You are on page 1of 1

AWIT KAWAL Lyrics

Ako ay kawal ng ating bayan


Giting ay tinataglay
Sa oras na ako'y kinailangan
Nakahandang ihadlang ang buhay
Tapang namin ay napatunayan
Sa gubat at larangan
Luzon, Mindanao at Visayas man
Sa Bataan, Korea at Vietnam
Buong loob na lumulusob
Kalasag ng matatag na Republika
Punglo't pawis ay 'di alintana
Sa kasama ay laking tiwala
Tatag ng kawal ay lakas ng bansa
Kaya palaging maghanda
Sa katunggali'y makikibaka
'Pagkat mahal namin ang bandila
Buong loob na lumulusob
Kalasag ng matatag na Republika
Punglo't pawis ay 'di alintana
Sa kasama ay laking tiwala
Tatag ng kawal ay lakas ng bansa
Kaya palaging maghanda
Sa katunggali'y makikibaka
'Pagkat mahal namin ang bandila

You might also like