You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN SA EPP 5 AGRICULTURE

I. Layunin: Natatalakay ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay.

A. Pamantayang pangnilalaman: naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at


kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.

B. Pamantayan sa Pagaganap: Naisasagawa ng maayaos ang pagtatanim, pag-aani at


pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay.

1.5.1 Pagdidilig
1.5.2 Pagbbubunngkal
1.5.3 Paglalagay ng abonong organiko
EPP 5 AG-OC-5

II. Nilalaman: Sa aralin ang matutuhan ay pagtatanim ng halamang gulay

Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay Guro
2. Mga pahina sa kagamitang pang-mag-aaral
3. Mga pahina sa teksbook: EPP 5 AG5 OC-5 1.5, 1.5.1
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang panturo: larawan, tunay na bagay

III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Bata


A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin. Ang mga tanim na aming nakikita sa ating
gulayan sa paaralan at sa aming bakuran ay mga
Anu-anong uri ng mga tanim na nakikita ninyo talong, kamatis, sili, okra, ampalaya, saluyot,
sa ating gulayan sa paaralan at sa inyong mga kalabasa, kangkong, upo, patola, alugbati,
bakuran? petsay, mustasa, sitaw, patani.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin:

Sa inyong palagay, ang mga gulay ba na ito ay Hindi po ma’am?


mananatiling magaganda na wala tayong
gagawin? Ano ang ating gagawin sa kanila? Aalagaan po ma’am?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
aralin:

Alam ba ninyo ang awitin na Paru-paro Bukid? Opo, Ma’am.


May inihanda akong awit dito tungkol sa pag-
aalaga ng mga tanim sa himig ng paru-paro Pag-awit ng mga bata.
bukid. Maaaring tumayo lahat at ating awitin.
May napansin ba kayo sa ating awit tungkol sa Opo, ma’am.
pag-aalaga ng mga tanim?
Tukuyin ang mga ito. Pag-aalis ng damo, padidilig ng halaman,
paglalagay nga abono o pataba, sinsinin ang
lupa.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalakad ng bagong kasanayan #1.

Anu-ano ang mga napapansin ninyo sa Ang isang halaman sa paso ay nalalanta at sa
dalawang paso ng tanim dito sa harapan? isang paso ay buhay na buhay.
Tama!
Ano kaya ang kailangan ng tanim na nasa paso Tubig po ma’am.
na nalalanta?
Magaling!
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalakad ng bagong kasanayan #2.

Sa pag-aalaga ng mga pananim, kailangan ba ng Hindi po ma’am, dahil kung minsan ay


malinis na tubig ang gamitin sa kumukuha tayo ng tubig sa fish pond para
pagdidilig?Bakit?Kung opo ang pandilig sa ating mga tanim.
sagot.Bakit?Kung hindi na kailangan.Bakit?
Magaling!
F. Paglinang sa kalikasan

Tulad ng mga halaman, kailangan din ba natin Opo ma’am.


ang tubig?anong klaseng tubig?bakit kailangan Malinis po ma’am. Para hindi po tayo
natin ang malinis na tubig? magkasakit ma’am.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na


buhay.

Sino sa inyo ang magsasaka ang kanilang mga Ako po ma’am.


magulang? Napapansin ba ninyo kung paanno Opo ma’am.
nila inaalagaan ang kanilang mga tanim?
Tulad ng mga halaman, kailangan din nating
pangalagaan ang ating katawan tulad ng pagligo
araw-araw, pagkain ng sapat at masustansya at
iba pa.
H. Paglalahad ng Aralin: paggamit ng
powerpoint

1.Pagsasanay: Paligsahan

Pangkatin kayo sa tatlong grupo, pipili ako ng


lima sa unang grupo na magagaling gumuhit,
pipili ako ng lima sa pangalawang grupo na
magagaling sa pagbuo ng mga salita at ang
pangatlong grupo ay magagaling sa pagtatambal
o matching type.
2. Paglalahat: Mula sa ating napag-aralan, Anu- 1. Pagbubungkal
ano ang mga masistemang pangangalaga ng 2. Pagdidilig
tanim ng mga gulay. 3. Paglalagay ng abono
4. Pag-aalis ng damo
5. Sinsinin ang lupa
6. Paglalagay ng tabing
7. Paglalagay ng Bakod o tulos
8. Pagpuksa sa mga peste at kulisap
3. Pagpapahalaga: Bakit mahalaga ang 1. Para maganda ang bunga
masistemang pangangalaga ng tanim na mga 2. Para maganda ang kita
gulay. Sabi nga nila pag may itinanim may 3. Para marami ang ani
aanihin. Kapag maganda ang ani, maganda rin
ang kita at ito ay nakakatulong sa pag-unlad ng
ating kabuhayan.
I. Pagtataya ng Aralin:
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at isulat
ang titik ng wastong sagot.
1. Sa paghahalaman, binibigyan ng pansin ang
wastong paghahanda at pangangalaga ng tanim
upang maging mabuti ang pagtubo ng mga
halaman. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay
sa lupa upang maging mabuti ang pagtubo ng
halaman.Alin sa mga sumusunod ang inilalagay
sa lupa upang magkaroon ng sustansiya ang
mga halaman?
a. Mga kahoy
b. Mga bulok na binhi
c. Abonong organiko
d. Mga nasirang pagkain
2. Maayos na ang punlang pananim na
inaalagaan ang mga bata ngunit ibig pa nilang
maging malago ang mga ito. Ano ang dapat
nilang gawin?

a. Diligin ng sobrang tubig


b. Sugpuin ang mga peste’t kulisap
c. Bisitahin ito ng madalas.
d. Hayaan ang mga damong tutubo sa paligid
nito.
3. Ang mga nasa ibaba ay ilan sa mga natutuhan
mong wastong pangangalaga ng mga
halaman.Alin ang di dapat?

a. Paglagay ng sobrang tubig


b. Pagpuksa sa mga peste at kulisap
c. Paggamit ng pataba mula sa mga nabubulok
na bagay
d. Paglagay ng bakod
4. Mahilig sa paghahalaman si Mang Abe.
Marami siyang ipinunlang buto ng talong.Upang
pangalagaan ang mga ito sa init ng araw, alin sa
mga sumusunod ang tamang oras ng paglipat ng
punla?

a. Pagsikat ng araw
b. Katanghaliang tapat
c. Hapon o kulimlim na ang araw
d. Sa pagitan ng ika-10 at ika-11 ng tanghali
5. Lalong kailangan ang mga pananim ang
wastong pagdidilig upang sila ay maging
malusog at lumaking malago, kalian at anong
oras dapat magdilig ng pananim?
a. Araw-araw sa may bandang umga at hapon
b. Araw-araw tuwing tanghaling tapat
c. Minsan isang linggo at maaga
d. Bago sumapit ang ika-12 ng hapon
J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin
at remediation
Magtanong sa mga magulang o kapitbahay na
mga agriculturist tungkol sa pangangalaga ng
mga halaman.

IV. Mga Tala


V. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaralna nangangailangan
ng iba pang Gawain para sa remediation
C. Nakatulong baa ng remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like