You are on page 1of 1

Rumpelstiltskin (Brothers Grim)

Salin ni: Amelia V. Bucu

Binigyan siya ng makina sa paghahabi at rolyo, at sinabing, “Ngayon, magtrabaho ka na,


at kung bukas ng umaga ay hindi mo magawang ginto ang mga lubid na ito, ikaw ay
maparurusahang mamatay.”

Naupo siya, inisip niya na kahit anong gawin niya’y hindi niya alam kung ano bang
gagawin, paano gagawing ginto ang mga lubid na nasa harapan niya. Lalo siyang natakot
para sa kaniyang buhay habang lumalakad ang oras, hanggang nagsimula na siyang
umiyak. Subalit biglang bumukas ang pinto, at pumasok ang isang maliit na lalaki na
animo’y isang duwende, at sinabing, “Magandang gabi, binibining tagapaggiling, bakit ka
umiiyak?” “Alas,” sagot ng babae. “Kailangan kong maghabi, gawing ginto ang mga lubid,
ngunit hindi ko alam kung paano ito gagawin?” “Ano ang ibibigay mo sa akin?” sabi ng
maliit na lalaki. Kung gagawin ko ito para sa iyo?” “Ang aking kuwintas,” sabi ng babae.
Kinuha ng maliit na lalaki ang kuwintas, naupo siya sa harap ng makina, at
wir...wir...wir... tatlong ikot ng makina, at napuno agad ang rolyo, tapos nilagyan niya
ulit ang makina, at wir...wir...wir... tatlong ikot ng makina, at napuno na agad ang
ikalawang rolyo. Sa ikatlong pagkakataon nakipagkasundo ang babae sa maliit na lalaki,

“Ano ang ibibigay mo sa akin kung gagawin kong ginto ang mga lubid na ito ngayon?”
“Wala nang natira sa akin, wala na akong maibibigay,” sagot ng babae. “Ipinangako mo
sa akin, kapag naging reyna ka na, ibibigay mo sa akin ang iyong unang anak.” Isang taon
ang lumipas, ipinanganak niya ang isang napakagandang sanggol. Hindi niya naisip ang
ipinangako niya sa maliit na lalaki.

Isang iglap, biglang pumasok ang maliit na lalaki sa kaniyang silid, at sinabing, “Ngayon,
ibigay mo sa akin ang iyong ipinangako.” Labis na nabigla at natakot ang reyna, at
sinabing ibibigay niya ang lahat ng kayamanan sa buong kaharian, huwag lamang kunin
ang kaniyang anak. Subalit sabi ng maliit na lalaki, “Hindi, ang anomang nabubuhay ay
mas mainam sa akin sa lahat ng kayamanan sa mundo.” Nagsimulang umiyak at
nagmakaawa ang reyna, naawa naman sa kaniya ang maliit na lalaki. “Bibigyan kita ng
tatlong araw,” sabi niya. “Kung malalaman mo ang aking pangalan sa loob ng tatlong
araw, sa iyo na ang anak mo.”

You might also like