You are on page 1of 2

Repleksyong Papel

Ang wika ay isang napakalawak na usapin at aralin na dapat matutunan ng bawat Pilipino. Sa
loob ng halos dalawang linggong pagtalakay rito, dagdag kaalaman ukol sa wika ang aking
natutunan. Ilan sa mga ito ay ang ibat-ibang kahulugan, kahalagahan at gamit ng wika, ang
komunikasyon, ang kategorya at kaantasan ng wika, mga teorya hinggil sa wika, konsepto ng
wikang katutubo, lingguwistikong komunidad, mga barayti ng wika, at register ng wika.
Para sa iba, ang wika ay kultura, salamin ng lahi, o tagapagpahayag ng damdamin. Marahil
tama nga sila ngunit para sa akin, ang wika ay buhay, ito ay kaluluwa hindi lamang ng isang
bansa kundi kaluluwa rin ng isang indibidwal. Dahil sa ating wikang sinasalita o sinusulat, dito
tayo nagkakaintindihan. Dito umiikot ang ating araw-araw na gawain. Natutunan ko rin na ang
wika ay komunikasyon.
Pagdating naman sa kategorya at kaantasan ng wika, nalaman kong kabilang ang pambansa at
pampanitikang wika sa pormal at panlalawigan, kolokyal, at balbal naman sa impormal.
Natutunan ko rin ang mga teorya ng wika kung saan mayroong tunog na nalikha ng mga bagay
at tunog ng tao na tinatawag na ding-dong; mayroong tunog mula sa kalikasan, ang bow-wow;
pooh-pooh naman ang tawag sa masidhing damdamin. Dito natin naiipakita ang galit, lungkot,
saya, gulat, o takot. Mayroon din naming teorya hingggil sa puwersang pisikal na tinatawag na
yo-he-ho; ta-ta naman ang tawag sa kumpas ng kamay at ta-ra-ra-boom-de-ay ang ginagamit
sa mga ritwal.
Ang pagkakaroon ng isa, dalawa, o higit pa na alam na wika ang itinuro sa amin sa konsepto ng
wikang katutubo. Natalakay rito ang unang wika o mother tongue, monolingguwalismo,
bilingguwalismo, at multilingguwalismo. Kaugnay nito, nakakaaliw pag-aralan ang barayti ng
wika; ang dayalek, sosyolek, at idyolek. Sa dayalek, mas lumawak ang aking kaalaman ukol sa
mga wika ng ibat-ibang lugar. Sa sosyolek naman, nakikita ang pagkakaiba-iba ng paraan ng
pagsasalita ayon sa antas ng pamumuhay ng isang tao. Kabilang ditto ang beki language,
jejemon, salita ng matatanda, at ng mga millennials. Sa idyolek naman kabilang sina Kris
Aquino, Mike Enriquez, Marc Logan, at iba pang personalidad na may natatanging paraan ng
pagsasalita. Natalakay rin namin ang register ng wika na tawag sap ag-proseso ng isang tao
ang isang salita base sa kanyang pagpapakahulugan.
Tunay na napakarami kong natutunan sa aming klase sa KomFili hinggil sa wika. Naniniwala
akong sa pag-aaral namin nito, may kaakibat itong responsibilidad. Ito ay ang pagpapayaman,
pagsasabuhay, at pagpapahalaga sa sarili nating wika. Tayo ay mga Pilipino kaya dapat nating
gamitin nang maayos ang wikang Filipino.

Kritikong Papel
Kasabay ng pag-unlad ng ating mundo, ang sariling wika natin ay tila kinakalimutan na.
Nagkakaroon na tayo ng makabagong bersyon ng wika; nariyan ang pagiging jejemon,
beki language, pagiging conyo, at iba pang paraan ng pagbabago sa ating nakagisnang
wika. Tama lang ba na gamitin ang makabagong pananalita? O dapat pa rin nating
gamitin ang kinagisnang wika?
Para sa akin, ang pagbabago ng bersyon ng Filipino ay hindi tama. Ang mga kabataan
ngayon ay tinatangkilik ang makabagong wika para lang maging pasok o kasali sa
grupo ng nakararami.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang gamit sa komunikasyon, ang text. Sa paraang ito,
nauuso na ang shortcut sa mga salita. Tinatanggal na ang mga patinig para lamang
mapadali ang gawain. Sa halip na salamat, gagawin itong slmt. Dagdag pa rito ay
ang pagtawag sa iba. Ang nanay ay ginagawa nang mader, mudra, mudrakels, o
momshie.
Ang paggamit sa nasabing paraan ay para na ring paggamit ng kultura ng iba. Ayon nga
kay Ngugi Ihiong, ang wika ay kultura. Tayo ay mga Pilipino kaya dapat lamang na
gamitin natin ang wikang Filipino; ang wikang ating kinagisnan. Minsan mayroon akong
nabasang teksto. Nilalaman nito ay pagsilang ng makabagong wika, ay ang pagtabon
sa kultura ng bansa. Hahayaan na lamang ba nating matalo ng makabagong wika ang
kulturang pinaghirapang pagyamanin ng ating mga ninuno? Dalawa ang ating
pagpipilian; ang pagyamanin ito sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa wika o kaya
naman ay kalimutan na lamang ito at hayaang maging parte na lamang ng ating
nakaraan.
Nasa atin ang kasagutan. Tayo ang mamimili kung alin ang daang ating tatahakin.
Ngunit para ipaala, tayo ay mga Pilipino, wika natin ay Filipino.

You might also like