You are on page 1of 1

Mito tungkol sa Aswang

Bata pa lang ako, madalas ko nang naririnig ang mga kwento tungkol sa di
umanoy aswang. Nasa probinsya kami naninirahan at nong panahong iyon,
maliit pa lang ang naninirahan sa lugar na iyon.
  Pagsapit nang dilim, pinapauwi na kami ni mama galing sa
paglalaro.Madalas naming marinig ang malakas na yabag sa aming bakuran.
Alam nina mama na higanti iyon kasi may malaking puno ng mangga sa
likod ng bahay namin. May biglang dumikit sa bobong namin ,hindi pa
nkasememtado ang bahay namin noon kaya para matutumba.
   Ang aming kapitbahay noon na si Vicky ay nagkasakit. Tanging siya lang
at ang tatlo niyang anak ang matutulog sa kanilang bahay kasi bagtatrabaho
ang kanyang asawa.  Katulad din sa nangyari sa aming bahay, nangyari din
ito sa kanila. Sa totoo lang, may kapitbahay din kaming pinaniniwalaang
pamilya ng mga aswang.
   Gabi gabi, may maririnig sina mama na tunog ng parang may kinakatay ng
baboy. Siyempre kapitbahay namin kaya dinig na dinig nila mama ang ingay
na iyon bandang hating gabi.
   Nang umagang iyon, pumunta sa bahay nina Vicky si Malot na siyang anak
ng aswang. Dinalhan si ante Vicky ng karne..Pag-uwi ni Malot, binigay sa
aso ang karneng dinala ni Vicky kaya lang hindi kumain ang kanyang aso
kaya tinapon nya ito sa bintana. Laking gulat nalang niya nang makitang
naging bulok ang karneng iyon.Isa lang ang ibig sabihin non, na may balak si
Malot na hawaan si ante Vicky bilang isang aswang.
    Ang ama ni Malot ang siyang aswang talaga.May ebedensya kasi ,nakita
ng kapit bahay namin na ito ay “nagtuwad” at biglang naging aso.
Makapangyarihan talaga iyon.Kaya dumating ang araw na may bahay siyang
pinasukan at nanlaban ang ama ng buntis kaya sinaksak siya ng kutsilyo. Ang
kutsilyong ginamit ay sinaksak sa puno ng lalaking papaya sumpa kasi daw
iyon para ang sugat ng aswang ay hindi malulunasan. Kaya ayon , namatay
ang ama ni malot dahil sa sugat na walang lunas-lunas. Pero sabi nila
magsasakripisyo daw ang aswang kapag walang sumalo sa kapangyarihan
nila. Namatay iyon, kaya siguro may pumalit na sa pagiging aswang at
malamang isa sa mga anak niya ang nakasalo.
Advertisements
REPORT TH Register

You might also like