You are on page 1of 2

Ilang taon ko nang naiwala ang sarili.

Sinubukan ko hanapin sa bahay, eskwelahan, kalsada, sa labas,

pero hindi ko mahagilap. Tinangka ko magtanong kung nakita ba nila ang nawawalang ako, nagbakasali

na nakasalubong nila sa kusina, canteen, kanto, o diyan sa labas, pero sinagot nila ako ng pagtataka.

Naiwala ko ang sarili sa bulto-bultong pumaparoon at pumaparito. Ang batid ko lang, sa pinakahuling

natatandaan, nasa kwarto ako isang gabi, nakaupo sa sahig, hawak sa kaliwang kamay ang maliit na

salamin, kakikitaan ng kawalang pag-asa, may pagtatanong sa mga mata. Ang natatandaan bago

gumising kinaumagahan, nagtanong ako kung sino ako sa mundong halos lahat ay may pangalan. Halos

lahat ay may katawagan. Matapos iyon, matapos ang isang mahabang gabi nang pag-upo sa sahig at

pakikipagtitigan sa salamin, naiwala ko ang ako. Naiwala ko ang sarili sa pag-aasam na matagpuan ang

sarili.

Tumatakas pa rin ako hanggang ngayon. Madalas na humihingi ng lakas ng loob kung paano ko

kakayaning gawin ang pagtakas. Minsan, gusto kong magtanong kung paanong nagagawa ng iba

makipagsabayan sa bugso ng tao. Minsan naman, gusto ko silang kalabitin, alamin kung ano ang ginawa

para maigpawan ang bigat ng buhay. Madalas, kapag nakararamdam ako ng mabigat na emosyon,

natutulala ako. Naiiwan sa kung saan ang isip. Minsan, sasagi ito sa ilang alaala. Kung minsan pa nga,

tumatabay nang panandalian sa mga nakaraang nagawa o pinuntahan, magsisimulang mag-isip ng

maaaring kasagutan sa kung saan na ba ako pumaparoon.

Nakakatuwa lang dahil alam kung hindi ko matatakasan ang ngayon kahit pa tumakbo o magtago ako.

Kung meron mang maaring magawa ay iyong makabuo ako ng coping mechanism para maipagpatuloy

ko ang mabuhay. Masaya ako na ang tinutukoy ko roon ay ang pagkakaroon ng mga librong maaari kong

mabasa sa tuwing mas ginugusto ko ang pag-iisa. Kasama sila, alam kong hindi ako talaga nag-iisa. Pinili

ko man ang dumistansya sa tao, sa paningin ko, inilalapit ako ng mg librong binabasa sa kanila, sa
lipunan, upang mas makita ang malawak at totoong mundo na sinubukan nilang isilid sa ilang pahina.

Pinagagaan ng mga libro ang

Napapatanong ako parati. Minsan, hinahanap ko ang sagot sa mga librong binabasa ko. habang binbasa

ang libro ng tula ni Allan Popa, o ang mga Balager ni Emman, o kahit alin pang libro na paborito ko,

tinatanong ko ang sarili kung nasaan na ba ako. Parati kong ginugustong makabingwit ng sagot kung

pinili ko na ba talagang dumistansya sa tao. Dahil, napapansin at ginagawa ko ang mga ito.

Pinagsawaan ko na lang kase.

You might also like