You are on page 1of 2

Alpha Angelicum Academy Class No.

Golden Meadow Subd., San Antonio, Biñan City, Laguna

Ikalawang Mahabang Pagsusulit sa Filipino 5


Unang Markahan

Pangalan: _________________________ Iskor: ______/ 30


Baitang at Seksyon: _________________ Guro: G. Mark Lowie Artillagas

A. Kailanan ng Pangngalan. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan


ang 1 kung isahan ang kailanan ng pangngalang nakasalungguhit, 2 kung dalawahan at 3
kung maramihan. (10 puntos)

1 2 3 a. Pupunta ang magkapatid sa Alpha Angelicum Academy.


1 2 3 b. Dala ng magkakalaro ang kanilang bisikleta.
1 2 3 c. Kakausapin ni Gourav at Ethan si Bb. Magno.
1 2 3 d. Ang mga titser ng AAA ang tutulong sa palarong Pilipino.
1 2 3 e. Ang kambal na sina Gab at Zid ay pareho ang suot na damit.
1 2 3 f. Sina Heleina, Ashley at Kassy ay maglalaro ng badminton sa Rally Point.
1 2 3 g. Ang nanalo sa patimpalak sa pag-awit ay si Nicole.
1 2 3 h. Sina Jeimee at Princess ay naghihintay sa pagtigil ng ulan.
1 2 3 i. Handa na sa pag-awit ng OPM sina Axel, Alequine at Addy.
1 2 3 j. Ang magkaklase na sina Lauren at Kyla ay kakain sa 5 Star Hotel.

B. Panghalip Panao. Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Isulat sa patlang ang angkop
na panghalip na panao. (10 puntos)

ako namin tayo


nila kayo kami
sila siya kanila

Lani Mendrez ang pangalan ko. (1) ___________ ay nasa ikatlong baitang. Sina Marie at Dina
ang mga kaibigan ko. Sila ang aking mga kamag-aral. Tuwing tanghalian, pumupunta kami sa
kantina para kumain nang sabay-sabay.

Isang araw, habang kami ay naghahanap ng bakanteng mesa sa kantina, may isang babae at
isang lalaki na nag-alok ng kanilang mesa. Sabi (2) ___________ na may mga bakanteng
upuan pa sa mesa kung saan (3) ___________ nakaupo.
Naisipan namin na tanggapin ang kanilang imbitasyon. Nagpakilala sila sa amin. Nalaman (4)
___________ na ang mga pangalan nila ay Carmina at Carlo. Kambal pala sila.

“Ngayon ko lang (5) ___________ nakita. Bago ba kayo sa paaralang ito?” tanong ko sa kanila.
Sinagot (6) ___________ ni Carmina, “Oo, bagong lipat ang pamilya namin mula sa Bulacan.
Pareho kaming nasa klase ni Ginang Romero. Mabuting guro (7) ___________.”

Nakapagkwentuhan pa kami nang ilang minuto bago tumunog ang kampanilya. “Halina kayo!
Oras na para bumalik (8) ___________ sa mga silid-aralan natin,” sabi ni Carlo sa aming lahat.

“Sana makita namin kayo pagkatapos ng klase. Pwede ba (9) ___________ maglaro sa
palaruan mamaya?” tanong ni Carmina sa amin . “Siyempre naman!” sagot naming tatlo nang
sabay-sabay. Natawa (10) ___________ lahat.

C. Panghalip na Panaklaw. Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. BILUGAN ang


tamang panghalip na panaklaw sa bawat pangungusap. (5 puntos)

1. Pupunta ako (saanmang, magkanoman, kaninumang) lugar para makahanap ng trabaho.


2. Dapat maglinis ang (lahat, ilan, gaano) sa ating silid-aralan.
3. (Iba, Marami, Lahat) ang dumalo sa pagtitipon ngayon.
4. Aalis sila (paanoman, sinoman, gaanoman) kalakas ang ulan sa labas.
5. Sinusunod ni Agatha at Rose ang (sinumang, anumang, magkanuman) sinasabi ng kanilang
mga magulang.
D. Panghalip na Pananong. Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. BILUGAN ang
tamang panghalip na pananong sa bawat pangungusap. (5 puntos)

1. (Sinu-sino, Kani-kanino, Anu-ano) ang mga paborito mong pagkain?

2. (Bakit, Magkano, Sino) ang magbibigay ng bulaklak kay Bb. Cruz?

3. (Saan, Ano, Ilan) ang sanhi ng polusyon sa ating siyudad?

4. (Kanino, Saan, Ilan) binillin ni Bb. Rosa ang tungkol sa pagkain na ibibigay sa guwardya?

5. (Magkano, Paano, Alin) nakarating ang mga Kastila sa ating bansa?

---------- GOD BLESS! ----------


“Don’t compare yourself to others. There’s no comparison
between the sun and the moon. They shine when it’s their time.”

You might also like