You are on page 1of 150

MGA TITIK UKOL SA PULITIKA

(Notes on Good Government)

ni

V.D.M. Socrates
Philippine Copyright, 2015

by

V. Dennis M. Socrates

No part of this book may be reproduced in any form


whether electronic or mechanical, including
photocopying, mimeographing, and storing in
electronic or digital media including cyberspace, or
in any other form, without the prior written
permission of the author, except brief quotations
compatible with fair use.

Any copy of this book not bearing the serial number


and signature of the writer on this page either
proceeds from an illegitimate source or is in
possession of one who has no authority to dispose
of the same, and may be confiscated by the proper
authorities for possible infringement of the law.

ALL RIGHTS RESERVED BY THE AUTHOR

Serial No.000001

V. DENNIS M. SOCRATES
PAUNANG SALITA

Ang maliit na aklat na ito ay naglalayong


makaambag sa pilosopikal na pagtanaw,
pagsuri, at pagtalakay sa “Pulitika”—ang sining
o agham ng pamamahala, the science of
government—sa wikang sarili, bagamat ang
tinutukoy ko talaga ay “Taglish” o Tagalog-
English (maaaring sabihing kasali ang Spanish).
Wala rin akong ibang higit na dahilan para dito
kundi ang makaambag sa pagpapalalim ng pag-
unawa at pagtaas ng antas ng talakayan sa
bahagi ng higit na nakararami, hindi lamang ng
sektor na marunong magbasa sa wikang Ingles.

Ang pamimilosopiya nga naman ay


“pagmumuni-muni sa puno at dulo ng mga
bagay-bagay,” the knowledge of things
according to their ultimate causes, at ito nga
ang bandila o banner ng aking blog (web-log)
—www.pahiwatigngpanahon.blogspot.com—
na unang pinag-limbagan ng dalawampu’t
walong maiikling sanaysay na nilalaman ng
akdang ito. Sana ay kapulutan ito ng kahit
kaunting yamang-diwa sa pambalanang
talakayan o discourse, at sa pagsulong na rin ng
sambayanan patungo sa kabutihang panlahat.
ii

Tungkol sa wika, nais kong pasalamatan


(kahit tila belatedly, sapagkat siya ay
sumakabilang-buhay na kamakailan lang) si
Don Manoling De Leon, isang napakabuting
tao at kaibigan, na siyang nagbigay ng lakas ng
loob sa aking sumulat sa Taglish. Isa sa
kanyang mga advocacy ang pagpalaganap at
pagpapalehitimo nito, para sa higit na mabuting
pagkakaunawaan nating mga Pilipino. Isa siya
sa mga nagsimula ng advertising industry sa
Pilipinas; ang kanyang talambuhay ay
maaaninag sa aklat niyang pinamagatang Pinoy
Pilgrim na nagbunsod din sa
mapagkawanggawang Pinoy Pilgrim Global
Foundation, Inc. (pinoypilgrim.org).

Nagpapasalamat din ako sa lahat ng


nakabahagi ng kanilang kaisipan; ganundin sa
mga nakatulong sa production ng audio-CD ng
Mga Titik Ukol sa Pulitika, at sa pag-imprenta
ng aklat na ito. Alam nila kung sino sila.
Ganunpaman, inaako ng may-akda, at ihinihingi
ko na rin ng paumanhin, ang anumang kamalian
o kakulangang mapapansin ng mapagmasid na
mambabasa.

V.D.M. Socrates

Ika-12 ng Disyembre 2015


Nilalaman

1. Government of Laws, Not of Men --------1


2. Justice -----------------------------------------6
3. Separation of Powers --------------------- 11
4. Separation of Powers (II) -------------- 16
5. Ang Mala-Pyudal na Balangkas ng
Pulitikang Trapo ---------------------- 21
6. Kickback, S.O.P., Komisyon,
Tongpats ------------------------------- 26
7. Due Process ------------------------------- 32
8. Batas at Moralidad ----------------------- 37
9. Paglagom sa Batas-Kalikasang
Moral ---------------------------------- 42
10. Ang mga Birtud --------------------------- 47
11. Pulitika at Pananampalataya ------------ 52
12. Political Decisions ------------------------ 57
13. Political Decisions (II) ----------------- 62
14. RH Law Revisited ------------------------ 67
15. RH Law Revisited (II) ------------------ 72
16. Kabanalan ng Buhay-Pamilya ---------- 77
17. Kabanalan ng Buhay-Pamilya (II) ------ 82
18. Karangalan ng Tao bilang Tao ---------- 87
19. Roe vs. Wade ------------------------------ 92
20. Pista at Palaro ----------------------------- 97
21. Palawan Progress ---------------------- 102
22. Paglilimos (Almsgiving) -------------- 107
23. Jurisdiction ----------------------------- 112
24. Pag-ibig sa Katotohanan, Pag-ibig
Sa Bayan -------------------------------117
25. Walang Personalan ---------------------- 122
26. Burukrasya at Propesyonalismo ------- 127
27. Sa Pagitan ng Pulitiko at ng
Burukrasya --------------------------- 132
28. Civil Society ----------------------------- 137

O.C.P.A.J.P.M.
1. GOVERNMENT OF LAWS, NOT OF MEN

Isang buwan na rin po ang lumipas mula


nang magsimulang manungkulan ang New
Management ng ating Pamahalaang
Panlalawigan. Marami agad ang
nangyari. ―Palawan is in business, Under New
Management‖: ito ang bukambibig ng Palaweño
ngayon sa pamumuno ng minamahal nating
Governor Jose Chaves Alvarez. At habang
pumapalaot tayo ng pagkilos tungo sa
kaunlaran, mabuti ring linawin ang ating
konsepto ng pamamahala; o sa ibang salita, ang
ating pilosopiya sa pulitika. Payagan sana
ninyong gamitin ko ang bahaging ito ng
Huntahang Palawan upang magbahagi ng
pagmumuni-muni tungkol sa pilosopiya ng
pamamahala, at tawaging ―Mga Titik Ukol sa
Pulitika‖ ang pitak na ito.

Ang ―pulitika‖ ay mula sa


katagang polis, wikang Griyego, na ang ibig
2

sabihin ay lungsod o pamayanan; sa madaling


salita, lipunan. Sa kasalukuyang paggamit, ang
ibig sabihin ng pulitika ay agham (o sining) ng
pamamahala sa lipunan. Ngunit bakit nga ba
kailangan ng pamahalaan o political
authority sa lipunan?

Ang buod ng lipunan ay ang pagkakaisa


ng malayang pagpili ng mga
mamamayan. Hindi tayo naging isang
sambayanan dahil sa aksidente ng ating
pagkakapanganak sa isang lugar; hindi rin ito
nakabatay sa dugo o lahi ng mga
magulang. Maaari tayong lumipat ng tahanan;
at karamihan ng tao, halo-halo na ang lahi at
kultura. Sa kahulihulihang pagsusuri, ang
batayan ng pagiging mamamayan ay ang
malayang pagpili ng taong maging bahagi siya
ng sambayanang iyon. Kaya nga masasabing
ang direktang sanhi ng pag-iral ng isang
sambayanan ay ―pag-ibig‖; sapagkat ang
pinakapayak na kahulugan ng pag-ibig ay
―pagpili sa mabuti‖; at sa konteksto ng lipunan,
ang tawag sa pag-ibig na ito
ay solidarity. Pamahalaan o political authority
ang pagsasakongkreto sa pagkakaisang ito ng
kalayaan ng maraming taong bumubuo ng
sambayanan. Kung walang isang namamahala,
kung walang isang pasya at isang tinig at
pagkilos ng pamahalaan, mahirap isipin kung
3

paano magiging totoo ang pagkakaisa ng


maraming mamamayan.

Ang huling pinatutunguhan ng


sambayanan ay ang kabutihang
panlahat, common good, ―ang kalipunan ng mga
kalalagayang panlipunang nagbibigay-daan
upang maabot ng bawat tao ang kanyang
kagananapan‖ (Gaudium et Spes, No. 26). At
bagamat ito rin ang huling pinatutunguhan ng
Pamahalaan, dapat pa ring sabihing ang unang
layunin ng pamahalaan ay pairalin ang
Katarungan sa sambayanan, sapagkat
katarungan—pagbibigay ng nararapat sa lahat—
ang pinakapayak na antas ng ―pag-ibig‖ na
nagbubuklod sa mga mamamayan at
nagpapanatili sa pag-iral ng sambayanan bilang
isang sambayanan.

Bagamat hindi maaaring pilitin o tiyakin


ang pamamayani ng pag-ibig, sapagkat likas sa
pag-ibig ang dalisay na kalayaaan ng pagpili;
ang katarungan—ang pinakapayak na antas ng
pag-ibig sa lipunan—ay maaaring ipatupad ng
sapilitan. At kailangan ng ganitong
mekanismo—ng isang Pamahalaang may
pangunahing layuning pairalin ang
katarungan—sapagkat kapag tuluyang nawala
pati ang pinakapayak na antas ng pag-ibig sa
lipunan ay wala na ring matatawag na
sambayanan.
4

Sabi nga ni San Agustin, ―Ang lipunang


walang katarungan ay hindi sambayanan kundi
kawan lamang ng mga magnanakaw‖ (De
Civitate Dei, IV, 4; quoted in Benedict XVI,
Encyclical Letter Deus Caritas Est [DCE], No.
28).

Mahalagang maunawaang katarungan


ang pangunahing layunin ng Pamahalaan
sapagkat nalilinaw din nito na ang pagkilos ng
pamahalaan ay sa pamamagitan ng sistema ng
batas, hindi ayon sa kapritso o kursunada
lamang ng mga taong nanunungkulan o
namumuno sa pamahalaan. Kaya nga isa sa
pinakamadalas na magamit na paglalarawan sa
Pamahalaan ang kasabihang ―government of
laws, not men‖. Ito ay hango mula sa
Konstitusyon ng Estado ng Massachusetts ng
taong 1780.

Sa kanyang pagkilos bilang sistema ng


batas, ang Pamahalaan ay may tatlong
pinakapunong gawain: una, paglikha ng mga
kautusan (legislative); ikalawa, pagpapatupad sa
mga kautusan (executive); at ikatlo, paghukom
sa mga kaso ng hindi pagkakasundo (judicial).

Lahat tayo, may tungkuling unawain ang


sistema ng batas, kahit dahil man lamang sa ito
ang tamang pagkilos ng pamahalaan, at kahit
5

man lamang sa pagbasa sa ating Saligang Batas


(1987 Constitution), ang batayan ng lahat ng iba
pang batas sa ating sistema. Sa puntong ito,
mabuti na ring sabihing ang nilalaman ng ating
Saligang Batas—at ang pag-aaral na rin tungkol
dito—ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi:
una, ang istruktura ng pamahalaan; at ikalawa,
ang mga pundamental na karapatan ng bawat
mamamayan o Bill of Rights.

Kapag pinag-usapan ang istruktura ng


ating pamahalaan, ang pinakamahalagang
prinsipyo ay ―separation of powers‖: ang
pagkakahiwalay sa tatlong gawain ng
pamahalaan at pagkakalagak ng mga ito sa
tatlong magkakahiwalay na sangay: legislative,
executive, at judiciary. Kapag pinag-usapan
naman ang pundamental na mga karapatan ng
mga mamamayan, bilang limitasyon sa mga
kapangyarihan ng pamahalaan, pinakamahalaga
ang prinsipyo ng ―due process‖.

(14.VIII.2013)
6

2. JUSTICE

Noong nakaraan, nasabi nating Justice—


Katarungan—ang pinaka-unang layunin ng
Pamahalaan, sapagkat dito nakasalalay ang
patuloy na pag-iral ng sambayanan bilang
sambayanan. Nasabi rin nating ang pagkilos ng
Pamahalaan ay sa pamamagitan ng sistema ng
batas (legal system), na kung pag-aaralan sa
Saligang Batas ay mahahati sa dalawang
bahagi: una, ang istruktura ng pamahalaan, at
ang pinakamahalagang prinsipyo dito ay ang
―separation of powers‖; at, ikalawa, ang mga
pundamental na karapatan ng bawat
mamamayan, ―Bill of Rights‖, bilang mga
limitasyon sa kapangyarihan ng pamahalaan, at
ang pinakamahalagang konsepto rito ay ―due
process‖. Ngunit bago tayo pumalaot pa,
balikan muna natin ang konsepto ng
Katarungan.
7

Bilang isang ―halaga‖—value, sa wikang


Ingles—ang Katarungan ay pagbibigay ng
nararapat sa bawat isa at sa lahat; sa Ingles,
―giving everyone his due‖. Sa pakahulugang
ito, mahihinuha na ring ―Kaayusan‖ ang
pinakapundamental na prinsipyo ng
Katarungan. Kung ano nga ba ang nararapat sa
bawat isa, ang wastong pagkakahanay, wastong
pagbabahagi, wastong pagkakasunud-sunod: ito
ang saklaw ng prinsipyo ng Kaayusan o ―right
order‖.

Ito ang Kaayusan: may wastong


kalalagyan ang lahat, at ang lahat ay nasa dapat
kalagyan; may tamang panahon para sa lahat, at
lahat ay nasa tamang panahon. Sa wikang
Ingles, ―a place for everything and everything
in its place; a time for everything and
everything on time‖.

Sa karanasan natin sa pang-araw-araw na


pamumuhay, malinaw din namang hindi pare-
pareho ang nararapat sa lahat, kahit sa isang
kategoriya tulad ng ―paglilingkod‖ sa
Pamahalaan. Hindi pareho ang tungkulin ng
Governor at ng Congressman, bagamat sila ay
parehong lingkod ng bayan. Magkaiba rin ang
mga suliraning idinudulog sa Department of
Social Welfare and Development kung
ihahambing sa mga pangangailangang maaaring
idulog sa Department of Public Works and
8

Highways. Magkaiba ang nararapat na paraan


ng paglilingkod. At madalas, ang nagiging
sanhi ng pagkakakait ng katarungan ay
pagkakamali sa pag-unawa at pagpasya ng kung
ano ang nararapat.

Hindi talaga simple ang paksa ng


Katarungan. Maaari pa ngang hati-hatiin ang
usapin sa uri ng Katarungan, sapagkat may uri
ng Katarungang tinatawag na ―distributive
justice‖, ito ang sumasaklaw sa tungkulin ng
Pamahalaan tungo sa bawat isang mamamayan;
mayroon ding tinatawag na ―commutative
justice‖, o Katarungan mula sa mamamayan
tungo sa kapwa mamamayan; at mayroon ding
tinatawag na ―legal justice‖, Katarungan mula
sa isang mamamayan tungo sa Pamahalaan o sa
estado. Mayroon pang tinatawag na ―social
justice‖.

Noong panahon ni Santo Tomas Aquino,


ang pinakadakilang pilosopo sa kasaysayan ng
sibilisasyon, ang kahulugan ng social justice ay
literal na Katarungang Panlipunan, Katarungan
sa pangkalahatang kahulugan. Sa pagdaan ng
panahon, lalo na sa pagdating ng nakaraang
dantaon, nagkaroon ng bagong paggamit sa
social justice: bilang pagbibigay ng natatanging
dagdag na pabor o pagkiling sa mga
maralita. Ang terminong ginagamit para rito sa
doktrina ng Simbahang Katolika ay ―love of
9

preference for the poor‖. Ito rin ang ibig


sabihin ng kasabihang pinagpapalagay na mula
kay Pangulong Ramon Magsaysay: ―He who
has less in life should have more in law‖.

Bakit katarungan din ang tawag sa


pagbigay ng higit na pagtingin sa mga
maralita? Katarungan din ito sapagkat
ipinagpapalagay na ang hindi pagkakapantay ng
mayaman at maralita ay malamang na, sa
karamihang pagkakataon, nakaugat sa hindi-
makatarungang kalalagayan sa nakalipas—
halimbawa ang pagiging literal na alipin ng mga
aprikano sa Estados Unidos sa matagal na
panahon, na natigil lamang sa Digmaang Sibil
sa panunungkulan ni President Abraham
Lincoln.

Social justice ang batayan ng lahat ng


pagpupunyagi ng pamahalaan tungo sa pag-
angat ng antas ng buhay ng mga maralita. Kung
hindi nga naman matatawag na bahagi ng
Katarungan, hindi papasok sa tungkulin ng
pamahalaan, magiging kawanggawa, ―works of
charity‖, at hayaan na lamang ang Simbahan at
mga pribadong pilantropong magbigay ng
tulong sa mga maralita. Hindi nga naman
talaga masasabing tungkulin ng pamahalaan ang
pagkakawanggawa, sapagkat ang kaban ng
bayan ay buwis ng mga mamamayang
inaasahang maibalik sa kanila sa anyo ng mga
10

programa at proyektong kapakipakinabang para


sa lahat. Ngunit bilang bahagi ng Katarungang
Panlipunan, may tungkulin ang pamahalaang
magbigay ng natatanging pagtingin sa mga
maralita.

Katarungan ang pangunahing halagang


dapat paglingkuran ng pamahalaan; ngunit hindi
pa rin dapat kaligtaang ito ay dahil lamang
Katarungan ang pinakamababang antas ng Pag-
ibig; at bagamat hindi maaaring mapairal nang
sapilitan ang Pag-ibig, maaring ipatupad nang
sapilitan ang Katarungan. Ngunit Pag-ibig pa
rin ang kaganapan ng Katarungan; Pag-ibig din
ang, sa huling pagsusuri, dapat na nagbubuklod
sa sambayanan.

(21.VIII.2013)
11

3. SEPARATION OF POWERS

Balikan naman natin ngayon ang usapin


ng separation of powers, ang
pinakamahalagang prinsipyong may kinalaman
sa istruktura ng ating pamahalaan. Ang sinasabi
ng prinsipyong ito ay magkahiwalay na
nakatalaga sa tatlong sanga ng pamahalaan ang
tatlong punong-gawain ng pamamahala: ang
paglikha ng mga batas, sa lehislatura; ang
pagpapatupad ng mga ito, sa ehekutibo; at ang
paglilinaw sa tinutukoy ng batas sa mga
pagkakataong may hindi pagkakasundo, sa
hudikatura. Ibig sabihin, ipinagbabawal ng
Saligang Batas na manghimasok ang bawat
sanga sa gawain ng isa‘t isa; at kapag
nagkaroon ng ganoong panghihimasok—
encroachment—ang akto ng panghihimasok ay
maaaring ituring na walang bisa sapagkat labag
sa Saligang Batas.
12

Ang pagkakahiwalay ng gawain ng


tatlong sanga ng pamahalaan—executive,
legislative, at judicial—ay isang mekanismo
upang tiyaking hindi maabuso ang
kapangyarihan: bawat sanga ay nagsisilbi ring
bantay at pampigil—check and balance—sa
maaaring pagmamalabis ng kapangyarihan ng
isa‘t isa.

Ang paglabag sa prinsipyo ng separation


of powers ay maaaring pagmulan ng hindi
makatarungang kalalagayan. Isa na rito ang
pagkakawaldas ng bilyon-bilyong piso sa
umiiral na sistema ng ―pork barrel‖ ng
konggreso.

Ang pork barrel ay panlalait na tawag sa


perang nakalaan sa taunang budget ng
pamahalaang nasyonal para sa bawat miyembro
ng konggreso. Ang pormal na tawag dito ay
―Priority Development Assistance Fund‖ o
PDAF.

Sa loob ng lumipas na ilang taon, ang


PDAF ng bawat congressman ay 70 million
pesos. Hindi naman ito dumaraan sa kamay ng
congressman; ang kanyang karapatan lamang ay
sumulat sa Department of Budget Management
para sabihin kung anong mga programa o
proyekto ang nais niyang paglaanan ng mga
perang ito, at kung aling mga ahensya ng
13

burukrasya ang nais niyang magpatupad ng mga


proyektong iyon.

Sa isang banda, maaari ngang sabihing


nasa ayos lamang ito, sapagkat hindi naman
congressman ang nagpapatupad ng proyekto
kundi mga ahensya ng executive branch gaya
halimbawa ng DPWH, DSWD, Department of
Health, Department of Agriculture, o iba
pa. Ngunit sa kabilang banda, bakit pa
ipauubaya sa congressman ang pagpili ng
programa o proyektong popondohan kung wala
rin lang siyang legal na karapatang mag-utos sa
mga ahensyang magpapatupad ng mga
proyektong iyon? At kung tutuusin, sa pagpili
lamang ng proyektong popondohan, malabo na
kaagad na asahang magiging tama o
pinakamabuti ang pagpili ng proyekto sa bahagi
ng congressman, sapagkat wala naman siyang
mga tauhan o sariling burukrasyang masasabing
dalubhasa o eksperto, nagsaliksik, nagplano, at
may kasanayan sa mga bagay na iyon. At kung
lahat ng ito ay iaasa o ibabalik din lamang sa
mga ahensya ng executive branch, bakit pa
congressman ang bibigyan ng karapatang
pumili ng proyektong paglalaanan ng pondo?

Higit na marapat yata na iwanan na


lamang sa ahensya ng executive branch ang
pagpili ng proyektong dapat
pondohan. Department of Education din naman
14

ang higit na nakakaalam ng pangangailangan ng


mga public schools. Department of Agriculture
din naman ang dapat na nakakaalam kung ano
ang mga abonong kailangan ng mga magsasaka
sa isang distrito o lalawigan.

Bakit kailangang magdaan kay


congressman ang pagpapatayo ng dagdag
na classroom o pagbili ng mga aklat-aralin
o textbooks o abono sa mga pananim? Hindi rin
nga maaaring sisihin ang congressman kung
sub-standard ang naitayong classroom o kulang
ang dumating na mga aklat sapagkat wala
naman siyang control o administrative
supervision man lamang sa mga ahensya ng
executive branch.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit


may iskandalong katulad ng nasasangkutan ng
isang Janet Lim Napoles na pinaparatangang
naging facilitator sa pagkakawaldas sa sampung
bilyong pisong pork barrel ng ilang
congressman at senador sa mga proyektong
hindi nagawa.

Ang isa pang ma-anomalyang aspeto ng


pork barrel ay ang pagiging mistulang suhol
mula sa ehekutibo, hindi lamang para ipasa ng
konggreso ang taunang budget ng pamahalaan,
kundi upang hindi kumontra sa lahat ng nais na
maipasa ng ehekutibo, sapagkat ang mismong
15

pagpalabas ng pera o release ng pork barrel ay


nakasalalay din sa Department of Budget and
Management. Wala ring magagawa ang
congressman kung hindi maglabas ng ―release
order‖ ang DBM upang maitaya na ang pondo
sa pagbili o pagpapakontratang dapat gawin.

Sa kasaysayan, marami nang nangyaring


pag-ipit sa pork barrel ng oposisyonistang
congressman. At kahit hindi sabihin, ang
mismong posibilidad na mangyaring ipitin ang
kanyang pork barrel ay sapat na upang
magdalawang-isip ang isang congressman bago
kumontra sa anumang panukala ng Malacañang.

(28.VIII.2013)
16

4. SEPARATION OF POWERS (II)

Noong nakaraan, napagusapan natin ang


prinsipyo ng separation of powers sa konteksto
ng pork barrel scam na sinasabing
pinasimunuan ng isang Janet Lim-
Napoles. Marahil ay mabuti ring paglaanan pa
ng pansin ang paksang ito mula sa anggulo ng
totoong tungkulin ng isang congressman.

Ano nga ba ang talagang trabaho ng


isang congressman?

Unang-una, bilang miyembro ng


konggreso, natural na ang tungkulin ng isang
congressman ay dumalo sa mga pagpupulong
ng mga komiteng kanyang kinabibilangan, at sa
mga sesyon ng plenaryo o pangkalahatang
kapulungan. Ibig sabihin, makilahok sa
talakayan, magbahagi ng kanyang matalinong
kuro-kuro at kaalaman, at tumulong sa mahusay
na pagbabalangkas ng mga panukalang-batas.
17

Wala namang sinasabing iba pang


tungkulin ng congressman ang Saligang Batas
kaya naman marapat nga lamang na ang staff o
mga katulong ng isang congressman ay aanim
na tao lamang (isang office manager o chief of
staff, at mga matatawag na personal
assistants tulad ng secretary, receptionist,
researcher, utility aide, at driver).

Para sa bawat congressman, ito lamang


ang mga kasamang sinusuwelduhan ng
konggreso; at ang opisina ng congressman ay
masasabing kuwartito lamang sa gusali ng
Batasang Pambansa. Tama lamang ito,
sapagkat wala namang dapat na tungkulin ang
congressman maliban sa kanyang pakikilahok
sa mga pagpupulong ng konggreso.

Ang konggreso ay isang parliamentary


assembly, sa malawak na kahulugan nito, ibig
sabihin, pagtitipong may nagaganap na usapan
o salitaan, mula sa katagang parler, wikang
Pranses, na ang ibig sabihin ay ―salita‖. Kaya
nga tama lang ang kantiyaw sa mga
miyembrong walang sinasabi, na sila raw ay
miyembro ng Committee on Silence. Ang
totoong tungkulin ng congressman o kagawad
ng lokal na sanggunian ay magsalita sa
kapulungan; hindi naman araw-araw, ngunit
hindi dapat mawalan ng naibahaging
18

nakapagpayaman sa talakayan sa higit na


maraming pagkakataon o sa kalakihang bahagi
ng panunungkulan.

Kaugnay nito, isa sa mga dapat


pagtakhang penomenon sa ating pulitika ang
sigaw-pangkampanyang ―Gawa, hindi
salita‖. Kahit hindi sa kandidatura para
congressman, mahalaga ang ―salita‖: nauuna sa
gawa, sapagkat pagsasa-wika ang natatanging
paraan natin bilang mga tao upang linawin at
ibahagi ang nilalaman ng ―isip‖. Kung may
nasabi, may inisip. Ang ―gawa‖ na hindi
sumunod sa ―salita‖ ay malamang na hindi
pinag-isipan; o kaya, kung walang salita,
walang aasahang mabuting gawa.

Ngunit ito ay indikasyon lamang o


sintomas ng maling pag-aakalang pareho
lamang ang tungkulin ng isang congressman at
ng isang punong ehekutibo tulad ng gobernador
o mayor. Mali ang pag-aakalang ito sapagkat,
bilang punong ehekutibo, ang isang gobernador
o mayor ay talagang itinalaga ng batas na
magsa-gawa, magpatupad ng mga programa at
proyekto, kaya rin naman siya ang may kontrol
sa burukrasya, sa maraming departamento at
kawani ng pamahalaang lokal. Siya ang may
legal na karapatang mag-utos, magtalaga at
magtanggal ng kawani.
19

Ang nagtatalaga at ang may


kapangyarihang magtanggal sa Provincial
Health Officer ay ang Provincial
Governor. Ang nagtatalaga at ang may
kapangyarihang magtanggal sa Municipal
Engineer ay ang Municipal Mayor.

Walang ganitong kontrol sa burukrasya


ang isang congressman. Hindi siya ang
nagtatalaga, wala rin siyang kapangyarihang
magtanggal, sa District Engineer ng DPWH o
Division Superintendent ng DepEd sa kanyang
distrito, kahit na ito ay mga ahensya ng
pamahalaang nasyonal. Kalihim ng DPWH ang
boss ng District Engineer; Kalihim ng DepEd
ang boss ng Division Superintendent of
Schools; hindi si congressman.

Kahit na sabihing si congressman ang


naglaan ng pondo mula sa kanyang pork barrel
upang kongkretuhin ang isang daan, wala pa rin
siyang karapatang bantayan, sitahin o turuan
ang District Engineer sa pagsasagawa nito; at
kapag ginawa iyon ni congressman, maaari
siyang ireklamo ng District Engineer.

Mali pa rin ang ganitong panghihimasok


ng congressman kahit na sabihing
may oversight powers ang konggreso, sapagkat
ang kapangyarihang ―magbantay‖ na ito ng
konggreso ay isang kolektibong kapangyarihan,
20

hindi maaaring angkinin ng indibidwal na


congressman; dapat idaan sa pamamagitan ng
legislative inquiry o pagsisiyasat ng kapulungan
bilang kapulungan.

Mula sa praktikal na pagsuri, tama


lamang na walang karapatang manghimasok
ang congressman sa gawain ng District
Engineer sapagkat hindi naman masasabing mas
marunong si congressman sa pag-kongkreto ng
mga daan.

Kahit pa magkataong inhinyero rin si


congressman, mawawalan siya ng panahong
gampanan ang totoo niyang tungkulin sa
konggreso kung aagawan niya ng tungkulin si
District Engineer.

Kaugnay ng lahat ng ito, masasabi ring


mali nga talaga ang pag-angkin ng mga
proyekto ng congressman. Hindi naman niya
talaga pera ang ginugol, at lalong malabong
isiping siya ang ―gumawa‖ o ―nagpatupad‖ ng
mga ito.

(4.IX.2013)
21

5. ANG MALA-PYUDAL NA BALANGKAS


NG PULITIKANG TRAPO

―Kung walang kurap, walang


mahirap‖. Hindi naman ito totoo sa literal na
pakahulugan, ngunit isang malakas, tumatalab
na pagpapaliwanag sa karalitaan ng maraming
Pilipino, sapagkat lubos na pina-simple. Ang
totoong mensahe: corruption o ang kultura ng
katiwalian sa pamahalaan ang isa sa
pinakamalaking sanhi ng karalitaan ng ating
bansa. Ngunit may mas malalim pang masasabi
kaugnay nito: Ang pinag-uugatang sanhi ng
kultura ng katiwalian sa pamahalaan ay ang
mala-pyudal na balangkas ng pulitikang
trapo, the feudal paradigm of traditional
politics.

Mala-pyudal ang balangkas ng pulitikang


trapo dahil umiinog ito sa ugnayan ng pulitiko,
sa isang panig, bilang mistulang panginoong
nagmamay-ari ng lupa, landlord; at, sa kabilang
22

panig, ng kanyang mga tagasunod na


manghahalal, bilang mga kasamá, serfs sa
wikang Ingles. Sa ugnayang ito, nalalagay sa
kamay ng pyudal na panginoong pulitiko ang
pagbibigay-lunas sa lahat ng personal na
pangangailangan ng kanyang mga tagasunod,
kapalit naman ang bulag at habambuhay na
pagtalima, at palagiang pagtaguyod sa
kandidatura ng pulitiko o ng kanyang angkan
tuwing halalan, nang walang pakundangan sa
anumang moral o legal na sukatan.

Ito nga ay maihahalintulad sa


pyudalismo, isang sistema ng ekonomiya o ng
paglikha at pagbabaha-bahagi ng kayamanan sa
lipunan, na bagamat hindi naman masama kung
susuriin sa kanyang sariling katalagahan, ay
hindi na angkop sa pangkalahatang realidad ng
modernong sibilisasyon; kaya nga patay na ang
pyudalismo bilang isang sistema ng
ekonomiya. Dumami na ang tao, at lumiit na
ang mga lupaing pansakahang maaaring
angkinin ng iisang tao; tumaas na rin ang antas
ng kamalayan ng marami, lalo na tungkol sa
likas na karangalan at mga karapatan ng tao
bilang tao.

Bilang sistema ng ekonomiya, ang


pyudalismo ay isa nang anakronismo,
pinaglipasan na ng panahon. Kasawiang palad
nating magpahanggang ngayon, ang pyudal na
23

balangkas ang siya pa ring namamayani sa


konsepto ng pamahalaan at pamumuno, sa
kaisipan ng marami nating mga manghahalal at
mga pulitiko, sa ating tradisyunal na pulitika, sa
pulitika ng trapo.

Isa sa mga maaaring itawag sa mala-


pyudal na balangkas na ito ang ―paternalismo‖,
sapagkat inihahambing sa isang ama ng
pamilya—pater sa wikang Latin—ang
pulitikong pinuno. May pagkakatulad at
kaugnayan din ito sa katagang patronage sa
wikang Ingles, na nagpapahiwatig na
namimigay ng kung anu-anong mga biyaya ang
pulitiko; ibig sabihin, maaari siyang takbuhan o
hanapan ng tulong sa panahon ng personal na
kagipitan ng mamamayan.

Sa ganitong kalakaran, natatabunan ang


prinsipyo ng kabutihang panlahat. Personal o
pribadong kabutihan ng indibidwal na
mamamayan ang nagiging batayan niya sa
pagpili ng kandidatong ihahalal at ito na rin ang
nagiging sukatan ng mabuting
pamahalaan. Mali ito, sapagkat ang dapat na
nilalayon ng buhay-lipunan at ng pamahalaan
ay ang kabutihang panlahat—common good—at
hindi pribadong interes. Kung tutuusin nga, ito
ang buod ng katiwalian sa pamahalaan: ang
paggamit ng yamang pampubliko para sa
kabutihang pribado.
24

Sa ganitong kalakaran, patronage


politics, talagang kakailanganin ng isang
pulitiko ang limpak-limpak na salapi para
mahalal at manatili sa panunungkulan, salaping
hindi niya makakalap sa matuwid na paraan
kundi sa pamamagitan lamang ng kung anu-
anong raket. Kailangang maging isang
gambling lord, druglord, o lapastanganin ang
kaban ng bayan, gaya ng nangyayari sa pork
barrel ng maraming congressman at senador.

Ito rin ang dahilan kung bakit, sa matagal


na panahon, tila hindi matanggap ng maraming
mambabatas na hindi tama ang sistema ng pork
barrel (sa anumang tawag dito). Mabuti na lang
at sumabog din sa katagalan ang sistema
sapagkat nabulgar na nagagawa palang doktorin
ang mga dokumento upang kuwartahin o
gawing pera ang mga proyekto at ipasok sa
bulsa ng iilang taong kasama sa sindikato.

Bukod dito, isa pang sakit na dulot ng


pyudal na konsepto ng tradisyunal na pulitika
ang matinding personalismo sa pagpapatakbo
ng pamahalaan: ang pamahalaan at ang
katauhan ng pulitiko ay itinuturing na iisa
lamang, gayong magkaiba ito dapat. Ang
aksyon ng pamahalaan ay napapasalalay sa
personal na kursunada o kapritso ng pulitikong
nanunungkulan—o sa personal na katayuan ng
25

mamamayan sa mata ng pulitikong


nanunungkulan—gayong dapat ay nakabatay ito
sa obhetibong mga sukatan ng sistema ng
batas. Ours is a government of laws, not of
men. Hindi dapat nakasalalay sa personal na
pakikipag-ugnayan kundi nakabatay sa
katarungan, sa kung ano ang nararapat ayon sa
batas.

Ang mala-pyudal na balangkas ng


tradisyunal na pulitika ay isa sa pinag-uugatang
sanhi ng kultura ng katiwalian sa
pamahalaan. Kaya kung ang karalitaan ay
nakaugat sa kultura ng katiwalian sa
pamahalaan, lalong nakaugat ito sa mala-pyudal
na balangkas ng pulitikang trapo.

Pairalin ang Bagong Pulitika!

(11.IX.2013)
26

6. KICKBACK, S.O.P., KOMISYON,


TONGPATS

Isa sa mga kailangang linawin, kung


talagang tatalikuran na natin ang kultura ng
katiwalian sa pamahalaan, ang isyu ng
―kickback‖, madalas tinatawag ding ―S.O.P.‖, o
―komisyon‖, o tongpats. Ano nga ba ito, at
bakit masasabing ―mali‖ o ―masama‖ kung ito
ang kalakaran?

Kung tutuusin, ang nabukong pork barrel


scam na kinasasangkutan ng pamilyang Napoles
ay tungkol din sa kickback, masyado nga
lamang na sinagad ang ―kita‖ ng sindikato,
madalas wala nang natitira para sa proyekto, at
lubhang napakalaki ng halagang
nababanggit. Marahil, kung hindi umabot sa
ganoong antas, tuloy-tuloy pa rin ang
kalakaran. At kahit nga nagkaganon, hindi pa
rin mabubulgar kung hindi sila ipinagkanulo ng
mga kasamahan din nila, ang ―whistleblowers‖
27

na pinangungunahan ni Benhur Luy na pinsan


ni Janet Lim-Napoles.

Kaya naman ―kickback‖ ang tawag sa


perang napupunta sa pulitikong nanunungkulan
ay dahil mistulang ―sinisipa‖ ito ―pabalik‖ sa
pulitiko. Perang mula sa kaban ng bayan,
lalabas sa pamamagitan ni congressman para sa
programa o proyektong pampubliko, daraan sa
kung aling ahensya ng pamahalaan at
isasakatuparan ng pribadong kontratista na
siyang magbabahagi ng kung ilang porsyento
kay congressman, bilang ―komisyon‖ ni
congressman.

―Kickback‖ nga ang nararapat na tawag


sapagkat ―pailalim‖ ang pagbigay kay
congressman, patagô; hindi maaaring iabot sa
pamamagitan ng mga kamay, sapagkat kung
ganoon ay maaaring makita ng iba.

Dahil nga naman naging kalakaran,


nauso na ring tawaging ―S.O.P.‖, standard
operating procedure. Mas masarap nga naman
ito pakinggan kaysa ―kickback‖.

Sa usapin ng pork barrel, congressman


ang magsasabi kung anong proyekto ang nais
niyang paglaanan ng pondo, maaaring
pagpatayo ng tulay o pagbili ng mga aklat-
aralin para sa mga mag-aaral sa eskwelahan.
28

Kung pang-imprastraktura tulad ng tulay,


ang pondo ay daraan sa DPWH na siyang
magpapakontrata ng proyekto. Dahil
nakikisama ang District Engineer ng DPWH sa
congressman, ―aayusin‖ o ―lulutuin‖
ang bidding upang mapunta ang kontrata sa
kontratistang gusto ni congressman. Si
kontratista ang magbibigay ng S.O.P. sa
congressman—at, malamang, pati sa mga
kawani ng DPWH na pinagdaanan ng mga
dokumento.

Kung pagbili naman ng mga aklat-aralin,


ang pondo ay daraan sa Schools Division ng
DepEd na siyang magpapakontrata sa supplier
ng textbooks. Dahil nakikisama ang Division
Superintendent sa congressman, aayusin o
lulutuin ang bidding upang mapunta ang
kontrata sa supplier na gusto ni
congressman. Si supplier ang magbibigay ng
S.O.P. sa congressman—at, malamang, pati rin
sa mga kawani ng DepEd na pinagdaanan ng
dokumento.

Malamang na nagsimula ang kalakaran


sa sampung porsyento lamang ng halaga ng
kontrata. Ngunit bakit nga naman hindi taasan
ang komisyon ni congressman? Naging biro
tuloy na may mga mestisong mambabatas na
fifty percent Filipino, fifty percent Chinese,
29

at thirty percent Korean. Hindi pala dahil taga-


Korea kundi dahil madalas na bukambibig nito
ang ―I-advance mo na ang thirty percent ko
riyan‖.

Sa pahayag ni Benhur Luy sa pagdinig


ng senado, umaabot ng limampung porsyento
ng halaga ng proyekto ang napupunta sa
mambabatas, kaya naman wala nang mapupunta
sa proyekto: ang natitirang limampung
porsyento ay paghahatian na lang ng kontratista
(o fixer tulad ni Napoles sa kuwento ni Luy) at
ng mga kawani ng departamentong pagdaraanan
ng mga dokumento. Pepekehin na lamang ang
mga papeles upang palabasing nagawa ang
proyekto.

Marahil, may mga mambabatas na dating


naniniwalang may karapatan sila sa S.O.P. o
komisyon mula sa kanilang pork barrel. Ngunit
sa pagputok ng sampung bilyong pisong pork
barrel scam na kinasasangkutan ng mga
Napoles, dapat lamang na matigil na ito.

Malamang, hindi lang si Napoles ang


may ganitong raket; hindi lamang tatlong
senador (mula sa dalawampu‘t apat), at hindi
lamang dalawampu‘t tatlong congressman
(mula sa halos tatlondaan) ang kasali.
30

Masama ang kickback—tawagin mang


S.O.P. o komisyon—sapagkat, unang-una,
ipinagbabawal ito ng batas, na may
karampatang parusang pagkakulong.

Ito ang nakasaad sa Section 3 ng Anti-


Graft and Corrupt Practices Act:

―the following shall constitute


corrupt practices of any public
officer and are hereby declared to
be unlawful: (b) Directly or
indirectly requesting or receiving
any gift, present, share,
percentage, or benefit, for himself
or for any other person, in
connection with any contract or
transaction between the
Government and any other party,
wherein the public officer in his
official capacity has to intervene
under the law.‖

Ngunit higit na mahalaga kaysa


pagbabawal ng batas, masama ito sapagkat
kung pahihintulutan, mangyayari at mangyayari
ang paglapastangan sa pera ng kaban ng
bayan—na dapat ay mapunta sa kabutihang
panlahat—tulad ng sampung bilyong pisong
pork barrel scam ng mga Napoles. At sa bahagi
ng mga mambabatas, kapag pinahintulutang
31

tumanggap ng regalo o komisyon mula sa mga


proyekto, sa malaon o madali, yung S.O.P. na
ang magiging motibo sa pagtulak ng proyekto,
hindi na kabutihang panlahat.

(18.IX.2013)
32

7. DUE PROCESS

Nabanggit na natin sa pitak na ito na ang


Saligang Batas ay maaaring hatiin sa dalawang
bahagi: una, ang bahaging patungkol sa
istruktura ng pamahalaan, na maaaring unawain
sa pinakamahalagang prinsipyo nito,
ang separation of powers; at ikalawa, ang Bill
of Rights, na naglalaman ng mga protektadong
karapatan ng mamamayan, bilang mga
limitasyon sa kapangyarihan ng Estado.

Ang buod ng Bill of Rights ay


nakapaloob sa konsepto ng Due Process na
nakasaad sa Section 1, Article III, ng ating
Saligang Batas: No person shall be deprived of
life, liberty, or property without due process of
law, nor shall any person be denied the equal
protection of the laws.
33

Ang Due Process ay sinasabing may


aspetong ―substantibo‖, substantive, sa Ingles;
hindi lamang ito procedural o ―pamproseso‖.

Ang substantibong aspeto ng Due


Process ay maaaring ibaba sa pinakapayak na
kahulugan nito at unawain bilang ―pagka-
makatuwiran‖, reasonableness, sa Ingles. Sa
kabilang dako, ang procedural na aspeto nito ay
maaaring ibaba sa konsepto ng ―pagka-parehas‖
o pagiging ―patas ng laban‖: fair play, sa
wikang Ingles.

Dahil sa garantiya ng Due Process sa


Saligang Batas, masasabing lahat ng kilos ng
Estado—lahat ng mga kautusan at kaganapan sa
ating sistema ng pamahalaan—ay maaaring
hanapan ng pagka-makatuwiran at pagkaka-
parehas, reasonableness and fair play; at kung
wala nito o kulang dito, maaaring pawalan ng
bisa sapagkat lumalabag sa Saligang Batas.

Napapanahon marahil na paksain ito,


ngayong mainit at umiinit pa ang usapin ng
pork barrel scam na sinasabing pinamumunuan
ng isang Janet Lim-Napoles.

Dapat ngang kondenahin ang


pagkakawaldas sa katiwalian ng bilyun-bilyong
piso mula sa kaban ng bayan, at parusahan ang
mga dapat managot; ngunit kailangang dumaan
34

sa Due Process upang mapatunayan kung ano


ang talagang nangyari, kung sino ang dapat
managot, at kung hanggang saan ang kanilang
pananagutan. Due Process din ang usapin ng
kakailanganing antas ng patunay—degree of
proof sa wikang Ingles—ang bigat ng ebidensya
at tibay ng katiyakan.

Kung pananagutan o liability ang pag-


uusapan, may tatlong malawak na uri nito:

Ang una ay
―administratibo‖. Tumutukoy ito sa mga
opisyal at kawani ng pamahalaan at sa
karapatan nilang magpatuloy sa kanilang
panunungkulan. Ang parusa ay maaaring
pagsita lamang (reprimand) o pag-suspinde
(nang ilang araw o nang ilang buwan) at
pinakamatindi na ang pagkakatanggal
(dismissal o removal). Ang kinakailangang
antas ng patunay sa mga kasong administratibo
ay substantial evidence: basta‘t mayroon
lamang mapanghawakan ang naghuhukom na
makakukumbinse sa isip at maaaring
pagbatayan ng paghuhusga.

Ang ikalawang uri ng pananagutan ay


―sibil‖; kadalasan, tumutukoy lamang sa mga
ari-arian; at sa konteksto ng pork barrel scam,
sa pagbabalik ng pera sa kaban ng bayan. Ang
kinakailangang antas ng patunay sa mga kasong
35

sibil ay preponderance of evidence: ang panig


na may higit na patunay ang mananaig.

Ang ikatlong uri ng pananagutan ay


―kriminal‖; tumutukoy sa paglabag sa
kautusang may karampatang parusa sa batas,
madalas ay pagkakulong (nang maikli o
mahabang panahon, sang-ayon sa nilabag na
kautusan). Ang antas ng patunay na
kinakailangan ay proof beyond reasonable
doubt, patunay na walang iniiwanang dahilan
para pagdudahan. Isa sa pinakamahalagang
bahagi ng Due Process ang pagpapalagay na
ang isang nasasakdal sa usaping kriminal ay
walang sala—presumption of innocence—
hangga‘t hindi napapatunayang may-sala.

Nababanggit natin ang lahat ng ito upang


ilagay sa konteksto ng sistema ng batas ang
pagpapanagot sa mga nasasangkot sa pork
barrel scam. Hindi madali. May kasalimuotan
ang ating sistema. Ngunit hindi rin tumpak ang
kasabihang, ―Justice delayed is justice
denied‖. Masarap nga lang pakinggan at hindi
rin katakatakang nagmula sa isang pulitiko, si
William Gladstone, na ilang ulit naging Prime
Minister ng Inglaterra noong ika-labingsiyam
na dantaon.

Ang totoo, Justice is justice; at hindi ito


nakasalalay sa pagiging maaga o atrasado, dahil
36

ang pagiging maaga o atrasado ay napaka-


subhetibong panukat, nakabatay lamang sa
kalooban ng taong nagmamasid, sa pagiging
pasensyoso o mainipin ng sumusukat. Hindi
dapat piliting madaliin o sadyaing bagalan ang
proseso; hayaang umusad ayon sa nararapat na
daloy nito. Ang mahalaga ay matupad ang
batas sa titik at diwa nito. Ito rin lamang ang
maaari nating panghawakang batayan ng
katarungan mula sa punto de vista ng
sambayanan bilang sambayanan.

(29.IX.2013)
37

8. BATAS AT MORALIDAD

Sa klasikal na pilosopiya, ang sistema ng


batas ng Estado ay masasabing pakikibahagi o
partisipasyon ng sambayanan-bilang-
sambayanan sa Batas Kalikasang Moral, natural
moral law sa wikang Ingles. Ibig sabihin, higit
na mataas ang Batas Kalikasang Moral kaysa
batas ng Estado; at kung tutuusin, hindi dapat
sundin ang kautusan ng batas ng Estado—dapat
ay labanan pa nga—kapag ito ay lumalabag sa
Batas Kalikasang Moral.

Isang halimbawa sa kasaysayan ang mga


batas ng Nazi Germany na nag-uutos na lipulin
ang mga Hudyo. Nang matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at matalo ang mga
puwersa ni Hitler, pinagpanagot at pinarusahan
ang kanyang mga opisyal na nasangkot sa
pagsagawa sa nangyaring bahagyang paglipol
sa mga Hudyo, sa kabila ng katotohanang
tinutupad lamang nila ang kanilang tungkulin sa
38

ilalim ng batas ng Estado, sapagkat malinaw na


labag sa Batas Kalikasang Moral ang ginawang
maramihang pagpaslang o genocide sa mga
Hudyo.

Ang mga kautusan ng Batas Kalikasang


Moral ang nagsisilbing obhetibong batayan ng
moralidad—ng pagiging mabuti o masama—ng
mga gawa o pagkilos ng tao bilang
tao. ―Obhetibo‖, objective sa Ingles, sapagkat
nasa labas ng ating pagkatao; may sariling
katalagahan; mula sa dalawang katagang
Latin, ob-, ―sa harapan‖, at –jectum,
―itinapon‖. ―Itinapon sa harapan,‖ nasa labas
ng ating pagkatao, hindi nakasalalay sa ating
kalooban.

Batas Kalikasang Moral ang kalipunan


ng mga kautusang mula sa ating Lumikha,
kalakip ng ating tunay na kalikasan bilang tao;
dapat sana ay nakikita natin sa pamamagitan ng
ating pag-iisip—ng ating kakayahang unawain
ang katotohanan o mangatuwiran—ngunit dahil
sa pagiging sugatan ng ating kalikasan bilang
tao, dahil sa ating kahinaan, madalas ay
mahirap nating makita.

Halimbawa ng mga obhetibong


kautusang ito ang ―Huwag magnakaw‖: igalang
ang karapatan ng kapwang magkaroon ng
sariling ari-arian. Ito ay obhetibo—nasa labas
39

natin—sapagkat hindi man natin alam, sang-


ayon man tayo o hindi, masama ang
magnakaw. Hindi naaayon at lumalabag sa
tunay na kalikasan ng tao bilang tao, sapagkat
likas na karapatan ng bawat tao ang magkaroon
ng sariling ari-arian. Makatuwiran ito sapagkat
bahagi ng ating tunay na kalikasan bilang tao
ang pagiging malaya, ang pagkakaroon ng
kalayaang ituon ang sarili sa huling dapat
kahantungan. Sa kalayaang ito nakabatay ang
karangalan ng tao bilang tao. At upang
mapangalagaan ang kalayaang ito, kailangang
kilalanin din ang karapatang magkaroon ng
sariling ari-arian, right to private property sa
Ingles. Hindi maaaring maging malaya ang tao
kung iaasa niya sa awa o pagiging bukas-palad
ng kapwa o ng pamahalaan ang kanyang mga
pansariling pangangailangan.

Kung babalikan natin ang kultura ng


katiwalian sa pamahalaan, masasabi nating
masama ang ―kickback‖ (tawagin man itong
―s.o.p.‖ o ―komisyon‖)—isang uri ng
pagnanakaw, paglapastangan sa pera ng kaban
ng bayan—sapagkat ―kabutihang panlahat‖ ang
dapat maging motibo ng mga naglilingkod sa
pamahalaan, hindi ang kikitaing
kickback. Makatuwirang hindi dapat payagan
ang sistema ng kickback sapagkat, sa higit na
karamihan ng pagkakataon, tiyak na
matatabunan ng motibo ng kickback ang motibo
40

ng kabutihang panlahat sa pagkilos ng mga


pinuno at kawani ng pamahalaan.

Ngunit hindi lamang Batas Kalikasang


Moral ang batayan ng moralidad. Mayroon
ding subhetibong batayan ang pagiging mabuti
o masama ng ating mga gawa bilang tao. Ito
ang ating ―budhi‖—konsensya, conscience sa
wikang Ingles—ang mismong paghusga ng
ating pag-iisip tungkol sa ating gawa sa
kongkretong kalalagayan. Ang konsiyensya ng
bawat isa ang subhetibong batayan ng
moralidad; subhetibo, subjective sa wikang
Ingles, sapagkat nakasalalay sa kalooban; mula
sa dalawang katagang Latin, sub-, sa ilalim, at –
jectum, itinapon. Kaya ang literal na kahulugan
ng subjective ay ―itinapon sa ilalim‖; ibig
sabihin, nakasalalay sa ating kalooban.

Kailangang laging sundin ang ating


konsiyensya sapagkat, kung hindi, mahahati ang
ating pagkatao. May pagkawasak ang tao kapag
ang kanyang gawa ay labag sa paghusga ng
kanyang budhi. Nawawalan tayo ng
―integridad‖ o ―pagkabuo‖. Karugtong nito,
may tungkulin din tayong hubugin ang ating
konsensya.

Hindi nga naman tayo maaaring maging


kasisi-sisi kung hindi natin alam na masama ang
ating gawa. Walang kasalanan ang mga
41

musmos na walang-isip at ang mga maysakit sa


utak. Ganunpaman, may obligasyon ang taong
hubugin ang konsiyensiya upang alamin ang
tama at mali dahil, kapag labag sa Batas
Kalikasang Moral ang kanyang gawa,
masasaktan pa rin siya sa obhetibong pagiging
mali nito. Hindi nga kasisi-sisi ang isang
walang-isip sa pag-inom niya ng lason,
sapagkat hindi niya alam na lason, ngunit
malalason pa rin siya, mamamatay pa rin.

Upang masabing ―mabuti‖ ang ating mga


gawa, dapat ay naaayon ito sa mga kautusan ng
Batas Kalikasang Moral; at naayon din sa
matuwid na konsiyensya ng taong gumagawa;
pasado sa obhetibo at sa subhetibong batayan
ng moralidad.

(5.X.2013)
42

9. PAGLAGOM SA BATAS-KALIKASANG
MORAL

Nabanggit natin noong nakaraan: Ang


moralidad—ang pagiging mabuti o masama ng
pagkilos ng tao bilang tao—ay may obhetibong
batayan sa mga kautusan ng Batas Kalikasang
Moral, at may subhetibong batayan din sa
konsensya o budhi ng taong
gumagawa. Mabuti ring pagtuunan pa ng
pansin ang mga kautusan ng Batas Kalikasang
Moral.

Batas Kalikasang Moral ang kalipunan


ng mga kautusang mula sa ating Lumikha,
kalakip ng ating tunay na kalikasan bilang
tao. Ang tinutukoy nito ay wastong pagkilos
ayon sa pagkakadisenyo sa tao bilang nilalang
ng Diyos. Dapat sana ay nakikita natin ang mga
kautusang ito sa pamamagitan ng ating pag-
iisip—ng ating kakayahang unawain ang
katotohanan o mangatuwiran—ngunit dahil sa
43

pagiging sugatan ng ating kalikasan bilang tao,


dahil sa ating kahinaan, madalas ay mahirap
nating makita. Ngunit hindi ito
nangangahulugang walang pag-asang
magpakabuti ang tao, sapagkat sa pamamagitan
ng pananampalataya, natutulungan tayong
makita ang mali at tama.

Sa pananampalatayang Kristiyano,
masasabing ang Sampung Utos ng Diyos sa
Banal na Kasulatan ay isang paglalahad, isang
paglagom, sa mga kautusan ng Batas
Kalikasang Moral.

Ang unang tatlong utos ay tungkol sa


pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
Lumikha: Una, ―Huwag kayong sumamba sa
mga diyos-diyosan‖; ikalawa, ―Igalang ninyo
ang pangalan ng Panginoong Diyos‖; at ikatlo,
―Panatalihing banal ang araw ng
Panginoon‖. Ang sumusunod na pitong utos ay
tungkol naman sa pakikipag-ugnayan ng tao sa
kapwa: Ang ikaapat, ―Ipagdangal ang inyong
ama at ina‖; ikalima, ―Huwag kayong
pumatay‖; ikaanim, ―Huwag kayong
makikipagtalik sa hindi ninyo asawa‖; ikapito,
―Huwag kayong magnakaw‖; ikawalo, ―Huwag
kayong magsinungaling laban sa kapwa‖;
ikasiyam, ―Huwag ninyong pagnasahan ang
asawa ng inyong kapwa‖; at ikasampu, ―Huwag
44

ninyong pagnasahan ang ari-arian ng inyong


kapwa‖. (Ex 20:1-17)

Kapansin-pansing karamihan sa
Sampung Utos ay nakasaad sa negatibo,
pagbabawal; bagamat sa katunayan ay mga
positibong kautusang sambahin ang tunay na
Diyos, igalang ang buhay ng tao, gamitin sa
tama ang kakayahang sexual, at iba pa. Kaya
naman nakasaad sa negatibo ay dahil naroon sa
hindi pagkilos ang pinakamababang antas—
ang minimum—ng pag-tupad sa kautusang
tinutukoy.

Hindi nga naman maaasahang sa lahat ng


pagkakataon ay makatulong tayong mapabuti
ang buhay ng kapwa, ngunit maaaring asahan at
ipag-utos na huwag na lamang siyang
pahirapan. Sa kadalasan ay wala man tayong
magawa upang tulungang yumaman ang kapwa,
ngunit maaari namang asahan at ipag-utos na
huwag na lamang nating pagnakawan.

Ang pamumuhay na moral—pagtupad sa


Batas Kalikasang Moral at sa matuwid na
konsensya—ay pagpapaka-tao. Ito ang ―daang
matuwid‖; pagkilos na naaayon sa disenyo ng
Lumikha at kailangang tahakin kung nais nating
marating ang huling dapat kahantungan, ang
kabanalan, ang pagiging kaisa ng Diyos sa
Kanyang kaligayahang walang hanggan.
45

Habang ang tao ay namumuhay sa


daigdig, habang sumasa-panahon, kailangang
pagsikapan, kailangang pagtiyagaang
makasanayan, ang pagkilos na nararapat.
Kailangan nating lumago sa mga ―birtud‖—
virtues sa wikang Ingles—ugali o kasanayan sa
pagkilos ng tama; sapagkat ang mga ito ang
nagbibigay ng tatak o karakter sa ating pagkatao
bilang masama o mabuti.

Walang kabuluhan ang pagiging matapat


ni Juan sa katotohanan sa isang pagkakataon
kung magsisinungaling naman siya sa siyam na
iba pang pagkakataon. At sa kabilang dako, ang
taong may ugaling maging tapat sa katotohanan
ay matatawag na ganoon kahit siya ay
natutulog, sapagkat ipinahihiwatig ng ugali na
sa lahat ng pagkakataon ay ganoon ang kanyang
magiging pagkilos.

Ang bawat pagkilos na masama—imoral


na gawa—ay pagtalikod sa ating Lumikha. Ito
rin ang buod ng kasalanan: pagtalikod sa
Lumikha upang kumiling sa nilikha; sa wikang
Ingles, ―a turning away from God and turning
towards creatures‖. Kung ang buhay natin sa
daigdig ay paglalakbay patungo sa Diyos, ang
kasalanan ay pagpapaliko mula sa tamang daan,
paglayo, mula sa dapat nating kahantungan. Ito
rin ang batayan ng kasabihang, the end does not
46

justify the means; ang isang mabuting hangarin


ay hindi nagpapabuti sa mali o masamang
gawa; sapagkat kung masama o imoral ang
isang gawa, may pagtalikod agad sa Diyos na
hindi maaaring mapantayan ng anupamang
mabuting hangarin.

Nilikha tayong malaya upang malaya


nating gustuhin o piliing makaisa ang Diyos,
upang ibigin ang Diyos. Walang pag-ibig kung
walang kalayaan.

Kalayaan: ito ang kakayahan nating


ituon ang sarili sa huling dapat
kahantungan. Ngunit hindi ito
absoluto: kailangang makisama sa obhetibong
realidad; at isa pa, bawat pagpili natin ay
mayroon ding pagkakatali. Ngunit wala rin
namang kabuluhan ang kalayaan kung hindi
mauuwi sa pagpili at pagkakatali: commitment.

Laging kalakip ng ating kalayaan ang


pananagutan, responsibility: bawat pagpili ay
maaaring magdulot ng kaligayahan o
kapighatian sa atin, at wala rin tayong ibang
dapat sisihin.

(12.X.2013)
47

10. ANG MGA BIRTUD

May kaibigang nakapagkuwento sa akin


minsan, noong dekada noventa, na sila raw ay
nagpagawa ng survey—pagsukat sa pulso ng
bayan—upang alamin ang katangiang
hinahanap ng mamamayan sa ihahalal nilang
pulitiko. Ang naging resulta yata ay pitumpung
porsyento—lubhang nakararami—ang
nagsabing ―Matulungin‖ o ―Madaling Lapitan‖.

Nababanggit natin ito sapagkat ang


pagiging matulungin ay isang birtud—virtue sa
Ingles—mabuting ugali. Mabuti ring
pagtuunan pa ng pansin ang konsepto ng
birtud: mula sa katagang Latin, virtus, ibig
sabihin, ―lakas‖; at may kinalaman din sa vir,
mula rin sa Latin, at ang ibig sabihin, ―tao‖. At
sa kasalukuyang paggamit ng katagang
―birtud‖, ang tinutukoy natin ay mga ugali o
kasanayang gawin ang mabuti sa lahat ng
pagkakataon. Sa wikang Ingles, stable
inclinations or habitual dispositions to do what
is good in every situation.
48

Mahalaga ang mga birtud sa pamumuhay


na moral—sa ating pagsisikap na magpakatao,
na patuloy na lumago sa pagiging mabuting tao,
tungo sa pagiging ―ganap‖.

Kung ang tao nga naman ay hahantong


sa kanyang huling dapat kahantungan—sa
pagiging kaisa ng Diyos sa kaligayahang
walang-hanggan—ang ating pagkatao ay dapat
tumupad sa tunay na kalikasan ng tao bilang
tao, sa ating kalikasang ayon sa pagkakadisenyo
ng ating Lumikha, at hindi sa ating sugatang
kalikasang nagmula sa maling paggamit ng
kalayaan. Sa madaling salita, dapat tayong
magpakabuti, magpakabanal, at ito ay nakikita
sa ating pagkilos ayon sa mga kautusan ng
Batas Kalikasang Moral at ng matuwid na
konsensya, sa ating pamumuhay na moral.

Ang Panginoong Hesu Kristo mismo ang


nagsabi: ―Dapat kayong maging ganap, tulad
din ng inyong Amang nasa langit,‖ You must
therefore be perfect, just as your Father in
heaven is perfect. (Mt 5:48)

Ngunit hindi pa-isa-isang gawa o


pagkilos ang talagang sinusukat sa pagtungo sa
ating kaganapan kundi ang ating pagkatao
mismo: ang pagkakalaan ng tao sa palagiang
paggawa ng mabuti o masama. ―Birtud‖ ang
49

pagkakalaan sa palagiang paggawa ng mabuti;


―bisyo‖ naman, vice sa Ingles, ang pagkakalaan
sa palagiang paggawa ng masama, kabaligtaran
ng birtud.

Isa pang dahilan kung bakit mahalaga


ang birtud ay ang bunga nitong pagpapadali sa
paggawa ng mabuting aktong tinutukoy ng
birtud na nasasangkot. Dahil naging ugali na,
hindi na mahirap ang pagkilos na nararapat
ayon sa ugaling iyon. Madali nang gawin ang
mabuti dahil nakasanayan na.

Ganunpaman, hindi rin masasabing


bumabȃ ang halaga ng pagkilos na iyon dahil sa
naging madali, sapagkat hindi naman
nakasalalay sa hirap na naranasan ang halaga ng
gawa ng tao kundi sa tindi ng pagkakasangkot
ng kalayaan, voluntariness—sa antas ng pag-
ibig na kalakip ng pagkilos na iyon. At dahil
nagkakaroon tayo ng birtud sa marami at
madalas na pag-ulit sa mabuting gawa upang
maging ugali ito, masasabing higit na malaya,
higit na may pag-ibig ang pagkilos na bunga ng
birtud, kahit na hindi na pinaghihirapan ang
bawat pagkilos.

Sa pagtungo sa ating kaganapan bilang


tao, kailangang pagsikapang makamit ang lahat
ng birtud. Hindi masasabing papalapit sa
kabanalan ang isang taong ―matulungin‖, kung
50

siya naman ay may bisyo ng pagiging


lasenggero. Sa kahuli-hulihan, kailangan nating
makamit ang lahat ng birtud, at maiwaksi mula
sa ating pagkatao ang lahat ng bisyo. Ito ang
kaganapan ng tao bilang tao.

Lahat ng gawa, akto o pagkilos na


mabuti, ay dapat maging birtud; ngunit dahil
halos walang katapusan ang listahang
mangyayari, at upang mapag-usapan at lalong
maunawaan ng pag-iisip ng tao, natuklasang
mabuting pagsama-samahin sa apat na
magkakahiwalay na hanay ang mga birtud, mga
hanay na kilala natin mula sa klasikal na
pilosopiya sa pangalan ng apat na malawak na
birtud, na binabanggit din sa Bibliya (Wis 8:7):
una, ang birtud ng tamang
paghusga, prudence sa wikang Ingles; ikalawa,
ang birtud ng katarungan, justice; ikatlo,
katatagan, fortitude; at ikaapat,
pagtitimpi, temperance. Tinatawag
ding Cardinal Virtues ang apat na ito—mula
sa cardos, Latin para sa ―bisagra‖—sapagkat
maaaring isabit dito, na parang bisagra, ang
bawat iba pang birtud.

Prudence ang birtud ng pagiging tama sa


lahat ng pagpapasya, may kinalaman sa
wastong pag-iisip. ―Katarungan‖ ang pagbigay
ng nararapat sa bawat isa at sa
lahat. ―Katatagan‖ ang birtud ng paggawa ng
51

nararapat sa kabila ng kahirapang


nasasangkot. Temperance ang pag-kontrol sa
mga hilig ng ating pangangatawan.

Kung mahalaga ang birtud para sa lahat,


lalo pang dapat hanapan nito ang ating mga
pinuno sa pamahalaan, sapagkat higit na
marami ang apektado, higit na malaki ang
epekto ng kanilang mga gawa sa kabutihang
panlahat.

Bilang pangwakas, kailangan din nating


sabihing imposible sa tao ang maging banal,
kung kakayahan lamang natin ang
aasahan. Kailangan ang kapangyarihan ng
Diyos at ang biyayang ayunan natin ito ng ating
kalayaang pantao.

(19.X.2013)
52

11. PULITIKA AT PANANAMPALATAYA

Noong nakaraan, napag-usapan natin ang


mga ―birtud‖ na pantao, human virtues, na
kailangan sa ating pagpapakabanal; at nabanggit
ding lahat ng mga birtud ay maaaring ihanay sa
ilalim ng apat na cardinal virtues: una, ang
birtud ng tamang paghusga, prudence sa Ingles;
ikalawa, ―katarungan‖, justice; ikatlo,
―katatagan‖, fortitude; at ikaapat,
pagtitimpi, temperance.

Nasabi rin nating imposible sa tao ang


maging banal, imposibleng makamit ang
kaganapan bilang tao, kung kakayahan lamang
natin ang aasahan. Kailangan ang
kapangyarihan ng Diyos at ang biyayang
ayunan natin ito ng ating kalayaang
pantao. Dito pumapasok ang mga birtud na
umiibayo sa ating kalikasan—supernatural
virtues—at ang pinakamahalaga sa mga ito ay
tinatawag na ―teolohikal‖, sapagkat direktang
tumutukoy sa Diyos.
53

May tatlong birtud na teolohikal: una,


―pananampalataya‖, faith sa Ingles, ang ugaling
umayon sa lahat ng ipinahayag ng Diyos;
ikalawa, ―pag-asa‖, hope, ang ugaling manalig,
umasa, magtiwala sa Diyos hinggil sa ating
kaligayahang walang-hanggan; at ikatlo, ―pag-
ibig‖, charity, pag-ibig sa Diyos higit sa
anupaman, at pag-ibig sa kapwa gaya ng sarili
alang-alang sa pag-ibig sa Diyos.

Hindi tayo magiging ―ganap‖ kung wala


tayo nitong tatlong birtud na teolohikal; at dahil
umiibayo sa ating kalikasan bilang tao,
nagkakaroon lamang tayo nito dahil din sa
biyaya ng Diyos, unang-una sa pamamagitan ng
Sakramento ng Binyag o Baptism sa bahagi ng
pananampalatayang Kristiyano.

Ganunpaman, malaki pa rin ang


kinalaman ng ating kalayaang pantao sa
pagtanggap, pagpapanatili at pagpapayabong sa
mga birtud na ito sa ating indibidwal na
pagkatao: maaari nating tanggihan, maaari ring
iwaksi matapos na matanggap. Sa kabilang
dako, maaari rin nating payabungin o patindihin
ang pagkakatalab ng mga birtud na ito sa ating
kalooban sa pamamagitan ng madalas na pag-
ulit sa mga akto o gawang nasasangkot sa birtud
na tinutukoy; halimbawa, sa madalas na
pagsimba o sa sadyang niloob na pag-alay natin
sa Diyos ng ating karaniwang mga gawain sa
54

araw-araw, at nang maisalin ang mga pagkilos


na ito upang maging patuloy na panalangin, sa
walang patid na malayang pakikipag-ugnayan o
pakikiisa sa Diyos.

Hindi tayo darating sa huling dapat


kahantungan kung wala tayo nitong tatlong
teolohikal na birtud sa pagtatapos ng ating
panahon sa daigdig, sa pagtawid natin sa
walang-hanggan, sa punto ng ating tiyak na
darating na kamatayan.

Walang kabuluhan ang anumang


tagumpay sa daigdig—kahit sa pinakamataas
pang katungkulan sa pulitika—kung hindi tayo
hahantong sa kaligayahang walang hanggan,
sapagkat ang alternatibo ay pagdurusang
walang hanggan.

Maikli ang buhay ng tao sa daigdig—


mahaba na ang walumpung taon—lalo na kung
ihahambing sa walang hanggan; kahit
limampung libong taon, kahit limampung
bilyong taon, maikli kung ihahambing sa
walang hanggan o eternidad.

Sa konteksto ng pulitika, hindi sulit na


ipagpalit ang kaligayahang walang hanggan sa
anim na taong panunungkulan bilang Pangulo
ng Pilipinas o kahit diktadurya sa loob ng
dalawampung taon. Sabi nga ni San Josemaria
55

Escriva, ang pagka-Kristiyano ay hindi parang


sombrerong isinasabit at iniiwan sa pintuan
pagpasok natin sa ating opisina (cf. The Way,
No. 353). Ito ang pinakamahalagang aspeto ng
ating pagkatao na dapat ay dala natin sa lahat ng
pagkakataon, lalo na‘t dahil hindi natin alam
kung kailan tayo aabutan ng kamatayan.

Oo nga, sinasabi ng ating Saligang Batas


na hindi maaaring baliin ang pagkakahiwalay
ng Simbahan at Estado: The separation of
Church and State shall be inviolable (Sec. 6,
Art. II, 1987 Constitution). At, oo rin, ito ay
binibigyang laman sa Section 5 ng Bill of
Rights:

No law shall be made respecting


an establishment of religion, or
prohibiting the free exercise
thereof. The free exercise and
enjoyment of religious profession
and worship, without
discrimination or preference,
shall forever be allowed. No
religious test shall be required for
the exercise of civil or political
rights (Sec. 5, Art. III).

Ang ibig sabihin lamang nito ay


pagpapagitna, neutrality, ng Estado, sa harap ng
ibat‘t-ibang pananampalataya.
56

Ang Estado mismo ay hindi maaaring


kumiling o kumontra sa anumang relihiyon
bilang relihiyon; ngunit hindi inaalis at hindi
maaaring alisin sa indibidwal na mamamayan—
kasama ang indibidwal na kawani o pinuno ng
pamahalaan—ang karapatan at tungkuling
mamuhay ayon sa kanyang pananampalataya.

Ganunpaman, paminsan-minsan, maaari


pa ring magbanggaan ang kautusan o direksyon
ng Estado at ng simbahan. Kailangan nating
pumili, at maaaring nakataya pa rito hindi
lamang ang katungkulan kundi pati ang buhay.

Mabuti ring alalahanin ang sinabi ni


Thomas More bago siya pugutan ng
ulo: ―Utusan ako ng Hari ngunit utusan ng
Diyos muna,‖.I am the King’s good servant, but
God’s first.

(12.XI.2013)
57

12. POLITICAL DECISIONS

Isa sa mahalagang konsepto ngunit


madalas nakakalimutan sa mga usaping
panlipunan ang konsepto ng political decisions,
mga pagpapasyang sa kahulihulihan ay
nakasalalay sa kagustuhan lamang ng
sambayanan, sa kursunada, kung hindi man ng
nakararami ay kursunada ng pinagmumulan ng
kapangyarihan sa sambayanan. Ibig sabihin,
mga pagpiling hindi nasasangkot ang isyu ng
moralidad o legalidad. Anuman ang maging
pasya, hindi lalabag sa Batas Kalikasang Moral
o sa batas ng sambayanan, sa sistema ng batas.

Oo nga, ours is a government of laws,


not of men; ngunit hindi kakayaning lahat ng
galaw o pagkilos ng pamahalaan ay saklawin ng
batas. Ganundin, malawak pa rin ang larangan
ng pagpili ng tao bilang tao sa harap ng Batas
Kalikasang Moral: sa nakararaming
pagkakataon, alinman ang piliin sa mga
alternatibo ay walang matatawag na imoral.
58

Hindi kasalanan ang kumain ng


meryenda; hindi rin kasalanan ang hindi pag-
meryenda. At sa usaping panlipunan at ng
pamahalaan, halimbawa ng pagpapasyang
nakasalalay lamang sa kagustuhan ng
maykapangyarihang mamili ang
kapangyarihang maghalal ng mga pinuno sa
pamahalaan. Ganundin ang pagtalaga ng tao sa
katungkulan—power to appoint—na isa sa
pinakamahalagang kapangyarihan ng isang
Chief Executive. Basta‘t nasa taong itinalaga
ang mga kwalipikasyong hinahanap ng batas at
nasunod ang nakatakdang proseso, walang
masasabing masama sa pagpili ng sinuman sa
ilang mga kandidatong nakasalang.

Sa kahulihulihan, masasabing kailangan


ang mga halal na pinuno sa pamahalaan upang
may magsagawa ng mga political decisions
bilang kinatawan ng madlang manghahalal sa
ating sistema ng batas. Dahil nga naman hindi
matatawag na tama o mali ang pagpapasya sa
batayan ng moralidad o ng batas, ang tanging
sukatan ay paghusga ng nakararami sa halalan.

Hindi rin naman maaaring iatas sa mga


permanenteng kawani ng pamahalaan ang
ganitong mga pagpapasya, sapagkat wala nang
paraan upang papanagutin sila kung hindi
kursunada ng madla ang naging pasya ng
permanenteng kawani. Maaari lamang silang
59

paalisin sa panunungkulan kung imoral o labag


sa batas ang kanilang gawa, dahil sila ay
permanenteng kawani ng pamahalaan.

Kailangang ilagay sa kamay ng


pulitikong nanunungkulan—halal na opisyal—
ang mga pulitikal na pagpapasya.

Hindi rin naman araw-araw ay may


political decisions na kailangang gawin sa
pamahalaan. Marami na ring aspeto ng
operasyon ng pamahalaan ay nasaklaw na ng
batas.

Bagamat ang pagsasabatas ng anumang


kautusan ay political decision, kapag naisabatas
na ay wala nang puwang sa pagpili; kailangan
nang sundin ang ipinag-uutos ng batas na
iyon. Hindi na political decision kundi
obligasyon—legal duty—ang pinag-uusapan.

Pagbayad ng sahod sa mga empleyado


ng pamahalaan, paghakot ng basura, pag-
asikaso sa mga pasyente ng ospital ng
pamahalaan, pagtugis ng mga pulis sa mga
salarin, at iba pa: ito ay mga gawaing hindi
nangangailangan ng direkta o palagiang
pakikialam ng pulitikong pinuno; dapat ay
magawa, gustuhin man o hindi ng pulitikong
pinuno, sapagkat ipinag-uutos ng batas na may
karampatang parusa sa hindi pagtupad ng
60

kawaning nasasangkot o naatasan ng mga


tungkuling ito.

Kapansin-pansin, kung tutuusin, na


habang napakataas ng mga kwalipikasyong
hinahanap sa mga permanenteng kawani ng
pamahalaan—kailangan ng diploma at
kailangang pumasa sa mga examination ng
Civil Service Commission—halos walang
hinahanap na galing sa bahagi ng pulitikong
pinuno.

Wastong gulang, nasyonalidad,


paninirahan sa lokalidad, at kaalamang magbasa
at sumulat: ito lamang ang hinahanap sa
pulitikong pinuno; sapagkat sa huli, ang
pinakamahalagang kwalipikasyon ay ang pag-
halal sa kanya ng nakararaming mamamayang
manghahalal. Ibig sabihin, ipinagkakatiwala sa
kanya ang pagsagawa ng political decisions.

Sa sistema ng ating demokrasya, ang


madlang manghahalal ang maykapangyarihan
sa lahat—sovereign—at siyang pinagmumulan
ng kapangyarihan ng Estado.

Tama si Pangulong Noynoy Aquino


nang sabihin niyang ―Kayo ang Boss ko‖ sa
kanyang Inaugural Speech. Ganunpaman, hindi
ito nangangahulugang dapat masunod ang
kagustuhan ng kahit sino lang na Juana de la
61

Cruz, o kahit umabot pa sila ng kung ilang


libo. Ang paggamit ng kapangyarihan ng madla
ay nasa paghalal ng pulitikong pinuno; at kung
nahalal na ay siya nang kumakatawan sa
madla. Maaari lamang siyang palitan sa
susunod na halalan o sa pamamagitan din ng
mekanismong nakatakda sa ilalim ng batas.

May katotohanan din sa kasabihang, vox


populi, vox Dei, ―ang tinig ng madla ay tinig ng
Diyos,‖ ngunit ang pinakamataas na paglalahad
ng tinig ng madla ay ang ating Saligang Batas,
at kasunod nito, ang ―mga batas at kautusang
pinaiiral ng mga sadyang itinalagang
maykapangyarihan sa ilalim ng batas‖.

(16.XI.2013)
62

13. POLITICAL DECISIONS (II)

Noong nakaraan, nasabi nating political


decisions ang tawag sa mga pagpapasyang
nakasalalay sa kursunada ng pulitikong
nanunungkulan bilang tinig ng sambayanan,
mga pagpiling hindi nasasangkot ang isyu ng
moralidad o ng legalidad. Maitatanong natin,
marahil, saan naman pumapasok ang mga
batayang pang-teknolohiya o siyentipiko?

Unang-una, hindi absoluto ang


kaalamang mula sa pisikal na mga agham. Sa
maraming pagkakataon, hindi rin nagkakasundo
ang mga tinaguriang dalubhasa. May kanser ba
ang pasyente o nilagnat lang sa pagod? Natural
din lamang ito sapagkat, sa kahulihulihan, ang
batayan ng kaalamang siyentipiko ay mula sa
pisikal na realidad na napapasa-atin sa
pamamagitan ng ating mga pisikal na
pandama. At alam nating lahat na madali ring
magkamali ang ating mga pandama—may hindi
nakita, nagkulang o lumabis sa pagbilang—at
madali ring sadyaing linlangin o paglakuan ng
ilusyon o kasinungalingan, ng salamangkero at
63

ng propagandista, ng bayarang survey o


bayarang mamamahayag.

Bukod dito, hindi rin maikakailang


madalas na nakukulayan ng nilalaman ng ating
kalooban ang pananaw natin sa pisikal na bagay
na kinakaharap. May subhetibong paghusga
maging sa inaakalang obhetibong kaalamang
siyentipiko. Mainit sa isa, malamig naman sa
iba ang 20 degrees Celsius na setting ng
airconditioner. Ang ibig nating sabihin, hindi
malinaw na batayan ang agham o natural
sciences. Lalo na ang tinatawag na social
sciences tulad ng economics at sociology. Higit
na may katiyakan ang sukatan ng moralidad,
lalo na sa mga nagkakaisa sa pananampalataya;
ganundin ang mga kautusan ng batas.

Sa kabilang dako, hindi naman natin


masasabing ipailalim na lamang sa political
decisions ang mga datos ng natural sciences. Sa
katunayan, marami ring kaalamang mula sa
agham na hindi pinagdududahan ninuman at
hindi na dapat pagdebatehan. Ganunpaman, sa
mga pagkakataong iyon, maaaring sabihing
pumapasok na sa larangan ng moralidad ang
pagpasyang isaalang-alang ang datos ng agham
o hindi. May paglabag sa moralidad kung hindi
isaalang-alang ang malinaw na wastong datos
ng agham. Madalas din, naisasabatas pa ang
64

pagtalima rito: bawal ang shabu dahil nakasisira


ng pag-iisip at nakamamatay.

Ang buod ng tungkulin ng pulitikong


nanunungkulan ay magsagawa ng political
decisions. Sa bahagi ng ehekutibo, magbigay
ng direksyon sa pamahalaan at burukrasya. Sa
kalakhang bahagi, nasasalamin ang direksyong
ito sa pagkatha ng budget at pagtalaga ng mga
taong gagawa at mangangasiwa.

Madalas na hindi nabibigyan ng


karampatang pagpapahalaga ang
kapangyarihang magtalaga ng mga tauhan—the
power to appoint, to hire and fire—at kalakip
nitong kapangyarihang disiplinahin ang
naitalagang kawani. Huwag lamang lumabag sa
mga kautusan ng batas at sa moralidad, ito ay
lehitimong political decision, nakasalalay sa
kursunada ng pulitikong magpapasya, at
anuman ang maging pasya, walang totoong
makatuwirang maisusumbat ang sinuman.

Sa bahagi naman ng lehislatibo, sapat na


na pag-usapan, linangin, at sang-ayunan o
hindi-sang-ayunan ang direksyong mula sa
ehekutibo. Hindi talaga kailangan, bagamat
political decisions din, ang pagpasa o hindi
pagpasa ng bagong mga panukalang batas; at
ang pag-rebisa, pagbura o pag-amyenda sa mga
batas na nariyan na. Political branches ang
65

tawag sa ehekutibo at lehislatibo sapagkat


tungkulin ng mga sangay na ito ang magsagawa
ng political decisions. Hindi kasali ang
hudikatura, sapagkat ebidensya at batas lamang
ang batayan ng mga pagpapasya ng huling
sangay na ito.

Lumalabas, sa ating pagmumuni-muni,


na kung ang isang pagpasya ay lehitimong
political decision—hindi lumalabag sa batas o
sa moralidad—anuman ang pasya ay ayos
lang. Walang dahilan para umiyak o magalit
ang mamamayang hindi sumasang-ayon. Ang
remedyo ay political din: huwag iboto ang
pulitikong iyon sa halalan.

Ganunpaman, may mga pagkakataong


lumalabag na sa moralidad o sa batas ang
inaakalang political decision. Halimbawa nito
ang Reproductive Health Law. Dahil
lumalabag sa Saligang Batas, ang remedyo ay
pagdulog sa hukuman, kaya ngayon ay may
utos ang Korte Suprema na pansamantalang
hindi ipatupad ang RH Law, habang nakabinbin
ang kaso. Ngunit paano kung ang inaakalang
political decision ay lumalabag sa moralidad
bagamat hindi lumalabag sa batas? Ang
remedyo ay nasa halalan din; ngunit ang
kaibahan ay may karapatang magalit ang
sambayanan. At kung lubhang napakalaki ng
66

paglabag sa moralidad, maaaring mauwi sa


himagsikan.

Sa pagtaas ng antas ng pampulitikang


kamalayan, sa katiwasayan ng sambayanan,
mahalagang makilatis at mabigyan ng
karampatang pagtrato ang lehitimong political
decisions ng ating mga halal na opisyal, at nang
hindi mapagkamalang ihalo sa mga isyu ng
moralidad o legalidad.

(4.XII.2013)
67

14. RH LAW REVISITED

Isang halimbawa ng ―political decision‖


na lumalabag sa Batas Kalikasang Moral at sa
batas ng sambayanan ang RA 10354, The
Responsible Parenthood and Reproductive
Health Act of 2012, tawagin na lang nating ―RH
Law‖. Dahil lumalabag sa batas ng
sambayanan, ito ang paksa ng ilang petisyon sa
Korte Suprema na hinahangad na mapawalang-
bisa ang nasabing batas. At dahil may kasong
nakabinbin, minabuti ng hukumang ipatigil
muna ang pagpapatupad. Ngunit hayaan na
muna natin ang aspeto ng legalidad sa hukuman
at pagtuunan ng pansin ang paglabag sa
moralidad.

Ang buod ng RH Law ay ang pag-obliga


sa pamahalaan at mga health workers na
gumugol ng salaping nagmula sa buwis ng mga
mamamayan upang mamigay ng mga
kontraseptiba o itulak ang ―contraceptive sex‖,
o pagtatalik na sekswal na ginagamitan ng
68

artipisyal na mga pamamaraan o gamot na


pumipigil o pumuputol sa pagbubuntis o pag-
aanak. Ito ay labag sa batas-kalikasang-moral;
ibig sabihin, salungat sa kabutihan ng tao bilang
tao.

Imoral ang contraceptive sex sapagkat


ang kakayahang mag-sex ng tao ay likas na
nakatakda sa dalawang hantungan: una, sa pag-
iisa, union, sa pag-iibigan ng mag-asawa; at,
ikalawa, sa pagkakaroon ng bunga, sa
pagkakaroon ng supling, procreation. Kaya ang
tama at mabuting paggamit sa kakayahang mag-
sex ay dapat na bukas o umaayon at hindi
kontra sa dalawang layuning ito: may pag-
ibig at tinatanggap ang posibleng maging
supling; bukas sa pagkakaroon ng bunga, sa
pag-aanak.

Okey ang paggamit ng kakayahang mag-


sex kung, una, may pag-ibig sa pagitan ng
magkatalik (sa loob ito ng konteksto ng pag-
aasawa); at, ikalawa, bukas ang kanilang
kalooban sa pagkakaroon ng supling; o sa
pinakamababang sukatan nito, wala silang
ginawa para pigilan ito. Kailangan laging
naroon ang dalawang kondisyong ito, hindi
pwedeng paghiwalayin.

Ang sinasabi ng pumapabor sa


contraceptive sex, okay ang sex kung may pag-
69

ibig sa pagitan ng magkatalik. Makatao na raw


ito, hindi na imoral, kapag may pag-iibigan,
kahit na sadyaing pigilan nila ang pagbunga
nito.

Mali ang pananaw na ito. Hindi


maaaring sabihing isa lamang ang likas na
hantungan ng kakayahang mag-sex ng tao, na
ito ay okay na bastat may pag-ibig. Hindi
maaaring bale-walain o isa-isantabi ang
pagkakatakda nito sa pagkakaroon ng
bunga. Hindi maaaring paghiwalayin ang
dalawang hantungang ito ng pag-aasawa. At sa
katunayan, ito ang turo ni Papa Pablo VI sa
kanyang Liham Encyclical na
pinamagatang Humanae Vitae, ―Tungkol sa
Buhay ng Tao‖, na inilabas noong taong 1968.

Nakakatulong nga ang pananampalataya


sa pagkilala natin sa mga kautusan ng Batas
Kalikasang Moral. Hindi nga naman maaring
sabihin okay ang sex kung bukas lamang sa
pag-aanak ang magkatalik. Kapag walang pag-
ibig, rape ang tawag sa sex, isang malinaw na
kamaliang moral.

Sa kabilang dako, kung sasabihin


namang ang likas na layunin ng sex ay
natutupad na sa pag-iibigan lamang ng
magkatalik, magiging okay na pala ang sex sa
pagitan ng magkasing-kasarian, homosexuality,
70

gayong isinusumpa ito sa Banal na


Kasulatan. At kaya nga alam nating imoral ang
homosexual intercourse ay dahil hindi ito
maaaring tumupad sa layunin ng pag-aanak.

Isa pa, kung sasabihing hindi kailangang


maging bukas sa pag-aanak ang sex,
mawawalan na rin ng saysay ang institusyon ng
kasal. Kaya nga laging kasunod ng paglaganap
ng contraceptive sex ang pagkasira ng
institusyon ng kasal, ng pamilya. Nauuso ang
diborsyo. At nililinaw din ng pananampalataya
ang imoralidad ng diborsyo. Mismong ang
Panginoong Hesukristo ang nagsabi, ―Huwag
paghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng
Diyos‖ (Mt 19:6).

Mabuting pagmunimunihan ang dahilan


kung bakit may institusyon ng kasal ang halos
lahat ng lipunan. Maging ang mga sinaunang
tribo, kahit papaano, may seremonyang
pagdaraanan ang nag-iibigang nais magsama at
magtalik. Sa harapan ng tribo sila nangangako
at nagpapatali sa isa‘t isa nang
pangmatagalan. Ito ay dahil nga likas na
nakatakda ang pag-aasawa sa pag-aanak.

Ang buhay ng tao, na bunga ng


pagtatalik, ay maselan at mahina sa simula at
kailangan ng matagal na pag-aaruga; kailangan
ng pagtutulungan ng ama at ina sa matagal na
71

panahon bago maging handa ang kanilang


supling na mamuhay nang sarili. Dahil dito,
kailangang itali, obligahin, sa tungkuling ito
ang mag-asawa sa harap ng tribo. Ang tribo ay
may karapatang tiyakin ang kapakanan ng mga
sumusunod na salinlahi; kung hindi ay mauubos
o malilipol ang tribo.

Kung ang sex ay hindi likas na


nakatakda sa pag-aanak, walang dahilan para
talian ang dalawang taong gustong makipag-sex
sa isa‘t-isa. Walang dahilan ang institusyon ng
kasal. Okay lang ang live-in, okay na rin ang
diborsyo. Ngunit alam nating mali ito. Imoral
ang contraceptive sex sapagkat ito ay pag-
abuso, maling paggamit, sa kakayahang sekswal
ng tao; paggamit na may pagtanggi sa likas na
nakatakdang layunin ng sex; kontra sa tunay na
kalikasan ng tao bilang tao.

(14.XII.2013)
72

15. RH LAW REVISITED (II)

Sa cover story ng Time Magazine na


lumabas noong nakaraang ilang araw
(December 2, 2013), tampok ang naging
masamang resulta ng one-child policy na umiral
at umiiral pa rin sa China: kulang na ang
kanilang populasyon at nakikinitang lubhang
mahirap nang kumbinsihing magparami ng mga
anak ang kanilang mga mamamayan, matapos
ang ilang dekadang pagpigil sa pag-
aanak. Ngunit hindi lamang China. Ang
Singapore din (at marami pang bansa lalo na sa
Europa) ay nagsisisi sa pagpapalaganap ng
contraceptive sex dahil nararanasan nila ang
walang humpay at nakakatakot na pagliit ng
kanilang mga populasyon, aging and waning
population, ang tinatawag na demographic
winter. Mainam ngang suriin pa natin ang
aspetong ito ng imoralidad ng contraceptive
sex, at ng RH Law na nagtutulak nito.

Ang kakayahang sekswal ng tao ay likas


na nakatakda sa pag-aanak—kaya nga
73

―reproductive system‖ ang tawag sa kalipunan


ng mga bahagi ng katawan na nasasangkot sa
sex—at may maling paggamit, may pag-abuso,
may kamaliang moral kapag ginamit natin ang
kakayahang ito nang may pagtanggi sa kanyang
likas na dapat kahantungan.

Ito ang dahilan kung bakit masama,


imoral, ang contraceptive sex: ginagamit ang
kakayahang sekswal habang sadyang
tinatanggihan ang likas na dapat nitong
kahantungan, pinipigilan ang posibilidad na
magbunga ito.

Makikita rin dito: bagamat imoral ang


contraceptive sex, hindi masama ang mga
kaparaanang tinatawag na natural family
planning methods sapagkat sa mga natural na
kaparaanang ito, hindi ginagamit ang
kakayahanag sekswal sa mga araw na maaaring
magbunga ito. Walang pag-abuso sa
kakayahang sekswal; walang pagpigil sa likas
na daloy ng mga pangyayari.

Sa isang banda, maihahalintulad ang


kakayahang sekswal ng tao sa kakayahang
kumain. Ang likas na nakatakdang layunin ng
kakayahang kumain ay ang nutrisyon at
kalusugan ng ating katawan; at may pag-abuso,
may kamaliang moral kapag ang akto ng
pagkain ay kumontra dito. Halimbawa nito ang
74

labis-labis na pagkain ng litson, na nakatuon


lamang sa sarap na nadarama ng ating
panlasa: katakawan ang tawag dito.

Dapat nating isaalang-alang: ang sarap


na nararanasan sa pagkain, ganun din sa
paggamit ng kakayahang sekswal ng tao, ay
paraan lamang o insentibo; instrumento ng
kalikasan upang tulungan tayong tupdin o
isagawa ang kinakailangang gawin—pagkain at
pakikipagtalik—tungo sa mga likas na dapat
kahantungan ng mga gawaing iyon: kalusugan
ng indibidwal, sa bahagi ng pagkain; at
pagbunga ng anak (pagpapalago o
pagpapalusog sa sambayanan) sa bahagi ng sex.

Ganunpaman, magkaiba pa rin ang sex at


pagkain: Sabi nga ni San Josemaria Escriva,
―For, unlike food, which is necessary for the
individual, procreation is necessary only for the
species, and individuals can dispense with it.‖
(The Way, No. 28)

Ang pagkain, kailangan para sa patuloy


na pag-iral ng indibidwal; ang sex, kailangan
para sa patuloy na pag-iral ng sambayanan,
hindi talaga kailangan ng indibidwal. Maaaring
mabuhay nang masaya ang indibidwal kahit
hindi gamitin ang kakayahang sekswal; at
patunay dito ang buhay ng mga santong
selibato.
75

Ang pagkain nga naman ay direktang


nakatakda sa kabutihan ng indibidwal; ang sex,
sa kabutihan ng pamilya at ng sambayanan, sa
pagpapatatag ng lahi. Ito rin ang dahilan kung
bakit higit na madaling makita ng indibidwal
ang kasamaan ng katakawan sa pagkain, ng
walang prenong hilig sa pagkain at inumin,
kaysa kasamaan ng contraceptive sex. Ang
hindi kanais-nais na resulta ng maling paggamit
sa kakayahang sekswal, bagamat may pinsala sa
pamilya at sambayanan, ay hindi agad ramdam
ng indibidwal; di tulad ng katakawan sa pagkain
o kalasingan sa inumin: masakit sa ulo at
nakapanghihina ng katawan. Bukod sa
pagkakaibang ito ng sex at pagkain, higit na
matindi rin ang sarap ng sex kaysa sarap na
nararanasan natin sa pagkain. Ang higit na
matinding sarap mula sa sex ay ―gantimpala‖ ng
indibidwal sa paglingkod sa sambayanan.

Karamihan sa atin, kakain pa rin, kahit sa


marahan lang na udyok ng pagkahilig—kahit
hindi masarap ang pagkain—dahil alam nating
kailangang kumuha ng sustansya mula sa
pagkain upang mabuhay.

Sa kabilang dako, dahil hindi madali ang


panganganak at pagpapalaki sa supling,
malamang na bihira ang mag-aasawa at mag-
aanak kung wala ang matinding sarap na
76

kalakip ng sex. Karugtong nito, kapag iisiping


ayos lang ang contraceptive sex—kapag
tinanggal ang pag-aanak o procreative
purpose na likas na hantungan ng sex—hindi
mapipigilan ang pababang pagbulusok ng
bilang ng mga mamamayan.

Masasabi nga na kung ang katakawan sa


pagkain ay nauuwi sa kamatayan ng indibidwal
(dahil sa hypertension, diabetes, at iba pa), ang
katakawan sa sex—paggamit nito para lamang
sa sarap, na may pagtanggi sa likas na layuning
magbunga—ay nauuwi sa kamatayan ng
pamilya at ng sambayanan.

Marami pa ang masasabi tungkol sa


pagiging labag sa Batas Kalikasang Moral ng
RH Law. Ipagpaliban na muna natin ang
pagtalakay sa mga ito.

(21.XII.2013)
77

16. KABANALAN NG BUHAY-PAMILYA

Isa pa sa mga argumento kontra sa RH


Law ang paglabag sa prinsipyo ng subsidiarity
sa pagtapak nito sa kasarinlan ng pamilya. Sa
aspetong ito, lumalabag ang RH Law hindi
lamang sa Batas Kalikasang Moral kundi pati
rin sa ating Saligang Batas.

Ang subsidiarity, katagang Ingles, ay


mula sa subsidium ng wikang Latin, na ang
literal na kahulugan ay ―tulong‖, assistance, at
may kinalaman din sa ―proteksyon‖. Sa mga
usaping panlipunan, ang ibig sabihin ng
prinsipyo ng subsidiarity ay dapat igalang ng
malaking yunit ang kasarinlan ng sakop niyang
maliit na yunit sa mga bagay na nasa kakayahan
ng maliit na yunit na iyon. Sa ibang salita,
hindi dapat panghimasukan ng malaking yunit
ang mga pagpapasya at gawang nasa kakayahan
ng maliit na yunit. Halimbawa nito ang
pagpapaubaya ng pamahalaang nasyonal sa
pamahalaang lokal ng pagtakda ng rota ng
daloy ng trapiko sa mga lansangan.
78

Kung ibabalik natin sa RH Law ang


usapan, ang pagpapasya sa nararapat na bilang
ng mga anak o sa agwat ng panahon ng
panganganak ay nasa kakayahan at kalayaan ng
mismong pamilyang nasasangkot (na
nakasentro sa mag-asawang lalaki at
babae). Hindi ito dapat pakialaman ng Estado;
ngunit ito ang epekto ng RH Law: may
nakatagong mensaheng hindi mabuti ang
magkaroon ng maraming anak o kaya ay hindi
dapat magparami ng anak.

Bagamat tila wala namang ―puwersa‖ o


garapalang pamimilit sa RH Law sa bagay na
ito, ang mismong pakikialam ng Estado sa
pamamagitan ng nakatagong mensahe ay hindi
nararapat sapagkat ito ay pagpapasyang
nakasalalay dapat sa malayang pagpili ng
pamilya.

Dito, lumalabag ang RH Law sa


prinsipyo ng subsidiarity ng Batas Kalikasang
Moral. Kapag pumayag dito ang sambayanan,
o kapag binasura ang prinsipyo ng subsidiarity,
mawawalan na rin ng argumento kontra sa
hayagang pamimilit ng Estado na siyang
kinahantungan ng mga programa ng population
control, one-child o two-child policy na may
kalakip nang mga parusa sakaling hindi
tumalima ang mga pamilya. Ito ang nangyari sa
79

kasaysayan ng mga bansang tulad ng Tsina at


Singapore.

Mahalaga sa anumang lipunan ang


pagpapalakas, pagpapatatag, sa mga pamilya,
kahit dahil man lamang sa ang pamilya ang
pinaka-direktang materyal na sanhi ng buhay-
lipunan.

Sa klasikal na pilosopiya, ang lahat ng


pag-iral ay may apat na pinakahuling sanhi, o
pinaka-puno at dulo: una, ang ―porma‖ o
―pormal na sanhi‖—formal cause—na siyang
nagbibigay ng ―akto ng pag-iral‖ sa bagay na
iyon; ikalawa, ang ―materyal na sanhi‖,
material cause, ang nagbibigay ng kakayahan o
kapasidad sa bagay na iyon upang maging kung
ano man ito; ikatlo, ang ―episyenteng sanhi‖—
efficient cause—na direktang nagbibigay-daan
sa pag-iral ng bagay na iyon; at ikaapat, ang
―pinakahuling sanhi‖—final cause o end, sa
wikang Ingles—na siyang huling dapat
kahantungan nito.

Ang pormal na sanhi ng buhay-lipunan


ay ang pagkakaisa ng pagpili—union of wills—
ng mga bumubuo ng sambayanan; ang
episyenteng sanhi ay ang ―pag-ibig‖—
solidarity—o ang pinakapayak na antas nito,
―katarungan‖; at ang huling dapat kahantungan
nito ay ―kabutihang panlahat‖—common
80

good—o ang kabuuan ng mga kalalagayang


nagbibigay-daan upang makamit ng mga tao
ang kanilang kaganapan. Ano naman ang
materyal na sanhi ng buhay lipunan?

Sa biglang tingin, madaling lumabas na


sagot ang ―indibidwal‖ na tao, sapagkat ito ang
may kalayaang pumiling makiisa sa buhay
lipunan. Tama rin naman; ngunit, sa higit na
malalim na pagsuri, may pamilyang
namamagitan sa indibidwal at sa sambayanan.

Habang bata pa ang indibidwal, ang


kanyang pakikibahagi sa lipunan ay sa
pamamagitan lamang ng pamilya o mga
magulang, na siyang bumuboto sa halalan,
nakikipag-kontrata sa iba, etsetera. At kahit
nasa wastong gulang, ang pagpili ng indibidwal
ay nakukulayan pa rin ng pagsasaalang-alang sa
kapakanan ng kanyang pamilya.

Iba ang pamilya sa indibidwal, sapagkat


ang pamilya ay samahan; ngunit iba rin ito sa
sambayanan, sapagkat likas sa magkakapamilya
ang higit na matinding pag-iibigan at hindi ito
nakabatay sa anumang katangian ng kapamilya
maliban sa pagiging kapamilya. Dahil dito,
bagamat maaaring sabihing mga indibidwal din
ang bumubuo sa sambayanan, pamilya ang higit
na malapit na materyal na sanhi ng lipunan.
81

Dahil ang pamilya ang basic cell na


direktang bumubuo ng sambayanan, ito rin ang
una at direktang dapat na pinaglilingkuran,
pinatatatag at binibigyan ng proteksyon ng
Estado—tungkuling kinikilala rin ng ating
Saligang Batas: ―The state recognizes the
sanctitiy of family life and shall protect and
strengthen the family as a basic autonomous
social institution‖ (Sec. 12, Art.
II). Ipagpapatuloy po natin ang paksang ito.

(22.I.2014)
82

17. KABANALAN NG BUHAY-PAMILYA (II)

Sa nakaraan, nabanggit natin ang


pagkilala ng Saligang Batas sa kabanalan ng
pamilya bilang pundamental na sangkap na
bumubuo lipunan. ―The state recognizes the
sanctitiy of family life and shall protect and
strengthen the family as a basic autonomous
social institution‖ (Sec. 12, Art. II). Ang ibig
sabihin ng sanctity ay
―kabanalan‖: pagkakatakda sa Diyos o
pagiging kaisa ng Diyos, mula sa
katagang sanctus sa wikang Latin, santo sa
Español.

Malinaw dito na kumikilala pala sa


Diyos ang Saligang Batas. Hindi maaaring
sabihing hindi kasali ang Diyos sa usapang
pampulitika, kahit magkahiwalay ang Simbahan
at ang Estado. Ngunit mabuting pagtuunan ng
pansin ang ―kabanalan ng buhay-pamilya‖ na
tinutukoy ng Section 12, Article II.

Bukod sa pagiging basic cell o materyal


na sanhi na direktang bumubuo sa lipunan o
83

sambayanan, pamilya ang kanlungan ng buhay


ng tao. Ibig sabihin, dikit na dikit o napakalapit
ng kaugnayan ng buhay-pamilya sa buhay ng
tao; at dahil banal ang buhay ng tao,
masasabing banal din ang buhay-pamilya.

Sa teolohiya, dagdag na liwanag sa


kabanalan ng buhay-pamilya ang pagiging
larawan nito ng wagas na pag-ibig—ng Diyos
sa Kanyang Sambayanan, sa pag-iibigan ng
mag-asawang nasa sentro ng pamilya—at ang
pagiging tao ng Diyos sa loob ng pamilya nina
Hesus, Maria, at Jose. Alalaumbaga‘y
―idinikit‖ ng Diyos sa Kanyang Sarili ang
buhay-pamilya; isa ito sa pinaka-unang mga
realidad na pantaong pinabanal ng
pagsasakatawang-Tao ng Salita ng
Diyos. Hindi nga katakatakang sa sentro ng
pagdiriwang ng Pasko ng Kapanganakan ng
Panginoon, ipinagdiriwang din sa liturhiya ng
Araw ng Linggo kasunod ng December 25 ang
Kapistahan ng Banal na Pamilya.

Kung mananatili naman tayo sa larangan


ng katuwirang pantao (huwag na muna sa
larangan ng teolohiya), ang kabanalan ng
buhay-pamilya ay nakabatay sa kabanalan ng
buhay ng tao. Dahil dito, mabuti ring balikan
ang paksang ito: Paano nga ba masasabing
banal ang buhay ng tao?
84

Lahat ng bagay, masasabi ring may


kabanalan, kahit man lamang dahil sa
―nagmula‖ sa Diyos sa kahulihulihang
pagsusuri. Ngunit iba ang kabanalan ng buhay
ng tao sa buhay ng hayop o halaman sapagkat
ang buhay ng tao ay direktang nagmula sa
Diyos, samantalang ang buhay ng hayop at
halaman ay nagmula lamang sa Diyos sa
pamamagitan ng unang specimen nito na
direktang nilikha ng Diyos. Ang mga kasunod
na specimen ay produkto na ng biological na
proseso.

Sa bahagi ng tao, bagamat ang


pagkakaroon ng buhay ay kinasasangkutan ng
biological na proseso—ang pagsasama ng
similya at ovum mula sa ama at ina—ang
espiritwal na diwa ng tao ay walang maaaring
pagmulan kundi ang direktang akto ng paglikha
ng kapangyarihan ng Diyos. Kaya ang
―episyenteng sanhi‖ ng pag-iral ng bawat tao ay
ang kapangyarihan ng Diyos, sa pakikipag-
tulungan ng mga magulang ng taong iyon.

Ngunit hindi lamang sa simula ng pag-


iral ng buhay ng tao kundi pati rin sa huling
dapat kahantungan nito: Ang kaganapan ng tao
ay nasa pagiging kaisa ng Diyos sa walang
hanggan—ang kaganapan ng Totoo at Mabuti—
na Siyang likas na nakatakdang pinatutunguhan
ng ating pag-iisip at kalayaang pumili.
85

Banal ang buhay ng tao sapagkat


direktang nagmula sa Diyos, at sa kanyang
huling dapat kahantungan, nakatakda patungo
sa Diyos.

Ang tao ay para sa Diyos; lahat ng iba


pang nilikha sa daigdig ay para sa tao. At banal
din ang buhay-pamilya dahil sa napakalapit na
pagkakadikit nito sa buhay ng tao. At dahil
banal o ibinukod para sa Diyos, hindi maaaring
paglaruan, hindi maaaring palitan ng
depinisyon, at hindi maaaring pawalang-halaga.

Sa pilosopiyang panlipunan, kakulangan


ng karampatang pagpapahalaga sa buhay-
pamilya ang pamamayani ng mga pilosopiya o
ideolohiyang nagsasabing ang indibidwal na tao
(sa halip na pamilya) ang dapat na unang
pinaglilingkuran ng buhay-
lipunan. ―Indibidwalismo‖ ang tawag sa
ganitong pananaw, na nagsasabi ring ―kalayaan
ng indibidwal‖—liberty—ang pinakamataas na
halaga sa buhay-lipunan. Sa larangan ng
pulitika, ang tawag dito ay ―liberalismo‖; sa
larangan ng ekonomiya, ―laissez-faire
capitalism‖.

Sa kabilang dulo, mali rin ang mga


pilosopiyang nagsasabing lipunan mismo (sa
halip na indibidwal o pamilya) ang dapat na
86

unang pinaglilingkuran ng buhay-


lipunan. ―Kolektibismo‖ ang tawag sa ganitong
pananaw, na nagsasabi ring ―pagkakapantay-
pantay‖—equality—ang pinakamataas na
halaga sa buhay-lipunan. Sa larangan ng
pulitika, ang tawag dito ay ―totalitaryanismo‖;
sa larangan ng ekonomiya, ―sosyalismo‖.

Sa katunayan, hindi ang indibidwal at


hindi rin ang lipunan mismo ang unang dapat
paglingkuran ng buhay-lipunan kundi ang
pamilya; hindi rin kalayaan ng indibidwal o
pagkakapantay-pantay ng lahat ang
pinakamataas na halaga sa buhay-lipunan kundi
―katarungan‖.

(25.I.2014)
87

18. KARANGALAN NG TAO BILANG TAO

Noong nakaraan, napagtuunan natin ng


pansin ang kabanalan ng buhay-pamilya, na
nagmumula sa kabanalan ng buhay ng tao. Sa
higit na sekular na pagsasawika, ―karangalan ng
tao bilang tao‖—human dignity—ang tawag sa
kabanalan ng buhay ng tao.

Isa sa pinakamahalaga at
pinakapundamental na prinsipyo ng
pamumuhay sa lipunan ang paggalang sa
karangalan ng bawat tao bilang tao. Sa usapin
ng pulitika, mabuti ring pagmunimunihan ito,
sapagkat ang pulitika ay isang natatanging
pantaong larangan.

Walang pulitika sa bahagi ng mga


hayop. Ipinagpapalagay lamang na sila ay
parang mga tao sa mga pantasyang tulad ng
pelikulang-guhit na Lion King ng Walt Disney
Productions. Ang nobela ring Animal Farm ni
George Orwell ay isang alegoryang sa
katunayan ay tungkol din sa tao, hindi talaga
88

tungkol sa mga hayop na mga ―tauhan‖ sa


kuwento.

Tao talaga ang gumagalaw sa larangan


ng pulitika; at sa kahuli-hulihan, sa tao rin
umiinog ang lahat ng usaping
pampulitika. Bagamat ibang konteksto ang
pinagmulan, nababagay din sa puntong nais
nating tukuyin ang isa sa pinakasikat na
pariralang nagmula kay Abraham Lincoln,
bahagi ng kanyang Gettysburg Addres:
―pamahalaan mula sa tao, isinasagawa ng tao, at
para sa tao,‖ government of the people, by the
people, for the people. Sa lengwahe naman ng
Vatican II o Ikalawang Konsehong Batikano,
―the beginning, the subject, and the goal of all
social institutions is and must be the human
person‖. Tao ang simula, ang kamalayang nasa
sentro, at siya ring dapat na pinatutunguhan ng
lahat ng institusyong panlipunan (Gaudium et
Spes, No. 25).

Ang karangalang ito ng tao bilang tao


ang batayan ng Bill of Rights sa ating Saligang
Batas. Masasabing may Bill of Rights dahil
may likas na mga karapatan ang tao, at hindi ito
maaaring tapakan o sagasaan kahit pa ng
Estado. Sa madaling salita, ang Bill of Rights
ay mga limitasyon sa kapangyarihan ng Estado,
pagkilala sa hindi maaaring yurakang
karangalan ng tao bilang tao.
89

Sa ating panahon, isa sa mga


pagkukulang sa pagkilala o pagpapahalaga sa
karangalang pantao ang pagpapababȃ sa tao
upang ipantay sa mga punongkahoy o mga
hayop; o kaya, ang bigyan ng higit na
pagpapahalaga ang mga punongkahoy at hayop
kaysa tao. May mga batas pa nga tayong tila
nagbibigay ng ―human rights‖ sa mga hayop, at
nagpapataw ng parusa sa mga taong hindi
kumikilala sa mga karapatang ito na dapat ay
pan-tao lamang ngunit iginagawad sa mga
hayop.

Hindi rin basta masisisi ang mga taong


may ganitong pananaw sapagkat, kung
kakayahan lamang natin ang aasahan, mahirap
ikatuwirang tao—at hindi ibang nilalang o
buhay-ilang—ang tugatog ng paglikha. Hindi
natin talaga kayang patunayan—nang walang
puwang para sa pagduda—na tao lamang ang
may pag-iisip at kalayaang pumili. Malay nga
naman natin kung ano ang pinag-uusapan ng
ating mga alagang aso kapag sila ay
nagkakatipon-tipon. At, sa kabilang dako, alam
nating may mga aspeto ang taong katulad ng
hayop: madalas tayong napapasunod sa udyok
o hilig ng katawan kahit labag sa utos ng
budhi. Ganunpaman, kamalian pa ring ipantay
o ipailalim ang tao sa hayop o
punongkahoy: wala rin namang dahilan para
90

sabihing higit na magaling ang mga nilalang na


ito kaysa tao. Walang kabuluhang
pagpapahirap sa sarili, ngunit nangyayari, tulad
ng penomenong pinagmulan ng kasabihang
―white elephant‖: mga alagang hindi maaaring
katayin o itapon dahil pinaniniwalaang sagrado,
ngunit napakagastos alagaan.

Malaki ang tulong ng ating


pananampalataya sa paglilinaw sa karangalang
pantao. Malinaw sa pananampalatayang
Kristiyanong nilikha ng Diyos ang tao upang
pamahalaan ang buong daigdig.

Nakasulat sa Bibliya: ―Nilalang nga ng


Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan...Sinabi
niya, ‗Magpakarami kayo at punuin ninyo ng
inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo
ang mamahala nito,‘‖ ―Be fertile and multiply;
fill the earth and subdue it‖ (Gen 1:27-28).

Ito rin ang paksa ng Salmo Bilang


8: ―Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o
ang anak ng tao upang iyong
pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo
nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng
luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat
ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya
ang iyong pinamahala.‖ Higit pa riyan, ang
Diyos ay nagkatawang-tao: ang Panginoong
Hesus ay tunay na Diyos at tunay na tao.
91

Pinakapundamental sa mga karapatang


pantao ang karapatang mabuhay, right to life,
sapagkat walang ibang karapatan pang
maaaring pag-usapan kapag walang buhay;
kaya nga, dapat tayong mabagabag na tila
dumarami ang mga nangyayaring pagpaslang sa
tao habang nasa sinapupunan; at hindi lang
nangyayari kundi isinusulong sa ilang mga
sulok ng daigdig na parang karapatan na ng
isang ina ang ipalaglag ang buhay na nasa
sinapupunan. Pag-usapan natin sa susunod ang
abortion sa kontekstong ito.

(8.II.2014)
92

19. ROE VERSUS WADE

Noong ika-22 ng Enero, taong 1973 (ika-


41 anibersaryo na ang kalilipas na January 22),
inilabas ng Korte Suprema ng Estados Unidos
ang kanilang desisyon sa kasong Roe vs.
Wade na, sa kauna-unahang pagkakataon,
nagbigay ng karapatan sa batas na sadyaing
ipalaglag o ipapaslang ang sanggol na nasa
sinapupunan ng isang ina. Naging legal,
puwede na sa batas, ang abortion.

Ang Roe vs. Wade ay pinaikling


pamagat ng kaso, ―Jane Roe versus District
Attorney Henry Wade (ng Estado ng
Texas)‖. Ang ―Jane Roe‖ ay pambabaeng
katumbas ng ―John Doe‖, ―alias‖ na ginagamit
upang ipalit sa pangalan ng taong nasasangkot
sa kaso, kung hindi alam ang totoong pangalan
o, tulad dito, kung kailangang itago ang totoong
pangalan upang bigyan ng kaukulang
proteksyon ang nasasangkot. Ngunit dahil
naisapubliko na rin ang totoong pangalan ng
93

Jane Roe na ito, banggitin na rin natin ang


totoong pangalan niyang ―Norma McCorvey‖.

Ang buod ng usapin ay pawalan ng bisa


ang batas ng Estado ng Texas na nagbabawal at
nagpapataw ng parusa sa abortion, sapagkat
noong mga panahong iyon, buntis si Norma
McCorvey at nag-iisip na ipalaglag ang sanggol
sa kanyang sinapupunan. At sa desisyon ng
Korte Suprema ng Estados Unidos,
napagpasyahan ngang pawalan ng bisa ang mga
batas na nagbabawal sa abortion, sa dahilang
ang mga ito raw ay lumalabag sa ―right to
privacy‖ ng babaeng nasasangkot—karapatan
daw na protektado sa ilalim ng Bill of Rights ng
Saligang Batas ng Estados Unidos. Mula noon,
sa kabila ng ilan pang usaping umabot sa U.S.
Supreme Court, sa kabila ng mainit na debate sa
pagitan ng dalawang kampong natagurian nang
―Pro-Life‖, kontra sa abortion, at ―Pro-Choice‖
o pabor sa abortion, hindi pa rin nababaligtad
ang buod ng desisyon sa Roe vs. Wade.

Kung tutuusin, hindi dapat mahirap


makitang higit na mataas na halaga ang
karapatang mabuhay—right to life—ng
sanggol, kung ihahambing sa ―right to privacy‖
ng inang nais itigil ang kanyang pagdadalantao.

Oo nga, karapatang pantao rin ang


hayaang magsarili at gawin ang kagustuhan sa
94

kanyang pag-iisa, bastat walang kapwang


masasagasaan, at dapat itong igalang ng Estado,
hindi maaaring panghimasukan ng
batas. Ganunpaman, kapag abortion ang pinag-
uusapan, malinaw din naman sa ating mga
Pinoy na ang sanggol sa sinapupunan, gaano
man kaliit pa, ay buhay ng tao, sapagkat life
begins at conception—fertilization, ang pag-iisa
ng semilya ng ama at ovum ng ina—at ito ay
hayagang nakasaad sa ikalawang pangungusap
ng Section 12, Article II ng ating Saligang
Batas: ―(The State) shall equally protect the life
of the mother and the life of the unborn from
conception‖.

Sa desisyon ng U.S. Supreme Court sa


kasong Roe vs. Wade, hayagan ding iniwasan
ng mga mahistradong pagpasyahan kung kailan
talaga nagsisimula ang buhay ng tao: tila
sinasabing hindi talaga mapapatunayan kung
saang punto nagiging tao ang kalipunan ng mga
cells at tissue na nasa loob ng katawan ng isang
ina, bagamat sa kalaunan ay maaaring mauwi
ito sa pagiging sanggol na iluluwal.

Sa ganitong pagdadahilan—bagamat
hindi naman lahat sumang-ayon, mayroon ding
dissenting opinion sa mga mahistrado—
napagpasyahan ng mayorya na pamayanihin
ang right-to-privacy upang ibasura ang mga
95

batas na nagbabawal at nagpapataw ng parusa


sa abortion.

Sa ating bansa, ipinagbabawal pa rin at


pinarurusahan hanggang ngayon ang abortion
bilang salang-kriminal, sa ilalim ng Article 256
hanggang Article 258 ng ating Revised Penal
Code. Salamat sa isinasaad ng Section 12,
Article II, ng ating Saligang Batas, hindi
maaaring pawalan ng bisa ang pagbawal sa
abortion sapagkat malinaw sa ating sistema
kung kailan nagsisimula ang buhay ng tao.

Hindi naman maaaring pagtalunan pa na,


sa pagtatagpo at pag-iisa ng semilya ng lalaki at
ovum ng babae, mayroon nang bagong
buhay: lumalago sa panahon, mayroon na ring
sariling DNA, at hindi masasabing bahagi
lamang ng katawan ng ina o ama sapagkat
kinasangkutan nilang dalawa. Sinasabi lamang
ng mga nagsusulong ng abortion na hindi ito
masasabing ―buhay ng tao‖. Kailangan pa nga
naman ng microscope para makita, paano
sasabihing may karapatang mabuhay labag man
sa kalooban ng babaeng may-katawang
nagdadala nito?

Mahirap nga marahil sa pisikal na agham


na patunayang may karapatang mabuhay
ang zygote na ito. Ganunpaman, malinaw sa
pananampalatayang Kristiyanong may mga
96

karapatan na ito bilang tao—karapatang hindi


nakasalalay sa kamay lamang ng ina o mga
magulang, ni ng Estado—at lahat, ang buong
sambayanan, ay may tungkuling ipaglaban ang
karapatang iyon (CCC, 2270-2275).

Kung makalusot mang hindi


maparusahan sa ilalim ng batas ng tao ang
abortion, ito ay isang napakalaking kasamaan sa
Batas Kalikasang Moral dahil, bukod sa pagkitil
ng buhay ng tao, ang biktima sa abortion ay
tiyak na inosente at tiyak na walang kalaban-
laban. At madalas, pinangungunahan pa ito o
kinasasangkutan ng mismong inang may
pinakapangunahing tungkuling mahalin at
arugain ang sanggol na iyon.

(15.II. 2014)
97

20. PISTA AT PALARO

Tuwing ika-labing-apat ng Pebrero,


ipinagdiriwang ng marami, sa buong mundo,
ang ―pista‖ o ―araw‖ ng mga puso, Valentine‘s
Day. Hindi masyadong malinaw kung saan
nagmula ang kostumbreng ito, ngunit tiyak na
maraming mag-asawa o magkasintahang na-
oobligang mag-date, kumain o magliwaliw sa
labas ng tahanan, magbigayan ng kung anu-
anong bagay na nagpapahiwatig ng
romantikong pag-ibig: bulaklak, chocolate,
alahas, atbp.

Hindi naman ito masama kung naaayon


din sa kakayahang gumastos ng mga
nagdiriwang, at kung talaga namang
kinatutuwaan nila ito; huwag lang sanang
napipilitan dahil sa matinding propaganda at
patalastas ng mga mangangalakal na lalong
kumikita sa pagkakataong ito, at huwag din
sanang gumagastos nang lampas sa tunay na
kakayahan o kinikita.
98

Hindi lamang Valentine‘s Day, kundi


lahat ng mga ―pista‖—pang-relihiyon man o
hindi, tulad ng Mother‘s Day at Father‘s Day—
ay may posibilidad na maging pahirap na hindi
nararapat sa karaniwang mamamayan at sa
kanyang pamilya.

Kung pag-uusapan ang mga pistang


pang-relihiyon, talagang may kabuluhan ang
mga ito: paggunita sa buhay ng isang banal na
tao o santo, o kaya ay sa kung anong doktrina o
turo ng pananampalataya.

Halimbawa nito ang Dakilang


Kapistahan ng Immaculada Concepcion tuwing
December 8, na paggunita sa pagkakalihi kay
Maria sa sinapupunan ng kanyang ina nang
walang bahid ng kasalanan: Dahil siya ang
magiging Ina ng Diyos, ang Banal na Birheng
Maria ay ligtas sa bahid ng kasalanang-mana
mula sa simula ng kanyang pag-iral.

Ganundin ang Pista ni San Agustin


tuwing August 28, paggunita sa buhay ng santo
upang tularan, kapulutan ng aral tungo sa ating
pagpapakabanal, pagdulog sa kanyang tulong na
mga panalangin, at pagpapasalamat sa Diyos.

Lehitimo rin nga naman ang umiba sa


pangkaraniwang gayak at pagkain sa ganitong
99

mga pagkakataon—magbihis nang maganda at


maghanda ng masasarap na pagkain;
magdiwang na kasalo ng mga kaibigang
panauhin—huwag nga lang sanang maging
pahirap sa mga napipilitan lang o pabigat na
pasanin sa may maliit na kinikita o sa kulang
ang kakayahang gumastos. Ito ang binabatikos
ni Rizal sa Noli Me Tangere, mahigit isandaang
taon na ang nakalilipas: hindi ang pista mismo,
kundi ang hindi na makatuwirang paraan ng
pagdiwang nito.

Totoo rin ito pati sa mga pagdiriwang na


sekular, lalo na sa mga pagdiriwang na
kinasasangkutan ng pamahalaan: Hindi lamang
mga mamamayan ang napapagastos nang higit
sa kakayahan, kundi pati pondo ng gobyerno,
nasasalaula o nasasayang.

Taun-taon, halos ng lahat ng barangay at


bayan, may ipinagdiriwang na foundation day,
alalaumbaga‘y sekular na kapistahan, bukod sa
kapistahan ng santong pintakasi ng parokya o
kapilya. Dito, higit na malaking bahagi ng
gugulin sa kasayahan ang pinapasan ng
pamahalaang lokal.

Sa maraming pagkakataon, hindi ito


isang araw lamang na pagdiriwang kundi
umaabot ng isang linggo o dalawang linggo pa
kung minsan: gabi-gabing programa‘t palabas,
100

tugtugan at sayawan sa plaza; iba‘t-ibang


palaro; beauty pageant ng mga dalagita, mga
nanay, at mga lola; walang tigil na pakain ng
mga bisita, artista, at musikerong inupahan
upang magbigay ng aliw sa sambayanan...

Sa kontekstong ito, hindi nalalayo sa


pista ang palaro. Nababanggit natin ito
sapagkat ngayong taon, February 15 ang
pagbubukas ng taunang palarong pangrehiyon
ng Regional Athletic Association ng
MIMAROPA, sa lalawigan ng
Marinduque. Ilang milyung piso rin ang gastos
ng Department of Education sa Palawan sa
pagdala ng delegasyon sa
MIMAROPARAA. Kahit na ipagpalagay na
walang katiwalian at mapunta ang pera sa tunay
na mga gastusin, malaking halaga pa rin ito para
sa totoong ―laro‖ lamang.

At hindi lamang yan. Kung tutuusin,


walang tigil ang palaro ng DepEd: bukod sa
intramurals ng bawat paaralan, mayroon pang
City Meet o Provincial Meet bago umabot sa
baitang na pang-rehiyon. Kung ilalapat ito sa
mahigit dalawandaang mga lungsod at
lalawigan sa buong bansa, ilang bilyong piso rin
ang nagugugol sa mga palarong ito taun-taon.

At hindi lamang sa kaperahan ang epekto


kundi pati rin sa pag-aaral ng mga atleta: halos
101

buong taon, absent sa mga klase dahil


nagsasanay o nasa palaro. Pati karaniwang
mag-aaral ay apektado: madalas, ang mga silid-
aralan ay ginagamit na tirahan ng mga athletic
delegation kaya walang pasok, dahil walang
pagdarausan ng klase. Panahon na marahil na
pag-usapan ang pagpapatigil (o pagpapatuloy)
sa ganitong kalakaran.

Ang ―pista at palaro‖ ay masasabing


katumbas ng ―panem et circenses‖ ng wikang
Latin; sa literal na pakahulugan, ―tinapay at
palaro‖, ―bread and circuses‖ sa Ingles.

Ang ekspresyon ay nagmula sa makatang


si Juvenal (circa 100 A.D.), at ang
pinatutungkulan ay ang mababaw na
kaligayahan ng madla, na hindi na naghahanap
ng tunay na kabutihan at kahusayan mula sa
pamahalaan, kundi naghihintay na lamang ng
pista at palaro, bread and circuses, panem et
circenses.

(1.III.2014)
102

21. PALAWAN PROGRESS

Noong March 26, 1967 (ika-apatnapu‘t


pitong anibersaryo ngayong buwan ng Marso
2014), inilabas ni Papa Pablo Ikaanim ang
kanyang liham-ensiklikal na
pinamagatang Populorum Progressio,
―Kaunlaran ng mga Tao,‖ the development of
peoples, sa Ingles. Dito sa dokumentong ito
nagmula ang naging bukambibig ng isang
henerasyon ng maraming pulitiko at lider ng
mga bansa: Development, the new name for
peace, ―kaunlaran ang bagong pangalan ng
kapayapaan‖ (PP, No. 76).

Ganito ang pambungad ng Populorum


Progressio:

―The progressive development of


peoples is an object of deep
interest and concern to the
Church. This is particularly true
in the case of those peoples who
are trying to escape the ravages
103

of hunger, poverty, endemic


disease and ignorance; of those
who are seeking a larger share in
the benefits of civilization and a
more active improvement of their
human qualities; of those who are
consciously striving for fuller
growth.‖

At ito ang panawagan ng liham-


ensiklikal: ―We earnestly urge all men to pool
their ideas and their activities for man’s
complete development and the development of
all mankind‖ (PP, No. 5). Malinaw ding ang
tinutukoy na tunay na kaunlaran—authentic
development—ay ang kaunlaran ng lahat ng tao
at ng buong pagkatao ng bawat isa,
―development of each man and of the whole
man‖ (PP, No. 15).

Binibigyang diin din dito na ang daigdig,


ang sanlibutang nilikha, ay para sa tao:

―In the very first pages of


Scripture we read these words:
‘Fill the earth and subdue it’ (Gen
1:28). This teaches us that the
whole of creation is for man; that
he has been charged to give it
meaning by his intelligent activity,
to complete and perfect it by his
104

own efforts and to his own


advantage.‖ (PP, No. 22)

Dahil sa angking halaga ng kaisipan ng


―kaunlaran‖, hindi naman talaga nawala o
maaaring mawala ang paksang ito sa anumang
talakayang panlipunan, kahit na magbago nang
kaunti ng anyo o ng mga kataga o konseptong
ginagamit o binibigyan ng higit na
diin. Halimbawa ang pariralang ―sustainable
development,‖ na naunang narinig ng maraming
Palawenyo sa paglikha sa Palawan Council for
Sustainable Development, sa pamamagitan ng
Republic Act 7611, kilala bilang Strategic
Environmental Plan for Palawan o SEP Law.

Tila lalong nauso sa pandaigdig na gamit


ang ―sustainable development‖ pagkatapos ng
unang Earth Summit na idinaos ng United
Nations Conference on Environment and
Development (UNCED) sa Rio de Janeiro
noong 1992.

Malinaw din ang kahulugan nito sa


batas:

―’Sustainable
development’ means the
improvement in the quality of life
of the present and future
generations through the
105

complementation of development
and environmental protection
activities‖ (Sec. 3 [2], RA 7611).

Ganunpaman, sapagkat nagbabago rin


nga naman ang wika, pagpasok ng Bagong
Milenyo, nasapawan ng ―poverty reduction‖
ang sustainable development. Pakikibaka laban
sa kahirapan ang nabigyang diing aspeto ng
kaunlaran, kaya rin marahil angkop na angkop
ang linyang pang-kampanya ni Pangulong
Noynoy Aquino noong 2010 (―Kung walang
kurap, walang mahirap‖).

Sa ngayon, mula sa lumipas na ilang taon


(mula sa simula ng panunungkulan ni
Pangulong Noynoy Aquino), ―inclusive
growth‖ naman ang tila usong kawikaang
pantukoy sa ―kaunlaran‖. Bunsod ito marahil
ng karanasang paglago sa Gross Domestic
Product o GDP Growth Rate ng ating bansa, at
sa kabila niyan ay ang marami o padami pa ring
naituturing na maralita.

Marami ang hindi nakakasali, marami


ang hindi nabibiyaan sa paglago ng ekonomiya,
at dapat silang maisali kung matatawag na
tunay na kaunlaran ang paglagong ito. Kasabay
din ito ng pagkamulat sa larawan ng karalitaan,
sa konteksto ng globalisasyon, bilang pagiging
nasa labas o nasa paligid lamang,
106

marginalized sa Ingles, hindi kasali sa


kalakalan, ―exclusion from networks of
productivity and exchange‖. Sa katunayan, ito
rin ang ibig sabihin ng taguring ―frontier‖ o
―Last Frontier‖ sa Palawan sa matagal na
panahon: nasa dulo ng kabihasnan, nasa
kagubatan, sa labas ng pamayanan.

Ang New Management ng Pamahalaang


Panlalawigan, sa pangunguna ni Governor Jose
Chaves Alvarez, ay nakatutok sa kaunlaran; at
upang hindi na magkalituhan pa sa mga
termino, sa halip na sustainable development,
poverty reduction, o inclusive growth, tawagin
na lamang natin itong ―Palawan Progress‖.

(13.III.2014)
107

22. PAGLILIMOS (ALMSGIVING)

Nalalapit na naman ang panahon ng


―Kwaresma‖, katagang mula sa
Español, Lent sa Ingles, may kinalaman sa
katagang quadragies, Latin para sa
―apatnapu‖—panahon sa kalendaryo ng
sambayanang Kristiyano para gunitain ang
apatnapung araw na ipinag-ayuno ng
Panginoong Hesus sa iláng bago Siya lumantad
sa publiko upang ipahayag ang Kanyang
kaharian. May kinalaman din ito sa apatnapung
taong paglalakbay ng mga Hudyo sa disyerto,
mula sa paglaya nila sa Ehipto hanggang sa
pagpasok nila sa lupang pinangako.

Nagsisimula ang apatnapung araw ng


Kwaresma sa Miyerkules ng Abo, Ash
Wednesday (March 5 ngayong taong 2014) at
nagtatapos sa Huling Hapunan ni Hesus kasama
ng Kanyang mga alagad sa gabi ng Huwebes
Santo. Maaari ring sabihing nagtatapos ang
panahon ng Kwaresma sa Araw ng Linggo ng
Muling Pagkabuhay, Easter Sunday, na pinaka-
108

dakilang pagdiriwang sa buong taon, sapagkat


maituturing ding isang mahabang araw
ang Easter Triduum, ang tatlong araw na
nagsisimula sa Huling Hapunan ng Huwebes
Santo, at dumadaloy nang walang patid sa
pagdakip, paglilitis, pagpapahagupit at
pagpapako sa Krus, hanggang sa pagkamatay sa
Biyernes Santo, at sa muling pagkabuhay ni
Hesus. Alalaumbaga, ang panahon ng
Kwaresma ay apatnapung araw na paghahanda
sa Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Nababanggit natin ito sa konteksto ng


pagmumuni-muni tungkol sa pulitika sapagkat,
sa praktikal na aspeto nito sa buhay-Kristiyano,
ang Kwaresma ay panahon ng pagpapaigting ng
panalangin, pag-aayuno (fasting sa Ingles,
pagpapakasakit o pagsasanay sa pagtakwil sa
sarili), at paglilimos (almsgiving sa Ingles,
pagkakawanggawa, pagsasanay sa mabubuting
gawa).

Ito ang buod ng pagsasabuhay ng


panahon ng Kwaresma: panalangin, pag-
aayuno, at paglilimos; at maiuugnay ito sa
kasalukuyang kultura sa pulitika sapagkat tila
isa sa kapansin-pansing ginagawa ng maraming
pulitiko—at inaasahan din ng publiko—ang
paglilimos, pamimigay ng pera sa sinumang
humihingi, pagiging matulungin at ―madaling
lapitan‖.
109

May nakilala akong magaling na pulitiko


mula sa isang lalawigan sa Luzon: tatlong
terminong naging gobernador, tatlong termino
ring congressman pagkatapos niyon, at ngayon
ay retirado na; at isa sa hindi ko malimutang
naibahagi niya sa akin ang aral na, sabi niya,
―Kapag namimigay ng pera ang kalaban mo sa
halalan, at hindi ka namimigay, talo
ka.‖ Ganundin ang pagkakakilala sa maraming
bantog at walang talong pulitiko: ―Kung siya
ay lapitan sa oras ng iyong kagipitan, hindi ka
uuwi ng luhaan‖.

Hindi nga naman masama ang mamigay;


sa katunayan, mabuti ito, kaya nga sa buhay-
Kristiyano, walang-tigil dapat ang paglilimos,
ang paggawa ng mabuti sa kapwa—gawaing
sadyang pinatitindi pa sa panahon ng
Kwaresma—sapagkat ito rin ang sukatan ng
ating pag-ibig na batayan ng kaligayahang
walang-hanggan.

Ganunpaman, hindi ito mabuting batayan


sa pagpili ng ihahalal na pulitiko sapagkat, sa
kahulihulihan, ang pinatutunguhan ng
paglilingkod sa pamahalaan ay kabutihang
panlahat—common good—hindi talaga upang
tugunan ang pangangailangan ng pribadong
indibidwal. At dahil hindi dapat maging
batayan ang pamimigay ng pulitiko sa halalan,
110

ipinagbabawal ng batas nang may karampatang


parusa ang pamimigay ng pera sa panahon ng
eleksyon.

Hindi nga naman dapat pagkamalang


pareho lamang ang pamimigay ng trapo at ang
Kristiyanong paglilimos. At isa sa
pinakamalaking pagkakaiba ng dalawang ito
ang pagiging bulgar—alam ng lahat—ng
pamimigay ng pulitikong trapo; at ang pagiging
palihim ng Kristiyanong paglilimos.

Ito ang sinabi ng Panginoon: ―Ingatang


huwag maging pakitang-tao lamang ang inyong
mabubuting gawa....Kaya kung ikaw naman ang
magbigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong
kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang
kamay; at mananatiling lihim ang iyong
paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa
mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo.‖ (Mt
6:1-4)

Masasabi rin nating palihim dapat ang


paglilimos sapagkat may paghamak, may
kabawasan sa karangalan ng tao, ang
pagtanggap ng limos mula sa kapwa.

Sa Noli Me Tangere ni Rizal, ang


tauhang si Don Tiburcio ay inilalarawang
―isang taong may dangal kaya‘t nahihirinan siya
sa pakikikain‖ sapagkat ―mapait ang pagkaing
111

nagmula sa limos,‖ the bread of charity is


bitter, kung palagian na ito.

Sa tamang kalakaran, dapat na


natutugunan ng bawat isa ang kanyang
pangangailangan mula sa sariling paggawa,
kaya nga sinabi ni San Pablo, ―Kung may ayaw
gumawa, huwag siyang kumain‖ (2 Thes 3:10).

Kapag naging kalakaran, tulad ng sa


ating tradisyunal na pulitika, ang pamamalimos
ay kontra-insentibo sa nagsisikap na
maghanapbuhay nang marangal; at insentibo rin
sa pulitiko upang gumawa ng salaping
pampamigay sa hindi malinis na paraan.

Harinawa‘y maisabuhay nating lahat ang


tunay na diwa ng Kristiyanong paglilimos sa
Kwaresmang ito at sa lahat ng panahon.

(15.III.2014)
112

23. JURISDICTION

Ang jurisdiction ay katagang Ingles na


nagmula sa dalawang katagang Latin: juris-,
ibig sabihin, ―ng batas‖; at dicere, ibig sabihin,
―magsabi‖. Sa madaling salita, sa kanyang
malawak na kahulugan, ang ―jurisdiction‖ ay
tumutukoy sa kapangyarihang ―magsabi ng
batas‖: mag-utos, magpatupad, o maghusga
nang may bisa o epekto ng batas.

Bagamat madalas na naririnig ang


katagang ―jurisdiction‖ sa mga usaping pang-
hukuman, ito ay isang konseptong may
malaking halaga sa pangkalahatang sistema ng
batas, sa pangkalahatang pagkilos ng
pamahalaan. At isa sa pinaka-unang dapat
sabihin tungkol sa jurisdiction ang prinsipyong
―sa batas nagmumula ang
jurisdiction,‖ jurisdiction is conferred by law.

Isang interesanteng halimbawa ng pag-


gana ng prinsipyong ito ang pagtalaga sa
113

kinatawan ng mga katutubo sa ating


Sangguniang Panlalawigan.

Noong una pa man, sa pagpasa ng


Republic Act No. 8371, kilala bilang IPRA Law
o Indigenous Peoples Rights Act, noong 1997,
nakasaad na kaagad sa batas na ang mga
katutubo ay magkaroon ng kinatawan sa mga
sanggunian ng mga lokal na pamahalaan.

Indigenous Peoples ―shall be given


mandatory representation in policymaking
bodies and other local legislative councils.‖
(Sec. 16, RA 8371). Ngunit nagsimula
lamang itong maisakatuparan sa pailan-ilang
lugar matapos na maglabas ang National
Commission on Indigenous Peoples o NCIP ng
Administrative Order, nooong taong 2009, na
naglalahad ng mga alituntunin o guidelines sa
pagtalaga ng IP Mandatory Representative sa
mga sanggunian ng mga pamahalaang
lokal. Bagamat binibigyang halaga dito ang
mga kaugalian ng nasasangkot na tribo, ang
kahulihulihang batayan at katibayan ng
pagkakahirang ng isang IP Mandatory
Representive ay ang Certificate of
Affirmation mula sa Regional Director ng
NCIP.

NCIP ang ahensyang may jurisdiction sa


paghirang ng IP Mandatory Representative, at
114

ayon pa rin sa pagkakaunawa ng Department of


the Interior and Local Government o DILG,
wala itong kinakailangan o hinihintay na
pagsang-ayon mula sa sangguniang
nasasangkot. Dahil dito, at dahil mayroon
siyang kaukulang Certificate of Affirmation
mula sa NCIP Regional Director, naupo bilang
IP Mandatory Representative sa Sangguniang
Panlalawigan ng Palawan ang Kgg. Noel
Dengen Jagmis. Ito ay sa kabila ng ilang isyu
tungkol sa kanyang kwalipikasyon at proseso
ng pagpili, at sa hindi pagkaka-konsulta sa lahat
ng tribo ng katutubo sa buong lalawigan.

Ayon din sa DILG, ang ganitong mga


isyu ay nararapat na paksain ng paglilitis—
justiciable questions—maaaring sa harapan ng
NCIP mismo, bilang administratibong
hukuman, o sa regular na mga korte. Ngunit
malinaw na walang jurisdiction ang
Sangguniang Panlalawigan na husgahan ang
anumang kaganapan sa likod ng Certificate of
Affirmation na nagmula sa NCIP Regional
Director. Kahit na alam o magkataong totoo
ang agam-agam na may anomalya sa
pagpalabas ng Certificate of Affirmation, wala
ring kapangyarihan ang Sangguniang
Panlalawigang pawalan ito ng bisa.

Iba ang usapan kung may direktang


paglabag sa Batas Kalikasang Moral. Ngunit
115

dahil wala namang may likas na karapatang


maging IP Mandatory Representive, sapagkat
ito ay karapatang likha lamang ng IPRA Law at
ng NCIP, tama lamang na masunod ang
Certificate of Affirmation; at NCIP lamang o, sa
ibayo niyon, ang mga regular na hukuman, ang
maaaring magpawalang-bisa dito.

Isa pang halimbawa ng kawalan ng


jurisdiction ang pagpasa ng isang Sangguniang
Barangay ng ordinansang nagbabawal sa
pagpapatayo ng anumang coal-fired power plant
sa barangay na iyon. Wala ito sa mga
kapangyarihang ibinibigay ng batas, na tanging
pinagmumulan ng kapangyarihan ng
pamahalaang lokal; hindi ito likas o nagmula sa
Batas Kalikasang Moral, sapagkat ang
pamahalaang lokal ay nilikha lamang ng
konggreso. At ang isang sangguniang lokal ay
walang kapangyarihang gumawa nang labag sa
utos ng higit na mataas na awtoridad. Anumang
ordinansa ang maipasa ng lokal ay walang bisa
kung salungat sa direksyong itinakda ng higit na
makapangyarihang kapulungan.

Oo nga, ―demokrasya‖ ang pilosopiya ng


ating sistema ng pamahalaan—paghahari ng
nakararami—ngunit ito ay may
kinapapaloobang istruktura at mga
proseso: ―democracy under the rule of law‖
116

ang ginagamit na termino sa Pambungad o


Preamble ng ating Saligang Batas.

Kailangan ng istruktura at prosesong


nakatakda para sa ―kaayusan‖, sapagkat
kaayusan—right order—ang unang sangkap ng
katarungan. Walang pag-uusapang katarungan
kung walang nakatakdang wastong
pagkakaayos o pagkakasunud-sunod ang mga
bagay-bagay.

Sa biglang tingin, maaaring isiping


teknikalidad lamang, parang ―palusot‖ lamang,
ang paggamit ng jurisdiction sa anumang
usapin. Ngunit kung susuriin nang malalim,
malaking bagay ang konsepto ng jurisdiction sa
ating sistema ng batas, at sa sistema na rin ng
pamahalaan.

Jurisdiction ang pinakapundamental na


batayan ng pagsuri sa pagkilos ng anumang
ahensya o opisyal ng pamahalaan. Kapag
walang jurisdiction, hindi tama at walang bisa
ang akto ng ahensyang iyon.

(12.IV. 2014)
117

24. PAG-IBIG SA KATOTOHANAN, PAG-


IBIG SA BAYAN

Tuwing Mahal na Araw, Semana


Santa sa Español, Holy Week sa
Ingles, dalawang beses na binabasa sa liturhiya
ang Pasyon, o ang pagpapakasakit hanggang
kamatayan sa Krus ng ating Panginoong
Hesus: una, sa araw ng Linggo ng mga
Palaspas, Palm Sunday (tinatawag din
itong Passion Sunday), mula sa ebanghelyo ni
Mateo, Marcos o Lucas (naghahalinhan ang
tatlong ito sa bawat taon); at, ikalawa, sa araw
ng Biyernes Santo, mula naman sa ebanghelyo
ni San Juan.

Laging mula sa ebanghelyo ni San Juan


ang binabasang Pasyon sa liturhiya tuwing
Biyernes Santo. Dito matatagpuan ang
pinakakilalang linyang nagmula sa bibig ni
Poncio Pilato: ―Ano ang katotohanan?‖ (Jn
18:38), What is truth?; at sa Latin, Quid est
veritas?
118

Hindi binigyan ni Pilato ng pagkakataon


si Hesus—ang Karunungan ng Diyos—na
sagutin ang tanong. Si Pilato ay agad na
lumabas at humarap sa mga Hudyo; halatang
walang totoong pagnanasang marinig ang
sagot. Ganunpaman, masasabi nating
katotohanan ang katalagahan ng isang bagay (sa
kahulihulihan, kung ano talaga iyon sa mata ng
Diyos). Katotohanan din ang tawag sa
pagkakatugma ng ating nalalaman at ng
katalagahan ng isang bagay; ganundin ang
pagkakatugma ng ating nalalaman o nasasaloob
at ng ating sinasabi.

Mahalaga ang pagsabi ng totoo, hindi


lamang ang pagiging tapat sa sarili kundi
ganundin sa ating pakikipagkapwa, sa buhay-
lipunan. Likas nga namang ―katotohanan‖ ang
obheto o pinatutunguhan ng ating mga pag-
iisip.

Ang pag-iisip ng tao ay likas na


nakatakda sa pag-unawa ng totoo; hindi ng
kung anu-anong kasinungalingan o
kabalbalan. Kaya nga masasabing kautusan ng
Batas Kalikasang Moral ang huwag nating
pagsinungalingan ang ating kapwa—nasa
Ikawalong Utos din ito ng Dekalogo, Thou shalt
not bear false witness against thy neighbor—
119

dahil likas na karapatan ng bawat tao ang hindi


mapaglakuan ng kasinungalingan.

Mabuti rin marahil na sabihing ang


tungkuling maging totoo, magsabi ng totoo sa
kapwa, ay nakabatay sa karapatan niyang
malaman ang katotohanan. Ibig sabihin nito,
may mga pagkakataong hindi dapat isiwalat ang
katotohanan: maaaring dahil napakamura pa ng
isip ng mga makikinig, kaya nga tinututulan ng
marami ang pagsasabatas sa RH Law ng sex
education sa mga batang musmos na mag-aaral;
maaari ring dahil sa malamang na hindi
mabuting kahihinatnan, halimbawa ay ang
pagbulgar sa kinaroroonan ng isang
personalidad na posibleng tambangan at
paslangin ng kanyang mga kalaban.

Halimbawa rin ng pagkakataong may


tungkulin tayong huwag ipahayag o isiwalat
ang katotohanan ang maaaring maging
pagkasira ng puri ng ibang tao nang walang
mabigat na kabutihang idudulot. Ganundin ang
mga pagkakataong napasa-atin ang kaalaman
dahil sa pangako at tiwalang itatago nating
lihim iyon: Ito ang kalalagayan ng
mga Confessor o Padreng nagpakumpisal, at
mga abogado, sa mga kasalanan at lihim ng
kanilang penitente o kliyente.
120

Ganunpaman, sa pangkalahatan,
kailangan nating maging tapat sa ating kapwa—
magkaroon ng birtud, mabuting ugali o
kasanayang magsabi ng
totoo, honesty o truthfulness sa Ingles. Hindi
maligaya ang buhay ng isang taong kilalang
sinungaling.

Sa kanyang huling liham-ensiklikal


bilang Santo Papa, inilabas noong taong 2009 at
gumugunita sa Populorum Progressio ni Papa
Pablo Ikaanim, pinag-usapan ni Papa Benedicto
Ikalabing-anim ang pag-ibig na naaayon sa
katotohanan, pag-ibig na isinasagawa sa
katotohanan.

―Pag-ibig sa Katotohanan‖: Ito ang


eksaktong kahulugan ng pamagat ng ensiklikal
na Caritas in Veritate, wikang Latin, at ang
katumbas sa Ingles ay ―Love done in
truth‖. Maituturing na social encyclical din ang
Caritas in Veritate, nagbibigay ng aral tungkol
sa buhay-lipunan.

Sa pambungad ng liham-ensiklikal,
sinasabi kaagad, ―Charity...needs to be
understood, confirmed, and practised in the
light of truth‖; ang pag-ibig ay kailangang
maunawaan, mapatatag, at maisagawa sa
liwanag ng katotohanan (CV, No. 2).
121

Kung ang pag-ibig sa bayan—social


justice o solidarity—ay paglayon sa kabutihang
panlahat, dapat nga namang linawin muna kung
ano ang tunay na common good.

Mabuti ring namnamin ang sinabi mismo


ng Panginoong Hesus: ―Katotohanan ang
magpapalaya sa inyo‖ (Jn 8:32), the truth shall
set you free; at sa wikang Latin,Veritas liberavit
vos. At siyempre, sinabi rin ni Hesus: ―Ako
ang daan, ang katotohanan, at ang buhay‖ (Jn
14:6), I am the way, the truth and the life; at sa
Latin, Ego sum via, et veritas, et vita.

Si Kristo ang kaganapan ng Totoo


sapagkat Siya ay totoong Diyos; Tunay na
Diyos at tunay na Tao. Sa persona ni Kristo
nakabalot ang lahat ng katotohanang kailangan
nating malaman upang makamit ang tunay na
kaligayahan, dito sa daigdig at sa buhay na
walang-hanggan.

(3.V.2014)
122

25. WALANG PERSONALAN

―Walang kaibigan, walang kumpare,


walang kamag-anak‖. Ito ang isa sa
pinakamalakas na umalingawngaw na linya
mula sa Inaugural Speech ni Pangulong Erap
Estrada noong June 30, 1998. Katulad din ng
―walang wang-wang‖ ni Pangulong Noynoy
Aquino noong 2010, tumagos at tumalab sa
kalooban ng marami sapagkat tumama sa isang
malaking bahagi ng karanasan sa ating
tradisyunal na pulitika.

―Walang kaibigan, walang kumpare,


walang kamag-anak‖. Bagamat naiiba nang
kaunti ang konteksto ng talumpati ni Pangulong
Erap, masasabi pa ring tumutugon ang linyang
ito sa isa sa maituturing na sakit ng pulitikang
trapo: ang ―personalismo‖, o ang labis na
pamamayani ng indibidwal na pagkatao sa
pagkilos ng pamahalaan.
123

―Walang kaibigan, walang kumpare,


walang kamag-anak‖: Dito, parang sinabi na
rin ni Pangulong Erap, ―Trabaho lang, walang
personalan‖.

Kapag pinag-uusapan nga naman ang


pagkilos ng pamahalaan, alam din ng lahat na
batas, hindi personalidad ng kung sino, ang
dapat na maging batayan. Ours is a government
of laws, not of men. Hindi mahalaga kung sino
ang kaharap kundi ano ang nararapat, ano ang
makatarungan ayon sa batas. Ito rin ang dahilan
kung bakit ang pandaigdig na sagisag ng
katarungan ay babaeng nakapiring. Hindi siya
maaaring tumingin sa pagkatao ng indibidwal
na kaharap.

Alam din ng lahat na walang-personalan


dapat ang pagkilos ng pamahalaan;
ganunpaman, sa maraming pagkakataon,
namamayani pa rin ang
personalismo: naibibigay o naipagkakait ang
biyaya o parusa depende sa kung sino ang
nakaupo sa puwesto at sa kung sino ang
kaharap; lumalabas na parang sa indibidwal na
pagkatao ng pulitiko nagmumula at sa
indibidwal na pagkatao ng kaharap
nakapatungkol ang pagkilos ng pamahalaan.

Sa katunayan, maliban sa paminsan-


minsang political decisions, hindi ang
124

indibidwal na pagkatao ng pulitiko ang


pinagmumulan o ang kumikilos kundi ang
pamahalaan sa kanyang kabuuan bilang
institusyon. Walang matatawag na kaibigan,
kumpare, o kamag-anak ang pamahalaan.

Sakit nga ng tradisyunal na pulitika ang


personalismo sapagkat hindi nararapat sa ating
sistema ng batas. At namamayani nga ang
personalismo sapagkat, sa maraming
pagkakataon—at sa pananaw din ng marami—
kailangang maging malapit sa indibidwal na
pulitiko—bilang kamag-anak, kumpare, o
kaibigan—upang makatamasa ng biyaya mula
sa pamahalaan; at sa pagbaligtad ng punto de
vista, ang indibidwal na pulitiko ang
pinagmumulan ng biyaya at ito ay dapat
tanawing personal na utang na loob ng
mamamayang nabiyayaan.

Sa tamang kalakaran, sa karaniwan o


pang-araw-araw na pagkilos ng pamahalaan,
hindi dapat masangkot ang indibidwal na
pagkatao ng pulitiko. Hindi siya ang pumipili
ng kontratistang magsasagawa ng
proyekto: may proseso ng pagpili ayon sa
batas, sa pamamagitan ng competitive bidding.

Malamang ay hindi rin siya ang nag-


disenyo ng silid-paaralan, lalo na kung
ihahalimbawa natin ang isang congressman na
125

ang kwalipikasyon lamang sa Saligang Batas ay


pagiging natural-born citizen, hindi bababa sa
dalawampu‘t-limang taong gulang, at marunong
bumasa at sumulat (Sec. 6, Art. VI).

Hindi nga indibidwal na pagkatao ng


pulitiko ang pinagmumulan o ang kumikilos
kundi ang pamahalaan sa kanyang kabuuan
bilang institusyon. Dahil dito, ang kabaligtaran
ng personalismo, na dapat na maging kalakaran
o pinatutunguhan ng ating kulturang
pampulitika, ay matatawag na
―institusyonalisasyon‖, ibig sabihin,
pagpapalakas at pagpapatatag sa pamahalaan
bilang institusyon, sa halip na nagiging parang
pinalawak lamang na personalidad ng pulitiko.

Hindi malinaw ang etimolohiya ng


katagang Ingles na institution; ganunpaman,
masasabi natin marahil na may kaugnayan ito
sa ens, katagang Latin, na ibig sabihin, ―bagay
na umiiral,‖ entity sa wikang Ingles. Sa
madaling salita, ang isang ―institusyon‖ ay
organismong may sariling katalagahan, may
pag-iral na maibubukod o maitatangi sa mga
personalidad na bumubuo nito.

Hindi naman masama ang ―personalan‖;


sa katunayan, napakahalaga nito sa maraming
larangan ng buhay ng tao: sa ating pakikitungo
sa mga kapamilya, pakikipagkaibigan, at higit
126

sa lahat, sa ating pakikipag-ugnayan sa


Diyos. Ganunpaman, hindi ito nararapat sa
pagkilos ng pamahalaan.

Hindi natin kailangang maging kaibigan,


kumpare, o kamag-anak ng pulitikong
namumuno upang matamasa ang nararapat mula
sa pamahalaan. Kung ito ang naging mensahe
sa Inaugural Address ni Pangulong Erap noong
1998, tila ang hindi pagkakasakatuparan nito
ang isa sa mga naging dahilan ng
pagkakapababâ sa kanya mula sa pagka-
Pangulo noong Edsa Dos sa pagsimula ng taong
2001.

(18.V. 2014)
127

26. BURUKRASYA AT PROPESYONALISMO

Sa pagpapanibago ng ating kultura sa


pulitika, isa marahil sa mga pagwawastong
dapat mangyari ang pagkilala sa pagkakaiba-iba
ng mga gawain sa pamahalaan. At bukod sa
pagkakaiba ng gawain ng mga pulitiko—iba
ang gawain ng mga mambabatas at iba rin ang
gawain ng isang punong ehekutibo—may higit
na malaki pang pagkakaiba ang gawain ng mga
nasa ―burukrasya‖ kung ihahambing sa gawain
ng mga pulitiko.

Kung ang hanay ng mga pulitiko ay para


sa mga ―political decisions‖, ang burukrasya ay
para naman sa mga ―regular‖ na gawa ng
pamahalaan, na madalas ay may pagka-teknikal.

Mainam na pag-usapan ang


pagkakaibang ito sapagkat tila may kalituhang
namamayani sa maraming pagkakataon. Kung
minsan, inaako ng pulitiko ang dapat na
128

nakasalalay sa burukrasya; at madalas, dahil


dito, nai-aasa ng madla sa pulitiko—nagiging
―political‖—ang mga serbisyong regular na
dapat magmula sa burukrasya at hindi sana
kailangang dumaan sa pulitiko.

Bakit nga naman kailangang humabol-


habol, lumuhod, at magmakaawa sa harapan ng
pulitiko kung ang pangangailangan ay dapat na
regular na tinutugunan ng DSWD o ng mga
ospital ng pamahalaan? Paano naman ang
mamamayang maituturing na ―kalaban‖ sa
pulitika o nasa kontra-partido ng pulitikong
nanunungkulan? Ito nga sana ang uri ng mga
gawaing nakasalalay sa burukrasya.

Ang bureacracy, katagang Ingles, ay


mula sa bureau ng wikang Pranses, ibig sabihin,
―mesang sulatan,‖ desk sa Ingles, at sa
katagang kratos ng wikang Griyego, ibig
sabihin, ―kapangyarihan‖ o ―pamamahala‖.

Sa madaling salita, ang ―burukrasya‖ ay


ang ―pamamahala ng mga mesang sulatan‖,
larawan ng mga regular o permanenteng
kawaning nakaupo sa kani-kanyang desk, na
may kasanayan sa kanyang natatanging
gawain. Masasabi rin nating ―propesyonal‖ ang
mga ito dahil sa mataas na antas ng kasanayan o
edukasyong hinahanap bilang kwalipikasyon, at
129

dahil din sa pagiging regular o permanente ng


kanilang pagkakatalaga sa tungkulin.

Isa sa mga nagpalaganap ng pag-uusap


tungkol sa burukrasya ang naging tanyag na
sociologist na Aleman na si Max Weber
(nabuhay noong 1864 hanggang 1920). Bukod
sa pagiging mga permanenteng kawaning may
mataas na mga kasanayan (ito ang buod ng
konsepto ng pagiging propesyonal), ang
pagiging organisado sa loob ng istrukturang
may mga baitang ng kapangyarihan
(hierarchical) ay isa rin sa mga katangian ng
burukrasyang itinuturing ni Weber na tanda ng
pag-unlad ng sistema ng pamahalaan, bunsod
ng paglawak ng mga nasasakupan at
pagsalimuot ng mga lipunan.

Sa kabilang dako, hindi maaaring hindi


banggitin ang ilang pinakamahalagang puna
laban sa burukrasya o sa labis na paglakas ng
burukrasya —bureaucratization—sa
pamahalaan. Una rito ang pagiging hindi-halal
ng mga napapabilang dito (at dahil dito, hindi
sensitibo sa kalooban ng madla); at ikalawa ang
malamang na posibilidad na mauwi sa pagiging
mistulang makina, hindi na makataong
pagkilos, ng pamahalaan, na maaaring
pagmulan ng hindi makatarungang resulta.
130

Hindi nga naman maaaring maging halal


ang mga kawaning napapabilang sa burukrasya
sapagkat kailangang sila ay permanente sa
katungkulan kung hahanapan ng mataas na
antas ng kasanayan o edukasyon.

Ipinagpapalagay dito na ang isang taong


may mataas na pinag-aralan ay naghahanap ng
permanenteng pagkakatalaga sa katungkulan, na
kung hindi niya makukuha sa loob ng
pamahalaan ay malamang na makukuha niya sa
labas. Sa kabilang dako naman, hindi maaaring
hanapan ng mataas na pinag-aralan ang mga
halal na opisyal dahil malamang na walang
kandidatong papasa.

Kung mataas na pinag-aralan ang


hinahanap, dapat permanente ang
pagkakatalaga. Kung ―madaling palitan‖ ang
kailangan, hindi maaaring hanapan ng mataas
na pinag-aralan. Nakakatulong lang, ngunit
hindi talaga kailangan, kung may teknikal ding
kaalaman ang pulitiko.

Bukod dito, hindi rin katanggap-tanggap


na ang pagkilos ng pamahalaan, sa kanyang
kabuuan, ay maging mistulang pagkilos ng
isang makina. Kailangang maging sensitibo
ang pamahalaan sa kalooban ng nakararaming
mga mamamayan. Dahil dito, kailangan ang
mga pulitiko. Ipinagpapalagay na sensitibo ang
131

mga pulitiko sa kalooban ng madla dahil maaari


silang palitan sa kasunod na halalan.

Hindi rin nawawala ang maya‘t mayang


mga pagpapasyang hindi nakabatay sa teknikal
na kaalaman (ni sa legalidad, ni sa moralidad),
kundi sa kursunada lamang ng nagpapasya: ang
tinutukoy na ―political decisions‖.

May wastong pagkakatimbang sa


pagtatalaban ng pagkilos ng mga pulitiko at ng
hanay ng burukrasya sa pamahalaan; mahirap
nga lamang hanapin ang puntong ito. Walang
katapusan ang pagsasa-tono o fine-tuning na
kinakailangan.

(11.VI.2014)
132

27. SA PAGITAN NG PULITIKO AT NG


BURUKRASYA

Iba‘t-iba ang mga gawain sa


pamahalaan. Magkakaiba ang gawain ng mga
pulitiko, ayon sa pulitikal na tungkuling
hinahawakan; iba pa rin ang gawain ng mga
pulitiko sa gawain ng hanay ng mga
propesyonal na permanenteng kawaning
bumubuo ng burukrasya; ngunit sa huli, ang
resultang gawa ay pagkilos ng pamahalaan sa
kanyang kabuuan bilang institusyon.

Hindi maaaring angkinin ng iisang tao


ang papuri, kung naging mabuti ang resulta; at
hindi rin maaaring ibunton sa kung sinong
indibidwal ang lahat ng sisi, kung hindi
mabuti. Ganunpaman, hindi rin maiaalis na
maghanap ang sambayanan ng ―personalidad‖
na pagpapanagutin sa ganoong pagkakataon,
sapagkat ang pananagutan—
responsibility o liability—ay maaari lamang
133

magmula sa malayang pagpili, at ang pagpili ay


isang personal na akto ng indibidwal na tao.

Ang ganitong pananagutan ng kawani ng


pamahalaan, kasali ang mga pulitiko, ay
maaaring pumasok sa isa sa tatlong uri, o sa
anumang kumbinasyon ng mga ito, sa ating
sistema ng batas: una, pananagutang kriminal,
kapag may paglabag sa batas na nagpapataw ng
parusa (madalas may pagkulong); pangalawa,
pananagutang sibil, tumutukoy sa pagbalik o
pagbayad ng salapi o ari-arian; at, pangatlo,
pananagutang administratibo, kapag may
paglabag sa moralidad o pagsuway sa utos ng
nakatataas na maykapangyarihan (may krimen
man o wala), na maaaring patawan ng parusa
mula sa simpleng pagsabón (reprimand),
pagsuspindi sa loob ng kung anong itakdang
panahon, hanggang sa pinakamataas na
parusang pagtanggal mula sa tungkulin
(dismissal).

Lahat ng tauhan ng pamahalaan, pulitiko


man o permanenteng kawani ng burukrasya, ay
maaaring pagpanagutin sa anumang personal na
aktong maaaring paksain ng usaping kriminal,
sibil o administratibo. Ganunpaman, sa
pagkilos ng pamahalaan bilang institusyon, may
mga pagkakataong walang personal na akto
ninuman ang maaaring maging batayan ng
pananagutang kriminal, sibil o administratibo.
134

Halimbawa nito, marahil, ang trahedya


ng hostage crisis sa Luneta noong Agosto 23,
taong 2010, na kinamatayan ng walong
turistang taga-Hong Kong, at ng mismong
dating pulis na nang-hostage sa
kanila. Ganundin, sa pananaw ng ilan, ang
naantalang pagtugon at mabagal na
pagpapanumbalik ng kaayusan sa Tacloban
pagkatapos ng super-typhoon Yolanda noong
Nobyembre ng 2013. Isali na rin natin dito ang
pagbagsak ng ekonomiya, pagtaas ng presyo ng
mga bilihin, at iba pang maaaring mangyaring
malamang na hindi maaaring isisi sa personal
na akto ng sinumang indibidwal sa pamahalaan.

Sa ganitong mga pagkakataon, at kung


maghahanap ng masisisi ang sambayanan,
walang ibang maaaring pagpanagutin kundi ang
pulitiko o mga pulitikong nanunungkulan, at ito
ay sa pamamagitan lamang ng hindi pagboto sa
kanila sa kasunod na halalan.

Makatarungan din ito, lalo na kung


mangyari sa partidong nasa kapangyarihan,
sapagkat sa kahulihulihan, sa sistema ng ating
demokrasya, kursunada rin lang ang batayan ng
pagboto ng manghahalal. Sa madaling salita,
ang pagboto sa kung sinong kandidato ay isa
ring ―political decision‖, sa bahagi ng
indibidwal na mamamayan.
135

Isang pagpapapino sa kaisipang ito ang


pagkakaroon ng kadre ng mga propesyonal na
kawaning, bagamat may mataas na pinag-aralan
at kasanayan sa kani-kanyang gawain, ay hindi
rin permanenteng bahagi ng burukrasya kundi
nanunungkulan lamang na kasabay ng
pulitikong nagtalaga sa kanila, o habang may
tiwala ng pulitikong iyon. Kasama sa hanay na
ito ang mga cabinet secretaries, sa
pamahalaang nasyonal, at mga co-terminous na
puno ng tanggapan sa mga pamahalaang lokal;
halimbawa, ang administrator at ang legal
officer ng pamahalaang panlalawigan.

Dahil hinahanapan ng mataas na


kahusayan, kailangang kilatisin din at sang-
ayunan ng mga pulitikong nasa sangay ng
lehislatura ang pagtalaga sa cabinet secretaries
ng Punong Ehekutibo. Ngunit dahil sila ay
mistulang pagpapalawak lamang—extension—
ng personalidad ng pulitikong nagtalaga sa
kanila, hindi sila permanente sa katungkulan.

Wala mang alam sa pagsasaka ang isang


Pangulo, maaari naman siyang umasa sa
kanyang itinalagang Kalihim sa Department of
Agriculture.

Maaari ngang sisihin ang isang Pangulo


kapag bumagsak ang suplay ng pagkain sa
136

bansa, hindi dahil sa kawalan niya ng kaalaman


sa agrikultura, kundi sa pagpili ng kanyang
Kalihim.

Mahirap maghanap ng mga ekspertong


papayag na maglingkod sa pamahalaan sa
ganitong mala-pulitikal na mga katungkulan, sa
isang maliit na hanay na nasa pagitan ng
pulitiko at ng burukrasya; mga dalubhasa sa
kani-kanyang propesyon, ngunit walang
seguridad sa panunungkulan. Hindi sila tatagal
nang higit sa tatlo, o anim na taong termino, ng
pulitikong lokal o nasyonal, na nagtalaga sa
kanila.

(22.VI.2014)
137

28. CIVIL SOCIETY

Noong ikalawang hati ng dekada


ochenta, pagkatapos ng unang Edsa Revolution,
at sa buong dekada noventa hanggang sa unang
mga taon ng ikatlong milenyo, nauso ang
terminong ―civil society‖, na tumutukoy sa
bahagi ng pribadong sektor na direktang
naglilingkod sa kabutihang panlahat (common
good), bilang ikatlong sektor sa nauso ring
―tripartite partnership projects‖, kasama ng
pamahalaan (government sector) at ng mga
mangangalakal (business sector).

Noong hindi pa uso ang ―civil society‖


sa usapang panlipunan, public sector at private
sector lamang ang madalas na marinig,
tumutukoy lamang sa pamahalaan, bilang
direktang namamahala sa pagtungo ng
sambayanan sa kabutihang panlahat; at sa sektor
ng mga mangangalakal, private business, na
direktang nakatuon sa paglikha ng kayamanan,
138

tubo o kita, ng pribadong mangangalakal, at sa


ganoong paraan nakatutulong sa pag-unlad ng
sambayanan.

Ngunit sa pagpipino at paglago ng


kamalayang panlipunan, hindi nga naman
maaaring hindi makitang may bahagi rin ang
private sector na hindi tubo o kita ang
pinagtutuunan kundi direktang kabutihang
panlahat din; at ang mga ito nga ang
nakasanayan nang tawaging ―civil society‖.

Mula sa civitas, katagang Latin, ibig


sabihin, ―lungsod‖ o pamayanan, city sa Ingles,
ang una at talagang kahulugan ng ―civil
society‖ ay ―sambayanang may pamahalaan‖—
katumbas ng political community, mula naman
sa polis, ―lungsod‖ din sa wikang Griyego—
upang itangi o ibukod sa ―pamumuhay sa
iláng‖, paninirahan sa gubat, nang walang
pamahalaan kundi ng ama ng pamilya o pinuno
ng tribo; pagiging nasa labas ng lungsod, nasa
labas ng ―sibilisasyon‖.

Ganunpaman, gamitin natin ang ―civil


society‖ sa kasalukuyang kahulugan bilang
bahagi ng pribadong sektor na, bagamat pribado
at sa labas ng sektor ng pamahalaan, ay
direktang nakatuon din sa kabutihang-panlahat;
may causa o adhikaing panlipunan, hindi
pansariling tubo o kita; cause-oriented, sa
139

Ingles. At sa ganitong pakahulugan, kapag


pinag-uusapan ang civil society, agad na
papasok sa kaisipan ang mga non-government
organizations o mga NGO.

Malaki ang kontribusyon ng mga NGO


sa pag-unlad ng sambayanan; hindi lamang sa
pagtaas ng antas ng kamalayan at antas ng
usapan, kundi pati rin sa mga kongkretong
proyekto o pisikal na epekto. Isang halimbawa
nito ang epekto ng mga NGO sa larangan ng
pangangalaga sa kalikasan.

Mahirap nga namang isiping kumita


mula sa pangangalaga ng kalikasan. Hindi ito
serbisyong kailangan ng indibidwal na
consumer, walang bibili; hindi maaaring iasa sa
business sector.

Sa katunayan, sa higit na maraming


pagkakataon, ang kita ay nasa pagbenta at
paggamit ng likas-yaman (pangingisda,
pagtotroso, pagsasaka, pagmimina), kaya nga,
sa tradisyunal na sistema, pamahalaan lamang
ang maaaring asahang mangalaga sa
kalikasan—laban sa labis o maling paggamit
nito.

Sa kabilang dako, hindi rin


maitatangging sa maraming pagkakataon, hindi
kayang lubos na magampanan ng pamahalaan
140

ang pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa mga


bansang ―mura pa‖ sa karanasan at kulang pa sa
katatagan ng mga institusyon at ng sistema ng
batas. Bukod dito, sa laki ng maaaring tubuin o
kitain ng business sector mula sa pag-angkin at
pagbenta ng likas-yaman, hindi nga naman
malayong makayanang ―bilhin‖ ang pagluluwag
ng mga kawani ng pamahalaan sa kanilang
pagbabantay. Dahil dito, hindi kataka-takang
magkaroon ng malaking papel ang mga NGO sa
pagbantay sa kalikasan. Masasabi rin ito
tungkol sa maraming isyung pang-kabutihang-
panlahat: paggalang sa mga karapatang pantao
(human rights), pagsugpo sa krimen at
katiwalian sa pamahalaan, atbp.

Sa kabila nito, mapapansin ding tila


nawawala sa uso ang civil society at mga
NGO. Bumabalik na naman tayo sa ―public
and private partnerships‖ (PPP)—ang
tinutukoy ay government sector at business
sector na lamang—hindi na ―tripartite‖, dahil
hindi na kasali sa usapan ang mga
NGO. Bunsod din ito, marahil, ng pag-abuso
ng marami sa konsepto ng civil society at sa
taguri bilang NGO.

Isa sa pinakamalaking halimbawa nito


ang mga NGO na pinuntahan ng bilyun-bilyong
piso mula sa maraming mambabatas na
nasasangkot sa pork barrel scam. Lumalabas na
141

itinatag lamang ang mga ito upang tumanggap


ng pondo mula sa pork barrel ng mga
mambabatas—para sa kung anu-anong
proyektong hanggang papeles lamang—at
upang paghati-hatian lamang ng mga
mambabatas at ng mga personalidad na nasa
likod ng NGO na iyon.

Dahil anyong pang-kabutihang-panlahat,


legal na maaaring paglaanan ng pondo ng
pamahalaan; at dahil hindi ahensyang bahagi ng
pamahalaan, hindi karaniwang napapailalim sa
masusing pagsisiyasat ang pagkilos at paggamit
ng pondo.

Bukod dito, sa bahagi man ng mga tunay


na NGO, hindi rin nila maiwasang makulayan
ng ideolohiya o pansariling interes ng mga
indibidwal o grupong nagpapakilos sa kanila, sa
pagbigay ng pondo o sa mismong pagpapatakbo
ng institusyon.

Sa kahulihulihan, sa pagkilatis sa
karakter ng isang NGO, kailangang kilatisin din
ang tunay na layunin ng mga puwersang
nagpapakilos dito, kung naayon ba o hindi sa
kabutihang panlahat.

(5.VII.2014)

O.C.P.A.J.P.M.
Si VICTORINO DENNIS M. SOCRATES ay
ipinanganak noong ika-21 ng Setyembre, taong 1961, sa
Cuyo, Palawan, kina Salvador Paredes Socrates, na noon
ay isang law practitioner, at Elsa San Juan Macalinao,
isang public school teacher. Si “Dennis” o “VDMS” ay
nahalal na Bise-Gobernador ng Palawan noong halalang
Mayo 13, 2013, pagkatapos niyang maglingkod bilang
Congressman ng Ikalawang Distrito ng Palawan.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Laws sa University of


the Philippines College of Law noong taong 1986, at ng
Bachelor of Science in Business Management (Major in
Legal Management) mula sa Ateneo de Manila
University noong taong 1982. Bago mahalal na
Congressman, si Dennis ay nagturo rin sa Palawan State
University. Nakapaglingkod din siya bilang Mayor ng
Lungsod ng Puerto Princesa.

Napangasawa ni Dennis si Ma. Rowena C. Pangalangan


(ngayon ay isang Hukom) at sila ay may limang supling.

You might also like