You are on page 1of 19

Panuto: Piliin kung ang uri ng panghalip

na nakadiin sa bawat pangungusap ay


may uring panao, pamatlig, pananong,
o panaklaw.
1. Hayun! Natatanaw ko na ang liwanag na nagmumula sa
sinag ng araw.

A. Panao B. pamatlig C. pananong D. panaklaw


2. Ano-ano ang nararapat gawin ng isang tao
upang makamit niya ang lahat ng kanyang layunin
sa buhay?

A. Panao B. pamatlig C. pananong D. panaklaw


3. Dahil siya ay naligaw ng landas kaya't heto siya
ngayon, nakararanas ng paghihirap sa kanyang
buhay.

A. Panao B. pamatlig C. pananong D. panaklaw


4. Magkapit-bisig tayo upang muli nating
maibalik ang ganda ng ating kapaligiran at
kalikasan.

A. Panao B. pamatlig C. pananong D. panaklaw


5. Nagsama-sama ang tanan upang ipaglaban at
ipagtanggol ang kanilang natatapakang
Karapatan.

A. Panao B. pamatlig C. pananong D. panaklaw


Panuto: Piliin ang angkop na panghalip na
bubuo sa diwa ng pangungusap.
6. ______________ ang dapat na lapitan sa oras ng problema
at pangangailangan?
A. Sino B. Tayo C. Kami D. Kanila
7. Sina Louie at Miguel ay laging magkasama sa pag-aaral
man o sa paglalaro, _______________ ay magkababata.
A. sila B. sina C. kanila D. kami
8. Mapapaunlad _______________ ang talentong
ibinigay sa akin ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy
na paghahasa at pagpapaunlad nito.

A. natin B. amin C. inyo D. ninyo


9. _______________ ay nagdiwang sa
pagkapanalo ng mga manlalarong Pinoy na
nanalo sa paligsahan.
A. Sila B. Tayo C. Kami D. Kanila
10. Marissa tanggapin ____ ang munti kong
sorpresa para sa pagdiriwang ng kaarawan ___.
A. mo B. Tayo C. Kami D. ko
Panuto: Tukuyin at piliin kung anong panauhan
o kailanan ng panghalip.
11. Ano ang panauhan ng panghalip panaong
"Niya"?
A.Una B. Ikalawa C. Ikatlo
12. Anong panauhan ng panghalip panaong
"Kami"?
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo
13. Anong panauhan naman kabilang ang
panghalip panaong "mo"?
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo
14. Anong kailanan ng panghalip panaong
"ako"?
A.Isahan B. Maramihan
15. Ano naman ang kailanan ng panghalip
panaong "kanila"?
A.Isahan B. Maramihan
Panuto: Piliin ang TAMA kung wasto ang
isinasaad ng pahayag at MALI naman
kung hindi tungkol sa akdang "Si Daniel at
Ang Kanyang mga Kaibigan.”
1. Si Aspenaz, ang hari ng babilonia na sumakop sa
kaharian ng Jerusalem.
2. Hiniling ni Daniel sa tagapagbantay na ang ibigay sa
kanilang pagkain ay pagkaing mula sa hari.
3. Sa wakas ng akda, sina Daniel at ang kanyang mga
kaibigan ang napili ng hari na maging tagapaglingkod
niya sa kaharian dahil sa taglay nilang katangian na
iba sa ibang kabataan.
4. "Manatiling tapat anuman ang suliraning kinakaharap
sa buhay," ang pinaka-aral na hatid ng akda sa mga
mambabasa.
5.Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay mga
kabataang napili na sasanayin upang maging
tagapaglingkod ng hari.
Panuto: Piliin ang TAMA kung wasto ang
isinasaad ng pahayag at MALI naman kung
hindi tungkol sa akdang "Bundok Kanlaon."
1.Sa Visayas matatagpuan ang lalawigan ng Negros.
2. Ang pangalang Negro ay nangangahulugang
maitim.
3. Ang barangay na pinamumunuan ni Datu
Dungadong ay hindi nakararanas ng gutom.
4. Tinanggap ni Kang at ang pag-big ni Laon at sila ay
namuhay nang payapa hanggang sa wakas ng
kuwento.
5. May tumubong burol at di naglaon ay naging
bundok sa lugar kung saan namatay sina Kang at
Laon kaya ito ay tinawag na Bundok Kanlaon.

You might also like