You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Baitang 9

I: LAYUNIN

A. Natutukoy ang apat na sektor ng agrikultura


B. Naipapaliwanag kung ano ang binubuo ng apat na sektor ng agikultura
C. Nasusuri ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura

II: PAKSANG ARALIN

 Apat na sektor ng agrikultura

Reference:

https://tinyurl.com/fhvtym3d
https://www.scribd.com/document/447914465/ANG-4-NA-SEKTOR-NG-AGRIKULTURA-docx

III: KAGAMITAN

 Laptop
 Pentilpen
 Construction paper
 Cartolina

IV: PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga sa lahat, ako pala

si Ginoong Reo Oberio.

Ako ang magiging guro ninyo sa oras

na ito. Bago tayo magsimula, tayo ay manalangin.


At bago ako magsisimulang

magtalakay ukol sa ating paksa na apat na sektor

ng agrikultura, ay magkakaroon muna tayo ng Ice Breaker!

Ang bawat makakatanggap ng rosas ay siyang sasagot

sa ating gagawing laro ngayon na tinatawag na 4 pic 1 word.

Familiar ba kayo sa larong ito? (Familiar po sa amin ma’am)

Ngayon pumunta na dito sa harapan ang unang naka tanggap

ng rosas nung huminto ang tugtog, at sagotan ang nasa larawang ito

at susunod naman ang pangalawang naka tanggap ng rosas hanggang

pangatlo at pang apat na naka tanggap.

Ang makakasagot ng tama sa larong ito ay may matatanggap na

Gantimpala pagkatapos ng ating talakayan.

Ngayon nais kong ibahagi sa inyo kung ano-ano ang apat na

Sektor ng agrikultura .

B. Pagtuturo

May apat na sektor ang agrikultura at ito ang ituturo ko sa inyo ngayon. Kung ano-
ano ang kahalagahan nito sa ating pangangailangan. At Kung ano-ano ang binubuo nito.

Ang mga sumusunod ay ang apat na sektor ng agrikultura:


 Pagsasaka- binubuo ng palay, mais, niyog, tubo, saging, kape, manga,tabako,gulay,
halamang mayaman sa hibla at iba pa.
 Pagingisda- binubuo ng paghuhuli ng isda, hipon, at pag-aalaga ng damong dagat na
ginagamit sa paggawa ng gulaman.
 Paghahayupan- binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok,pato
at iba pa.
 Pagtotroso- Puno na pinagmulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at
halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid;kahoy para sa mga muwebles; at
dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamut.

SEKTOR NG AGRIKULTURA

 Nakakatulong para matugunan ang


Pagsasaka pangangailangan sa pagkain at mga
hilaw na sangkap na kailangan sa
produksyon.
 Nakakatulong bilng isa sa
Pangingisda pinakamalaking taga tustos ng isda
sa buong mundo.
 Ang paghahayupan ay nakatutulong
Paghahayupan sa pag supply ng ating mga
pangangailangan sa karne at iba
pang pagkain.
 Mahalaga itong pinagkukunan ng
Pagtotroso plywood, tabla, torso, at iba pa.
Bukod sa mga nabanggit na
produkto, pinagkakakitaan din ang
rattan,nipa, anahaw,kawayan, at iba
pa.

C. Pagtatalakay

Ikaw, ano ang hanapbuhay ng iyong mga magulang? (pagsasaka ma’am)


Ano-ano ang sinsaka ng iyong mga magulang? (mais po ma’am)
D. Kasanayang pagpapayaman

Isulat ang apat na sektor ng agrikultura at


ang mga kahalagahan nito.
(pagsasaka,pangingisda, paghahayupan, at pagtotroso)

E. Kasanayang pagkabisa
Ano-ano uli ang apat na sektor ng agrikultura?
(pagsasaka,pangingisda,
paghahayupan, pagtotroso ma’am)

Paano nakakatulong ang pagsasaka sa


ating mga pangangailangan?
(Nakakatulong para
matugunan ang pangangailangan
sa pagkain at mga hilaw na sangkap
na kailangan sa produksyon).
Ang pangingisda paano nakakatulong?

(Nakakatulong bilang isa sa


pinakamalaking taga tustos
ng isda sa buong mundo).
Ang paghahayupan paano nakakatulong?

(Ang paghahayupan ay
nakatutulong sa pag supply ng ating
mga pangangailangan sa karne at iba
pang pagkain).

Ang pagtotroso naman paano nakakatulong?

(Mahalaga itong
pinagkukunan ng plywood, tabla,
torso, at iba pa. Bukod sa mga
nabanggit na produkto,
pinagkakakitaan din ang rattan,nipa,
anahaw,kawayan, at iba pa).
F. Pagpapahalaga

Sobrang napaka halaga ng agrikultura sa atin dahil ito ang tumutustos sa atin ng
pagkain, nagbibigay ng empleyado, pinagkukunan ng hilaw na material, at nagpapasok
ng dolyar sa ating bansa.

G. Pahuling pagtataya
Ano-ano ang apat na sektor ng agrikultura?

(pagsasaka,pangingisda, paghahayupan, pagtotroso ma’am)

V: Takdang Aralin

Isulat ang mga sektor ng agrikultura at ang kahalagahan nito. At kung gaano ito kahalaga
sa buhay nating mga tao.

Inihanda ni:

Reo S. Oberio
P _____ _____ S _____ _____ _____ K _____
_____ _____ G` _____ _____ T _____ O _____ _____

You might also like