Professional Documents
Culture Documents
Detalyadong Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan
Detalyadong Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan
Grade 9
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga bumubuo sa sektor ng agrikultura;
b. napahahalagahan ang sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa; at
c. nakagagawa ng pag-uulat mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikultura.
II. Nilalaman
Paksa: Sektor ng Agrikultura
Sanggunian: EKONOMIKS (Araling Panlipunan 9) pahina 363-369
Kagamitan: Cartolina, manila paper, mga larawan, envelop, pentel pen, tape o pandikit, at
gunting.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
“Bago tayo magsimula, manalangin muna
tayo at pangungunahan ito ni Isabel.” (Sisimulan ang panalangin)
2. Pagbati
“Magandang umaga sa inyong lahat!” “Magandang umaga po Bb. Jauculan.”
3. Pagsasaayos ng silid
“Bago kayo magsiupo ay ayusin muna ang
inyong mga upuan at pulutin ang mga
nakakalat sa sahig.” (Inayos ang mga upuan at pinulot ang mga
nakakalat sa sahig)
4. Pagtatala ng liban
“Mayroon bang liban sa araw na ito?” “Wala po Ma’am.”
5. Mga kasunduan
“Bago ang lahat ay nais ko munang
ipaalala sa inyo ang mga naging kasunduan
natin sa klase. Anu-ano nga ulit iyong tatlong
kasunduan natin?” “Ma’am, makinig sa nagsasalita, makilahok sa
mga pangkatang gawain, at itaas ang kanang
kamay kung gustong sumagot.”
B. Pagganyak
“Bago natin simulan ang pormal na
talakayan natin ngayong umaga ay
magkakaroon muna tayo ng isang pangkatang
gawain. Hahatiin ko kayo sa (4) apat na
pangkat. Ang gagawin ng bawat pangkat ay
kikilalanin ang mga larawan na ibibigay sa
inyo. At pupunan ninyo ng mga letra ang mga
patlang upang mabuo ang salitang tumutukoy
sa larawan. Ang unang makabuo ng tamang
sagot ay magkakaroon ng (5) limang puntos.
Sa paggawa ng gawaing ito ay mayroon
lamang kayong (3) tatlong minuto.”
(Pagkalipas ng 3 minuto)
“Tama!"
C. Paglalahad
“Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang
tungkol sa Sektor ng Agrikultura. At
gagabayan tayo ng ating mga layunin.”
D. Pagtatalakay
“Bago natin talakayin ang bumubuo sa
sektor ng agrikultura ay aalamin muna natin
ang kahulugan ng agrikultura. Ano ba ang
agrikultura?” “Ang agrikultura ay isang agham at sining sa
paggawa ng pagkain, hibla, at iba pang
ninanais na mga produkto sa pamamagitan ng
pagbubungkal ng ilang mga halaman at
pagpapalaki o pagpaparami ng mga hayop.”
E. Paglalapat
“Ngayon para sa inyong susunod na gawain
ay hahatiin ko kayong muli sa (4) apat na
pangkat. Ang gagawin ng bawat pangkat ay
gagawa ng isang pag-uulat gamit ang
modelong concept definition map tungkol sa
sektor ng agrikultura, ang bumubuo rito at ang
kahalagahan nito. Meron lamang kayong (5)
limang minuto para sa paghahanda. Para sa
pagbibigay ng puntos, ito ay nakabase sa mga
sumusunod na krayterya:
Pamantayan ng Pagmamarka
Nilalaman – 40%
Presentasyon – 30%
Kalinisan – 10%
Kooperasyon – 20%
Kabuuan – 100%
(Pangatlong pangkat)
“Palakpakan naman!”
F. Paglalahat
“Anu-ano ang bumubuo sa sektor ng
agrikultura?” “Paghahalaman, Paghahayupan, Pangingisda at
Paggugubat.”
“Magaling!”
G. Pagpapahalaga
“Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura
sa ekonomiya?” “Mahalaga ito dahil ang agrikultura ang
tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat
mamamayan.”
I. Takdang-Aralin
Basahin ang mga Suliranin sa Sektor ng
Agrikultura. Pahina 370-375.