You are on page 1of 1

Cayton, Erica Zoe F.

February 11, 2021


BSCE 2-2 FILDIS 1110

PANIMULANG GAWAIN
“ABAKADA” kung saan nagsimula ang lahat. Katulad ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat,
ang pagbabasa ay isa sa mga imporatanteng kasanayan na kailangan linangin sa murang edad pa
lang dahil isa ito sa mga kasanayang ginagamit sa pagkatuto ng iba’t ibang kaalaman sa mundo.
Sa murang edad ay tinuruan na ako ng aking ina na magbasa. Naalala ko pa na ang gamit
naming aklat ay ang mahiwagang kulay dilaw na ABAKADA. Nagsimula sa pagbigkas ng mga
patinig na “a, e, i, o, u”. Kasunod nito ay ang “ba, be, bi, bo, bu” hanggang sa pagpapantig-pantig
ng mga salita katulad ng “ba-ka”, “ba-ba-e” at iba pa. Aking pang naaalala noong ako ay gawan
ng aking tatay ng isang berdeng sulatan na syang gawa sa kahoy at biniling plywood upang ako
ay mas maingganyong matuto. Karagdagan pa dito, bago ako maglaro ay kailangan ko munang
makabasa ng sampu hanggang dalawangpung bagong salita. Ang gawaing ito ay nagsilbing tulay
upang aking alalahanin ang simpleng buto ng aking pagkatuto hanggang sa magandang bunga ng
aking kaalaman.
Kaya naman sa pamamagitan ng pagbabasa nauunawaan ko ang mensaheng nais ibahagi
ng may akda sa mga babasahing kanyang isinulat na kung saan nagkakaroon ng komunikasyon.
Ito ay ang haluang pag-unawa ng mga salita at ng diwang nais ipahayag ng nagsulat. Gayundin,
sa pamamagitan ng pagbabasa, natutulungan ako nito na makalikom ng bagong mga kaalaman
at mapalawak ang aking bokabularyo.Sa pagbabasa ng iba’t-ibang babasahin ay makakaharap
natin ang mga salitang pamilyar at di pamilyar.Sa pagkaintindi natin sa ating mga binasa ay
mauunawaan natin ang mga salitang bago pa lamang sa atin.Kaya naman sa pagbabasa,
mahalaga ang komprehensyon o pag-unawa sa konteks at mga natutunang impormasyon upang
maging makabuluhan ang anumang binabasa. Isa sa mga librong paborito ko ay ang libro ni Mitch
Albom na “Tuesday with Morrie”. Ang libro na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang bagay
tungkol sa buhay. Masasabi ko na nakatulong rin ang pagbabasa upang lumawak talaga ang aking
perspektibo sa iba’t-ibang bagay at nakatulong ito sa pag-intindi at pag-unawa tungkol sa iba’t-
ibang tema at isyu. Ang pagbabasa rin ay nagsilbing aking libangan sa mga panahong wala akong
magawa o di kaya ang tamang salita ay “bored”. Ito rin ay nagbibigay ng motibasyon lalo na kapag
ako ay nagbabasa tungkol sa isang tao o karakter na nakalampas sa mga pagsubok para marating
ang gustong marating.
Ang pagbabasa ay isa sa mga kasanayan na siyang kailangan ng tao para mabuhay, tulad
ng isang pagkain ay hindi mabubuhay ang tao kung walang impormasyon. Mahalaga ang
pagbasa sa buhay nga bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa
pagtuklas ng karunungan, kung baga ito ang gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng
karunungan at kasiyahan.

You might also like