You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION

School Datal Dlanag Elementary School Grade Level 4

DETAILED LESSON Teacher NOVY JEN H. AGUIRRE Learning Area EPP


PLAN Teaching
Date and 2/12/2021 Quarter
Time
I. OBJECTIVES
Naipapamalas ang pang unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang ornamental
A.Content Standards bilang isang gawaing pagkakakitaan

Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa masistemang


B.Performance Standards pamamaraan

C. Essential Learning Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang
Competency pagkakitaan

1.Natutukoy ang mga pagkukunan ng mga halaman at iba pang kailangan sa halamang ornamental;
2. Nabibigyang halaga ang pinagkukunan ng mga halamang ornamental;
D.Objectives 3. Naisasagawa ang pagtatanong sa mga kasamahan sa bahay ng mga mapagkukunan ng halamang
ornamental.

II. CONTENT
Pagkukunan ng mga halaman at iba pang kailangan sa halamang ornamnetal
A. Topic

B. Key Concepts Kakayahan sa tamang pagtatanim at pagpapatubo ng mga halamang ornamental

C. Pre-requisite Skill Kaalaman sa iba’t ibang halamang ornamental.

III. LEARNING RESOURCES


Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION
A. References
1. Teacher’s Guide Pages EPP pp. 140-142
2. Learner’s Materials EPP pp. 337-339
Pages
3. Textbook Pages
4. Additional Materials MELC
from Learning
Resource (LR) Portal
B. Other Learning Resources
1. Websites
2. Books/Journals

C. Materials

IV. PROCEDURES
A. Balik-Aral sa nakaraang Guro: Isang magandang araw sa isang masugid na mag-aaral na katulad mo! Kamusta? Na-aliw ka ba sa
aralin at/o pagsisimula ng pagbasa at pagsagot ng nakaraan mong leksyun?
bagong aralin
Gusto mo bang matuto pa at magkaroon ng bago nanamang kaalaman? Tara ating tuklasin ang
mga mapagkukunan ng halaman at iba bang kailangan ng halamang ornamental.
Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION
B. Paghahabi sa layunin ng Guro: Sa mga nakaraang araw ay napag usapan natin ang mga halamang ornamental, ngunit alam mo
aralin ba kung saan maaring kumuha ng mga halamang ornamental na itatanim at kung ano-anu ang mga
kailangan nila?

Hali ka at basahin mo ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Katuparan ng Pangarap ni


Marikit” upang magkaroon ka ng mga bagong ideya tungkol mapagkukunan ng halamang ornamental at
mga kailangan nito.

ANG KATUPARAN NG PANGARAP NI MARIKIT

Sa araw-araw na paglalakad ni Marikit patungo sa kanilang paaralan ay naaaliw ang kanyang mga
mata sa mga hardin na kanyang nakikita, Pinapangarap ni Marikit na sana ay mayroon din silang hardin
na katulad ng sa kanilang kapitbahay, hardin na nasa simbahan at ng hardin na meron sa kanilang
paaralan. Ngunit ang kanyang ina at ama ay abala sa kani-kanilang trabaho at ang bakanteng oras
naman ng kanyang mga magulang ay inilalaan nalamang nila sa gawaing bahay at pagpapahinga.

Isang araw nagkaroon ng pandemya na nagbago sa pang araw-araw na gawain ng kanyang mga
magulang at sa kanya ding pag-aaral. Ang kanyang ina ay pansamatalang natigil sa trabaho at ganun
din ang kanyang ama. Sa kabila ng pagbabagong dinadanas ng bansa, ay unti-unting natutupad ang
pangarap ni Marikit nagsimula ng mag bungkal ng lupa ang kanyang ama dahil itatanim nito ang
bulaklak na nabili sa online, ang kanyang ina ay bumisita sa kanilang kapit bahay upang humingi ng
mga itatanim. Si Marikit naman ay humingi ng magic rose sa kanyang kaibigan na nasa likod lamang ng
kanilang tahanan. Makalipas ang ilang araw na pananatili sa bahay ay nagkaroon na ng magandang
tanawin ang kanilang bakuran. Tamang pagdidilig, pag-aabuno at saktong init na kailangan ng halaman
ay tuluyan na itong nagkakaroon ng buhay at gumaganda. Napag-usapan nilang dagdagan ang mga
Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION
tanim pagkatapos ng pandemyang ito sa pamamagitan ng paghingi sa mga parke, paghingi sa mga taga
pag-alaga ng hardin sa simbahan at paghingi ni Marikit ng mga binhi ng bulaklak sa kanyang guro sa
paaralan. Bibili din ang kanyang ina ng di-namumulaklak na ornamental sa flower shop malapit sa
pinagtatrabahuan nito.

C. Pag-uugnay ng mga Guro: Ngayong natapos na ninyong basahin ang kwento na pinamagatang ang panagrap ni Marikit atin
halimbawa sa bagong aralin ngayong sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Anu ang pangarap ni Marikit?

Mag-aaral: Ang pangarap ni marikit ay sana ay mayroon din silang hardin.

2. Sa kwentong nabanggit saan nanguha ang pamilya ni marikit ng mga halamang itatanim?

Mag-aaral: Ang pamilya ni Marikit ay nanguha ng mga itatanim sa mga sumusunod, ang kanyang ama
ay bumili sa online, ang kanyang ina ay humingi sa kanilang kapit bahay at si Marikit ay humungi sa
kanilang kapitbahay.

3. Saan pa kukuha ang pamilya ni Marikit ng pandagdag sa kanilang tanim?

Mag-aaral: Sila ay kukuha pa ng pandagdag sa pamamagitan ng paghingi sa mga parke

4. Ano-anu ang mga kailangan ng halaman upang itoy mabuhay?

Mag-aaral: Ang tamang pagdidilig, pag-aabuno ng tanim, at saktong sinag ng araw.


Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION
5. Kung ikaw si Marikit, papangarapin mom din baa ng magandang hardin sa bahay?

Mag-aaral:

Mag-aaral; Yes/No

D. Pagtatalakay ng bagong PAGKUKUNAN NG MGA HALAMAN IBA PANG


konsepto at paglalahad ng KAILANGAN SA HALAMANG ORNAMENTAL
bagong kasanayan #1
Ang halamang Ormental ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan, paaralan,
restaurant, at mga lansangan. Gaya ng mga halamang bulaklakin, halamang baging, at halamang
palumpong. Mga halamang hindi namumulaklak at mga halamang medisinal. Ang mga sumusunod ay
ang mapagkukunan ng mga halamang ornamental

1. Humingi sa kapitbahay - kung ang ating mga kapit bahay ay may mga halamang ornamental maari
tayong humingi sa kanila o makipagbarter.
2. Bumili sa mga flower shop - isa sa madalas na pinagkukunan ng halamang ornamental ay ang mga
flower shop ang presyo naman ng mga halaman ay nakabase sa variety at pinagmulan ng halaman.
Madalas may naka hilirang flower stall sa mga lugar na nag dadaraos ng pyesta.
3. Humingi sa mga kaibigan na may tanim na mga halamang ornamental – ang pagkakaroon ng
maraming kaibigan ay isang pribilihiyo upang makalakap ng mga halamang ornamental.
4. Mamitas sa mga halaman sa parke – kadalasan sa ating mga parke sa Pilipinas ay may magagandang
landscaping na mayroong samut saring halamang ornamental maari tayong mamitas dito ngunit dapat
ay may pahintulot mula sa mga hardinerong taga pangalaga dahil hindi lahat ng tanim sa parke ay
libreng pitasin.
5. Mamitas sa paaralan – isa sa adbokasiya ng mga guro ay ang school beautification na kung saan
Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION
nagtatanim ng sari saring halamang ornamental ang mga guro para mapanatili ang magandang learning
environment na conducive for learning. Maari tayong humingi ng mga buto, sanga o ano mang tinatanim
ng ating guro.

6. Bumili Online – isa sa mga patok sa ngayong panahon ay ang pagbebenta online at kabilang na sa
mga binebenta ay ang mga halamang ornamental.

7. Humingi sa hardin ng simbahan – ang simbahan din ay isa sa mga lugar na may magandang
landscaping at may tanim na mga magagandang ornamental maari tayong humingi sa mga
tagapangalaga ng mga tanim.

Ang halamang ornamental ay nangangailangan ng saktong sinag ng araw, tamang pagdidilig,


mataba at angkop na lupa sa tanim at paglagay ng pataba or fertilizer sa mga halamang ornamental
upang mapanatili ang kagandahan ng ating tanim.

Ang pagtukoy sa mga lugar na mapagkukunan ng mga halamang ornamental ay isa sa


mahalagang aspeto ng pagtatanim dahil ito ay nakakatulong na mapadali ang paggawa at pagpapaganda
ng taniman. Ang pagbibigay halaga sa pinagkukunan ng mga halamang ornamental ay dapat din nating
isa puso at isa-isip, panatilihing maganda at kaaya aya parin ang pinagkunan.

E.Pagtalakay ng bagong A. Gamit ang web sa ibaba itala ang mga mapagkukunan ng halamang ornamental.
konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #2
Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION

F. Paglinang sa Kabihasnan
(Tungo sa Formative B. Itala ang mga kailangan ng halamang ornamental.
Assessment)

G. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw- araw na buhay Guro: Bakit kailangan nating malaman ang mga lugar kung saan tayo maaaring makakuha o makakita ng
mga halamang ornamental na ating itanim sa ating paligid?

Mag-aaral : Kailangan nating malaman ang mga lugar kung saan tayo maaaring makakuha o makakita ng
mga halamang ornamental na ating itatanim sa ating paligid upang hindi na maantala ang ating pagtatanim.

Guro : Ano ang maidudulot ng mga halamang ornamental na ito sa atin at sa ating paligid?

Mag-aaral: Ang mga halamang ito ay nakapagdudulot ng kagandahan sa ating paligid. Nagbibigay ito ng
Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION
saya at aliw sa atin.

H. Paglalahat ng Aralin Guro: Ano ang halamang ornamental?


Guro : Saan maaring makakuha ng halamang ornamental na itatanim?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto:

Ihanda ang iyong lapis at papel. Tanungin ang mga kasama sa bahay ng kung saan pa maaring
kumuha ng halamang ornamental. Itala ang pangalan at ang kanilang mga sagot

Pangalan Sagot

V. REMARKS
Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION
VI. REFLECTION
A. Number of learners who
earned 80% in the evaluation.
B. Number of learners who
require additional activities
for remediation who scored
below 80%.
C. Did the remedial
lessons work? Number of
learners who have caught
up with the lesson.
D. Number of learners who
continue to require
remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well? Why
did these work?
F. What difficulties did I
encounter which my
principal or supervisor can
help me solve?
G. What innovation or
localized materials did I
use/discover which I wish to
share with other teachers?

Prepared By:
NOVY JEN H. AGUIRRE
Teacher-I
Republic of the Philippines
Department of Education
SOCCSKSARGEN REGION
Checked by: GAMN PJ EILAN ROIE T. BANGCAYA
Teacher In-Charge

You might also like