You are on page 1of 3

Sabay kaming nagtawanan pagtalon namin sa pader.

"Saan tayo ngayon?" Inilibot ko ang paningin ko sa mga kakahuyan. Kapag dumaan kami dito ay diretso
naman 'to panigurado sa may ilog kung saan may malaking bahay ng taga-rito.

Isusumbong ako kapag nakita ako no'n na nagc-cutting class.

"Sa ilog tayo. Marami akong pagkain sa bag." Sinapak ko siya sabay tawa. Pinaghandaan niya talaga.

Tinulak-tulak niya ako ng mapansin niya na wala akong planong lumakad.

"Kapag ako nakaapak ng ahas sa pagmamadali mo..." Tinawanan lang ako ng loko. Hindi masukal ang
daan dahil maraming estudyante ang tumatakas sa klase lalo pa ang mga hindi taga Osmeña para
maligo.

"Sa tapang mo ahas na ang matatakot sa'yo." Humalakhak ako ng malakas sa sinabi niya. Parang
pinaparating niya na hindi ako nalalapitan ninuman.

Napawi ang ngiti ko at napahinto sa paghakbang ng napansin na may apat na taong maraming dalang
gamit ang papasok sa malaking bahay.

Tumulong din ang tricycle driver sa pagbubuhat ng mga gamit. Naningkit ang mata ko. Sino ang mga
taong 'to?

"Atlas, kilala mo sila?"nilingon ko siya na ngayon ay nakakunot ang noo. Huminga siya ng malalim bago
tumango.

"Bagong salta dito. Hindi ko alam saan galing." May kutob ako kung sino ang mga bagong dating.
Binalik ko ang aking tingin sa bahay. Hindi ko ipinahalatang nagulat ko ng tumingin sa direksyon namin
ang isa sa mga bagong dating. Tumalim ang tingin ko lalo pa at naglalaro sa labi niya ang nakakalokong
ngisi.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga bagong dating, lalo na sa nakangisi na ngayong lalaki. Tama
nga ang hinala ko kinagabihan ng magsimula na namang humagulgol si mama ng malakas.

"Bali-balita na papagawaan ng malaking gusali ang Osmeña. Ang lupain natin Manuel..." Napahilot ako
sa aking sentido. Walang magagawa ang pag-iyak. Laban ang kailangan, hindi luha. Kapag napasakamay
ng ibang tao ang mga lupain ng tagarito ay maari kaming mapalayas.

"Baka maari naman silang pakiusapan Hilda.." umiiling iling si mama habang nagpapahid ng kanyang
luha.

"Pinaghirapan natin ang lahat, tapos ngayon ay mawawala nalang sa atin." Kita ko kung paano naghirap
sila mama para makamit lang ang buhay na maayos ngunit ngayon ay unti-unti na ulit kaming bumabalik
sa dati.

"Mabait naman ang mga Sy, Hilda. Mapapakiusapan natin sila." Sy? Sila ang nautangan ni papa. Ngayon
ay nandito sila upang ariin ang lupa dahil wala kaming pera pambayad.

"Napapagbayad naman na tayo ah. Pero mas gusto nila ang lupain natin. Kulang nalang ng kalahating
milyon at mapapasaatin muli ang lupain." Paghihimutok ni mama.

"Wala tayong magagawa dahil nasa kanila ang papeles ng lupain natin." Handa naman na kami kung
sakaling mangyayari nga na mawala sa amin ang lupain ngunit ito na lamang ang tanging bumubuhay sa
amin at sa mga taga rito.

Hanggang dito ba naman sa probinsya ay nang-aangkin ang mga singkit. Sakim talaga! Mga singkit nga
naman. Lahi nga talaga nila ang mang-agaw at mang-angkin.
Ako ang gagawa ng paraan para hindi matuloy ang plano nila.

You might also like