Galicia,

Washington Circle

, Shinjuko, Czech, National Basketball

Association, Halili Beer, Ma Mon Luk.

1.1.2 Teknikal o siyentipikong salita. Halimbawa, carbon dioxide,

Chemotherapy, green house effect, pizzicato, sodium glumate, varicose, x-ray.

1.1.3. Salitang may natatanging kahulugang pangkultura. Halimbawa, bolshoi, feng shui, geisha,
gourmet, jazz, joie de vivre, kibbutz, mardi gras, pizza.

1.1.4. Malayo na ang anyo sa orihinal kaya mahirap makilala o nagiging kakatwa ang anyo kapag
binaybay sa Filipino. Halimbawa, “jeywoking” (jaywalking), “rendevu” (rendevous), “ispid” (speed),
“ordev” (hors d’euvre), “feris wil” (ferris wheel), “pastits” (pastiche), “montadz” (montage), “tsokoleyt
keyk” (chocolate cake).

1.1.5. Kilala na sa orihinal at banyagang anyo ng mga hiram na salita. Halimbawa, box, cat, coke,duty-
free, exit, faux pas, fax, fike, jai alai, jogging, mall, save, shabu, shop, stop, store, taxi, whisky, x-rated.

1.2 Sa pagbaybay ng mga salitang hiram na naglalaman ng alinman sa 11 tunog patinig sa Ingles,
piliin ang pinakamalapit sa tunog at anyo ng palabaybayang Filipino. Halimbawa, drayb (drive), geyt
(gate), istandardiseysiyon (standardization), layt (light).

1.3 Iwasan ang gitlapi kapag ginagamit na pandiwa ang mga hiram na salita at hindi binago ang
baybay. Inihihiwalay ng gitling ang panlapi sa hiram na salita. Halimbawa, mag-delete, i-delete, nag-hot-
oil, i-salvage, mag-email-han. Ngunit kung hindi maiwasan ang gitlapi, baybayin sa Filipino ang hiram na
salita. Halimbawa, dumelit,hinat-oyl, sinalveyds, inimeyl.
https://teksbok.blogspot.com/2012/06/paghihiram-ng-mga-salita.html

https://pdfcoffee.com/qdownload/kayarian-ng-paksadocx-pdf-free.html

You might also like