You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Grade 9

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga bumubuo sa sektor ng agrikultura;
b. napahahalagahan ang sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa; at
c. nakagagawa ng pag-uulat mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikultura.

II. Nilalaman
Paksa: Sektor ng Agrikultura
Sanggunian: EKONOMIKS (Araling Panlipunan 9) pahina 363-369
Kagamitan: Cartolina, manila paper, mga larawan, envelop, pentel pen, tape o pandikit, at
gunting.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal
“Bago tayo magsimula, manalangin muna
tayo at pangungunahan ito ni Isabel.” (Sisimulan ang panalangin)

2. Pagbati
“Magandang umaga sa inyong lahat!” “Magandang umaga po Bb. Jauculan.”

3. Pagsasaayos ng silid
“Bago kayo magsiupo ay ayusin muna ang
inyong mga upuan at pulutin ang mga
nakakalat sa sahig.” (Inayos ang mga upuan at pinulot ang mga
nakakalat sa sahig)

4. Pagtatala ng liban
“Mayroon bang liban sa araw na ito?” “Wala po Ma’am.”

5. Mga kasunduan
“Bago ang lahat ay nais ko munang
ipaalala sa inyo ang mga naging kasunduan
natin sa klase. Anu-ano nga ulit iyong tatlong
kasunduan natin?” “Ma’am, makinig sa nagsasalita, makilahok sa
mga pangkatang gawain, at itaas ang kanang
kamay kung gustong sumagot.”

“Tama! Aasahan ko na matutupad ninyo


ang ating mga napagkasunduan.”

B. Pagganyak
“Bago natin simulan ang pormal na
talakayan natin ngayong umaga ay
magkakaroon muna tayo ng isang pangkatang
gawain. Hahatiin ko kayo sa (4) apat na
pangkat. Ang gagawin ng bawat pangkat ay
kikilalanin ang mga larawan na ibibigay sa
inyo. At pupunan ninyo ng mga letra ang mga
patlang upang mabuo ang salitang tumutukoy
sa larawan. Ang unang makabuo ng tamang
sagot ay magkakaroon ng (5) limang puntos.
Sa paggawa ng gawaing ito ay mayroon
lamang kayong (3) tatlong minuto.”
(Pagkalipas ng 3 minuto)

“Anu-ano ba ang nabuo ng bawat pangkat?” (Paghahalaman, Paghahayupan, Pangingisda,


at Paggugubat)

“Tama! Batay sa inyong sagot, ano kaya sa


tingin ninyo ang tatalakayin natin sa araw na
ito?” “Tungkol sa Sektor ng Agrikultura.”

“Magaling! Ano ba ang naging batayan mo


na ito ay tungkol sa Agrikultura?” “Dahil ang agrikultura ay nakapokus sa
paghahalaman, sa mga hayop at iba pa.”

“Tama!"

C. Paglalahad
“Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang
tungkol sa Sektor ng Agrikultura. At
gagabayan tayo ng ating mga layunin.”

(Ipinaskil ang layunin)

“Basahin ng sabay-sabay.” “Mga Layunin:


a. natutukoy ang bumubuo ng sektor ng
agrikultura;
b. napapahalagahan ang sektor ng agrikultura
sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa;
c. nakagagawa ng concept definition map
tungkol sa sektor ng agrikultura.”

D. Pagtatalakay
“Bago natin talakayin ang bumubuo sa
sektor ng agrikultura ay aalamin muna natin
ang kahulugan ng agrikultura. Ano ba ang
agrikultura?” “Ang agrikultura ay isang agham at sining sa
paggawa ng pagkain, hibla, at iba pang
ninanais na mga produkto sa pamamagitan ng
pagbubungkal ng ilang mga halaman at
pagpapalaki o pagpaparami ng mga hayop.”

“Tama! Ngayon, ang bumubuo sa sektor ng


agrikultura ay paghahalaman, paghahayupan,
pangingisda, at paggugubat. Ano ba ang
paghahalaman, Jane?” “Ito ang mga pangunahing pananim ng bansa o
mga produkto na kinakailangan ng Pilipino
kabilang na dito ang palay, mais, gulay, prutas,
abaka, tabako, mga halamang gubat at mga
halamang mayaman sa hibla o fiber.”

“Magaling! Ano naman ang paghahayupan,


Clarisse?” “Ito ay binubuo ng pag-aalaga ng mga hayop
na pinanggagalingan ang karne na binibili natin
kabilang na ang baka, kambing, baboy, manok,
pato, at mga itlog nito.”

“Tumpak! Ano naman ang pangingisda,


Robert?” “Isa ito sa mga hanapbuhay ng mga mamayang
Pilipino na malapit sa ilog at dagat. Ito ay
maaaring sa dagat, ilog, fishpond na
ginagamitan ng kaalaman sa aquaculture.”
“Tama! Ang pangingisda ay nauuri sa (3)
tatlo. Anu-ano ang mga ito?” “Munisipal, Komersyal at Aquaculture.”

“Magaling! Ano ba ang ibig sabihin ng


munisipal na pangingisda?” “Ito ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro
sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka
na may kapasidad na tatlong tonelada o mas
mababa pa na hindi nangangailangan na
gumagamit ng mga fishing vessel.”

“Mahusay! Ano naman ang komersyal na


pangingisda?” “Ito ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang
gumagamit ng mga bangka na may kapasidad
na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga
gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo.”

“Tama! At ang panghuli ay ang aquaculture.


Ano naman ito?” “Tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng
mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t-
ibang uri ng tubig palaisdaan – fresh (tabang),
brackish (maalat-alat), at marine (maalat).”

“Mahusay! Ano naman ang paggugubat?” “Isang pangunahing pang-ekonomikong


gawain sa sektor ng agrikultura. Mahalaga
itong pinagkukunan ng plywood, tabla, torso,
at veener. Pinagkikitaan din ang rattan, nipa,
anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng
almaciga.”

“Magaling! Masasabi natin na ang pag-


unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki o
taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya.
Mahalagang pagtuunan ng pansin ng
pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular na
ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang
mga pagkain na tumutustos sa
pangangailangan ng bawat mamamayan. Anu-
ano kaya ang mga mahahalagang bagay o
kahalagahan na naibibigay ng sektor ng
agrikultura tungo sa kaunlaran ng ekonomiya
ng isang bansa?” “Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura:
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmulan
ng pagkain.
2. Pinagkukunan ng mga materyal para
makabuo ng bagong produkto.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa
mula sa sektor ng agrikultural patungo sa
sektor ng industriya at paglilingkod.”

“Naiintindihan ba?” “Opo!”

E. Paglalapat
“Ngayon para sa inyong susunod na gawain
ay hahatiin ko kayong muli sa (4) apat na
pangkat. Ang gagawin ng bawat pangkat ay
gagawa ng isang pag-uulat gamit ang
modelong concept definition map tungkol sa
sektor ng agrikultura, ang bumubuo rito at ang
kahalagahan nito. Meron lamang kayong (5)
limang minuto para sa paghahanda. Para sa
pagbibigay ng puntos, ito ay nakabase sa mga
sumusunod na krayterya:

Pamantayan ng Pagmamarka
Nilalaman – 40%
Presentasyon – 30%
Kalinisan – 10%
Kooperasyon – 20%__
Kabuuan – 100%

“Maaari na kayong magsimula sa inyong


gawain.” (Sinimulan ang paghahanda)

(Makalipas ang limang minuto)

“Ngayon ay oras na para sa pagtatanghal ng


inyong gawain. Mauuna ang unang pangkat,
susunod ang pangalawang pangkat, pangatlo,
at pang-apat na pangkat.” (Nagpresenta ang unang pangkat)

“Palakpakan naman! Susunod ay ang


pangalawang pangkat.” (Pangalawang pangkat)

(Pangatlong pangkat)

“At ang panghuli ay ang Pang-apat na


pangkat.” (Pang-apat na pangkat)

“Palakpakan naman!”

F. Paglalahat
“Anu-ano ang bumubuo sa sektor ng
agrikultura?” “Paghahalaman, Paghahayupan, Pangingisda at
Paggugubat.”

“Magaling!”

G. Pagpapahalaga
“Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura
sa ekonomiya?” “Mahalaga ito dahil ang agrikultura ang
tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat
mamamayan.”

“Tama! Bilang isang mamamayan paano


mo mapapahalagahan ang sektor ng
agrikultura?” “Sa pamamagitan ng wastong paggamit at
pagkonserba sa mga yaman ng ating bansa.”
H. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng ½ na papel at sagutin
ang mga sumusunod:

1. Ano ang sektor ng agrikultura?


2.
3. Anu-ano ang bumubuo sa sektor ng
4. agrikultura?
5.
6.
7. Ibigay ang mga uri ng pangingisda.
8.
9. Magbigay ng dalawang kahalagahan ng
10. agrikultura.

I. Takdang-Aralin
Basahin ang mga Suliranin sa Sektor ng
Agrikultura. Pahina 370-375.

“Dahil wala na tayong sapat na oras,


magsitayo ang lahat. Ayusin ang inyong mga
upuan at pulutin ang mga nakakalat sa sahig.”

“Paalam sa inyong lahat!” “Salamat at paalam na po Bb. Jauculan.”

Inihanda ni: Cindy S. Jauculan


Aplikante

You might also like