You are on page 1of 1

Make a research on individuals who excel in the field of mathematics, arts, music. etc.

Choose only ONE person (except for organic group) whom you admire most and write a
one-page paper showing his/her excellence in any field by answering the question
below:
1. Do you believe that his "brains" make him to the top? Why or Why not?

Si Vincent Van Gogh ay isang Dutch Post-Impresionist na pintor na naging isa sa


pinakasikat at maimpluwensyang pigura sa kasaysayan ng sining sa Kanluran. Sa loob
ng isang dekada, nakagawa siya ng humigit-kumulang 2,100 likhang sining, kabilang
ang humigit-kumulang 860 oil painting, na karamihan ay mula sa huling dalawang taon
ng kanyang buhay. Ang kaniyang galing sa pagpipinta ay dala ng kaniyang dedikasyon
at hilig ang pangunahing dahilan kung bakit siya nakilala. Dagdag pa rito ang kaniyang
talion na makabuo ng mga konsepto at tema para sa kaniyang mga gawa.
Masasabi kong hindi lamang ang utak ang siyang dahilan kung bakit siya
sumikat. Isa siya sa mga natalakay namin noon sa aming leksyon sa sining at hangang-
hanga ako sa mga naipinta niya. Hindi lamang utak ang kaniyang pinapagana kundi pati
ang kaniyang kakayahan at damdamin upang mapakita sa iba kung ano ang
mensaheng gusto niya ipabatid. Bilang isang estudyante, isa siya sa nagbigay aral sa
akin upang hindi lang ang utak ang gamitin sa lahat ng pagkakataon. Ang utak ang
nagdidikta sa kong ano ang dapat gawin ng katawan samantalang ang puso ang
nagbibigay damdamin upang pahalagahan ang kakayahan.

You might also like