You are on page 1of 4

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 3

S. Y. 2018 - 2019
Pangalan:_________________________________________________Baitang at Seksyon:____________
Paaralan:________________________________________________________________________________
Guro:______________________________________________________Petsa:________________________
I.Basahin ang kuwento at itiman ang bilog na may titik ng tamang sagot gamit ang lapis.
Ang Halayang Ube ni Jaffa
Maagang gumising si Jaffa upang tumulong sa inang si Aling Maria na abalang-abala sa
pagluluto ng halayang ube.
“Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo, Inay,” wika ni Jaffa habang
lumalakad palapit sa Ina. “Pihadong matutuwa na naman ang mga suki ko kapag natikman nila iyan,” may
pagmamalaking wika ni Jaffa. Napangiti si Aling Maria sa sinabi ni Jaffa.
“Salamat anak, natutuwa ako at nagugustuhan mo lahat ng niluluto ko,” wika
ng ina. Matapos maihanda ni Aling Maria ang ilalakong halaya ni Jaffa binilinan niya
itong mag-ingat. Kapag naubos nang maaga ang kaniyang paninda, umuuwi siya kaagad
upang makapagpahinga.

A B C D 1. Ano ang uri ng kakanin na tinukoy sa kuwento?


A. bilo-bilo B. sinukmani C. halayang ube D. sumang yakap
A B C D 2. Sino ang matutuwa kapag natikman ito?
A. Jaffa B. mga kalaro ni Jaffa C. suki D. kapitbahay ni Jaffa
A B C D 3. Sino ang nagsabi? “Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo Inay?”
A. Aling Maria B. Jaffa C. Hana D. Sonia
4. Maagang gumising si Jaffa upang tumulong sa inang si Aling Maria.
A B C D
Anong salita ang maaaring gamiting pamalit sa salitang Jaffa?
A. ako B. kami C. ibon D. siya
A B C D 5. Bakit maagang gumising si Maya?
A. maglaro B. tumulong C. magtinda D. umalis

Ibigay kasing kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

A B C D 6. Ang Honshu ang pinakamalawak na pulo sa Japan.


A. pinakamalapad B.pinakatanyag C.pinakamalapit D.pinakasikat
A B C D 7. Sagana sa yamang dagat ang japan dahil ito’y napapaligiran ng tubig.
A. kaunti B. marami C. salat D. kulang
A B C D 8. Ang bagyo na nagdadaan sa ating bansa ay kadalasang nagdudulot
ng malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
A. ganda B. kaayusan C. sira D. kaguluhan

Tukuyin kasalungat ng mga salitang may salungguhit?

A B C D
9. Sa paglubog ng araw, ang mag-anak ay abala sa paghahanda ng
mga pagkain para sa darating na mga bisita .
A.pagsikat B.pagdilim C. pagtago D. pagtulog
A B C D 10. Nagtataka ang guro ni Rae dahil siya ay walang gana at matamlay.
A.malusog B. mausisa C.masungit D.masigla
Piliin ang angkop na panghalip .
A B C
11.
D
Si Claudine Barretto ay magaling umarte. _________ ay
pinarangalang Best Actress ng Taon sa FAMAS award.
A. Sila B. Siya C. Ako D. Ikaw
A B C D
12. Ako at ang aking mga kaibigan ay pupunta sa park .______ ay
maglalaro ng Tagu - taguan.
A. Tayo B. Sila C. Kami D. Kayo
A B C D 13. Natasha Andres ang aking pangalan. ______ ay tatlong taong
gulang.
A. Ako B. Siya C. Ikaw D. Iyo
A B C D 14. Ikaw , si Margarett at ako ang sasali sa quiz bee. Dapat
___________ ay mag-aral.
A. Kayo B. Sila C. Kami D. Tayo
A B C D 15. Naglalaro ng basketbol sina Vice Ganda at Vhong Navarro.
Nauhaw ______kaya nagpahinga muna.
A. Siya B. Ako C. Sila D. Kami
A B C D 16. Ate Sabina at Kuya Santino , tawag _______________ ni
Mommy. A. kayo B. kami C. ako D. tayo
A B C D
17. Mga piling salitang may karampatang kahulugan.
A. Talaan ng Nilalaman B. Pabalat
C. Karapatang – Ari D.Talahulugan
B C D 18. May larawang makahulugan taglay nito ang pamagat at mga may
A
akda.
A. Pabalat B. Indeks C. Paunang Salita D.Talahulugan
A B C D
19. Taon ng pagkakalimbag ng aklat.
A.Karapatang – ari B. Pahina ng Paglalathala
C. Paunang Salita D. Katawan ng aklat
A B C D 20. Makikita rito ang nagmamay-ari ng sinulat na aklat at ang
naglathalang kompanya.
A.Karapatang – ari B. Pahina ng Paglalathala
C. Paunang Salita D. Katawan ng aklat
A B C D 21. Talaan ito ng bilang at pamagat ng yunit, mga kuwento, tula at ang
mga pahina.
A. Talaan ng Nilalaman B. Pabalat
C. Karapatang – Ari D.Talahulugan

Tukuyin ang tamang panghalip na pamatlig sa bawat larawan.

A B C D

22. A. iyan B. ito C. iyon D. dito

A B C D

23. A. Diyan B. Dito C. Doon D.Iyan

A B C D

24. A. Iyon B.Iyan C.Diyan D.Doon

A B C D

25. A. Iyan B.Ito C.Dito D.Diyan


A B C D

26. A. Ito B. Iyon C.IyanD.Doon

A B C D

27. A.Diyan B. Doon D. Dito D.Ito

IV. Itiman ang titik ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng Pagsesepilyo ng Ngipin.Itiman ang
A kung ito ang unang nangyari hanggang E kung huli.

A B C D E 28. Lagyan ng paste ang sipilyo.


A B C D E 29. Sepilyuhin ang taas at baba ng hilera ng mga ngipin.
A B C D E 30.Kunin at basain ang sepilyo.
A B C D E 31.Banlawan ang sepilyo.
A B C D E 32. Idura .

V. Pag-aralan ang larawang grap at sagutin ang mga sumusunod na tanong.Itiman ang bilog na
may letra ng tamang sagot.

A B C D 33. Tungkol saan ang grap?


A. Ani ng Pamilyang Reyes sa 2 ektarya ng Palayan sa loob ng limang taon.
B. Ani ng pamilyang Reyes sa 2 ektarya ng Palayan sa loob ng anim na taon.
C. Kita ng pamilyang Reyes sa kanilang palayan.
D. Kita ng pamilyang Reyes sa kanilang tubuhan.

A B C D 34. Anong taon ay may pinakamaraming ani ng bigasa ang pamilyang


Reyes?
A. 2008 B. 2009 C. 2010 D. 2011
A B C D 35.Anong taon ay may pinakamababang ani?
A. 2007 B. 2008 C. 2009 D. 2010
36. Ilan ang katumbas ng isang larawan?
A B C D
A. 10 B. 20 C. 30 D. 40
A B C D 37. Ilan lahat ang naaning bigas taong 2010 at 2011?
A. 100 B. 200 C. 300 D. 400

A B C D 38. Ilan ang kabuuang ani ng pamilya Reyes sa loob ng limang taon?
A. 620 B. 720 C. 820 D. 920

Piliin ang pinakaangkop na wakas ng kuwento.Itiman ang bilog ng titik ng tamang sagot.

A B C D 39. Tumulong muna sa paghuhugas ng pinggan si Ana bago tahimik na tumuloy sa silid-
tulugan. Maayos niyang inilagay ang mga aklat sa ibabaw ng mesa. Tiningnan niya kung mayroon siyang
gawaing bahay. Pagkatapos ay mabilis syang naglinis ng katawan at nagbihis ng pantulog.

A. Nagdasal muna si Ana at pagkatapos ay natulog.

B. Pumunta siya sa kanilang kusina at kumain.

C. Lumabas siya ng kanyang kuwarto at nanood ng palabas sa telebisyon.

D. Tiningnan niya sa labas ng kanilang bahay ang kanyang alagang aso.

A B C D 40. Araw- araw nadaraanan ni Camille ang lumang bahay sa kanto. Matagal nang walang
nakatira sa lumang bahay kaya’t tuwing mapapatapat siya’y binibilisan niya ang lakad at ni ayaw niyang
tumingin dito.

A. Tinawag si Camille ng kanyang Nanay.


B. Biglang napatakbo si Camille patungo sa lumang bahay.
C.Pagod na pagod si Camille pagdating sa kanilang bahay.
D. Pagdating ng bahay ay takang-taka ang kanyang ina dahil sa mukha niyang takot
at may halong kaba.

You might also like