You are on page 1of 5

LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan ________________________________________________ Iskor _____________

Kurso/Taon/Seksyon _______________________________________ Petsa ____________

PANUTO: Sagutin ang mga aytem sa ibaba.

A. Kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy ng pahayag sa bawat bilang, isulat ang kasagutan sa patlang.

_______________ 1.

Kakayahan na matiyak o masigurado na tama ang isa o higit pang kahulugan ng teksto at sitwasyon na
nakapaloob o nakaayon sa konteksto.

_______________ 2.

Nagsabi na ang kakayahan ay tumutukoy sa kaalaman ng tao tungkol sa kanyang wika at performans
naman ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon

_______________ 3.Tumutukoy sa pagkakaugnay at interaksyon at kakayahang panggramatika o


kaalaman sa mga tuntunin ng gramatika at sa kakayahang sosyo-linggwistika.

_______________ 4.

Kakayahang umunawa at makabuo ng istruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika.

_______________ 5.Para sa karamihan ng mga lalaki, ang isang reklamo o daing ay hamon upang
makahanap ng solusyon.

_______________ 6.
Ang mga babae ay kadalasan nagpapahiwatig ng payo sa hindi direktong paraan.

_______________ 7.

Para sa mga babae, sila ay gumagamit ng pakikipag-usap upang mapalapit sa iba.

_______________ 8.

Tumutukoy sa pagkilos ng buong katawan o bahagi nito tulad ng mabilis na paglakad, laglag ang balikat,
pagkamot sa ulo, at iba pa.

_______________ 9.

Tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe.

_______________10.

Katulad ng kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o kumpas ng isang guro sa
pagpapatahimik ng mga bata.

B.TAMA o MALI. Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang diwa ng pahayag at MALI naman kung
hindi.
_____ 1.

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat na alam ang tuntuning pang-gramatika.

_____ 2.

Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na sitwasyon,
maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap.

_____ 3.

Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakapagbibigay siya ng maling pakahulugan ng
napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.

_____ 4.

Kailangang isaalang-alang din ang ilang mahahalagang bagay tulad ng

kaangkupan ng sasabihin sa sitwasyong paggagamitan nito.

_____ 5.

Isang mabuting prinsipyo sa epektibong pagtuturo at pagtatanong ang pagbibigay ng maraming


pagkakataon sa lahat ng mga mag-aaral na lumahok sa mga aktibiti o gawain sa klase.

_____ 6.

Malaki ang pananagutan ng mga guro sa pagtuturo ng wika.

_____ 7.Malaki rin ang pananagutan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng wika.


_____ 8.Para masabi na ang tao ay may communicative competence sa isang wika, kailangang magtaglay
siya ng linguistic o grammatical competence, sociolinguistic competence, discourse competence at
strategic competence.

_____ 9.

Sapat na ang kaalamang panggramatika upang magamit nang mabisa ang wika.

_____10.

Hindi na mahalaga na magkaroon pa ng kaalamang kultural na makaaapekto sa pag-unawa at


pagbibigay-kahulugan sa sinabi ng kausap.

_____11.

Malaki ang maitutulong ng kaalamang pangkomunikatibo sa paghugis ng kakayahan sa pagsasalita


sapagkat hinihingi nito ang kaangkupan ng lenggwahe sa partikular na lipunan.

_____12.

Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang pananaw at pagtingin sa mga bagay at gawain.

_____13.

Ang kulay ay kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kanyang damdamin. Ngunit ang kahulugan ay nag-
iiba-iba.

_____14.

Ang pagyakap at paghaplos ng isang ina sa isang sanggol ay may hatid na kalinga at pagmamahal.

_____15.Ang kulay ay may iisang kahulugan kahit iba-iba ang kultura at kalagayan.

C. Pangungusap. Salungguhitan minsa ang Paksa at makalawang beses naman ang panaguri. (20 pts.)
1 .Maaga akong aalis ngayong araw.

2. Si Mina ang tinutukoy sa balita na naguna sa pagkakapasa sa Pagsusulit

3. Pangguro ngayong tao.

4.Maswerte ang araw ko ngayon dahil sa mga biyaya ng Diyos.

5 .Kilala si Martina bilang masungit na empleyada ng kumpanya.

6 .Ikaw at ako ang tutupad sa kanyang mga pangarap.

7. Tumitilaok ang manok tuwing dapithapon.

8.Malakas ang kulog ngayong hapon at mukhang uulan na naman.

9. Ayaw niyang matulog.

10.Nakangiti si Charmie na ulamis upang sunduan ang asawa sa airport.

Nakipalaglaro ako kahapon sa mga batang kalye.

You might also like