You are on page 1of 4

PHIL-IRI FILIPINO

BAITANG 12

The Starry Night: Isang Sulyap sa Buhay at Pakikipagsapalaran ni Vincent van Gogh

Isa si Vincent Willem van Gogh sa mga kilalang alagad ng sining sa buong mundo. Sumikat
ang kanyang mga obrang Starry Night at Sunflowers. Subalit, nakilala lamang siya pagkatapos
niyang pumanaw. Higit siyang nag-iwan ng marka sa loob ng ika-20 siglo nang makapagtala ng may
pinakamalaking nalikom na kita mula sa isinubastang gawa ni van Gogh at pagkatapos siyang
maitampok sa iba’t ibang programa.
Sa larangan ng sining, si Van Gogh ay bantog bilang isang post-Impressionist na pintor kung
saan ang kanyang mga likha ay hinangaan sa taglay nitong kagandahan, emosyon at kulay na higit
na naimpluwensiyahan ng ika-20 siglong sining. Nakibaka siya sa sakit sa pag-iisip at nanatiling
mahirap at hindi kilala sa tanang buhay niya.

Ang Post-Impressionism o Modernong Sining ay umusbong sa Pransiya sa pagitan ng mga


taong 1886 at 1905. Nabuo ang terminolohiyang ito ng isang Ingles na kritiko ng sining na si Roger
Fry. Ang mga likhang sining sa ilalim ng yugtong ito ay higit na nakatuon sa simbolikong nilalaman at
pormal na kaayusan at istruktura ng mga piyesa.

__________________________________________________________________

Isinilang si van Gogh noong Marso 30, 1853, sa Groot-Zundert, Netherlands. Ang kanyang amang si
Theodorus van Gogh ay nanilbihan bilang ministro ng kanilang lugar at ang kanyang inang si Anna
Cornelia Carbentus, ay nagpamalas din ng pagmamahal sa sining at naging paksa ng kanyang mga
likha ay pagmamahal sa kapaligiran. Ang kasanayan ng kanyang ina sa pagguhit at pagkulay gamit
ang watercolor ay naipamalas sa anak na si Van Gogh.

Sa edad na 15, dinanas ng kanyang pamilya ang krisis sa kanilang pamumuhay kaya napilitan
siyang huminto sa pag-aaral at naghanapbuhay. Sa edad na 16, namasukan siya bilang
pinakabatang ahente sa Goupil & Cie., isang kompanyang nagbebenta ng mga likhang-sining. Sa
mga panahong iyon, taglay ni van Gogh ang katatasan sa mga wikang Pranses, German at Ingles at
maging sa kanyang unang wika na Dutch.

Noong Hunyo 1873, inilipat siya sa Goupil Gallery sa London. Doon niya hinangaan ang
kulturang Ingles. Bumibisita siya sa mga galeriya ng sining sa tuwing wala siyang pasok sa trabaho at
naging tagahanga siya ng mga akda nina Charles Dickens at George Eliot.

Sa London unang naranasan ni van Gogh na umibig kay Eugenie Loyer, anak ng may-ari ng
bahay na kanyang inuupahan. Tinanggihan naman ng dalaga ang pagnanais ni van Gogh na
magpakasal sa kanya. At dahil dito, animo’y nagunaw ang mundo ng binata at labis na naapektuhan
ang kanyang mental na kalagayan. Itinapon niya ang kanyang mga aklat maliban lamang sa Bibliya
at doo’y nagsimulang ialay ang kanyang buhay sa Diyos. Naging magalitin siya sa kanyang mga
kasamahan sa trabaho at sinasabihan ang mga mamimiling huwag bilhin ang kanilang mga ibinibenta
na nang lumao’y naging dahilan upang siyang tanggalin sa trabaho.

Sinubukan ni van Gogh na magturo at maghanda upang maging isang ministro, subalit hindi
siya nagtumpay.

____________________________________________________________________________

Sa taglagas ng taong 1880, nagdesisyon si van Gogh na magtungo sa Brussels at maging


isang ganap na pintor. Bagamat walang pormal na pagsasanay sa pagpipinta, nakuha niya ang
suportang pinansiyal ng kanyang kapatid na si Theo.
Nagpursige siyang pag-aralan ang mga aklat katulad ng Travaux des champs ni Jean-
François Millet at Cours de dessin ni Charles Bargue. Nakatulong ang pagpipinta sa kanya upang
mapanatili ang kanyang emosyonal na katatagan. Taong 1885 nang likhain niya ang itinuturing na
kauna-unahan niyang obra, ang “Potato Eaters”.

Nang lumao’y nagpalit-lipat si van Gogh mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar at
nagbago-bago rin ang kanyang mga ninanais sa kanyang buhay.

Sa loob ng isang dekadang pagpipinta, naitalang nakatapos si Vincent Willem van Gogh ng
humigit sa 2,100 na mga likhang sining kabilang ang “The Starry Night” na nabuo niya sa kanyang
pananatili sa isang bahay-kanlungan sa Saint-Rémy, France taong 1889, isang taon bago siya
pumanaw.

Sa umaga ng Hulyo 27, 1890, nagtangka siyang wakasan ang kanyang sariling buhay. Marahil
ay labis siyang naguluhan sa kanyang magiging kinabukasan dahil ipinagtapat ng kanyang kapatid
na si Theo na kailangan nilang higpitan ang kanilang mga gastusin. Inisip ni van Gogh noon na hindi
na interesado ang kanyang kapatid sa pagbebenta ng kanyang mga likhang sining.

Naagapan pa ang kanyang kalagayan dahil nadala ito sa isang malapit na pagamutan. Ang
mga nalalabing oras ni van Gogh ay pinalipas niya sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid hanggang
sa hiniling niyang iuwi siya sa kanilang tahanan.

Hulyo 29, 1890 nang pumanaw si Vincent van Gogh sa kalinga ng kanyang kapatid na si
Theo. Pumanaw siya sa edad na 37. Naging maikli man ang kanyang buhay subalit habambuhay
namang mananatiling buhay ang kanyang mga obrang iniwan.

Hango sa https://www.biography.com/artist/vincent-van-gogh
Salin ni: Gng. Desiree E. Mesias
PANGALAN:
LEBEL AT SEKSYON:

MGA TANONG:
1.Maikli man ang naging buhay ni Van Gogh subalit habambuhay mananatiling buhay ang kanyang obrang iniwan.
Ano ang kahulugan ng salitang obra ?
a. Isang kaakit akit na bagay na gawa ng isang taong bukod tangi sa sining ,agham at panitikan.
b. Isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matatalinong pagkukuro.
c. Isang palakasan na binubuo ng isang pangkaraniwang pisikal na gawain o kasanayan.
d. Walang tamang sagot sa mga nabanggit.

2. Sa umaga ng Hulyo 27, 1890 muntik nang binawian ng buhay si van Gogh, dahil__________.
a. binaril niya ang kanyang sarili
b. nagkasakit nang malubha
c. nagkaroon ng aksidente
d. pinagtangkaan ang kanyang buhay ng matalik na kaibigan

3. Ano ang inilalarawan ng obrang “The Starry Night” ni Vincent van Gogh na naimpluwensiyahan ng mga katangian
ng Modernong Sining?
a. kasayahan at kalungkutan
b. kagandahan at emosyon
c. kabaitan at kasamaan
d. liwanag at dilim

4. Paano naipapamalas ang kasanayan ng ina ni van Gogh sa kanyang Likhang Sinng?
a. Pagkanta at Paguhit
b. Paguhit at Pagkulay
c. Pagpinta at Pagkulay
d. Pagkukulay ng Watercolor

5. Saan sa mga sumusunod na pahayag ang epekto ng kontemporaryong isyu na nakabatay o nakatuon sa TEMA ng
SINING ng mga “POST-IMPRESSIONIST”? (linawin pa ang tanong)
a. maging mulat sa mga bagay at kaganapan
b. makagawa ng matalinong pagpapasiya
c. maging produktibo
d. maging makabuluhan sa lipunan

6. Sa anong kadahilanan at patuloy pa ring hinahangaan at naging inspirason si van Gogh sa kabila ng lahat? (Higit
sigurong magiging maigi at obhektibo kung ituon ang tanong sining ni van Gogh. Maaaring sabihing, Bakit hinangaan
at naging inspirasyon ang sining ni van Gogh?) palitan na rin ang mga pagpipilian
a. sa kabila ng pagiging desperado sa pagiging hindi sigurado sa kanyang karera ay patuloy siyang nagpapakita ng
halimbawa sa kanyang sarili
b. Siya ay may determinadong pag-iisip upang malampasan ang anumang mga hadlang sa kanyang paraan.
c. nagpursige pa rin siya at laging nagsisikap tungo sa kanyang pangarap. Hindi naging dahilan ng pagkawala ng
determinasyon niya ang kaunting mga nagawa niya
d. lahat ng nabanggit
7. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makausap si van Gogh sa panahong ito, ano ang pinakamabisang payo ang
maibibigay mo sa kanya batay sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay?
A. Hayaan mo, ganyan talaga ang buhay!
B. Huwag mong intindihin ang mga kinakaharap mong suliranin.
C. Lilipas din ang lahat ng ito, magpakasaya ka.
D. Yakapin mo ang mga katotohanan ng buhay.

8. Ang masaganang pinaghalong imbensyon, pag-alaala, at obserbasyon na sinamahan ng paggamit ni Van Gogh ng
mga pinasimpleng anyo, makapal na impasto, at matapang na magkakaibang mga kulay na naging dahilan upang ang
akda ay lubhang nakakahimok sa mga susunod na henerasyon ng mga manonood gayundin sa iba pang mga pintor.
Ang pagbibigay-inspirasyon at paghikayat sa iba ay tiyak na hinahangad na makamit ni Van Gogh. Ano ang
makabuluhan sa kanyang pagpili ng kulay sa kanyang pagpipinta ng "Sunflowers", na ipininta noong 1888?
a. Ang malamig na turkesa sa background ay nagpapataas ng epekto ng mainit na dilaw na tono ng mga bulaklak.
b. Ang dilaw na kulay ang nagpapaliwanag sa kanyang pinta
c. Ang kulay na mainit ang ginamit niya upang mapansin ang kanyang pinta
d. Ang madilim na background ang nagpapalutang sa kanyang makulang na pinta.

You might also like