You are on page 1of 7

Heograpiya

Pisikal na mapa ng Daigdig na nilalarawan ang mga


hangganan pampolitika noong 2016

Ang heograpiya (mula sa Griyego


γεωγραφία, geographia, literal na
kahulugan: "paglalarawan sa daigdig"[1]) ay
isang larangan ng agham na pinag-aaralan
ang mga lupain, katangian, naninirahan, at
hindi karaniwang bagay sa Daigdig.[2] Ang
unang tao na gumamit ng salitang Griyego
na γεωγραφία ay si Eratosthenes (276–
194 BC).[3] Sinasakop ng heograpiya ang
lahat ng disiplina na sinisikap na unawain
ang Daigdig at mga tao nito pati na rin ang
likas pagkakumplikado nito. Hindi lamang
ang mga bagay nito ang pinag-aaralan,
ngunit gayon din kung papaano ang mga
ito ay nagbago at lumitaw.
Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang
heograpiya sa dalawang sangay:
heograpiyang pantao at heograpiyang
pisikal.[4][5] May kinalaman ang
heograpiyang pantao sa pag-aaral ng tao
at ang kanilang mga pamayanan,
kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-
ugnayan nila sa kalikasan sa
pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang
kabuuang ugnayan sa nasasakupan at
lugar.[6] Samantalang ang heograpiyang
pisikal ay may kinalaman sa pag-aaral ng
proseso at disenyo sa kalikasan katulad
ng atmospera, hidrospera, biyospera, at
heospera.

Mga sanggunian
1. Harper, Douglas. "Online Etymology
Dictionary" . Etymonline.com (sa
Ingles). Online Etymology Dictionary.
Nakuha noong 10 Nobyembre 2016.
2. "Geography" . The American Heritage
Dictionary/ of the English Language,
Fourth Edition (sa Ingles). Houghton
Mifflin Company. Nakuha noong 9
Oktubre 2006.
3. Eratosthenes (2010-01-24).
Eratosthenes' Geography (sa Ingles).
Sinalin ni Roller, Duane W. Princeton
University Press (nailathala 24 Enero
2010). ISBN 9780691142678.
4. Pidwirny, Dr. Michael; Jones, Scott.
"CHAPTER 1: Introduction to Physical
Geography" . Physicalgeography.net
(sa Ingles). University of British
Columbia Okanagan. Nakuha noong
10 Nobyembre 2016.
5. Bonnett, Alastair (2008-01-16). What
is Geography? (sa Ingles). SAGE
Publications (nailathala 16 Enero
2008). ISBN 9781849206495.
Nakuha noong 10 Nobyembre 2016.
. Johnston, Ron (2000). "Human
Geography". In Johnston, Ron;
Gregory, Derek; Pratt, Geraldine; et al.
(mga pat.). The Dictionary of Human
Geography. Oxford: Blackwell.
pp. 353–360.

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Heograpiya&oldid=1722682"

Last edited 9 months ago by 49.144.74.79


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like