You are on page 1of 1

GAWAING PAGPIPILIAN 3:

Gawing batayan ang sipi sa pagbuo ng dayagram.

Tukuyin kung kailan isinasagawa ang bawat patakaran.


Kapag ang layunin ng pamahalaan ay
mahikayat ang mga negosyante na
palakihin pa o magbukas ng bagong
negosyo, ipinatutupad nito ang
expansionary money policy.

Expansionary
Policy Ibababa ng pamahalaan ang interes
sa pagpapautang kaya mas
maraming mamumuhunan ang
mahihikayat na humiram ng pera
upang idagdag sa kanilang mga
negosyo.
Patakarang
Pananalapi

Kasabay rin nito ang pagbabawas sa


Contractionary
sahod ng mga manggagawa kaya
Policy
naman ang paggasta o demand ay
bumababa. Sa pamamaraang ito,
bumababa ang presyo at nagiging
dahilan sa pagbagal ng ekonomiya.
Ang kalagayang ito ang ninanais ng

1.Ano ang patakarang Pananalapi?

Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa
sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP aymaaaring magpatupad ng expansionary money policy at contractionary
money policy.

2.Ano ang pagkakaiba ng expansionary money policy at contractionary money policy?

Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong
negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary money policy. Ibababa ng pamahalaan ang interes sa
pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa
kanilang mga negosyo. Makalilikha ito ng maraming trabaho kaya mas marami ang magkakaroon ng
kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas ng kabuuang demand para sa sambahayan
at bahay-kalakal. Ang kalagayang ito ay isang indikasyon na masigla ang ekonomiya. Upang maiwasan ang
kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng contractionary money policy ang BSP upang mabawasan ang
paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang
produksiyon. Kasabay rin nito ang pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o
demand ay bumababa. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng
ekonomiya. Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang implasyon.

3. Kailan isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang expansionary money policy? Ang
contractionary money policy?

Sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong
matatag ang ekonomiya, higit ang pangkalahatang presyo. Ito ay bilang katiyakan na ang mamamayan ay
patuloy na magkaroon ng kakayahan na makabili at matugunan ang mga pangangailangan gamit ang kanilang
kinita mula sa pagtatrabaho. Ito ay isang pagkakataon na maisulong ang kalagayang pang-ekonomiya at
makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa mamamayan bunsod ng matatag na pamamahala sa
pananalapi ng bansa. Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o
magbukas ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary money policy. Upang maiwasan ang
kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng contractionary money policy ang BSP upang mabawasan ang
paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan din ang
produksiyon.

You might also like