You are on page 1of 3

TILANDOY NG DUGO

Spurt of Blood ni Antonin Artaud


Salin ni Guelan Varela - Luarca

MGA TAUHAN:

ISANG BINATA
ISANG MAMAY
ISANG DALAGA
ISANG PARI
ISANG KABALYERO
ISANG SAPATERO
ISANG SAKRISTAN
ISANG MANLALAKO
ISANG BUGAW
ISANG MALAKING TINIG
ISANG HUKOM

BINATA: Mahal kita at maganda ang lahat.


DALAGA (nanginginig na boses): Mahal mo 'ko at maganda ang lahat.
BINATA (mas mahinang boses): Mahal kita at maganda ang lahat.
DALAGA (sa mas mahinang boses): Mahal mo 'ko at maganda ang lahat.
BINATA (bigla siyang iiwanan): Mahal kita. (Katahimikan.) Humarap ka sa 'kin.
DALAGA (tulad ng dati'y nakatayo sa kanyang harapan): Ayan.
BINATA (sa isang dakila't mataas na boses): Mahal kita. Ako'y dakila, ako'y maliwanag,
ako'y hitik, ako'y masukal.
DALAGA (sa kagayang mataas na boses): Mahal natin ang isa't isa.
BINATA: Tayo'y mapusok. Aba, anong ganda ng pagkakagawa sa mundo.

(Katahimikan. Daragundong ang linggal na parang may dambuhalang gulong na rumurolyo't


gumagalaw sa ere. Paghihiwalayin sila ng isang ipu-ipo. Samantala'y makikita ang dalawang
talang magsasalpukan, at mula rito'y babagsak ang mga paa ng mga lamang nabubuhay,
mga kamay, mga anit, mga maskara, mga kolonada, mga portiko, mga templo, mga alembike,
bumabagsak nang pabagal nang pabagal, animo'y nahuhulog mula sa kawalan: pagkuwan,
tatlong alakdan, magkakasunud-sunod, at sa wakas isang palaka at salagubang na hihinto
nang pagkakupad-kupad - nakahihilong kakuparan.)

BINATA (hihiyaw nang buo n'yang lakas): Nahihibang na ang kalangitan. (Titingala siya
sa langit.) Humayo tayo mula rito.

(Itutulak niya ang Dalagang nasa kanyang harapan.

Papasok ang isang Kabalyerong medyoebal, nakaarmadurang malaki, na susundan ng isang


Mamay na hawak-hawak ang malalaki niyang mga dede, at humihingal-hingal 'pagkat
nanlobo na ang kanyang dibdib.)

KABALYERO: Bitawan mo nga 'yang dede mo. Iabot ang aking mga papeles.
MAMAY (sisigaw nang pagkatinis-tinis): A! A! A!

1
KABALYERO: Punyeta, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?
MAMAY: Ang ating iha, naro'n, kasama n'ya.
KABALYERO: Manahimik ka, walang babae ro'n.
MAMAY: Sinasabi ko sa 'yo, nagkakantutan sila.
KABALYERO: Ano naman sa 'kin kung nagkakantutan sila?
MAMAY: Insesto.
KABALYERO: Mamay.
MAMAY (isusuksok ang mga kamay sa kanyang mga bulsang singlaki ng dede niya): Bugaw.

(Ibabato ng Mamay ang mga papeles ng Kabalyero.)

KABALYERO: Pakanin mo 'ko.

(Tatalilis palabas ang Mamay. Tatayo ang Kabalyero at mula sa bawat papel ay daramput
siya ng malaking hiwa ng kesong Swisa. Bigla siyang mauubo't mahihirinan.)

(Nang puno ng laman ang bibig.) Ep. Ep. Pakita mo sa 'kin ang dede mo. Pakita mo sa
'kin ang dede mo. Sa'n na s'ya nagpunta? (Tatakbo palabas.)

(Babalik ang Binata.)

BINATA: Nasilayan ko, nalaman ko, nawawaan ko. Dito sa kalyeng pampubliko, ang
pari, ang sapatero, ang manlalako, ang entrada ng simbahan, ang pulang ilaw ng
putahan, ang mga timbangan ng hustisya. Hindi ko na ito makayanan!

(Animo'y mga anino, darating sa entablado ang isang Pari, isang Sapatero, isang Sakristan,
isang Bugaw, isang Hukom, at isang Manlalako.)

Nawala ko s'ya: isauli n'yo s'ya sa 'kin.

LAHAT (sa iba't ibang tinig): Sino, sino, sino, sino.


BINATA: Ang aking asawa.
SAKRISTAN (ubod ng taba): Ang iyong asawa, nagbibiro ka yata!
BINATA: Nagbibiro! Baka sa 'yo s'ya!
SAKRISTAN (tapikin ang kanyang noo): Baka nga. (Tatakbong palabas.)

(Iiwan ng Pari ang pangkat at ipapalibot ang mga kamay sa leeg ng Binata.)

PARI (animo'y may ikinukumpisal): Anong bahagi ng katawan mo ang madalas mong
tukuyin?
BINATA: Ang Diyos.

(Malilito sa tugon, biglang magpapalit sa puntong Swisa ang pananalita ng Pari.)

PARI (sa puntong Swisa): Ngunit 'di na ginagawa ang gayon. Hindi na tayo nakauulinig
mula sa tayngang 'yan. Kailangan mo 'yang ipagtanong sa mga bulkan at lindol.
Nakalunoy tayo sa mga mumunting kasagwaan ng tao sa kahong-kumpisalan.
Ganyan ang buhay.
BINATA (mas kumbinsido): Ay ganyan ang buhay! At ang lahat, hataw patungong
impyerno.

2
PARI (sa puntong Swisa pa rin): Siyanga.

(Sa sandaling ito'y biglang lalatag ang gabi sa entablado. Yayanig ang lupa. Papalahaw ang
namumuhing kulog at mga kahig ng kidlat sa lahat ng dako. Sa pamamagitan ng kidlat ay
masisilip ang mga tauhang takbo nang takbo sa kung saan-saan, nagbabanggaan sa isa't isa,
saka babagsak sa sahig, at tatayo na naman at magtatatakbong parang sira-ulo. Pagkuwan,
may malaking kamay na sasabunot sa buhok ng Puta, na biglang sisiklab at lalaki sa ating
harapan.)

MALAKING TINIG: Puta, tingnan ang 'yong katawan!

(Makikita ang katawan ng Putang hubo't hubad at kasuklam-suklam sa ilalim ng kanyang


blusa't palda, na malalagusan ng paningin, parang salamin.)

PUTA: Panginoon, iwanan mo 'ko.

(Kakagatin niya ang Diyos sa pulso. Lalaslas sa buong entablado ang isang dakilang tilandoy
ng dugo, at mula sa pinakamalakas na dagok ng kidlat ay makikita ang Paring nag-aantanda.
Pagbukas ng ilaw, patay ang lahat ng tauhan, at nakakalat sa buong sahig ang kanilang mga
bangkay. Tanging ang Binata lamang at ang Puta ang nananatiling naglalamunan sa pagtitig
sa isa't isa. Hahandusay ang Puta sa mga braso ng Binata.)

PUTA (sa buntong-hininga ng isang nilalabasan): Ik'wento mo kung pa'no 'to nangyari
sa 'yo.

(Magkukubli ng mukha ang Binata sa kanyang mga kamay. Babalik ang Mamay nang pasan
ang Dalagang parang isang bunton. Patay na ang Dalaga. Ibabagsak siya ng Mamay sa sahig
kung saan siya'y mahuhulog at magiging singnipis ng pankeyk. Wala na ang dede ng Mamay.
Ngayat na ang kanyang dibdib,)

KABALYERO (sa tinig na kasindak-sindak): Sa'n mo sila nilagay? Iabot mo sa 'kin ang
aking kesong Swisa.
MAMAY (matapat at masayahin): O, heto.

(Iaakyat niya ang kanyang bestida. Gustong tumakbo papaalis ng Binata ngunit maninigas
siyang parang nagsabatong manikin.)

BINATA (animo'y nakalutang sa ere, at may tinig ng isang bentrilokwista): 'Wag mong
sasaktan si Nanay!
KABALYERO: Diyabla!

(Magtatago siya ng mukha sa sobrang takot. Isang kawan ng mga alakdan ay gagapang
papalabas sa ilalim ng bestida ng Mamay, at iipon sa gitna ng kanyang mga binti. Lolobo ang
kanyang puke, mabibiyak, at malalagusan ng paningin, at magiging maninging, tulad ng
araw. Tatalilis paalis ang Binata't Puta, na animo'y nalobotoma.)

DALAGA (biglang babangon, tuliro): Ang birhen! Ay 'yun ang kanyang pinakahanap-
hanap.
[[[[

[[[-Oktubre 24, 2009-

You might also like