You are on page 1of 2

SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL

SUMMATIVE TEST NO.2 SA FILIPINO 9


Unang Markahan

Pangalan: _________________________________________Seksyon: _______________ Iskor:


_________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong o pahayag. Isulat ang
letra ng tamang sagot bago ang bilang.
______1. Ito ay bahagi ng komunikasyon na higit na nagpapasining sa itinatalastas
sapagkat anyo ito ng di-tuwirang pamamahayag.
A. Ideolohiya B. Kuro-kuro C. Opinyon D. Pahiwatig
______ 2. Ito ay sariling paniniwala o palagay sa isang bagay o pangyayari.
A. Ideolohiya B. Kuro-kuro C. Opinyon D. Pahiwatig
______3. Ito ay uri ng nobela na nakasandig ang kuwento sa pag-unlad ng karakter.
A. Bildungsroman B. Genre C. Kummerspeck D. Weltschmerz
______4. Anong uri ng ideolohiya ang lumaganap sa Cambodia sa panahon ng Khmer
Rouge?
A. Egalitarian B. Humanismo C. Sosyalismo D. Totalitarian
______5. Sino ang pangunahing tauhan sa nobelang “Ang Paghuhukom”?
A. Ai Fak B. Mai Somsong C. Tid Song D. Tid Thieng
______6. Siya ang babaeng nagmahal kay Fak at ang madrasta nito.
A. Ai Fak B. Mai Somsong C. Tid Song D. Tid Thieng
______7. Ang nobela ay yugto-yugto, mahaba, at nahahati sa kabanata dahil _____________.
A. nakaaaliw sa bumabasa
B. kapupulutan ng magandang aral
C. namulat at nahubog ang karakter ng tauhan
D. naibabahagi nang maayos ang mga pangyayari
______8. Ang kulturang kinamulatan ay nais paslangin ng kasalukuyang naghaharing-uri.
Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan?
A. Palaganapin B. Palayain C. Patakbuhin D. Patayin
______9. Sanay huwag na muling dumating ang nakaririmarim na kaganapan. Ano ang
kahulugan ng salitang nasalungguhitan?
A. Nakakainis B. Nakakasawa C. Nakasusuklam D. Nakatutuwa
______10. Ayon sa nobelang “Ang Paghuhukom”, naging abala si Fak na alagaan ang
kaniyang sarili.
A. Ewan B. Mali C. Siguro D. Tama
______11. “Sa tingin ko hindi totoo ang mga katagang binitiwan ng manghuhula sa Quiapo
kahapon.” Aling salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng opinyon?
A. Sa tingin ko B. Hindi totoo C. Katagang binitiwan D. Ng manghuhula
______12. “Sa palagay ko ay hindi tamang isisi lahat sa gobyerno ang paghihirap ng mga
mamamayan nito.” Aling salita o mga salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng
opinyon?
A. Sa palagay ko C. Isisi sa gobyerno
B. Ay hindi tamang D. Asng paghihirap ng mamamayan
______13. “Sa paniniwala ko ay aayusin din ng pamahalaan ang digmaang sibil na
namamayani sa bansa sa lalong madaling panahon.” Aling salita o mga salita sa
pangungusap ang nagpapahayag ng opinyon?
A. Sa paniniwala ko C. Digmaan na namamayani
B. Aayusin din ng pamahalaan D. Sa lalong madaling panahon
______14. Anong uri ng tunggalian naman ang tauhan na nakikipagsapalaran sa isa pang
tauhan? Ito ay labanan ng klasikong bida laban sa isang kontrabida.
A. Tao laban sa kalikasan C. Tao laban sa tao
B. Tao laban sa lipunan D. Tao laban sa sarili
______15. Dalawang oras na kaming kalangkay ng madlang ito patungo sa kuwartel. Ano
ang nais ipahiwatig ng mga salitang nasalungguhitan?
A. kasapi ng grupo C. nakikiayon sa daloy
B. hiwalay sa pangkat D. natangay palayo sa agos
______16. “Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na kapag hindi siya nakainom agad ng
alak pagkagising niya, hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon.”
Suriin mula sa pahayag ang kalaban ng pangunahing tauhan?
A. Kalikasan B. Kapuwa C. Lipunan D. Sarili
______17. “Ang digmaan ay naipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon.”
Ano ang nais ipahiwatig ng mga salitang nasalungguhitan?
A. mabagal na proseso C. mapayapang paraan
B. mabilis na proseso D. marahas na paraan
______18. Ito ay isang uri ng tunggaliang ang kalaban ay ang pangunahing tauhan at ang
kaniyang sarili. Ang suliranin ay may kinalaman sa moralidad at paniniwala. Anong
klase ito ng tunggalian?
A. tao laban sa kalikasan C. tao laban sa tao
B. tao laban sa lipunan D. tao laban sa sarili
19. Bilang isang kabataan, magbigay ng isang gagawin mo upang maiwasan ang
pagkakaroon ng labanan/hidwaan sa komunidad na kinabibilangan mo.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
20. Kung ikaw si Fak, anong gagawin mo upang makawala sa bangungot na bumabalot sa
iyong pagkatao?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

You might also like