You are on page 1of 3

Valley High Academy, Inc.

J.P. Rizal St. Manggahan Rodriguez, Rizal


Contact No. 0917 624 3689
fb page: https://www.facebook.com/officialvha/

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 5


Name_______________________________________ Date___________________

Grade and Section____________________________ Score__________________

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung alin


sa mga pagpipilian ang makatutulong sa mabuting pagpapasya. Piliin
ang tamang sagot at isulat ang titik sa linya bago ang bawat numero.

____1. Mag-uulat ka tungkol sa dami ng mga mag-aaral sa pribadong


paaralan. Wala ito sa aklat kaya’t hindi ka nakatitiyak sa iyong ulat.
Ano ang iyong gagawin?
A. Magtatanong ako sa aking magulang at kapatid.
B. Maghahanap ako ng lumang diyaryo.
C. Maghahanap ako ng mapagkukunan ng impormasyon sa aklatan.
____2. May takdang-aralin ang kapatid mo sa Science. Bagama’t napag-
aralan mo na ito, gusto mo pa ring makatiyak na wasto ang ibibigay
mong kasagutan.
A. Maghahanap ako ng aklat na makapagbibigay ng impormasyon.
B. Magtatanong ako sa kapitbahay.
C. Magpapagawa ako sa kaibigan.
____3. May problema sa taghiyawat o pimple ang ate mo. Nakita moa ng
paborito mong artista na nag-eendorso ng sabon para sa katulad na
problema. Gusto mong matulungan si Ate.
A. Sasabihin ko kay Ate na bumili at gumamit agad ng sabon na iyon.
B. Maghahanap ako ng brochure o flyer tungkol dito.
C. Ipapatanong ko muna sa doctor bago ipagamit ito.
____4. Magkakaibigan sina Lexie, Yuki, at Yoonah. Lagi silang magkakasama at
magkakatulong sa mga proyektong pampaaralan. Isang araw, napansin ni
Lexie na hindi nag-uusap sina Yuki at Yoonah. Nang tanungin niya si Yuki,
sinabi nito na si Yoonah ang nagkakalat ng tsismis tungkol sa pamilya nila.
Nang tanungin naman niya si Yoonah, sinabi nito na si Yuki ang nagsimula
ng tsismis. Ano ang maipapayo mo sa kanila?
A. Pag-aralan muna ang pahayag ng dalawa at saka paghaharapin upang
magkausap
B. Hahayaan nalang ang dalawa sa gusto nila.
C. Kakampihan kung sino ang inaakalang tama.
____5. Nakatakdang katawanin ni Aron ang kanilang paaralan sa isang tagisan ng
talino. Subalit nang magkaroon ng oryentasyon para sa paligsahan ay hindi
siya nakadalo dahil sa karamdaman. Sa iyong palagay, ano dapat ang
gawin ni Aron?
A. Magtanong sa prinsipal kung sino ang makapagbibigay sa kanya ng impormasyon
B. Huwag na lang sumali at sasabihing hindi handa
C. Magmungkahing iba na ang pasalihin
____6. Galing sa sakit si Athena ngunit kailangan na niyang pumasok dahil
mayroon silang pagsusulit. Nang lalabas na siya ng bahay, biglang
kumulog bagama’t may sikat ng araw.
A. Hindi na lang tutuloy sa pagpasok at hindi na kukuha ng pagsusulit.
B. Papasok ngunit magdadala ng paying at jacket para hindi mabasa kung umulan.
C. Aalis kaagad para makasakay bago umulan.
____7. Paboritong subject ni Derrick ang Math kaya lagi siyang nakakasali sa mga
quiz bee. Ngayong taon, nalaman niyang mahigpit ang labanan dahil
maraming magagaling. Noong isang taon, nahirapan siya sa fractions.
A. Pag-aaralan ang lahat ng aspekto ng Math lalo na ang fractions.
B. Hihingi ng tip mula sa dating kalahok.
C. Magpapa-tutor para lang sa fractions.
____8. Sinabi ng guro ninyo na maghanda sa pagsusulit, ngunit hindi sinabi kung
kalian magbibigay. Kilala mo ang guro ninyo na mahilig sa biglaang
pagsusulit.
A. Magtatanong sa ibang seksiyon ng kanyang tinuturuan kung nagbigay ng
pagsusulit ang guro.
B. Laging maghahanda para makatiyak na makakasagot sa pagsusulit.
C. Mangongopya sa kaklase kung biglang magbigay ng pagsusulit.
____9. Paboritong pagkain ni Matthew ang karne, manok at cold cuts tulad ng
hotdog, longganisa, at iba pa. Hindi siya kumakain ng gulay. Minsan, bigla
siyang nahilo at nawalan ng malay. Natuklasan ng doktor na kulang siya ng
iron sa dugo. Pinayuhan siyang uminom ng iron supplement at kumain ng
mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng atay at madadahong gulay na
siya naming ayaw na ayaw niya.
A. Sasabihin sa ina na hindi siya makakain.
B. Gamot na lang ang iinumin.
C. Pag-aralang kumain ng atay at madadahong gulay nang unti-unti upang bumalik
sa normal ang dugo.
____10. Nakalakihan na ni Paul ang alitan ng kanilang pamilya at pamilya nina
Nicko. Isang araw na malakas ang ulan, biglang bumaha at lumubog ang
bahay nina Nicko. Dahil ang bahay nina Paul ang pinakamalapit, dito sila
humingi ng tulong.
A. Hindi patutuluyin at hahayaang mabasa dahil kaaway nila.
B. Kalilimutan ang alitan at patutuluyin bilang kapwa tao.
C. Sa ibang bahay na lang papupuntahin.

B. Panuto: Piliin kung aling batayan ang gagamitin sa sumusunod na mga


sitwasyon. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa linya bago ang
bawat numero.

_____11. Programa sa telebisyon


A. Oras/Tagal ng palabas C. Aral/Mensaheng pambata
B. Artistang gaganap D. Dami ng nanonood/Rating
_____12. Babasahin/Magasin
A. Presyo C. Impormasyon/Aral na mapupulot
B. Makulay na larawan D. Napapanahon/Uso
_____13. Kaibigan at kabarkada
A. Mayaman C. Magandang asal/Impluwensiya
B. Kilala sa lipunan D. Kagandahang pisikal
_____14. Kagamitang pang-eskuwela.
A. Sika tang tatak C. Mahusay na uri at matibay
B. Mahal ang presyo D. Walang katulad
_____15. Damit/Kasuotan
A. Uso C. Disente at komportable
B. Nakakaakit D. Kilala ang tatak o brand
_____16. Pagkain
A. Lasa C. Sustansiya
B. Presyo D. Dami
_____17. Sapatos at bag
A. Tatak o brand C. Kaangkupan sa paggagamitan
B. Kulay o estilo D. Presyo
_____18. Libangan (Recreation)
A. Napapanahon/Uso C. Lugar na paglilibangan
B. Nakaaaliw D. Kabutihang maidudulot
_____19. Mga gamit na personal (sabon, pulbos, toothpaste, at iba pa)
A. Bango/Amoy C. Presyo
B. Tatak/Marka ng gumawa D. Kaangkupan sa balat at edad
_____20. Regalong ibibigay
A. Laki at ganda ng balot C. Angkop at bagay sa bibigyan
B. Presyo D. Tatak kung saan binili

C. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Suriin kung ito ay nagpapakita
ng positibong kilos na makakatulong sa pag-unlad ng samahan. Lagyan ng
tsek (√) kung Oo at ekis (X) naman kung Hindi.

_____21. Pagdating sa takdang oras ng pagpupulong


_____22. Pagsunod sa patakarang ipinatutupad
_____23. Pagbibigay ng mungkahi na makakabuti lamang sa sarili
_____24. Pakikilahok sa pagbuo ng plano at balakin
_____25. Pagtulong sa Gawain ng samahan
_____26. Pagtiwalag kapag hindi nasunod ang kagustuhan
_____27. Pagdalo lamang sa pilong ng mapipiling lider
_____28. Pagdating nang huli sa mga pagpupulong
_____29. Pagbibigayng sariling opinyon na kapaki-pakinabang para sa proyekto
ng samahan
_____30. Pagkampi sa kaibigang lider kahit mali ang pagpapasya

You might also like