You are on page 1of 2

Station ID: DZKK 89.

9 (DZ-dobol-K)

Anchor 1: Cherrie Maceren

News reporter: Alyssa Navarro

DZ-Katotohanan-walang-Kinikilingan

Script:

*Sound*

Intro (Anchor 1): Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan! Walang
kinikilingan, at puro katotohanan lamang! Narito ang DZKK, otso-nwebe-nwebe!

*TIW NIW*

Anchor: Ang oras natin ngayon ay ___ minute makalipas ang alas ___ ng ___ araw ng
Miyerkules, ika dalawampu’t isa ng Setyembre.

*BGM LIVELY*

Anchor 1: Magandang hapon, Pilipinas! Magandang hapon, Surigao City! Ito ang inyong
kaagapay, Cherrie Maceren. At kayo’y nakatutok sa radyo balita na hatid ng DZ-dobol-K.

*MUSIC LIVELY UP*

*DOWN*

*MUSIC HINAY*

Anchor: Narito na ang nagbabagang balita sa oras na ito.

Anchor: Metro Manila, apektado matapos ng dalang matinding baha ng bagyong Henry.

*TIW NIW*

Anchor: Mga nakikitang sanhi ng maya’t mayang pagbaha, alamin!

*stop ang music*

Anchor 1: Para sa detalye, narito si Alyssa Navarro.

*BGM KUSOG*

*BGM HINAY*

News reporter: Ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan nito, naranasan ang
matindinding pagbaha dala ng habagat na pinatindi ng bagyong si Henry. Isa ng malaking
peligro sa bansa ang matinding pagbaha sa kadahilanang maging ang nasa matataas na na
mga lugar ay apektado na rin. At kahit pa man sandali lang at hindi kalakasan ang ulan ay
madalas na nagkakaroon ng baha.
News reporter: Hindi konkretong drainage system na nagiging sanhi ng pagbara, korap na
contractor na tumatanggap lamang ng pera ngunit hindi pulido ang ginagawang trabaho, hindi
maayos na pagpaplano ukol sa pagbabaon ng concrete pipe na nagbubunga ng pagbalik ng
tubig sa mga kalsada, at ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan ay ilan sa nakikitang
dahilan ng pagbaha. Pinaaalahanan ang publiko na kung ang mga kasapi ng mamamayan ay
hindi matututo, maya’t maya mararanasan ang ibibigay na sanhi at epekto nito.

*KUSOG AN MUSIC*

Voice: Walang kinikilingan, at puro katotohanan lamang! DZ-dobol-K!

Anchor: At iyan ang nagbabagang balita na hatid sainyo ng DZ-dobol-K. Ito muli ang iyong
kaagapay, Cherrie Maceren. At ito ang DZ-dobol-K otso-nwebe-nwebe. Walang kinikilingan at
puro katotohanan lamang.

*SOUND UP*

ENDDDDDDDDD…

You might also like