You are on page 1of 1

Lakbay Kaalaman sa Mind Museum

Isa na siguro sa pinakmasayang parte ng buhay ko ay ang paglalakbay sa mga iba’t ibang
lugar kagaya ng mga bakasuyanan, resorts, museo, tourist spots, beaches, at iba pa. Ang mga
lugar na napuntahan ko ay malapit sa akin puso dahil may iba’t ibang akong mga alaalang nabuo
sa mga lugar na ito. At noong Oktubre 2015, nakapunta ako sa isa sa mga kakaibang at
kamangha-manghang museo na napuntahan ko. Ang museo na ito ay ang Mind Museum.

Ang Mind Museum ay isang museo ng agham na matatagpuan sa Taguig City. Sa


pagpasok ko pa lang ng museo, namangha na agad ako dahil sa mga iba’t ibang interactive
eskibit na makikita sa loob ng museo. Ang mga eksibit na makikita mo rito ay kakaiba at
kamangha-mangha dahil sa iba’t ibang klase na mga materyal na ginamit sa panggawa nito at sa
mga iba’t ibang klase aktibidad na pwedeng gawin dito kagaya ng experiments, pagkilala sa mga
robot, at palaruan na tungkol sa agham. Nakakita rin ako ng mga eksibit na pwede makakuha ng
kaalaman tungkol sa iba’t ibang sangay ng . Mayroon din ako nakitang mga gallery kagaya ng
Atom Gallery, Life Gallery, Earth Gallery, Universe Gallery at Technology Gallery.

Ang pinakauna kong pinuntahan ay ang Atom Gallery. Sa gallery na ito, nakakita ako ng
mga iba’t ibang eksibit na tungkol sa mga molecules, atoms, electric forms, energy forms at
magnetic forms. Mayroon din dito na mga iba’t ibang aktibidad kagaya ng 3D interactive, Static
Ball, Newton’s Cradle at Shadow Box. Para sakin, isa ito sa pinakamakulay at pinaka-akit-akit na
gallery dahil sa mga makukulay na nga ilaw na ginamit sa loob ng gallery na ito. Ang ikalawa
kong pinuntahan ay ang Life Gallery. Sa gallery na ito, marami kang makikitang life size replica
ng mga hayop, tao at mga parte ng tao. Ang mga replica na ito ay kamangha-mangha dahil
detalyado ang mga ito at gayang-gaya ito sa totoong buhay. Mayroon din ditong mga interactive
na aktibidad kagaya ng mga digital human brain replica, multi media program at iba pa. Ang
ikatlong gallery na pintuan ko ay ang Earth Gallery. Sa gallery na ito, marami kang makikitang
eksibit tungkol sa prehistoric period, dinosaurs, bato at iba pa. Mayroon din ditong 3D animated
interactive tungkol sa kasaysayan ng mundo. Ang ika-apat kong pinatuhan ay ang Universe
Gallery. Dito sa gallery na ito, mayroong iba’t ibang mga eksibit tungkol sa mga iba’t ibang mga
planeta, mga bituin at mga galaxy. Makakakita ka rin dito ng planetarium, 3D replica ng Earth
at mga bituin. Ang huling gallery na pinuntahan ko ay ang Technology Gallery. Sa gallery na ito,
maraming kang makikitang robot at experiments gamit ang makabagong teknolohiya.

Hindi ko talagang makakalimutan ang mga karanasan ko sa Mind Museum dahil sobra
akong nag-enjoy at sobrang rami rin akong natutunan sa pagpunta ko sa Mind Museum. Kahit na
nakakapagod, sulit pa rin ang pagpunta ko rito dahil sobra akong nasiyahan sa mga nakita ko at
hindi ko lang bastang nakita ang mga eksibit, nahawakan at nasubukan ko pa ang mga ito. Kung
mapupuntahan niyo ang museo na ito ay sigurado akong masisiyahan kayo at marami pa kayong
matututunan.

You might also like