You are on page 1of 2

Unang Gawain

Pangalan: Aliza Je B. Terol Kurso at Taon: BSED Fil 2A

Panuto:
1. Pakinggan ang awiting "Tuldok" ng Bandang Asin, pagkatapos ay kopyahin
ang liriko nito at isaad dito.

Tuldok by Bandang Asin

Ang tuldok ay may salaysay


At may kahulugan
Na dapat mapansin
At maintindihan
Kahit sino ka man
Ay dapat malaman
Na dito sa mundo
Ikaw ay tuldok lang
Kahit na ang araw
Sa kalangitan
Siya ay tuldok lamang
Sa kalawakan
Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung masdang mabuti tuldok ang uuwian
Tingnan mong mabuti
Ang 'sang katauhan
Maraming nag-aaway tuldok lang ang dahilan
Sa aking nakita
Ako'y natawa lang
'Pagkat ang nangyayari'y
Malaking kahibangan
Kaya wala kang dapat na ipagmayabang
Na ikaw ay mautak
At maraming alam
Dahil kung susuriin
At ating iisipin
Katulad ng lahat
Ikaw ay tuldok rin
2. Batay sa pinakinggang awit, sa anong mga bagay/sitwasyon inihahalintulad
ang tuldok?

Batay sa aking pinakinggang awitin na Tuldok ng Bandang Asin ay ang lahat


ng bagay sa mundo ay mahahalintulad ko sa tuldok. Bakit? sa kadahilanang
lahat ng bagay sa mundo ay mula sa isang tuldok. Tuldok, dahil lahat ng bagay
ay may kanya kanyang bersyon na nakalaan na dapat nating bigyang pansin.
Ikaw, ako, tayong lahat ay mula sa Isang tuldok. Anuman ang narating natin sa
buhay, may titulo kaman, may kapangyarihan o nakakaangat sa buhay, alamin
mo na sa mundong ito at sa paningin ng Diyos lahat ng tao ay pantay- pantay,
at wala ka dapat na ipagyabang lalong lalo na sa Diyos. Palagi nating tatandaan
na tayo ay tuldok,, nagmula sa Isang tudlok , at matatapos din ito sa
pamamagitan ng tuldok.

3. Ano-ano ang mga aral na ibig ipaabot ng makata/manunulat sa kanyang awit?

Ang mga aral na na ibig ipaabot ng manunulat sa kanyang awit ay kahit


kailanman, tayong lahat ay pantay-pantay dahil lahat ng nakakamtan natin at
nararating sa buhay ay mula sa Poong Maykapal. Huwag tayong maging
hambog sa kung ano ang meron tayo dahil lahat ng ito ay hindi mo mararating
ng hindi dahil sa kanya, at sa paningin nya ay tayo ay patas, at walang may
nakakalamang. Palagi nating tatandaan na: Ang nagmamataas ay ibababa, at
ang” nagpapakumbaba ay itataas.”

4. Batay sa sinuring awit, paano mo ilarawan ang katangian ng manunulat bilang


isang makata?

Mailalarawan ko ang manunulat sa kantang Tudlok ng Bandang Asin na sila ay


may kahusayan sa pagsulat ng kanta dahil ginamitan nila ito ng mga salita na
kung saan ang bawat liriko ay ay ay natatagong kwento at aral na nais ipabatid
sa kung sino man ang makakarinig sa kantang ito. At ang kanta ay maaring mula
sa karanasan, dinanas o nasaksihan mismo ng manunulat.

You might also like