You are on page 1of 3

Second Quarter

Summative Test No. 1


AGRICULTURE 5

Name: __________________________________________ Grade & Section: _____________


Teacher :________________________________________ Date : ______________________
I. PANUTO: Basahin at suriin ang mga kahalagahan ng organikong pataba. Isulat ang salitang TAMA kung wasto
ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI naman kapag hindi. Isulat ang sagot sa ANSWER SHEET.
________ 1. Napaparami at napapaganda ang ani.
________ 2. Naabuso ang lupa kapag gumamit ng abonong organiko.
________ 3. Pinalalambot at pinapaganda ang salat (texture) ng lupa.
________ 4. Hindi mabilis matuyo ang lupa.
________ 5. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig at pinaluluwag ang paghinga ng lupa.
________ 6. Dapat gawing reguar ang pagdidilig ng tanim na gulay.
________ 7. Ang mga halamang gulay na namumulaklak ay hindi pwedeng diligan araw-araw.
________ 8. Siguraduhing sa gabi lamang diligan ang mga tanim.
________ 9. Iwasang magdilig kung umuulan.
________ 10. Ang dami ng tubig na ididilig ay dapat basis a kung anong uri ng halaman ang didiligan.

II. PANUTO: Ayusin sa wastong pagkasunod-sunod ang mga pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko. Isulat ang
titik lamang. (11-15)
________ a. Gumawa ng hukay na may lapad na dalawang metro, haba na limang metro at lalim na isang metro. ________
b. Humanap ng lugar para sa gagawing compost pit.
________ c. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at
prutas. Dagdagan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka hanggang umabot ng 15
sentimetro ang kapal.
________ d. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang mapuno ang hukay.
________ e. Diligan ang ibabaw ng hukay upang pumatag at haluin ito pagkatapos ng dalawang linggo.
III. Panuto: Isulat ang / kung mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng tama at X naman kung mali.
________16. Ang compost pit ay ang pagsasama-sama ng mga nabubulok na na basura katulad ng dumi ng
hayop, dahon balat ng prutas, damo at iba pa.
________ 17. Ang basket composting ay ang pagsasama-sama rin ng mga nabubulok na basura. Ginagawa
ito kung walang bakanteng lote na maaaring paggawan ng compost pit.
________ 18. Maaring makagawa ng organikong abono kahit na nasa bahay lamang.
________ 19. Dapat sundin at mag-ingat sa paggawa ng organikong abono.
________ 20. Sayang lamang sa oras ang paggawa ng organikong abono.

IV. Basahing mabuti ang mga tanong o pahayag at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot.
21. Alin ang kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko?
a. Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos.
b. Pinagaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
c. Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa
d. Lahat ng nabanggit ay tama
22. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng mga pakinabang ng fermented fruit juice maliban sa
isa. Alin ito?
a. Ito ay nagbibigay ng elementong potassium (K) para sa pagpapalaki ng bunga.
b. Ang fermented fruit juice ay nagbibigay ng karagdagang resistensiya sa tanim laban sa insekto.
c. Ang lupa at mga tanim ay pinatataba ng fermented fruit juice.
d. Pinapaiksi ng fermented fruit juice ang buhay ng mga pananim.
23. Sa anong paraan nagiging pataba o abonong organiko ang mga basura tulad ng dahoon, balat ng gulay
at prutas at mga tiring pagkain?
a. Pagpapausok ng basura c. Pagbubulok ng basura sa isang lalagyan
b. Pagkakalat ng basura d. Paglilinis ng basura
24. ano ang basket composting?
a. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.
b. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad din ng compost pit.
c. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.
d. Wala sa nabanggit.
V. PANUTO: Pagtapatin ang mga pamamaraan sa pagsugpo ng peste sa Hanay A sa mga kahulugan nito sa
Hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot.
Hanay A
_______ 25. Ito ay isang paraan ng pagtatanim ng dalawa o higit pang mga pananim sa isang lupang taniman.
_______ 26. Ito ay isang uri ng intercropping na pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa lahat ng bahagi ng
lupang taniman.
_______ 27. Ito ay isang uri ng organikong pamatay kulisap.
_______ 28. Ito ay isang uri ng intercropping ng pagtatanim na may kaayusan, ang bawat halaman ay nakahanay
ayon sa uri.
_______ 29. Ito ay ang paglikha ng organikong pamuksa ng peste at kulisap mula sa katas ng iba’t ibang uri ng
halaman.

Hanay B
A. Mixed Intercropping
B. Organikong Pestisidyo
C. Bawang at Sili
D. Intercropping
E. Row intercropping
VI. Kilalanin kung anong kagamitan sa paghahalaman ang tinutukoy sa bawat bilang. Pumili ng sagot sa loob
ng kahon.

piko tinidor kartilya


itak pala regadera

_______ 30. Ginagamit ito sa paghukay ng matigas na lupa.


_______ 31. Pandurog ng malalaking kimpal ng lupa.
_______ 32. Pamutol sa sanga at puno ng mga malalaking halaman.
_______ 33. Ginagamit sa paglilipat ng lupa.
_______ 34. Ito ay lalagyan at panghakot ng lupa at kagamitan.
_______ 35. Ginagamit na pandilig sa mga halaman.

Parent’s/Guardian’s Name and Signature

You might also like