You are on page 1of 3

Second Quarter

Summative Test No. 2


FILIPINO 5

Name: __________________________________________ Grade & Section: _____________


Teacher :________________________________________ Date : ______________________
I. Tukuyin kung anong sangguniang aklat ang dapat gamitin sa mga sumusunod. Pumili ng sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot. Gamitin ang ANSWER SHEET.
A. Ensiklopedya B. Almanac C. Diksyunaryo D. Atlas

E. Pahayagan o Diyaryo F. Internet

_______1. Paghanap ng mga bansang kabilang sa Silangang Asya.


_______2. Naglalaman ng mga artikulo ng mahalaga o makatotohanang impormasyon tungkol sa iba’t ibang tao,
bagay at pangyayari.
_______3. Pag-alam ng mga impormasyon tungkol sa lagay ng panahon at galaw ng planeta at ng mga mahahalagang
pangyayari sa larangan ng palakasan, politika, ekonomiya, teknolohiya na nangyari sa loob ng isang taon.
_______4. Pag-alam ng tamang baybay, bigkas at kahulugan ng isang salita.
_______5. Pag-alam sa lokasyon ng Tawi-Tawi sa Pilipinas.
_______6. Pag-alam ng mga balita o pangyayari sa loob at labas ng bansa sa araw na ito.
_______7. Gusto mong maghanap ng mga impormasyon sa kahit anong larangan gamit ang laptop, tablet o cellphone
at internet connectivity.
III. Pag-aralan ang graph at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang titik lamang

Bilang ng mga Turistang Dumadalaw sa Cebu


3,500

3,000

2,500

2,000

1,500

1,000

500

0
2007 2008 2009 2010 2011

8. Sa anong taon ang may pinakamaraming turista na dumalaw sa Cebu?


a. 2011 b. 2009 c. 2008 d. 2007
9. Ilan ang pinakamababang turista na pumunta sa Cebu?
a. 2, 500 B. 1,200 C. 1,500 D. 1,300
10. Sa anong mga taon magkatulad ang bilang ng mga turistang bumisita sa Cebu?
a. 2007 at 2008 b. 2008 at 2010 c. 2007 at 2009 d. 2010 at 2011

11. Tungkol saan ang graph?


a. Bilang ng mga Filipino na pumunta sa Cebu
b. Bilang ng mga turista na naglalaro sa Cebu
c. Bilang ng mga turista na dumadalaw sa Cebu
d. Bilang ng mga turista na dumadaong sa pulo ng Cebu
12. Ilang turista ang dumadalaw sa Cebu noong taong 2008?
a. 2, 500 b. 2, 000 c. 1, 500 d. 3, 000
13. Ilang turista ang pumunta sa Cebu noong 2010?
a. 1, 500 b. 2,000 c. 1, 250 d. 1, 750
III. Piliiin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunodng bawat talata. Isulat ang titik lamang
14. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 nametro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno
ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sapaggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.
a. ang niyog c. Ang mga Gamit ng Niyog
b. Ang Niyog d. ang mga gamit ng Niyog
15. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue)ay ang sangay ng pamahalaan na
namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang
Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang
ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
a. Ang kawanihan ng Rentas Internas c. Ang kawanihan ng internas rentas
b. Ang Kawaniihan ng Rentas Internas d. ang kawanihan ng internas rentas
16. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas, gusto niyang
kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa
pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi
nito sa laban.
a. Lapulapu, Bayaning Pilipino c. Lapulapu, Ang Nasawing Kastila
b. Lapulapu, Ang Hari ng Espanya d. Magellan, Natuklasan ang Pilipinas
17. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821.Ang kanyang mga magulang ay sina
Juan Aquino at ValentinaAquino. Noong kabataan niya ay madalas siyang maimbitahan sa kanilang
parokya upang umawit lalung-lalo na sa mga araw ng pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng Santa-
krusan. Kahit na walumpu’t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi naging hadlang sa
kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga katipunerong maysakit at nagugutom.
a. Ang mga Magulang ni Melchora Aquino c. Melchora Aquino
b. Ang mga Katipunero d. Ang Reyna Elena ng Santakrusan
18. Ang isa sa mga pinakanakahahawang sakit na dulot ng virus ay ang bulutong, o chickenpox. May iba’t
ibang teoriya kung bakit tinawag na “chickenpox” ang sakit na ito sa wikang Ingles. Ang isa rito ay sapagkat
ang mga butlig na nililikha nito sa balat ay may hawig sa chickpeas (garbanzo beans). Ang isa pang teoriya
ng pinagmulan ng pangalan ay batay sa itsura ng mga butlig na mistulang dulot ng tuka ng manok.
a. Iba’t ibang Teoriya c. Ang Itsura ng Butlig
b. Ang Virus d. Bulutong o Chicken Pox, Nakahahawang Sakit
19. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang lugar
sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang lahat ng bagay ay matutunan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan
ng aklat.
a. Kahalagahan ng Aklat c. Iba’t Ibang Lugar ng Aklat
b. Impormasyong Bigay ng Aklat d. Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat
20. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng lahat ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa
paghahanda sa kinasasabikan ng mga bata. Ang pagpunta nila sa kanilang mga ninang at ninong ay
kinakakiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos.
a. Bagong Damit at Sapatos c. Ang Ninong at NInang
b. Kapaskuhan, Pinakahihintay ng Lahat d. Ang Abalang Paghahanda

IV. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang teksto. Magbigay ng 5 bagong kaalamang natuklasan tungkol sa
bayan ng Ajuy. (Isulat ang mga sagot sa ANSWER SHEET.
Isa sa mga bayan sa hilagang bahagi ng Iloilo ay ang bayan ng Ajuy. Maraming maipagmamalaking
produkto at pagkain na talaga namang binabalik-balikan ng mga turista at isa na rito ay ang napakasarap na
cassava cake dagdag pa ang mga sariwa at samu’t-saring pagkaing-dagat na katakam-takam. Maliban sa mga
napakasarap na pagkain, hindi rin magpapahuli ang mga nagagandahang mga isla at mga talon na madalas
puntahan ng mga mahilig sa adventure. Isa sa nakabibighaning isla ay ang Marbuena na may mala-pulbos na
buhangin at mala-kristal na tubig at dagdag pa rito ang kaakit-akit na sandbar. Hindi rin magpapahuli ang isla
ng Calabazas na kinatatayuan ng isa sa pinakamatandang lighthouse sa buong Pilipinas. Ito ay isa ring atrak-
siyon para sa mga bisita dahil na rin nakamamanghang pormasyon ng mga korales na tiyak na angkop para sa
mga gustong mag snorkeling.
Tuwing tag-init, madalas puntahan ng mga magkakaibigan at magkakabarkada para sa pambihirang
karanasan ay ang talon ng Serucco at Panalikdikon. Sadyang nakabibighani ang mga talong ito dahil kahit
anumang layo, hindi alintana ang pagod mapuntahan lamang ito. Tiyak mapapawi ang hirap at pagod sa pag-
lalakad kapag nakita na ang buong paligid. Ang sarap sa pakiramdam dahil napakapayapa ng lugar.
Nakakapawi rin ng pagod ang pagtampisaw sa napakadalisay na tubig na may kakaibang lamig.
Napakaganda ng bayan ng Ajuy.
Tara na sa Ajuy.
DV B. Gabat

Mga bagong kaalamang natuklasan tungkol sa bayan ng Ajuy:


21. ___________________________________________________________________________________________

22. ___________________________________________________________________________________________

23. ___________________________________________________________________________________________

24. ___________________________________________________________________________________________

25. ___________________________________________________________________________________________

GOOD LUCK and KEEP SAFE

Parent’s Name and Signature: ___________________________________________

You might also like